Share

Chapter 2

SAGA

MARAHAN akong bumangon mula sa pagkakahiga sa kama. Ingat na ingat akong hindi makagawa ng ingay sa takot na baka magising si Marlon.

Mababaw lang kasi ang tulog nito. Kaunting galaw at ingay, nagigising. Kapag nagising ito nang hindi pa oras nang paggising niya, paniguradong iinit ang ulo nito at sa akin na naman niya ibubunton.

Puno ng pag-ingat akong lumabas ng kuwarto at pumunta sa kusina. Kapag nasa bahay si Marlon, gumigising ako nang maaga para ipagluto siya.

Naghanda ako ng fried rice, boiled eggs, and sausages para sa akin. Pancakes with whip cream and strawberries naman kay Marlon. Favorite breakfast niya ito, e. Pancakes.

"Sita! Where's my fucking car keys!" napapitlag ako nang sumigaw si Marlon mula sa taas ng hagdan.

Agad akong lumabas. Sabado ngayon kaya nagtaka ako kung bakit nakapang-opisina siya. Wala naman siyang trabaho tuwing weekends.

"Heto po, sir!"

Inis niyang kinuha mula kay Sita ang susi ng kaniyang kotse. Paalis na siya nang bigla akong humabol.

"Aalis ka na agad? Marlon, I prepared breakfast for you! Kumain ka muna."

"I'll just eat outside."

Mabilis akong humarang sa kaniyang harap sa kagustuhan na mapigilan siya. Ilang umaga na niya itong ginagawa. Nasasayang lang ang effort ko sa pagluluto dahil lagi siyang dedma sa mga handa ko.

"What the hell are you doing?" Nagsalubong agad ang mga kilay niya nang tingnan ako.

Kagat-labi akong nagtungo ng ulo. "Nagluto ako. Sige na... tikman mo muna."

"Umalis ka sa harap ko."

"Marlon, naman... "

Napapikit siya at nagbuga ng hangin. Parang nawawalan ng pasensiya na tinitigan niya ako. Napanguso naman ako.

"Fine!" Iritable siyang pumasok sa kusina.

Lumaki naman agad ang ngiti sa mukha ko. Sumunod ako sa likuran niya at mabilis siyang inasikaso.

This is the first time again na titikman niya ang niluto kong breakfast, kaya halos ituring ko siyang hari. Naglagay ako ng isang tasa ng kape sa harap niya.

Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang inumin kaya maliban sa kape, may dalawang baso rin ng orange juice at fresh milk sa tabi ng plato niya.

"Give me an alcohol."

Bigla akong natigilan. "Huh? Pero maaga pa, Marlon."

"Gusto mo bang kainin ko itong handa mo o hindi?"

"G-gusto." Tumayo ako para ikuha sana siya ng alak, pero natigilan ako at muli siyang hinarap. "Marlon, magkape ka na lang. O juice."

"Bakit ba masyado kang paladesisyon, ha?"

"Dahil masama sa kalusugan ang masyadong alcohol. Lasing ka nang umuwi kagabi, pati ba naman ngayon?"

"Damn it!" Malakas nitong tinapon sa sahig ang baso ng juice. Nabasag iyon at nagkalat ang juice sa paligid. "Tangina naman, Saga! Kung pakikialaman mo na lang lahat, mabuti pang hindi na lang ako uuwi!"

Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang bigla siyang tumayo.

"Sorry na, Marlon! Umupo ka na. Ikukuha na lang kita!" Pinigilan ko siya sa braso niya pero malakas niya akong tinabig.

Napasigaw ako sa sakit nang bumagsak ako sa sahig kung nasaan ang mga bubog ng basag na baso. Para hindi tuluyang lumapat ang mukha ko sa sahig ay isinangga ko ang mga palad ko.

"Ma'am Saga! Diyos ko, ma'am!" Agad akong dinaluhan ni Sita.

Nanubig agad ang gilid ng mga mata ko sa dulot na sakit ng mga bubug. Ramdam ko ang pagbaon ng mga ito sa palad ko.

