SAGA
KAHIT kumikirot sa sakit ang mga sugat ko sa palad, nagpunta pa rin ako sa grocery store para mamili ng mga gagamitin sa ihahanda kong mga pagkain para kay Marlon.
Bukas ang 4th anniversary ng feelings ko para sa kaniya. Tandang-tanda ko pa noong unang beses na magkita kami.
It was love at first sight. Graduation day ko noon at dumalo sila ng kaniyang pamilya sa aming celebration. Noon pa lang, alam kong si Marlon na ang magiging kabiyak ng aking puso.
Kaya nang magdesisyon ang mga ama namin na ipakasal kami, hindi na ako tumutol pa. Tuwang-tuwa pa nga ako at pinagmamalaki ko siya sa lahat ng mga kaibigan ko.
"You need to get over him, Saga. Pinapaasa mo lang ang sarili mo," malungkot akong ngumiti sa narinig na sinabi ni Mina sa kabilang linya.
"Best friend kita, `di ba? Dapat sinusuportahan mo ako, hindi dini-discourage."
"Mahal kita kaya ayaw kong masaktan ka. I'm doing this to open your eyes! Hindi ang asawa mo ang tipo ng lalaki na mag-i-stay sa isang babae! Just let him go!"
"Bakit ba atat na atat kang hiwalayan ko si Marlon? For the nth time, I won't let him go. I can never unlove my husband—"
Natigilan ako sa pagsasalita nang matanaw ang dalawang tao sa may kalayuan. Kalalabas ko lang ng grocery store at naghihintay na lang ng masasakyang taxi pauwi.
Parang dinudurog ang puso ko habang pinapanood na makipaghalikan ang asawa ko sa ibang babae. Nasa tabi sila ng kotse ni Marlon pero hindi magawang pumasok kahit nakabukas na ang pintuan dahil sa ginagawa.
Marahang humahaplos at pumipisil ang mga kamay ng asawa ko sa mahubog na katawan ng babae. Bigay todo naman ang babae sa halikan nila. Wala silang pakialam kahit pinagtitinginan na sila ng mga tao sa paligid.
Hindi ko na nakayanan pa ang eksena at dali-dali akong sumakay ng taxing pumara sa harap ko. Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko nang sandaling makapasok ako ng sasakyan.
Ramdam ko ang sakit sa puso ko. Parang isang matalim na punyal ang nakatarak dito. Why, Marlon? Why can't you love me?
Umiiyak pa rin ako nang makauwi ng mansion. Wala akong magawa kundi umiyak dahil ito lang naman ang alam kong gawin. Hindi ko naman siya kayang komprontahin dahil natatakot din ako sa kaniya.
Ang totoo niyan, ilang beses na niya akong inalok ng divorce, pero nagmatigas ako. He said he's a womanizer and he's not willing to change for me. Sino ba raw ako sa kaniya? Pero naniniwala kasi ako na darating din ang araw na mamahalin ako ni Marlon, kaso dalawang taon na kaming kasal, wala pa ring nangyayari.
Sa tuwing nagtatalik nga kami, lagi siyang may suot na condom dahil ayaw niya akong mabuntis. Ayaw niyang lalong matali sa akin kaya ayaw niyang magkaanak kami.
Sumapit ang gabi, malapit nang mag-alas-nuebe pero wala pa rin si Marlon. Kanina ko pa siya tinatawagan, kaso hindi niya sinasagot ang mga tawag ko.
Siguradong kung sino-sinong babae na naman ang kasama niya ngayon. Nagpapakasasa sa kama habang ako, heto, durog na durog ang puso at naghihintay sa kaniya.
Sa sobrang inis ay tumayo ako at lumapit sa cabinet. Pumili ako ng maisusuot saka tinawagan ang kaibigan kong si Jeffrey.
"Jelly hindi Jeffrey! Kaloka ka talaga!" Umikot ang mga mata ni Jeffrey na may mapipilantik na mga pilik-mata.
