LOGIN"Hindi pa tayo tapos gago ka. Makita pa kitang hinaharass ang aking kaibigan makita mo," masamang tingin ang pinukol niya kay Nimer pagharap niya dito. Binaba ko ang aking sumbrero para hindi magtagpo ang aming paningin.
"Ma'am ang kaibigan naman po ninyo ang may kasalanan dahil po-" hindi niya naituloy ang kanyang sinasabi dahil sinabihan siya ni Nimer na huwag ng magsalita. Tumaas lang ang kilay ng aking kaibigan sa narinig at walang pakealam na kinuha ang aking kamay at nag martsang umalis na.
"Tumabi kayo at dadaan kami," sabi niya na nakataas ang kilay.
Akala mo naman reyna ang gaga sabi ko sa aking isipan pero mas ok na ang ganyan kesa naman sa maiwan ako dito na kasama ang lalaking to. Nagsi pagilid sila at binigyan kami ng space para makaraan.
Humawak ako sa kanya at deretso kaming umalis na. Hindi siya umiimik habang naglalakad pero alam ko may gusto yang sabihin pero nagtitimpi lang. Alam ko na ang ugali ng gagang to hindi nagtagal narinig kong tumatawag si Glorina kaya sinagot ko para mawala ang kabang nararamdaman ko. Papaaminin ako ng gagang to I am sure of that.
"Nasaan na ba kayo, kanina pa ako naghihintay dito," bulyaw din ng isa kong palengkerang kaibigan ko.
"Paalis pa lang dito kaya hintayin mo na lang kami, nasaan ka na ba?" tanong ko naman pero biglang hinablot ni Jayjey ang phone at siya na ang nakipag usap.
"Buy me a pair of slippers, nawala ang isang sapatos ko dahil sa magaling mong kaibigan," sabi niya sabay sulyap sa akin ng masama.
"What happen with your shoes? Care to explain"...sabat naman ng isa.
"Tell you later, paalis na kami...bye for now...miss you bess," rinig kong sabi niya. Pagpasok namin sa sasakyan bigla siyang humarap sa akin.
"Care to explain..what's that all about?" panimula ng gaga. Nang paalis na kami dito, nagsisimula na siyang magtanong sa isip isip ko.
"Hindi ko namang sinasadya na makakabangga ko siya sa airport no. Hindi ko alam na siya pala ang hinihintay ng mga tao doon. Alangan naman na hintayin ko din siya diba! Un expected lang yun, tinulak ako sa likod kaya nabangga ko siya. Hinahabol ko na ang oras kaya binibilisan ko. Ayan na, is that fair enough bruha," inis kong paliwanag.
"Naku!!!Kalbuhin kaya kita, ngayon lang tayo magkita yan agad ang bungad mo sa akin," aniya.
"Aba!!! At anong gusto mo? I miss you bess...I love you...ganun, manigas ka...nagkandahirap nga ako sa pagsundo tapos sangkatutak pang dakdak ang inabot ko," nakanguso kong sabi.
"Ganon! At sino ba naman kasi ang matutuwa...halos magkakalahating oras na ako sa kakahintay doon. Kung hindi pa kita namukhaan sa malayo di hindi pa sana kita nakita. Alam mo bang wala pa akong kain dahil hinihintay kita," drama naman ng bruha.
"Kaya nga nag so sorry diba, hindi ko po sinasadya. Hayaan mo at ililibre tayo ng kaibigan nating galante," naka ngisi kong sagot.
"Hhhmmppp, may hindi ba ako nalalaman diyan. Si Glorina galante, sure ka...Anong meron at galante siya?" Daming tanong ng babaeng to kaya hindi masagot sagot ni James dahil sa ugaling ganyan...ugaling skwater parang hindi na america ang gaga sabi ko sa aking sarili.
"Bakit ganyan ka kung makatingin?" tanong niya.
"Wala...ang ganda mo kasi," pag iiba ko.