"Naku! Paano ba ito! Ang daming dugo!"

Nilingon ko si Marlon para humingi sana ng tulong, pero lalong nadurog ang puso ko nang makitang wala na siya sa paligid.

Naiyak na lang ako sa magkahalong sakit mula sa mga sugat ko sa palad at sa sakit na pinaparamdam sa akin ni Marlon.

***

"Grabe naman iyang asawa mo! Hanggang kailan ka ba niya ituturing na parang basura!" nagngingitngit sa galit si Mina, ang matalik kong kaibigan, habang ginagamot niya ang mga sugat ko.

Nagmamadali akong pumunta sa bahay niya kanina pagkatapos ng aksidenteng nangyari sa mansion. Nilinis at ginamot ko lang ang sugat ko, pero pagdating ko rito, muli niyang ginamot ito.

Malungkot akong nagbuga ng hangin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Kulang na lang, magmakaawa ako kay Marlon para lang limusan niya ako nang kahit kaunting pagmamahal pero wala pa rin.

"Bakit kasi hindi mo pa hiwalayan?" napatingin ako kay Mina sa sinabi niya.

Malungkot akong umiling na ikinairap niya. "Alam mo naman na matagal ko nang mahal si Marlon. Hindi pa kami ikinakasal, gusto ko na siya." Pinahid ko ang mga luha ko gamit ng likod ng aking kamay.

"Pero hindi ka niya mahal! And you're just suffering! Might as well end it before he gets physical."

Mabilis kong inilingan ang mga sinabi ni Mina. "Hindi siya ganoon, best. Malamig man siya sa akin, hindi niya magagawang saktan ako."

"Sa ngayon! Pero kapag patuloy mo siyang hinahayaan na itrato kang ganiyan, magkakalakas-loob iyon na saktan ka!"

Bumuka ang bibig ko. Magsasalita pa sana ako pero naudlot iyon nang biglang tumunog ang cellphone niya sa ibabaw ng bilog na mesa.

Kinuha niya iyon at binasa ang natanggap na text. "Oh, it's the delivery guy. May in-order akong sex toys to spice up my sex life with my boyfriend."

"Boyfriend?" maang kong tanong. "Sino pala iyang boyfriend mo? Ang tagal mo nang hindi nagkukuwento sa akin nang tungkol sa love life mo."

Natatawa niya akong inilingan. "Actually, hindi ko talaga siya boyfriend. We're just... friends with benefits."

"Friends with benefits?" Napaisip ako sa ibig niyang sabihin. May ganoon ba? Friends with benefits? Ano naman iyon?

Binalik niya sa ibabaw ng table ang cellphone niya at tumayo. "Kukunin ko lang ang wallet ko. I'll be right back!"

Nang makaakyat si Mina sa hagdan, binaling ko ang paningin ko sa mga palad ko. Napabuntonghininga ako. Nasasaktan ako dahil parang wala man lang pakialam sa akin si Marlon.

Naiintindihan kong hindi niya ako mahal, pero sana man lang, magpakita siya nang kahit kaunting pag-aalala.

Napukaw ako sa malalim na pag-iisip nang muling tumunog ang cellphone ni Mina. Napatingin ako roon sa pag-aakalang mula sa delivery guy ang text, pero natigilan ako nang hindi sinasadyang mabasa ko ang mensaheng natanggap niya.

"I have been naughty today. I keep thinking about having rough sex with you—"

"Oops!" Biglang bumalik si Mina at pahablot na dinampot ang kaniyang cellphone. "Naiwan ko."

Nagawa lang mahagip ng mga mata ko ang unang dalawang letra sa pangalan ng sender.

Ma...

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
NILEALEXANDEREVANS
shit don't tell me si marlon
goodnovel comment avatar
เกกก้า จริง ที่รัก
i hate woman who's so martyr
goodnovel comment avatar
Eulyn Kris Rubillete
sus ahas ang kaibigan mu saga slmat otor
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status