"Ang saya dito, Jeff! Ngayon lang ako nakapunta sa ganitong lugar! Whoo!" sumigaw ako bago sumimsim ng alak sa hawak kong glass.
Nasa isang sikat na club kami sa Manila, ang Black Liquid Club na exclusive lang sa mga artista at mayayaman na tao sa lipunan. Mabuti na lang, VIP ang kaibigan kong si Jeffrey rito kaya pinapasok ako.
"Ang tagal na kitang niyayayang mag-clubbing, ngayon ka lang pumayag kung kailan kasal ka na!" Sumayaw-sayaw si Jeffrey. Nasa gitna kami ng dance floor.
Malakas ang tugtog sa loob, maingay at mausok. Sumasayaw ang iba't ibang kulay sa paligid. May mga babae ring nagsasayaw sa ibabaw ng stage kasama ng DJ.
"I want to have fun!" sagot ko sa pasigaw na paraan.
Sandaling natigilan si Jeffrey at napatingin sa akin. "Let me guess, it's about Marlon again? Your asshole husband?"
"Oo!" Natawa ako bago lalong nagwala sa gitna.
Lumaki akong mahiyain at masunuring anak sa mga magulang. Ni minsan, hindi ako uminom ng alak, hindi ako tumakas sa gabi para mag-party, at hindi rin ako nakikipag-date.
Pero ibang klaseng sakit ang nararamdaman ko ngayon. Just this once, I want to forget the pain. I want to forget Marlon.
"Alam mo bang madalas dito ang womanizer mong asawa?"
"What?" Napatigil ako sa pagsasayaw.
"Halos gabi-gabing nandito ang asawa mo! Kung sino-sinong babae ang kasama!"
Tuluyan akong nanlumo sa mga sinabi niya. "Why didn't you tell me!"
"Gaga! Sinabi ko sa iyo dati na may affair ang asawa mo, naniwala ka ba? Hindi, di ba?"
Naalala ko bigla ang nangyari isang taon na ang nakalilipas. Si Jeffrey ang nagsabi sa akin na pinagtataksilan ako ni Marlon, hindi ako naniwala. Pero kinabukasan, nahuli ko siyang may ka-sex sa opisina niya.
Tuluyan akong nawalan ng gana at bumalik sa VIP table namin. Nilagok ko ang natitirang inumin sa glass ko.
"Magdahan-dahan ka naman, girl! Baka mainom mo pati baso!"
Matagal akong natulala sa kawalan habang malalim ang iniisip. Maya-maya ay ginala ko ang paningin ko sa paligid.
"Ang sabi mo, gabi-gabi rito ang asawa ko?"
"Halos gabi-gabi!"
"Nandito kaya siya ngayon?"
Nagkibit ng balikat si Jeffrey. "Wala siguro! Didn't see him anywhere. Madali naman mapansin kapag nandito iyon, pinaiikutan kasi ng mga babae!"
Dahil sa sinabi niyang iyon, agad akong kinutuban. Nagmamadali akong umuwi sa bahay. Ganoon na lang ang pagkatigil ko nang makita si Marlon sa labas ng gate, nakasandal sa pinto ng kotse niya at parang may hinihintay.
"Marlon!" Agad akong umibis ng taxi at nagmamadaling lumapit sa kaniya. "A-akala ko, hindi ka uuwi—"
"Where the hell have you been!"
Galit niya akong nilapitan. Napangiwi ako nang maramdaman ang mahigpit niyang paghawak sa braso ko.
"M-Marlon, nasasaktan ako... "
"Answer me, woman! Saan ka nanggaling!"
"S-sa labas."
"Sinong kasama mo? Mga lalaki mo?"
Biglang nagsalubong ang mga kilay ko sa narinig. Ibubuka ko sana ang bibig ko para magsalita, nang bigla niya akong hilahin papasok sa gate. Halos kaladkarin na niya ako sa dahas nang pagkakahila niya sa akin.
