Share

Kabanata 2

last update Huling Na-update: 2025-02-13 09:03:40

KABANATA 2.

20 seconds silang nasa ganoong posisyon nang mapagtanto nyang parang pamilyar ang amoy ng pabango ng lalaking nakahawak sa beywang nya, pinag halong alak at pabango na gustong-gusto ng mga kababaihan dahil sa di masyadong matapang at matamis na amoy nito. biglang naputol ang pagtititigan nila nang bumalik sya sa kanyang sarili agad nyang itinulak ng malakas ang lalaki kaya nabitawan sya nito at tuluyang lumagapak sa sahig.

"AHCCKK!! ARAAAYYY!" ANSAKIT NG PW*T KO BAT MOKO BINITAWAN?!".. reklamo ni irish ng pasigaw. " Are you crazy woman? tinulak moko kaya binitawan kita!" sabi ni terrance habang inaayos nito ang kurbata nyang nawala sa ayos. kahit nahihilo at masakit ang pang-upo ay mabilis na tumayo si irish at sininghalan muli ang lalaki. "Hoy Manong sinabi ko ba kasing saluhin mo ko? tyaka malay ko ba kung tsinatsansingan mo lang ako, antanda tanda mo na papatol kapa sa minor! at bakit bata ang tawag mo sakin? di na ko bata 2 months nalang ay mag dedebut na ko no!.." mahabang litanya ni irish.

"aaaah.. talaga di kana bata? so pwede kana palang mag asawa?' sabay makahulugang ngiti ang ipinukol ni terrance sakanya. Biglang namula ang pisngi ni irish sa di maipaliwanag na dahilan. Pagak na natawa si terrance ng makita ang inakto ng babaeng kausap. "why? are you blushing?" dagdag asar pa nito. "H-hindi a! kanino ako mag bublush! sa matandang hukluban gaya mo?! no way!" mariing saad nya sa lalaki.

Dahil sa nakita at narinig, mas lalo nyang ininis ang babae dahil di nya inaasahang makikita nya ulit ito. sya ang babaeng nakabanggaan nya kanina at tumawag sakanya ng manong kaya uminit ang ulo nya at di naka pag focus sa transactions nya kanina, anlakas talaga ng loob netong ulitin muling tawagin syang matanda. kunot noo nyang pinagmasdan ang babae na di na nga yata magawang tumayo ng tuwid dala ng kalasingan pero anlakas padin ng loob makipagtalo sakanya.

Naiinis sya dahil ito ang kauna unahang babae ang nag lakas loob na sabihing mukha syang manong at matanda, sa dinami-rami ng nagkakadarapang babae sakanya dahil sa angkin nyang kagandahang lalaki ay di sya papayag na sa isang batang pandak na ito lamang ay di pumasa ang panlabas nyang kakisigan. sya si terrance padilla at walang babae ang di sya kayang gustuhin, lahat ng babae ay humahanga sakanya kahit saang lugar sya mapadpad, kaya nag tataka sya kung bakit di makita iyon ng babaeng kausap, "sh*t! bulag ba ito?" sambit nya sa isip. nagtatangis ang bagang nya sa isiping iyon. Tila ba tinapakan ang pagkalalaki nya sa mga sandaling iyon

Hinigit nyang muli ang beywang ng babae at inilapit ang bibig nya sa tenga nito at marahang nag salita.."Ulitin mo pang tawagin akong manong o matanda, i will make sure na makakatikim ka ng masarap na halik ni hudas" sambit ni terrance. umalingawngaw sa tenga nya ang mapang akit ngunit mapag banta nitong turan. Sandaling tumayo ang mga balahibo nya sa eksenang iyon.

Lalong nag init ang mukha ni irish sa narinig, lalo na ang kakaibang kiliti sa tenga nya dulot ng mainit ngunit mabangong amoy ng hininga ng lalaki at first time nyang makaramdam ng ganito sa buong buhay nya kaya naging aligaga sya at walang sabi sabi ay sinapak nya ng malakas si terrance at sumigaw sya ng "CHILD ABUSEEEEE!!".. MANYAKKK!!..

Nakakuha sya ng maraming atensyon buhat sa mga taong naroon kaya nang nawala sakanya ang paningin ni terrance ay mabilis nyang dinampot ang mga gamit nya at agad na nanakbo palabas ng bar. sobrang kabado sya sa ginawa nya pero naisip nyang dapat lang yun sakanya, "ew ew! kadiri, di ko nga makita mukha nya antangkad, kapre ba yun?" turan nya sa sarili. nang masiguradong hindi naman sya sinundan ng lalaki ay dali dali syang pumara ng taxi pauwi sa bahay nila.

Naiwang nakakunot ang noo ni terrance at hawak ang kaliwang pisngi di makapaniwalang sa una muling pag kakataon ay nakatikim sya mg sampal mula sa iisang babae. "DAMN! WTF!? Gusto na ba talaga nyang mamatay?! " sambit nya at aktong hahabulin sana nya ang babae ngunit biglang nag ring ang phone nya at hindi maaaring di nya sagutin iyon dahil ang kanyang grandma ang nasa kabilang linya. wala syang nagawa kundi sagutin ito ng makailang ring na ang phone nya.

