Share

Chapter 1

SAGA

"Ma'am Saga! Gumising na po kayo!"

Ang malakas na boses ni Sita at ang ilang ulit na pagkalampag sa pinto ang nagpagising sa akin.

Dali-dali akong bumangon mula sa pagkakahiga at patakbong lumapit sa pinto. Nabungaran ko ang nag-iisang katulong namin na magulo ang buhok at mukhang kakagising lang.

"Ma'am, dumating na si Sir Marlon! Nasa baba po siya, nagwawala!"

Saglit akong natigilan sa narinig. Nang makabawi ay nagmamadali akong pumanaog at naabutan si Marlon sa kusina. Nagkalat din sa sahig ang mga basag na plato at baso.

"Matulog ka na. Ako na ang bahala rito." Nginitian ko si Sita bago lumapit sa asawa ko.

"What the hell? Gising ka pa?" Halos magsalubong na ang mga kilay niya nang tumingin sa akin.

Nasaktan agad ako sa tono ng pananalita niya. Para bang iritable siyang makita ako, naiinis at nawalan ng gana.

"Ano bang nangyari sa iyo? Lasing ka na naman." Agad ko siyang inalalayan nang mapansin na hindi tuwid ang pagkakatayo niya.

"This is all your fault! Kung wala ka lang sa buhay ko, masaya sana ako ngayon!"

Ilang ulit akong napalunok nang marinig ang mga bagay na iyon. "You don't mean that, Marlon. Lasing ka lang."

Nginisian niya ako habang nakapikit ang mga mata niya. "Kesyo lasing o hindi, I still don't want you!"

Tinabig niya ang kamay kong nakaalalay sa kaniya. Pagiwang-giwang siyang lumabas ng kusina at dumiretso sa hagdan para umakyat.

Hinatid ko siya ng tingin habang naluluha ang mga mata ko. Nang tuluyan siyang mawala sa paningin ko, tahimik kong nilinis ang kalat na ginawa niya. Lumuhod ako sa sahig. Umiiyak na pinulot ang mga basag na plato.

Isang taon na rin ang lumilipas mula nang mahuli ko siyang may kaulayaw na ibang babae sa loob ng opisina niya. Isang taon na rin na ganito lagi ang eksena sa tuwing umuuwi siyang lasing.

Lagi siyang overtime sa trabaho at madaling-araw na kung umuwi. Pagdating naman niya sa bahay, hindi ko rin siya makausap nang matino dahil lasing na lasing nga siya.

Kung hindi nagwawala, ay mga ano-anong masasakit na salita naman ang sinasabi niya sa akin. Kesyo hindi niya ako mahal, hadlang ako sa kaligayahan at kalayaan niya. At pabigat lang ako sa kaniya.

Sa kabila ng lahat na masasakit na salita, hindi ko siya binitiwan. Maging kasing lamig man ng yelo ang pakikitungo niya sa akin, o kasing-init ng bulkan ang timpla niya kapag kasama ako... ayos lang. Basta, magkasama kami. Ganito ko siya kamahal.

Matapos maligpit ang lahat ng kalat, nagmamadali akong bumalik sa itaas dala ang isang baso ng tubig. Naabutan kong kalalabas lang ni Marlon mula sa shower. Tanging white towel ang tumatakip sa pang-ibaba niya.

"Uminom ka muna ng tubig. Lasing na lasing ka, e." Lumapit ako sa kaniya at inabot ang baso.

Nilagpasan niya lang ako. Parang hangin na hindi man lang binigyan pansin. Bumuntonghininga ako bago inilagay sa ibabaw ng sidetable ang baso na puno ng tubig.

"Saan ka ba galing? Halos gabi-gabi ka na lang ganito." Kulang na lang, hindi na lumabas ang tinig ko. Natatakot kasi ako na baka magalit na naman siya sa akin.

"Wala kang pakialam."

Napalunok ako sa nakuhang sagot mula sa kaniya. Lumapit ako sa balkonahe kung nasaan siya. Ganito lagi ang ginagawa niya pagkatapos maligo, maninigarilyo nang ilang minuto, at pagkatapos, matutulog na.

"Marlon, sabihin mo naman sa akin kung saan ka nagpupunta. Gabi-gabi akong nag-aalala sa iyo. Hindi na nga ako makatulog sa kakahintay ng pagdating mo."

Iritableng nilingon niya ako. Halos mapaso ako sa paraan ng pagtitig niya. Parang nagliliyab ang mga mata niya sa galit.

"Do you really wanna know where I've been?" Nginisian niya ako. "Sa kandungan ng ibang babae!"

Tinapon niya ang sigarilyo sa labas at dumiretso sa kama. Pabagsak siyang naupo.

Agad na namuo ang ilang butil ng luha sa mga mata ko. Nilingon ko siya para pagmasdan. Nakita kong nairita siya lalo nang makita ang pagluha ko.

"Iiyak ka na naman? Tatanong-tanong ka, tapos iiyak ka?"

Bigla siyang tumayo. Nagsuot siya ng abuhing t-shirt at pajama. Galit niyang tinapon sa sahig ang tuwalyang nakapulupot kanina sa pang-ibaba niya.

"Bullshit, Saga! Kung iiyak ka rin lang, umalis ka sa harap ko!"

Bumalik siya sa kama at tuluyan nang humiga. Matagal akong nanatiling nakatayo habang nakatingin sa kaniya. Nang mapansin kong malalim na ang paghinga niya, dali kong pinahid ang mga luha ko.

Naupo ako sa kaniyang tabi at pinagmasdan siyang mabuti. Kahit sa pagtulog, mukha pa rin siyang masungit.

"Kailan mo ba ako matututunang mahalin?"

Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya at marahang hinaplos ang malalambot niyang buhok. Binigyan ko siya ng halik sa pisngi.

Naalimpungatan pa siya sa ginawa ko. Inis na tinabig niya ang kamay ko. "Get away from me."

Kumirot ang puso ko sa sinabi niya, pero wala akong nagawa kundi ang dumistansya. Nahiga na lang ako at hinayaang muling pumatak ang mga luha ko bago muling natulog. 

Comments (4)
goodnovel comment avatar
Irish Ramos
maganda tong kwento
goodnovel comment avatar
Juvilyn Pascua Abril
sori otor bungad palang kakainis na tong storia mo eh wala na bang ibang character ang babae sa arrange marriage kung di desperada wala mn lang bang palaban na may nabasa aki marami na plaban ung babae d nya pinapakita na mahina xa sinasabayan nya ing lalaki..wla bang ganon..hayst
goodnovel comment avatar
Carmelie Salvajan
may godness iwan mu yan ka loka
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status