"Matanong nga kita bess, sabihin mo sa akin ang totoo...hindi ka ba nagwapuhan kanina kay Nimer," aniya na ikinalaki ko ng mata.
"Pwede ba huwag na natin siyang pag usapan pa ok. Close book na kaming dalawa at ayoko ng maalala pa ang mga nakaraan namin," ani ko.
"Sabagay, ikaw ba naman mawalan ng anak at ipagpalit sa babaeng higad...ang sakit nun diba! Puro sakit ang dinulot ng lalaking yon sayo kaya huwag mo na siyang balikan if ever manligaw muli. Napa walang bisa na ba ang kasal ninyong dalawa?" daldal pa niya.
Dahil sa nagmamadali akong makauwi na at dahil din sa isang bus na lang ang alam kong kaylangan kong abutan kaya kahit na malakas ang ulan tinakbo ko na lang.Basang basa ako at hingal na hingal ng makarating sa bus stop, mabuti na lang at saktong nandoon na pala ang bus kaya dali dali akong sumakay. Nanginginig ako ng makasakay dahil sa lakas ng aircon nito tapos basa pa ang buo kong katawan."Naku, ineng basang basa ka na. Heto magpunas ka kung ok lang sayo," ani ng mamang driver saka nito inabot ang isang bagong tuwalya na alam kong bago pa dahil may tag pa ito."Salamat ho," ani ko sabay ngiti dito."Walang anuman...siya umupo ka na at ng hindi ka mangawit. Papatayin ko na lang ang aircon tutal malamig naman ang panahon at iilan lang naman kayong sakay ko," ani pa nito."Maraming maraming salamat po talaga," saad ko bago umupo sa bakanteng upuan malapit sa harapan.Tumango naman ang driver bago tumutok sa daan ang tingin nito. Nanlalamig ako kaya ang tuwalyang binigay sa akin ng m
Napipi ako sa kaniyang harapan hindi ko alam ang aking isasagot sa babaeng ito. Ibang iba na siya ngayon, nakakagulat siya na nakakatuwa. "Have you eaten already," mga katagang lumabas sa aking bibig. Imbes na magalit ako dito dahil sa na late siyang umuwi pero ibang kataga ang lumabas sa bibig ko."It's almost 2 in the morning so yeah I ate already duhhhh.... Ikaw bakit gising ka pa," pahayag nito habang nakatingin sa kaniyang relo."Kakauwi ko lang din," wala sa sariling sagot ko."Ok...Siya sige at kaylangan ko ng matulog," paalam nito. Tumango ako sa kaniya at hinayaan na itong pumasok sa kwarto niya. Kahit na gusto ko pa siyang kausapin pero wala namang katagang gustong lumabas sa bibig ko kaya kahit labag sa loob ko hinayaan ko na lang siya.Hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa akin sa ngayon, baka nga kaylangan ko na talagang maghanap din ng girlfriend para maibaling ko sa iba ang pagkakahumaling ko sa kaniya. Aminin ko man o hindi pero yun ang katotohanan.Kinabukasan n
Naka tanga ako ng biglang may bumusina sa akin kaya nagulantang ako at nabalik sa kasalukuyan. Bumaling ako sa bumusina sa akin at susungitan sana ng inunahan ako nito."Nagpapakamatay ka ba?" Bulyaw nito sa akin kaya nagpanting ang aking tenga. Susugurin ko na sana ng biglang pinaharurot nito ang kaniyang sasakyan ng mabilisan."Fuck shit!!! "Sigaw ko sabay pikit ng mata saka tumingala. Bumuntong hininga ako, saka ko hinamig ang aking sarili. Makita lang kita makita mong hayop ka sa isip isip ko. Biglang nawala ang kalasingan ko, tumingin ako sa paligid at nakita kong may pa isa isa pang lumalabas sa bar."Makauwi na nga," bulong ko ng wala naman akong makitang kakaiba sa paligid. Wala namang nakapansin kanina at mukhang mga lasing na ang mga taong lumalabas.Pag uwi ko napansin kong madilim ang buong paligid. Hindi ba sinisindi ng babaeng yun ang mga ilaw sa isip isip ko. Nang lumiwanag ang buong kapaligiran nakita kong walang bakas na dumating dito. Lahat ng mga gamit ganoon pa ri
