LOGIN"I don't know, alam ko namang gagawin niya yun dahil atat na siyang pakasalan si IVY dati," ani ko.
"Pero wala kang balita, walang nagsabi sayo...ganon," aniya naman.
"Yeah!!!Simula ng maghiwalay kami, tinanggal ko na sila sa aking buhay. Ayoko ng may connection pa sa kanila at lalo lang akong masasaktan. Remember umiyak pa nga si Aling Tonia ng umalis ako. Gusto niyang may connection kami at napamahal na rin sila sa akin, ako din sa kanila pero pinili kong magpakalayo para makalimot. Mahirap pero kinaya naman awa ng Diyos at salamat sa inyong nagmahal at sumuporta sa akin," mahaba kong paliwanag.
"Aba!!!!Nagdadrama ang gaga, may kaylangan ka ano?" anya na ikinatawa ko.
"Parang ganon na nga pero totoo lahat ng sinabi ko girl. I miss you big time, mabuti na lang at bumalik ka na. Ikaw kumusta naman, kumusta kayo ng fiance mo," sabi ko.
"Wala naman akong boyfriend, fiance pa kaya" sagot naman niya na natatawa.
Nangunot ang aking noo at napatingin sa kanya , I look at her from head to foot. Wala naman akong napansin na kakaiba, akala ko ba ok sila ni James. I know before na pumunta siya sa america to pursue her dreams at the same time sundan si James doon para isurprise sa nalalapit nilang kasal.
"Don't tell me"...hindi ko natuloy ang aking sasabihin sana ng siya'y tumango. Napatutop ako sa aking bibig ng makuha ko ang ibig niyang sabihin.
"For real?" nalilito kong sabi pero hindi siya sumagot at nginuso ang kanilang driver. Chismoso nga pala to, mahirap ng magkwento at malaman ng mga kapamilya niya.
"Gonna tell you later with Glorina para malaman niya rin," sabi niya na halatang malungkot. Hindi na lang din ako umimik pa hanggang sa makarating kami.
"Best friendddd"...tili ni Glorina pagkakita sa amin.
Napayuko ako dahil tumakbo din ang isa at nagyakapan sila na akala mo sila lang ang mga tao dito. Nagsisitinginan ang mga taong nasa paligid namin. Lumapit ako sa kanila at bumulong bago pumasok na nakayuko.
"Pumasok na kayo, nakakahiya ...ang lalakas ng mga boses ninyo...akala mo galing skwater," ani ko. Pumasok ako sa restaurant at tinanong sa isang waitress kung nasaan ang aming upuan.
Iniwan ko ang dalawa at nahihiya ako sa kanilang mga pinaggagawa, akala mo naman wala ng ibang araw na magkwentuhan. Kumain na lang ako sa mga pagkaing nasa harapan ko, umorder talaga ang bruha kong kaibigan ng masasarap na pagkain. Mga favorite naming tatlo.
"Hhhmmpp, not bad" bulong ko at nauna ng kumain. Bahala na sila sa kanilang mga buhay basta ako kakain sabi ko sa aking sarili at nilantakan na ang mga pagkain. Ngayon ko lang naramdaman ang matinding gutom, hindi ko maramdaman kanina dahil sa hindi kaaya ayang pagkakataon na nangyari.
Hindi ko sinasadyang makita siya kanina, napakatagal na panahon ko siyang iniiwasan. Ginawa ko na ang lahat para makawala sa pesteng pagmamahal na to which is gumana naman. I erase all the person involved with him, ayoko nang may nagpapaalala pa sa kanya.
Pinalipat ko na rin sila Nanay ng tirahan noong nakapag ipon na ako ng konti, binenta namin ang bahay at lupa sa Cavite at lumipat sa Antipolo. Isang kakilala ng pamilya ni Jayjey ang may ari ng lupa at bahay na yun, nag migrate na kasi sa america ang may ari noon kaya nabili ko siya ng hindi gaano mahal pero para sa akin mahal na yun
Ayoko sanang bilhin dahil nasa 3 milyon ang balor non. Hindi ko kaya dahil ang perang hawak ko lang ay nasa 1.2 milyon lang siya kasama na doon ang aming pinagbilhan ng bahay at lupa. Pinag sama sama namin lahat ng aming pinag bentahan at ng aking kaunting ipon para mabili yun.
