Compartir

My Hot Young Professor Became My Husband?
My Hot Young Professor Became My Husband?
Autor: Miss Hunterx_A

Kabanata 1

last update Fecha de publicación: 2025-02-12 23:30:47

Story Written by: Miss Hunterx_A

-

KABANATA 1.

Alas otso na ng gabi ngunit nasa orange house bar sa kapasigan parin matatagpuan si Irish Alian isang stupidyante este studyante ng Rizal High school senior high level. Maganda, matalino pero lassengera sa edad na 17 years old ay malakas na syang uminom ng alak at di pa daw pinapanganak ang taong tatalo sa kanya at magpapasuko pag dating sa inuman. naka school uniform pa sila ng kanyang mga barkada at di naman sila pinagbabawalan sapagkat exclusive ang bar na iyon para sa mga students dahil ito ay tago at walang permit.

"ORAYYYTTT.. TAGAY PAAAA!!" Sigaw ng classmate nyang babae sabay taas ng kamay nitong may hawak na bote ng beer, sabay sabay nilang itinaas ito bilang hudyat ng isang kampay. malakas na tawanan, hiyawan at nakakabinging sounds mula sa bar ang maririnig sa loob ngunit tila tahimik lamang sa labas sapagkat dinesenyo ang lugar na ito bilang soundproof, walking distance lamang ito sa school nila kaya mabilis silang nakakarating kung gugustuhin. tanging mga regular costumer at karamihan ay studyante ang karaniwang costumer ng nasabing bar.

Nahihilo man ay di mapigilan ni irish na makaramdam na puputok na ang pandog nya dahil sobrang naiihi na sya. "Saglit lang guys ihi lang ako" sambit nya.. okay sige lang rish sabi ng isang kasama nila. pasuray suray syang naglakad patungo sa Cr, madilim at patay sindi ang ilaw ng paligid at isa pa'y madami na syang nainom kaya hindi sinasadyang may nabangga syang isang matigas na bagay.. "ouchhhh!! hindi kaba tumitingin sa dinadaanan mo manong?!! singhal ni irish.

Pilit nyang inaaninag ang taong nakabangga ngunit sa tangkad nito'y di nya makita ang itsura. hindi ito gumagalaw at nakatitig lamang sakanya. "Hoy manong! ano gandang ganda? tititig ka nalang? di ka ba mag sosorry manlang? tsk! jan kana nga, pisti puputok na pantog ko e" dinere diretso nya ang lakad hanggang makarating sa banyo at iwang nakatayo padin ang lalaking nakabanggaan.

Samantala.. sa isang mini vip room sa bar ay naroon si Terrance ionne Padilla isang kilalang bilyonaryo at ubod ng sarkastiko, mayabang at Snob lalo na sa mga babae. Ngunit sa larangan ng negosyo ay kilala ito dahil sa galing at focus sa trabaho. kinatatakutan din ito ng ibang mga mayayamang negosyante dito sa pilipinas dahil kakaiba ito kumilos at may kakayahan ang pamilya nito na magpabagsak ng ibat ibang klase ng negosyo oras na hindi nito magustuhan ang nangyayare. mayroon syang ka- negotiate sa Lugar at dito pinili ng ka-meeting na makipag tagpo sakanya.

Habang nakikipag usap sya sa taong ka meeting nya ay di mawala sa isip nya ang batang babae nakabanggaan nya kani-kanina lamang at halata namang bata pa dahil naka school uniform pa ito at maangas ang dating. di nakaligtas sakanya ang angkin nitong ganda, kakaiba, simple at maamo ang maputi nitong mukha pero kabaliktaran dahil mukha itong basagulera sa wari nya'y lasing na ito kaya di nya na binigyang pansin ngunit ang kinaiinisan nya ay nang tawagin sya nitong manong, dumilim muli ang ekspresyon ng mukha nito ng maalala ang pagtawag nito sakanya ng manong. "Mukha na ba akong manong?" tanong nya sa sarili. ngumiti sya ng bahagya ngunit may pait.