"hello grandma?" why?".. sagot nya sa phone habang hawak parin sa kabilang kamay ang kaliwang pisngi. "Terrance, apo kailan mo ba ako bibisitahin dito sa mansyon? matanda na ako pero kahit ang nag iisa kong apo ay minsan lamang kung bumisita saakin hhmm.." may himig tampong saad ng kanyang lola. Sa lola sya lumaki at ito ang nag alaga sakanya dahil busy sa business world ang mga magulang niya, ngunit nang magkaisip na sya ay bumukod na sya at naging abala din sa mga negosyo ng pamilya.

"okay grandma i will be there tomorrow night alright!?" sabi ni terrance ngunit wala doon ang kanyang isip kundi nasa batang pandak padin na sumampal sakanya. marahan nyang ibinaba ang tawag at umalis na sa lugar na iyon. sa isip nya ay mag kukrus muli ang landas nila ng babae at sisiguraduhin nyang pag babayaran ng babae ang ginawang kahihiyan nito sakanya.

Samantala, lasing man ay medyo nahimasmasan na si irish ng makarating sa bahay nila. Sinalubong sya ng isang malakas na sampal galing sa kanyang ama. tila nanigas sya sa kanyang pagkakatayo at namanhid ang kanyang pisngi dahil sa lakas noon.

.." Hindi kaba talaga titigil sa pag iinom at pag uwi ng gantong oras bata ka?! .. Saad ng kanyang ama galit na galit ito habang katabi nito ang kanyang madrastang si ginang marites, may bahid pag aalala ang mukha nito ngunit lingid sa kaalaman ng kanyang ama ay puros kaplastikan lamang iyon, dahil ang totoo ay ubod ng sama ang ugali nito at nagpapanggap lamang sa harap ng kanyang ama.

.."Ano! sumagot ka!" Saad ng kanyang ama na si Mang Allan. Di na sya nakasagot dahil sanay na sya sa mga pangangaral ng ama at makailang beses na din syang napagbuhatan nito ng kamay magmula ng mag hiwalay ito at ng kanyang tunay na ina.
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rolyza Doctor-Gutlay
very interesting ...
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • My Hot Young Professor Became My Husband?   Kabanata 360

    KABANATA 360. Napakunot ng noo at natigilan si helen sa pag iyak ng marinig ang pangalang binanggit ni manang ester na siyang pangalan ng kanyang anak. "Manang ano nga po ulit iyon? ang totoong pangalan ng anak ko?" Nagmamadali niyang hinawakan muli ang isang braso ng matanda na nagulat dah

  • My Hot Young Professor Became My Husband?   Kabanata 359

    KABANATA 359. "Maupo ka ma'am, sandali at ikukuha lamang kita ng maiinom. pasensya na po kayo dahil makalat at maliit lamang po itong bahay.." Saad ni manang ester at kumuha ng tubig upang ibigay kay helen. Sinipat naman ni helen ang buong bahay kahit na maliit lamang iyon ay halata namang

  • My Hot Young Professor Became My Husband?   Kabanata 358

    KABANATA 358. "A- s-sa totoo lang may punto ka honey.. hindi ko naisip ang bagay na iyan, basta't ang unang tumakbo sa isip ko ay ang pag aalala sa kalagayan at mararamdaman ni ivan ngayon" Dinig niyang saad ng kanyang ina na si vivian, maging siya ay bahagyang nagulat din sa sinabi ng ama at k

  • My Hot Young Professor Became My Husband?   Kabanata 357

    KABANATA 357. Matapos makausap ni terrance ang doktor ni ivan ay bumalik siya sa silid ng anak upang ayusin naman sana ang mga gamit nitong dadalhin. Pag bukas niya ng pintuan ay naaktuhang natutulog palang muli ang bata kaya naman hindi na muna niya ito ginising at inistorbo. Alam niyang kaila

  • My Hot Young Professor Became My Husband?   Kabanata 356

    KABANATA 356. Maya-maya rin ay nilamon na si irish ng antok dahil maaga silang nagising kanina upang kausapin ang doktor ng anak. Hindi na niya namalayang mabilis na lumalim ang naging tulog niya dahil sa kapanatagan ng pag iisip dahil nasa tabi na niya ang kanyang anak at nasa mabuti na itong kala

  • My Hot Young Professor Became My Husband?   Kabanata 355

    KABANATA 355. Ipinagsa walang bahala na lamang ni irish ang iniisip tungkol sa ama dahil halata namang umiiwas ito sa maaari pa niyang itanong rito, hinayaan niyang huwag nalang iyon usisain pa at ituon nalang muna ang buong atensyon sa kakalabas lamang na anak. Ilang sandali pa ay tumunog ang t

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status