Pinautang ako ng dalawa ng mahigit kalahating milyon para pandagdag pa. Kasama ko silang dalawa ng mabili yung bahay na yun, ok lang naman sa may ari na yun na lang muna nag ibigay ko. Pwede daw installment, bayaran ko na lang daw kapag nakaluwag luwag na ako.
Tuwang tuwa ang aking mga kapatid ng makita ang bagong bahay namin. Hindi rin mapagsidlan ang saya ng aking mga magulang kaya napabili ako ng di oras. Pinapinturahan ko at pinaayos ng konti bago ko sila pinalipat. Malaki at maluwang kasi dito kaya mahal. Kung sa iba daw mga nasa sampong milyon daw ata ang balor nito, wala naman daw iba iba kaya ok na daw yun.
Naawa ata ang may ari sa amin sabi ko pa dati. Nasa 600 square meter ang luwang ng lupa. Ang sukat ng bahay nasa 200sq.meter sa baba at ganoon din sa taas. may apat na kwarto sa taas. May dalawang kwarto sa baba kwarto nila Nanay at isang stock room, salas at dining area. Sa taas may apat na kwarto, tig isa kami at isang guess room. may dalawa na ring banyo.
Dahil sa nagmamadali akong makauwi na at dahil din sa isang bus na lang ang alam kong kaylangan kong abutan kaya kahit na malakas ang ulan tinakbo ko na lang.Basang basa ako at hingal na hingal ng makarating sa bus stop, mabuti na lang at saktong nandoon na pala ang bus kaya dali dali akong sumakay. Nanginginig ako ng makasakay dahil sa lakas ng aircon nito tapos basa pa ang buo kong katawan."Naku, ineng basang basa ka na. Heto magpunas ka kung ok lang sayo," ani ng mamang driver saka nito inabot ang isang bagong tuwalya na alam kong bago pa dahil may tag pa ito."Salamat ho," ani ko sabay ngiti dito."Walang anuman...siya umupo ka na at ng hindi ka mangawit. Papatayin ko na lang ang aircon tutal malamig naman ang panahon at iilan lang naman kayong sakay ko," ani pa nito."Maraming maraming salamat po talaga," saad ko bago umupo sa bakanteng upuan malapit sa harapan.Tumango naman ang driver bago tumutok sa daan ang tingin nito. Nanlalamig ako kaya ang tuwalyang binigay sa akin ng m
Napipi ako sa kaniyang harapan hindi ko alam ang aking isasagot sa babaeng ito. Ibang iba na siya ngayon, nakakagulat siya na nakakatuwa. "Have you eaten already," mga katagang lumabas sa aking bibig. Imbes na magalit ako dito dahil sa na late siyang umuwi pero ibang kataga ang lumabas sa bibig ko."It's almost 2 in the morning so yeah I ate already duhhhh.... Ikaw bakit gising ka pa," pahayag nito habang nakatingin sa kaniyang relo."Kakauwi ko lang din," wala sa sariling sagot ko."Ok...Siya sige at kaylangan ko ng matulog," paalam nito. Tumango ako sa kaniya at hinayaan na itong pumasok sa kwarto niya. Kahit na gusto ko pa siyang kausapin pero wala namang katagang gustong lumabas sa bibig ko kaya kahit labag sa loob ko hinayaan ko na lang siya.Hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa akin sa ngayon, baka nga kaylangan ko na talagang maghanap din ng girlfriend para maibaling ko sa iba ang pagkakahumaling ko sa kaniya. Aminin ko man o hindi pero yun ang katotohanan.Kinabukasan n
Naka tanga ako ng biglang may bumusina sa akin kaya nagulantang ako at nabalik sa kasalukuyan. Bumaling ako sa bumusina sa akin at susungitan sana ng inunahan ako nito."Nagpapakamatay ka ba?" Bulyaw nito sa akin kaya nagpanting ang aking tenga. Susugurin ko na sana ng biglang pinaharurot nito ang kaniyang sasakyan ng mabilisan."Fuck shit!!! "Sigaw ko sabay pikit ng mata saka tumingala. Bumuntong hininga ako, saka ko hinamig ang aking sarili. Makita lang kita makita mong hayop ka sa isip isip ko. Biglang nawala ang kalasingan ko, tumingin ako sa paligid at nakita kong may pa isa isa pang lumalabas sa bar."Makauwi na nga," bulong ko ng wala naman akong makitang kakaiba sa paligid. Wala namang nakapansin kanina at mukhang mga lasing na ang mga taong lumalabas.Pag uwi ko napansin kong madilim ang buong paligid. Hindi ba sinisindi ng babaeng yun ang mga ilaw sa isip isip ko. Nang lumiwanag ang buong kapaligiran nakita kong walang bakas na dumating dito. Lahat ng mga gamit ganoon pa ri
