Home / Romance / My Husband Betrayed Me, Now My Best Friend's Uncle Wants Me / CHAPTER 6 — THE MISSING PIECES OF OUR MARRIAGE

Share

CHAPTER 6 — THE MISSING PIECES OF OUR MARRIAGE

Author: sweetjelly
last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-11 16:21:43

SAIANA VANSAN

Ilang sandali akong natahimik matapos marinig ang sinabi ni Dyruz.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Kasi natural lang naman na magalit siya. Ang ayoko lang ay masaktan siya o makasakit ng iba.

Sa halip, inayos ko ang pagkakaupo ko sa kama.

“Dyruz… 'wag mo na ulit gawin 'yon, puwede ba?”

Napatingin siya sa akin. “Why? Naawa ka ba sa lalaking 'yon?”

Umiling ako. “No... Binigyan mo nga siya ng leksiyon. Nasaktan ka naman.” Hinaplos ko ang kamay niya at hinalikan ko pa,
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nan
Nakakatuwa naman ang tanong nya ni Dyruz,maubusan katalaga sa isasagot hanggat hindi nya pa maaalala ang lahat
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • My Husband Betrayed Me, Now My Best Friend's Uncle Wants Me   CHAPTER 9 — THE FAMILIAR ROUTINE

    SAIANA VANSANNag-iinit ang mukha ko sa hiya.Pero itong kamay ko, walang hiya. Talagang pasaway… Kusang gumapang sa dibdib niya.“Saiana…”“Yes, asawa ko…” Inangat ko ang tingin ko at sinalubong ang tingin niya.Akala ko bibigay na siya… Ang lambing kaya ng boses ko, pero dinakma niya lang ang kamay ko bago pa ito umabot sa puson niya.“Matulog ka na…”Napakakalmado lang ng boses niya habang sinasabi iyon.Hindi man lang ba siya tinigasan?Grabe ang restraint niya. Nagawa pa niyang ayusin ang kumot ko hanggang sa dibdib ko bago humiga sa tabi ko.Napahaba tuloy ang nguso ko. Mukhang ayaw niya talagang diligan ako.Masarap naman akong gulay, pero ayaw niyang tikman.“Fine.”Ngumiti siya bago pinatay ang bedside lamp.Yumakap na lang ako sa kaniya at ipinikit ang mga mata ko. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.***Kinabukasan, pagkagising ko, wala na si Dyruz sa tabi ko. Lagi namang ganito. Maaga siyang umaalis, pero maaga rin siyang umuuwi.Hinaplos ko ang bahagi ng hinigaan ni

  • My Husband Betrayed Me, Now My Best Friend's Uncle Wants Me   CHAPTER 8 — A LITTLE TOO EAGER

    SAIANA VANSANDahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.Hindi na ang puting kisame ng hospital room ang bumungad sa akin kundi ang pamilyar na kisame ng kuwarto namin sa mansiyon.Napalingon ako sa gilid nang maramdaman kong may katabi ako.Si Dyruz…Mahimbing siyang natutulog habang nakatagilid paharap sa akin. Bahagyang magulo ang buhok niya at may bagong tubo na namang balbas sa panga.Hindi ko napigilang mapangiti. Ganitong mukha ba naman ang bubungad sa'yo… parang lutang ka araw-araw.Wala akong ibang ginawa kundi pagmasdan siya bago ko marahang iniangat ang kamay at hinaplos ang baba niya.Ang gaspang… pero nakakakiliti sa kamay ko. Paano kaya kung sa leeg ko? Ano kaya ang pakiramdam?Napatakip ako ng bibig. Pinipigilan kong mapaungol.Jusko! Ano ba ang nangyayari sa akin? Babae ako, pero manyakis…Umayos ka, Saiana.Kagat-kagat ko naman ang ibabang labi ko. Gusto kong haplusin ang pisngi niya, pero baka magising na siya.At kapag nagising siya, siguradong lalayo na naman siya…

  • My Husband Betrayed Me, Now My Best Friend's Uncle Wants Me   CHAPTER 7 — THE HUSBAND I BETRAYED

    SAIANA VANSANParang sabay na napigil nina Dyruz at Viena Criz ang hininga nila.At hindi ko gusto ang nakikita ko. Halatang may tinatago sila. Kasi hindi sila matataranta nang ganito kung wala.“Ano ba? Sumagot kayo!” Hindi ko na mapigilan ang pagtaas ng boses. Nakakairita sila.Nagkatinginan pa ang dalawa bago muling ibinalik ni Dyruz ang tingin sa akin.“Hindi… hindi kita ibinahay…” Nagkanda-utal-utal si Dyruz.“Then, bakit iilan lang ang damit ko sa closet? Walang jewelry, pati underwear ko, puro bago?”Ilang beses napatingin si Dyruz kay Viena Criz. Parang humihingi siya ng tulong.“Dyruz… magsabi ka ng totoo, please. Hindi porket may amnesia ako, gagawin n’yo akong tanga!”Bumuntong-hininga siya at sandaling pumikit.“We separated for years.”Napabangon ako.“Anong nagkahiwalay? Bakit?”Napisil ko ang ulo ko. Akala ko, wala akong nakakalimutan tungkol sa aming dalawa ni Dyruz. Pero mayroon pala.“Ano ba talaga ang nangyari? Anong dahilan?”Muli silang nagkatinginan ni Viena.“You