Sa pag balik ni irish sa pwesto nila ng mga barkada nya ay wala na ang mga ito, napangiti at napailing na lamang sya dahil gaya ng inaasahan nya at lagi namang nangyayare ay napagiwanan nanaman sya at pakiramdam nya'y nanalo nanaman sya dahil alam nyang lasing na lasing na ang mga ito at sya ang naiwang malakas. "haha mga kup*al" saad nya at dumeretso sa counter para mag order ng isa pang bucket ng beer. "hoy rish mukhang nakakarami kana a" sabi ng barista na medyo naging kaibigan nya na dahil sa dalas nya doon. "hmmp.. medyo palang yakang yaka ko pa to! ako paba james? sabay flex ng payat na braso bilang pagpapakita na malakas sya. "hahaha ikaw talagang bata ka sigurado yari ka nanaman sainyo pag uwi mo ng bahay" sabi ng lalaki. natawa na lamang si irish at bumalik na sa pwesto nya upang lagukin ang bagong bili na alak.

Bumalik sa kanyang alala kung bakit nga ba sya naging alcoholic, 5 years old pa lamang sya noon ng iwan silang mag-ama ng kanyang ina kahit bata pa ay naaalala nya na ang mga bagay na iyon. Sa kanyang nauunawan ay may sinabe sila sa buhay dati dahil may kaya ang kanyang ina ngunit nawala itong parang bula kasama ng kanyang ina, at ang dahilan noon ng paghihiwalay nila ay ang pangangaliwa ng kanyang ama sa matalik na kaibigan ng kanyang ina na madrasta nya na ngayon.

Natawa sya ng mapait ng kahit ang mukha ng kanyang ina ay di nya na maalala tanging isang jade bracelet na kulay green at may nakaukit ng initial nya ang naiwan ng ina. kung sana lamang ay ipinaglaban sya ng ina ay di sana ganto ang sasapitin niya sa kamay ng madrasta. napailing nalang sya at tuloy tuloy na nilagok ang kanyang inumin.

Sa pag lipas ng dalawang oras ay naubos nyang muli ang isang bucket ng alak at sa tingin nya ay lasing na sya hudyat para umuwi na alas onse nadin ng gabi at tiyak na mag aalburoto nanaman ang kanyang ama at siguradong susul-sulan nanaman ito ng madrasta. Ngunit sobrang nahihilo na sya at sa bawat galaw nya ay nagmimistulang nagsasayawan ang lahat ng bagay na kanyang nakikita.

"Hindi.. kaya ko pa to! hikk! kaya mo pa to irish, malakas ka diba? "hikk! tunog ng sinok nya', tinampal tampal nya ang sarili upang mahimasmasan sya. Nang subukan nya muling tumayo at kumilos ay nawalan sya ng balase kaya nama'y aaktong mabubuwal na sya sa kinatatayuan ng biglang isang matigas na bisig ang sumalo sa kanyang beywang at napigilan nito ang nakatakdang pag tama nya sa sahig. "Watch your step bata" isang baritonong boses ang nanggaling sa matangkad na lalaki ang kanyang narinig. hindi nya na ito maaninag dahil bukod sa madilim e lasing na lasing na talaga sya pero alam nya pa ang mga nangyayare.
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Comentarios (6)
goodnovel comment avatar
AL Zadjen
Ang ganda ng story sana lagi may update ...️
goodnovel comment avatar
AL Zadjen
nagsend ako ng gems
goodnovel comment avatar
AL Zadjen
WHAHAHHAHAHAA
VER TODOS LOS COMENTARIOS

Último capítulo

  • My Hot Young Professor Became My Husband?   Kabanata 383

    Habang ang kanyang ina naman na si irene ay masayang bumibisita palagi sakanila upang hiramin naman ang dalawang apo na si altan at thea tuwing may pagkakaton, ginagawa niya iyon upang maiwasan rin ang pangungulila sa kanyang lolo lendon na nakasama parin niya ng medyo matagal bago ito pumanaw at ma

