Share

My Husband is a Womanizer
My Husband is a Womanizer
Author: Miranda Monterusso

Prologue

"Your husband is cheating on you!"

Hindi ako naniwala sa sumbong sa akin ng kaibigan ko. Pinanghawakan ko ang sumpaan namin ni Marlon noong ikinasal kami—na panghabang-buhay namin mamahalin ang isa't isa.

Kahit na arranged marriage lamang ang nangyari, naniniwala akong mahal niya ako. I know my husband. He maybe cold and distant, and he was once a womanizer, but he changed.

At least, that's what I thought. Dahil makalipas lang ang isang araw ay narito ako ngayon, nakatayo sa tapat ng pinto ng kaniyang office. Pinakikinggan ang ungol nila ng kaniyang kabit.

"Ohhh! Marlon, honey! You're the best!"

"No, Rachelle, you are!"

Lalo akong lumapit sa pinto nang mapansin na bahagya itong nakaawang. Sumilip ako sa loob at nakita ang eksenang nagpadurog sa puso ko.

My husband... is having sex with a random woman inside his office. Nakakandong paharap sa kaniya ang babae habang nakatingala ito at nakapikit ang mga mata.

Mas lalo akong nawasak nang makitang nasisiyahan ang mukha ni Marlon. Napaatras ako nang ilang ulit. Halos hindi ko na makita nang malinaw ang pinto dahil sa mga luhang nagpapalabo sa mga mata ko. My heart is aching so much... so much that it was killing me.

Kahit masakit, pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. I tried so hard to stop myself from crying, and patiently waited for him outside his office.

Makaraan ang mahigit kalahating oras, bumukas ang pinto at lumabas silang dalawa. Natigilan si Marlon nang makita niya ako.

I stood up and fake a smile at him. Desperado akong itago sa kaniya ang tunay kong nararamdaman. Kasi kahit nasasaktan ako ngayon... alam kong mas masakit kapag nawala siya sa akin.

"What are you doing here?" Nakapamulsa siyang tumayo sa harap ko.

Pinauna na niya ang babae niya kaya naiwan kaming dalawa.

"Sino siya?"

"My girlfriend."

Napalunok ako nang walang kagatol-gatol niya akong sagutin. Parang ang dali lang sa kaniyang sabihin ang bagay na iyon.

"Marlon, I'm your wife."

"Sa papel," mabilis niyang sinabi na lalong ikinadurog ng puso ko.

Alam kong hindi niya ako mahal nang ikasal kami. Arranged marriage, plus it was his father's dying wish. Pero sa loob nang halos isang taon, akala ko ay natutunan niya rin akong mahalin. But I was wrong, so wrong.

"Since you already caught me, I might as well stop pretending." Matamis niya akong nginitian katulad ng lagi niyang ginagawa noon.

"P-pretending?"

"Hindi kita mahal, Saga. At kahit kailan, hindi kita magagawang mahalin. Kasal man tayo, hinding-hindi mo makukuha ang puso ko."

Comments (4)
goodnovel comment avatar
Alisia Mannan
wahhhhhhhh
goodnovel comment avatar
Eulyn Kris Rubillete
slmat otor
goodnovel comment avatar
Da Yang Jaguar
tagal kong hinanap tong mga gawa ni Otor.. ngustuhan ko kasi ung kay Tanya at Dylan
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status