Share

My Husband Is Yours
My Husband Is Yours
Author: ninashupi

Prologue

CHEATING IS A CHOICE. It is never an accident. It is never the victim's fault. It is never… justifiable… nor forgivable. Blinded are those who give second chances to cheaters. And I am sure, malinaw na malinaw ang mga mata ko.

"Babe, I'm sorry..."

Ilang ulit na pagmamakaawa ni Jacob, ang boyfriend kong ubod ng kaplastikan, habang hinahaplos ang magkabilang balikat ko.

Napalunok ako dahil napakainit ng mga haplos niya at ayaw kong bumigay.

Damn it! Hindi rin naman magtatagal ito. I will finish this right away. Nakipagkita lang naman ako sa kanya para bigyan siya ng leksyon. At dahil para siyang aso na habol nang habol sa akin, sumipot ang tanga para humingi ng tawad sa amo.

"Babe..." mangiyak-iyak na bulong ni Jacob. "Kausapin mo naman ako…"

I rolled my eyes and huffed secretly.

Nakakarindi na ang boses niya. Naaasiwa ako sa pagmumukha niya.

Well, I must admit he's handsome with his soft facial features, pero 'yong ugali talaga, barumbado! Impaktito!

Hipokrito!

Kanina pa siya babe nang babe. Malay ko ba kung ilang babae na ang tinawag niyang babe.

"Babe..."

Hindi ako sumagot at nanatili ang tingin sa malayo. Para na rin hindi ko makita ang kapangitan niya. Oo, sinabi kong gwapo siya. Pero ngayon, pangit na siya sa paningin ko!

"Babe, what have I done? Tell me... As far as I know, wala akong ginawa," parang may amnesia na saad ng magaling na Jacob.

Nakakairita dahil pilit niyang nilalapit ang makapal na mukha sa magandang mukha ko.

"Babe... Ano bang ginawa ko para magka-ganyan ka? You're fucking ignoring me. Ilang araw na. Hindi ko na kaya..."

Kumuyom ang kamao ko hanggang sa bumaon ang kuko ko sa palad ko.

Hindi na niya kaya? Ang alin? Ang maging aso ko? Na maging mas matalino sa amo niya? Na akala niya ay maiisahan niya ako? Bakit? Ano ba ang dapat kong gawin? Lambingin siya matapos kong makita ang kinakalantaryo niyang babae noong isang gabi?

“Come here…” I said sensually when I had the gut to look at him.

Pinagkrus ko ang mga braso ko habang inaantok ang mga matang nakatitig sa kanya. Ginalaw-galaw ko ang daliri ko para lumapit siya. Jacob looked to me with hesitation when I did that.

I smiled seductively. "You really want to reconcile with me, huh?"

"Reconcile? Anong ginawa ko-"

"Kiss me, for you to find out."

Natigil ang tanga. Nagtagal ang titig niya sa akin at tila tinatantsa ang bawat hilatsa ng mukha ko. I eyed him seriously. Nang hindi siya sumagot ilang minuto ang nakalipas, ako na ang gumalaw.

I took one step, slowly, fiercely, and sexily towards him. Tinitigan ko siya nang puno ng init at pagnanasa. Ngumisi ako saka pinadausdos ang palad sa dib-dib niya. Jacob faltered. Nakita ko ang paglaki ng mga mata niya.

Wala akong pakialam kung maglaway siya o may tumayo man sa ibaba. Ganoon naman talaga. This is how I should affect men. This is how they must react. Men should and can never resist me. I am… temptation.

"Now, here's what you have to find out," bulong ko.

I clenched his collar and pulled him closer to my face. Mas ngumisi ako saka pinagkiskisan ang ilong namin.

Hindi ko ginusto ito, but this naughty man needs to learn his lesson. Kaya naman noong tumugon siya at padarag na nilamyos ang pwet ko, I was victorius. My bosoms hit his chest, and I shut my eyes.

Nag-iinit ang ulo ko. I wanted to punch him straight in the face. Gusto ko siyang sunugin at gawing uling.

Pero iba ang ginawa ko. Iba ang sinunod ko. Dahil sa sumunod na segundo, hinahalikan ko na siya. I hang my arms onto his neck and kissed this man intensely… roughly… and as I should.

"So, Babe…" Malawak ang ngiti ni Jacob pagkatapos ng halik. "Are we okay now?"

I smiled.

"Oo naman…" sabi ko at kasuwal na pinagpag ang alikabok sa business suit niya. "Eh, sa kanya? Ayos lang ba?"

"Huh?"

Tumaas ang tingin ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang eskpresyon ko.

"Sa girlfriend mo," malambing na tugon ko. "Ayos lang ba sa kanyang naghahalikan tayo? Look over there, she's crying… while watching us."

Mabilis na gumilid ang paningin ni Jacob pagkasabi ko niyon. Napamura siya nang makita ang ipinalit niya sa akin. Natawa na lang ako sa isip ko noong may narinig akong bumagsak sa sahig.

I pouted and began inspecting my nails. Mukhang kailangan ko nang magpa-manicure.

"Mika…"

Ang pangit na ng kuko ko.

"Jake, how could you…"

"Mika, it's not what you think it is," gagong sagot ni Jacob at ramdam ko ang pagbalik ng tingin niya sa akin. "What is the meaning of this, Ana?! What the hell are you doing?! Why the damn hell is she here?!"

I looked at him innocently. Nagkibit-balikat ako at nginitian siya nang sobrang cute.

"What did you pull again?!"

"Bakit ako? Tanungin mo siya. Kabit knows best, right?"

"What?!"

"I am breaking up with you."

Tinaasan ko ng noo si Jacob dahil ang ganda ng make up ko at kailangan niyang ma-realize ang sinayang niya.

"Break up? What? Why?"

"Do you need to ask that, huh?" Tumaas ang kilay ko. "Hiwalay na tayo magmula ngayon, Jacob. If you want another girlfriend, pursue her. But I don't think gusto ka pa niya after what she saw-"

"Anastasia!"

"Shhh…" I caressed his cheek. "Malandi ka, kaya makakahanap ka pa ng iba. Don't act like you care and need us. Mukha ka lang… plastik."

"Anastasia!"

"Comfort her," hindi pa ako tapos. "She needs your kiss now. Napanood niya 'yong sa atin, eh. Baka nainggit."

"You're… a monster."

Sumeryoso ako.

"I am, so leave me alone."

Wala nang salita ang lumabas sa bibig niya.

Umirap ako, bago tumalikod at idinaplis ang mahabang buhok ko sa mukha niya. I am not a fool he can toy with. Kung gusto niyang maglaro, hindi ako bakante. I am anyone's worst and cruelest player. Hindi niya ako maiisahan.

"Sinadya mo 'to, admit it! Simula't sapul, you were already deceiving me! You called me for this! You fooled me! You ruined us!"

Oh, go fuck yourself. Cheater.

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang tumutunog ang aking takong sa mahaba at tahimik na pasilyo.

This is what you end up with when you get on my bad side. I won't spare you, or anyone, and not even someone I like.

Napangisi ako habang dinig ang iyak at ingay sa likod ko.

I fucking won.

I fucking never lose.

Sa akin ang huling halakhak.

To end it, I left both of them there, Jacob and Mika quarreling.

I am the mighty heiress of the Atkinson family. We're tigers in the business world. We know how the world works and how people think and what they want. Hindi ako madaling maloloko ng isang katulad niya.

I am Anastasia for a reason, and no one should ever dare to cheat on me. Not even someone closest to me. Fuck them all.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status