  • My Hot Young Professor Became My Husband?   Kabanata 382

    KABANATA 382. Parang eksena sa teleserye ang nangyari at halos buong sambayan ay nakatutok sa kani-kanilang tahanan. Lahat ay nakasaksi sa mga nangyaring iyon sa mainit na gabing kahit na kailan para kay irish ay hinding hindi niya makakalimutan hanggang sa paglipas ng mga panahon. ~~~ 3 YEA

  • My Hot Young Professor Became My Husband?   Kabanata 381

    KABANATA 381. Agad na sabay na napalingon si irish at ivy sa kanilang ama na si allan dahil sa rebelasyon nito sa sitwasyong iyon. "P-papa? anong sa-sabi mo?" Takang tanong ni irish sa ama. "S-sinong ate? anong magkapatid?" Sumunod na tanong naman ni ivy at bakas na bakas ang gulat sa

  • My Hot Young Professor Became My Husband?   Kabanata 380

    KABANATA 380. Halos tumakbo na si terrance paakyat sa huling palapag ng mataas na building upang hanapin ang kanyang asawa. "Irish..Wifey! come on.. where are you? Nandito na ako!" Sigaw ni terrance habang tumatakbo at hinahanap si irish. Napalingon si irish ng marinig ang pamilyar na boses

  • My Hot Young Professor Became My Husband?   Kabanata 379

    KABANATA 379. Nakatutok ang buong pilipinas sa live broadcast na nagaganap gamit ang drone kaya halos lahat ay may samot saring kumento rito. mayroong natatakot, kinakabahan, nagagalit at inaabangan ang mga susunod pang mangyayari. "Tigil!" Nagpaputok sa itaas si terrance kaya napatigil si a

  • My Hot Young Professor Became My Husband?   Kabanata 378

    KABANATA 378. "S-si ivy?" Halos mabingi si allan ng makumpirmang ang kanyang anak na panganay muli ang nagbabanta ngayon sa buhay ng anak. Nabitiwan niya ang hawak na telepono at iniliko pabalik sa apartment ni helen ang kanyang sasakyan. "Hello! allan? allan?" Malakas na sigaw ni irene n

  • My Hot Young Professor Became My Husband?   Kabanata 308

    KABANATA 263. "Daddy! Mommy!".. Sigaw ng umiiyak na bata habang hawak hawak ito ng tauhan ni terrance na dati pa niyang kilala, Umiiyak ang bata at nagpupumiglas ngunit hinihila ito ng tauhan ni terrance papunta sa likod ng stage. Nanlaki ang mga mata niya ng mapagtantong ang batang inilalayo at

    last updateÚltima actualización : 2026-04-01
  • My Hot Young Professor Became My Husband?   Kabanata 299

    KABANATA 254. "Ha! at sino ka naman para magbigay ng kundisyon saamin? baka nakakalimutan mong ikaw ang may atraso na dapat pagbayaran!" Agad tumindig si vivian ng parang uminit ang sulok ng tenga niya sa sinabi ni ivy. "Mommy vi please forgive my mom, for the sake of your love to me, promise me

    last updateÚltima actualización : 2026-04-01
  • My Hot Young Professor Became My Husband?   Kabanata 284

    KABANATA 240. Lumipas ang mag damag na parang kay gaan lamang ng lahat. "Anak irish, Mag iingat kayo ng iyong pamilya dito, alagaan mong mabuti si altan at ingatan ang pabubuntis mo. nasa malayo ang papa anak kaya naman hindi ako agad-agad na makakapunta kapag kailangan mo ako... Ngunit ganunp

    last updateÚltima actualización : 2026-03-31
  • My Hot Young Professor Became My Husband?   Kabanata 273

    KABANATA 229. "Hindi papa, ako ang may kasalanan kaya ito nangyari saatin... maaga akong sumuway at hindi manlang inisip ang maaaring kahahantungan ng mga disesyon ko sa buhay.. bata pa ako noon at mapusok, kung sana ay nakinig lamang ako sainyo ng mama ay wala sanang pagsisisi ngayon saaking puso

    last updateÚltima actualización : 2026-03-31
Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status