"You bitch! Kaninong lalaki ka na naman nakipagkita? Sabihin mo!"
"Ugh!"
Malakas akong d*****g nang bigla niya akong itulak nang makapasok kami sa mansion. Nawalan ako ng balanse kaya sumadsad ako sa sahig.
Napaluha ako sa sakit na naramdaman ko dulot ng pagkakabagsak. "Ano na naman bang nagawa ko sa iyo?"
"Huwag mo akong idaan sa pag-iyak-iyak mo, Saga! Naiirita ako!"
"Marlon, wala akong ginagawang masama. I was only having fun with my friend."
"Friend? O baka lalaki mo? Masyado kang pahinhin, pero nasa loob naman ang kulo! Someone saw you with a man at the BLC! May asawa kang tao, nakikipagharutan ka pa sa ibang lalaki!"
Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig mula sa kaniya. Parang may maliliit na karayom ang paulit-ulit na tumutusok sa puso ko.
"It was Jelly! My best friend from high school! Kahit tawagan mo pa siya! Wala akong ibang kasama kundi siya lang!"
Sandali siyang natahimik sa mga narinig. Ang kaninang naglalagablab na mga mata sa galit, biglang napalitan ng panlalamig.
Nginisian niya ako. "You think I'd believe you? Alam ko naman talaga na makati kang babae. Ewan ko ba kung paano mo nagawang itago nang dalawang taon ang kalandian mo. Bitch!"
MARLONIT'S A GARDEN WEDDING. Pinili namin magpakasal sa isang private land na pag-aari namin mismo ni Angel. We just bought this last year with our own hard-earned money.Sa malawak na backyard gaganapin ang kasal. Malapit ito sa kakahuyan at nasa tabing-ilog din. Everyone can see the wooden bridge and the small boat on the river. Dito ko balak dalhin ang aking asawa mamaya.This is what she always wanted—ang ikasal kami sa lugar na napaliligiran ng maraming puno at mga bulaklak. Kaya nagkalat din ang mga flowers sa paligid.The gazebo where I am were surrounded with azalea rush bushes. And the rose gold ground lightnings comes with a pink roses beside them. Nakakalat din ang rustic & lavender flowers sa kahabaan ng aisle just like what my Angel requested herself. And an arch with a lot of roses can be seen outside the gazebo. Nakatayo ako sa ilalim nito katabi si Father Indigo. Maririnig sa buong paligid ang malamyos na musika habang marahang naglalakad ang aking bride sa colored c
MARLON"Sir, katatapos lang po ng meeting n'yo and it's already 12 NN! You need to eat.""I don't have time for lunch, Lia. But you should eat. Humabol ka na lang pagkatapos mo.""But, sir! Kanina pa kayo nagtatrabaho—"I cut her words and immediately hopped into my car. Mula sa Dawson Hotel, dumiretso ako sa isang beach resort kung saan nag-i-stay ang isa sa mga major investors namin. I got straight to business and we agreed on a deal.Matapos nitong pumirma sa isang agreement, umalis ako at nagpunta naman sa R&A Department Store. Nakipag-usap ako sa CEO nila para isarado ang deal na ilang linggo na rin namin pinag-uusapan."By the way, Mr. Cordova, I'm getting married. And you're invited to my wedding." Naglabas siya ng wedding invitation mula sa drawer niya."Oh, yeah? Finally! The only son of the Fernandez is settling down." Tinanggap ko ang invitation card na inaabot niya."Actually, it's an arranged marriage. Ang mga magulang ko ang pumili sa mapapangasawa ko."Napangiti ako sa