  • My Husband Betrayed Me, Now My Best Friend's Uncle Wants Me   CHAPTER 6 — THE MISSING PIECES OF OUR MARRIAGE

    SAIANA VANSANIlang sandali akong natahimik matapos marinig ang sinabi ni Dyruz.Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Kasi natural lang naman na magalit siya. Ang ayoko lang ay masaktan siya o makasakit ng iba.Sa halip, inayos ko ang pagkakaupo ko sa kama.“Dyruz… 'wag mo na ulit gawin 'yon, puwede ba?”Napatingin siya sa akin. “Why? Naawa ka ba sa lalaking 'yon?”Umiling ako. “No... Binigyan mo nga siya ng leksiyon. Nasaktan ka naman.” Hinaplos ko ang kamay niya at hinalikan ko pa, na ikinalaki ng mga mata niya. “Next time, iutos mo na lang sa iba.”Bahagya siyang napangiti. “Malayo naman 'to sa bituka… mas malala ang nangyari sa kanya.”Nanliit ang mga mata kong tinitigan siya.“Mas malala? Lumabas ba ang bituka niya?”Napalakas ang tawa niya. Bagay na ngayon ko lang nakita sa kanya mula nang magkamalay ako. Kaunting ngiti lang at madalas na poker face ang ekspresyong nakikita ko sa kaniya.Pero ngayon, tumatawa siya. Ang sarap sa pakiramdam.“Hindi pa naman ako gano'n ka

  • My Husband Betrayed Me, Now My Best Friend's Uncle Wants Me   CHAPTER 5 — THE TRUTH IN HIS HANDS

    SAIANA VANSANNagising ako na nasa hospital na naman at masakit ang ulo.Napatingin ako sa paligid. Tahimik ang buong kuwarto at walang ibang tao kundi ako lang.Napabuntong-hininga ako bago sinubukang alalahanin ang nangyari… ang huling sinabi ni Alexis bago ako nawalan ng malay.Pero sumakit lang ang ulo ko sa kakaisip. Parang kanina rin… umuugong ang mga tainga ko, kaya wala akong maintindihan sa huling sinabi ni Alexis.Hindi lang ngayon ito nangyari. Ilang beses na. Sa tuwing sinusubukan kong alalahanin ang lalaking iyon o ang aksidente, sumasakit ang ulo ko.Dahan-dahan akong bumangon at sumandal sa headboard. Saktong pagbangon ko, bumukas ang pinto at pumasok si Viena Criz.“Sai! You're awake.”Mabilis siyang lumapit sa akin.“How are you feeling? Does anything hurt? Masakit pa ba ang ulo mo?”Hinaplos niya ang ulo ko at sinuri rin ang buhay na peklat sa likod nito.“Masakit pa rin nang kaunti.”“Nahihilo ka ba?”Umiling ako.“Viena, I'm okay. Don't worry.”“Kahit na… kailangan

  • My Husband Betrayed Me, Now My Best Friend's Uncle Wants Me   CHAPTER 4 — NOT MY HUSBAND

    SAIANA VANSANLalabas na sana si Dyruz, pero pinigilan ko siya.“Dito ka lang.”Nagtataka siyang napatingin sa akin.“No! You stay here…”“Ako ang gusto niyang makita. Ako ang haharap.”Nagpalitan ng tingin sina Dyruz at Viena Criz bago muling ibinaling ni Dyruz ang atensyon sa akin.Kung kanina, galit ang nakikita ko sa mga mata niya, ngayon, may bahid na iyon ng pag-aalala… pangamba.“Are you sure?” mahinahon niyang tanong. Parang nakikiusap na huwag ko na lang kausapin ang lalaking iyon.Tumango ako nang ilang beses. “I need to talk to him.”“Why?” Agad niyang tanong.Bakit nga ba gusto ko siyang makausap?Ang totoo, hindi ko rin alam, pero parang may nag-uudyok sa akin na kailangan ko siyang makausap.“Saiana,” singit ni Viena Criz. “You don't remember anything about him. What are you even going to say?”“Bahala na. I'll figure it out.”Napahagod sa buhok niya si Dyruz at napabuga pa ng hangin.Lumapit sa akin si Viena at hinawakan ako sa mga braso.“Sai…”“Ano ba kayo? Kakausapin

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status