Simula ng mangyari ang tagpong yun hindi na kami muling nagkita pa. Nagalit din ako sa aking sarili kaya mas pinili ko na lang na lumayo. Tutal ginusto ko namang iwanan siya at balikan si Ivy kaya yun na lang ang pinandindigan ko.Nagalit ang aking mga magulang sa akin dahil sa mga pinaggagawa kong yun. Si lola halos hindi na ako kausapin ng mabalitaan niyang nagkahiwalay na kami ni Jenny ng dahil kay Ivy. Ayaw na ayaw nila si Ivy dahil sa ginawa nito sa akin noon pero mahal ko siya kaya kahit ano kaya kong isakripisyo.Napabuntong hininga ako ng bumalik na naman sa nakaraan ang aking alaala. I did so many mistakes at ngayon ko lang narealized na halos mali pala lahat ng mga pinaggagawa ko. Masyadong magulo pa ang utak ko noon at dahil sa nakakulong pa rin kay Ivy ang aking presensya kaya kahit na nakakasakit na ako parang wala pa rin yun sa akin.Nagbukas akong muli ng aking inumin at tinungga ko ito ng deretso. Hindi ko alam pero magulong magulo ang utak ko ngayon. Simula ng makita
Hindi ko nga lang maipaliwanag kung bakit hanggang ngayon ganoon pa rin ang estado nito samantalang ang kaniyang mga kaibigan malayo na ang narating ng mga ito. Hindi naman ako nagtatanong tungkol sa kanila pero nalalaman ko lang dahil kay Kevin at James. Alam ko hindi pa rin nakaka move on ang mga kaibigan kong ito lalo na itong si James. May malalim lang siyang problema na ayaw nitong masangkot si Jeyjey at pati kaming mga kaibigan niya.Hindi ko rin alam ang exact na dahilan kung bakit sila nagkahiwalay pero I know my friend. Hindi naman yan gagawa ng isang desisyon na walang malalim na dahilan. Hindi ko naman natanong noon kung bakit niya nagawang saktan si Jeyjey at ipagpalit ito sa babaeng pinagsawaan na ng iba't ibang lalaki.Gusto ko man itong kausapin noon pero hindi ko na nagawa dahil nahaharap din ako sa problema ko kay Jenny at kay Ivy. Bumalik sa piling ko si Ivy noon kaya nabalewala si Jenny.Noong una litong lito ako, hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin kay Jenn
Nawala talaga sa aking isipan na hindi ko na dapat gawin ito pero yun naman ang gusto ng aking katawan. Niyakap ko siya ng mahigpit saka nagpasalamat na siya ang naging roommate ko. Alam ko naman na nagdududa siya sa akin kung bakit ako nandito ngayon. I mean sa kung bakit ako nag rent at siya pa ang naging ka roommate ko.Maganda naman itong lugar na ito sa makati maraming mga mayayaman din ang nakabili ng bahay dito or should I say penth house. Isa itong pent house na binili ko pero hindi alam ni Jenny. Pinaki usapan ko lang ang isa sa kakilala ko na lapitan ang kaniyang mga kakilala sa lugar na yun para mapalapit si Jenny dito at mapatira.Supposed to be wala na akong pakealam sa kaniya pa, kaniya kaniya na kami noon pa pero ng dahil sa kalagayan ko ngayon kaya ko siya nilapitang muli.Sa paglapit kong ito nalaman ko ang kaniyang sitwasyon, doon ako naglakas loob para mapalapit na muli sa kaniya.Habang tumatagal na nakakasama ko siya, nasasaktan ako sa tuwing nakikita siyang binab