MARLON"Marlon! Anong gagawin natin sa cruise ship na ito!""Magha-honeymoon!"Napatili siya nang bigla akong maghubad sa harap niya. Kamuntikan pa akong humagalpak ng tawa nang makitang nagtakip siya ng mga mata, pero nakasilip pa rin ang isang mata sa pagitan ng mga daliri niya."Why are you getting naked in front of me!""Saan mo gusto? Sa harap ng ibang babae?""No!" Natigilan siya bigla sa naibigay niyang sagot. "I mean, s-sure! Go ahead! I don't care!"Tinawanan ko lang ang sinabi niya. Pakipot.We are in a private cruise ship that I owned myself. Naisip kong makakatakas din si Saga sa akin kapag sa malayong probinsya ko siya dinala, kaya sa cruise ship ko na isinakay."Tingin mo, mapapalampas ito nina Daddy? They'll sue you once they found out about this!"Hinila ko siya sa kamay. Kahit panay reklamo at dada siya sa ginawa ko, walang pagtutol naman siyang sumunod sa akin."Hintayin mo lang! Mahahanap din ako nina Mommy at Daddy!""Mahal, may karapatan ako sa iyo. You're still m
MARLONILANG araw na ang lumilipas mula nang sabihin sa akin ni Saga na buntis siya... sa ibang lalaki.Damn it! Hindi ko matanggap. Nararamdaman kong akin ang batang dinadala niya, pero bakit pinagpipilitan niyang hindi akin ang bata!Sa loob nang ilang araw, wala akong ibang ginawa kundi maghintay sa labas ng bahay nila. Wala akong pakialam kahit ipagtabuyan pa ako ng mga magulang niya, pero hindi ako susuko. Araw-araw ko siyang susuyuin hanggang sa mabawi ko ang pagmamahal at tiwala niya sa akin.Nakaupo ako sa pinakadulong metal stool sa harap ng bar counter. Tuwing gabi pagkagaling kina Saga ay nagpupunta ako sa mga bar para maglasing.Tangina! Malapit ko na siyang mabawi. Alam kong malapit nang bumalik sa akin si Saga noong nasa probinsya kami, but because of that stupid woman, mas lalong napalayo sa akin ang asawa ko!Nang makaubos ng halos kalahating bote ng alak, nag-iwan ako nang ilang libong piso sa bar counter. Paalis na ako nang may mabungga akong isang grupo ng mga lalak
MARLONKANINA pa ako nakatayo sa labas ng mataas na gate ng tirahan nina Saga, pero ni anino niya, ayaw ipakita sa akin nina Dad at Ma.Mula madaling-araw hanggang ngayong alas-otso ng umaga ay nandito na ako. I've been trying to call her, but she won't pick up.Maya-maya lang, may dumating na isang motorbike. Tumigil ito hindi kalayuan mula sa kotse ko. Nabaling agad sa driver no'n ang paningin ko nang makilala kung sino ito."Marlon."Kumuyom ang mga kamao ko habang nakatingin kay River. "Anong ginagawa mo rito?""I'm here to visit Saga." Lumapit siya sa akin at Bumuntonghininga. "Hindi pa kita napapasalamatan sa mga ginawa mo."Hindi ako nagsalita. Nanatili akong tahimik habang nakatingin sa kaniya nang masama."Ibinalik mo sa akin nang walang hinihinging kapalit ang apartment at shop. Niligtas mo rin ang buhay namin mula sa mga kamay ni Mr. Verzosa.""I didn't do it for you."Tumango siya. "Alam ko, but I still want to thank you."Nagbuga ako ng hangin bago tumingala sa mansion ng
MARLON HUMIGPIT ang hawak ko sa kamay ni Saga nang makapasok kami sa malawak na sala ng mansion. Saga's parents, together with mama and that woman Mina were all sitting on the couch in the receiving area—waiting for us. Hindi pa man kami nakakalapit, mabilis nang tumayo at lumapit ang mommy ni Saga. Kinuha niya palayo sa akin ang asawa ko. "Mommy?" "Are you okay, Saga?" Puno ng awa ang mga mata niya habang nakatingin sa mukha ng asawa ko. Malakas na tumambol ang dibdib ko dahil sa nakikita. Why is she acting that way? Mabilis akong tumingin kay Mina na taas-noong tumingin sa akin. "What are you doing here?" nagawa kong itanong sa kaniya kahit may idea na ako kung bakit siya nandito. She stood up and went straight to me. Ipinakita niya sa akin ang tatlong pregnancy test kit—lahat nang ito ay may dalawang pulang linya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko nagawang magsalita o maski kahit kumilos. Mula sa akin, Mina turned to Saga and let my wife see the kit on her