Simula ng mangyari ang tagpong yun hindi na kami muling nagkita pa. Nagalit din ako sa aking sarili kaya mas pinili ko na lang na lumayo. Tutal ginusto ko namang iwanan siya at balikan si Ivy kaya yun na lang ang pinandindigan ko.Nagalit ang aking mga magulang sa akin dahil sa mga pinaggagawa kong yun. Si lola halos hindi na ako kausapin ng mabalitaan niyang nagkahiwalay na kami ni Jenny ng dahil kay Ivy. Ayaw na ayaw nila si Ivy dahil sa ginawa nito sa akin noon pero mahal ko siya kaya kahit ano kaya kong isakripisyo.Napabuntong hininga ako ng bumalik na naman sa nakaraan ang aking alaala. I did so many mistakes at ngayon ko lang narealized na halos mali pala lahat ng mga pinaggagawa ko. Masyadong magulo pa ang utak ko noon at dahil sa nakakulong pa rin kay Ivy ang aking presensya kaya kahit na nakakasakit na ako parang wala pa rin yun sa akin.Nagbukas akong muli ng aking inumin at tinungga ko ito ng deretso. Hindi ko alam pero magulong magulo ang utak ko ngayon. Simula ng makita
Hindi ko nga lang maipaliwanag kung bakit hanggang ngayon ganoon pa rin ang estado nito samantalang ang kaniyang mga kaibigan malayo na ang narating ng mga ito. Hindi naman ako nagtatanong tungkol sa kanila pero nalalaman ko lang dahil kay Kevin at James. Alam ko hindi pa rin nakaka move on ang mga kaibigan kong ito lalo na itong si James. May malalim lang siyang problema na ayaw nitong masangkot si Jeyjey at pati kaming mga kaibigan niya.Hindi ko rin alam ang exact na dahilan kung bakit sila nagkahiwalay pero I know my friend. Hindi naman yan gagawa ng isang desisyon na walang malalim na dahilan. Hindi ko naman natanong noon kung bakit niya nagawang saktan si Jeyjey at ipagpalit ito sa babaeng pinagsawaan na ng iba't ibang lalaki.Gusto ko man itong kausapin noon pero hindi ko na nagawa dahil nahaharap din ako sa problema ko kay Jenny at kay Ivy. Bumalik sa piling ko si Ivy noon kaya nabalewala si Jenny.Noong una litong lito ako, hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin kay Jenn
Nawala talaga sa aking isipan na hindi ko na dapat gawin ito pero yun naman ang gusto ng aking katawan. Niyakap ko siya ng mahigpit saka nagpasalamat na siya ang naging roommate ko. Alam ko naman na nagdududa siya sa akin kung bakit ako nandito ngayon. I mean sa kung bakit ako nag rent at siya pa ang naging ka roommate ko.Maganda naman itong lugar na ito sa makati maraming mga mayayaman din ang nakabili ng bahay dito or should I say penth house. Isa itong pent house na binili ko pero hindi alam ni Jenny. Pinaki usapan ko lang ang isa sa kakilala ko na lapitan ang kaniyang mga kakilala sa lugar na yun para mapalapit si Jenny dito at mapatira.Supposed to be wala na akong pakealam sa kaniya pa, kaniya kaniya na kami noon pa pero ng dahil sa kalagayan ko ngayon kaya ko siya nilapitang muli.Sa paglapit kong ito nalaman ko ang kaniyang sitwasyon, doon ako naglakas loob para mapalapit na muli sa kaniya.Habang tumatagal na nakakasama ko siya, nasasaktan ako sa tuwing nakikita siyang binab







