Share

Chapter 48 Ang Sorpresa ni Liam kay Yvette 

"AALIS na naman tayo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Yvette kay Liam. Maang na maang siya sa sinabi nito kaya hindi siya agad nakakilos. Kakarating lang kasi nila nu'ng isang araw galing sa bakasyon tapos ngayon ay aalis na naman sila.

Wala namang problema sa kanya iyon dahil ang nais naman talaga niya ay makasama palagi si Liam. Ang inaalala lang naman niya ay ang mga responsibilidad nito. Bahagya lang kumakalmante ang kanyang kalooban kapag sinasabi nitong may ama ito na maaaring mag-take over sa WilMar Mall habang wala ito.

"Honeymoon natin," wika ni Liam.

"Palagi naman tayong nagha-honeymoon," bulalas niya. Hindi pa niya ito napigilang ngusuan.

Napahagalpak nang tawa si Liam. Bigla tuloy siyang napatitig sa asawa. Iyon kasi ang kauna-unahang pagkakataon na tumawa nang ganoon kalutong ni Liam. Napangiti lang siya nang mapagtanto niyang malaki angbkinalaman niya sa kasiyahang nararamdaman nito. At ganoon din naman siya. Mahal niya si Liam at gusto niyang isipin na ganoon din ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status