SAGAHALOS maibula ko ang juice na iniinom ko nang makita ang ginagawa ni Marlon sa malawak na sala."What are you doing?""What?" inosente niyang tanong."Alisin mo iyan diyan!""But, mahal—""Marlon, ang halay!" Paulit-ulit ko siyang hinampas sa braso niya.Hiyang-hiya na nga ako sa nangyari, ilalagay pa niya sa picture frame ang mga litratong kuha kanina sa picture booth.Inis kong tiningnan ang mga picture namin. Iyong una, nakasubsob ang mukha ni Marlon sa dibdib ko at subo-subo ang monay ko. Iyong pangalawa, nakatingala ako at nakatirik ang mga mata habang nakapasok ang isa niyang kamay sa panty ko. Iyong pangatlo, kitang-kita ang mahaba, malaki at maugat niyang... oh my gosh!At hindi ko magawang tingnan ang pang-apat na picture! Close-up na close-up sa mukha ko habang kagat ko ang labi ko at nasa likuran si Marlon."Bakit mo ba kasi ginawa iyon!""Ginusto mo naman!"Nataranta ako bigla. "Ano? H-hindi, ah! I was against it!""Hindi halata." Pinakita niya ulit sa akin ang mga pi
SAGA"Marry me again, Saga."Mabilis na nag-init ang gilid ng mga mata ko. Hindi ko alam kung anong isasagot kay Marlon. Basta nablangko na lang ang isip ko at hindi na nakapagsalita.He kissed me on the lips again and this time, I responded to his kisses.Ngayon lang... hahayaan ko ang sarili ko. Ngayon lang.Hinila niya ako nang tuluyan sa ilalim ng table at maingat na inihiga pagkatapos ilatag ang hinubad niyang suit jacket sa sahig.Malamig ang gabi pero kakaibang init ang ipinalasap sa akin ni Marlon sa ilalim ng table. He started eating me down there while inserting two fingers inside my pancake.Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko habang nakasabunot sa buhok niya. Oh gosh! Ang sarap ng ginagawa ni Marlon! In my entire life, ngayon ko lang naranasan ang makain. Ngayon niya lang ginawa ito.Lalo kong ibinuka ang mga hita ko nang paikutin niya ang dila niya sa clirotis ko. Halos magdeliryo ako sa kakaibang pakiramdam na pinatitikim niya sa akin."Ohhh!" Napapikit ako kasa
SAGANakangiti akong umikot sa harap ng salamin with a wide smile on my face. I'm now wearing the dress that Marlon bought me from the shop this afternoon.It was a black sweetheart dress that has glitter all over it. Isang dangkal lang ang taas nito mula sa tuhod. Mahigpit nitong niyayakap ang kaseksihan ng katawan ko.From the house, Marlon brought me to a fine restaurant to have dinner. Pero sa halip na sa loob ng restaurant, hinatid kami ng waiter sa garden nito kung nasaan ang gazebo."Wow, it's so pretty," nakangiti kong sabi habang tinitingnan ang gazebo na punong-puno ng white and pink roses at mga ilaw-ilaw na design.May malaking puno sa magkabilang gilid ng gazebo at may deity fountain pa sa likuran. String lights and vintage lamps are place beautifully on the ground."Thank you," nakangiti kong sabi kay Marlon. Excited ko siyang tiningnan.Matapos niya akong ipaghila ng upuan, may binulong siya sa waiter bago ito umalis. Gumala ang paningin ko sa paligid. Kami lang talaga