LOGINSevy's POV "Maraming salamat iho sa pag-alaga sa anak ko. Pasensya kana talaga at pinuntahan niya pa ang asawa mo. Matapos ang usapan natin" Ramdam ko ang lungkot sa boses ng mommy ni Sophia habang kausap ko ito. Kasalukayang nasa hospital ako ngayon dahil Kailangan ko pang balikan ito dahil wala pa ang mga magulang niya. "Pasensya kana talaga iho, naiintindihan ko kung galit na galit ka Kay Sophia ngayon" Dagdag pa na sabi nito. Naikuyom ko ang kamao ko at naalala ang pagpunta nito sa bahay kahapun. Nang bumalik ang malay kanina ni Sophia. Inamin niyang sinabi niya ang lahat lahat kay Diane. Galit na galit ako sa kanya. Pinangunahan niya ako pero kahit anong gawin ko hindi ko na maibabalik pa ito. Nangyari na ang nangyari kaya tanggapin ko nalang ito. "I-its okay tita, ngayon na andito na kayo. Kayo na po ang bahala sa kanya" Sabi ko at iniwan ito. Matapos ang nangyari. Saglit na umuwi ako kahapun sa bahay pero pagdating ko wala na si Diane. Hindi alam ni manang Elsi kung
Diane's POV "Oh? Kumusta ang check up?? Buntis ka ba??" Nasa pinto pa lang ako, ito na agad ang bungad ni Margaret sa akin. Andito ako ngayon sa condo niya dahil simula ng may nangyari kahapun. Tumawag ako sa kanya at nagpakuha sa bahay. "O-oo"Mangiyak ngiyak na sagot ko habang papalit rito. Nakita kong napatuptup ito sa bibig niya. "OMG! Finally magiging ninang na talaga ako!" Tiling sabi nito. Tumalon talon pa ito sa tuwa kaya mas lalong tumulo ang mga luha ko. Kung okay sana ang lahat siguro kaya kung sabayan ang labis na kasiyahan ng kaibigan ko. "I'm so happy for your besty! Wag kang mag alala. Ako ang bahala sa inyong dalawa ng magiging anak mo. Hayaan mo na iyong manloloko mong asawa!" Dagdag pa na sabi nito at niyakap ako. Dahil sa sinabi nito. Hindi ko na iwasan na isipin kung ano ng ginagawa ni Sevy at ni Sophia ngayon. Siguro masaya na ang mga ito. "Shhhhhh tahan na, it's a blessing Diane. Hindi mo dapat iyakan yan" Mahigpit na niyakap ako ni Margaret sabay hi
Diane's POV "Congratulations Mrs. you're 5 weeks pregnant" Halos mabingi ako matapos marinig ang sinabi ng doctor na babae na nasa harapan ko. Kasalukayang nasa isang hospital ako ngayon para magcheck up pero ito ang bungad sa akin. Simula pa kahapun masama na ang pakiramdam ko. Puno ng tanong ang isip ko kaya dumeretso na ako rito. "A-anong pong sabi niyo??" Nauutal utal na tanong ko. Nakita kong ngumiti ang doctora. "You're 5 weeks pregnant na po" Klaro at malinaw na sagot nito. Nanginginig bigla ang buong kalamnan ko. Hindi ko maintindihan kung anong gagawin ko. Kusang tumayo ang mga paa ko at walang sabi sabing lumabas sa clinic ni doctora. "Hi-hindi! Ba-bakit ngayon pa??" Tumutulo ang luhang tanong ko. Kung kilan napagdesisyonan ko ng mag file ng annulment namin ni Sevy saka ko pa nalaman ito. Wala naman akong nararamdaman na pagsisi na malamang buntis ako pero hindi ko pa matanggap na mangyayari ito. Minsan ko na ring pinangarap na maging ina. Ngunit hindi ko inaakala na
Diane's POV Nang makalabas si Sevy habang buhat buhat si Sophia. Nanlalambot ang tuhod na napahawak ako sa railings ng hagdan. Paisa isang tumulo ang mga luha ko hanggang sa masaganang nagsilaglagan na ang mga ito. Sobrang sikip ng dibdib ko kaya itinaas ko ang kamay ko para paghahampasin ito. Hindi ko maintindihan kung anong nagawa ko bakit nararanasan ko ang lahat ng ito. Simula pagkabata wala akong ibang hinagad kundi maging mabuti ang buhay ko. Kaya kahit iniwan niya ako matapos ang kasal namin. Nanatiling mabuting asawa ako. Hindi ako kilan man gumawa ng kasamaan. Naging malinis akong babae sa loob ng tatlong taong marriage namin na walang kasiguraduhan. "Ma'am! Diosko po! ma'am Diane! Anong nangyayari??!" Narinig ko ang malakas na boses ni manang. Hindi ko na alintana ito at patuloy lang sa pagiyak dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. "Ta-tama na ma'am. Wag na po kayong umiyak" Pampakalma na sabi nito. Kahit blurry ang mga mata ko dahil puno ito ng luha. Nakikit
Sevy's POV "Hello??" Bungad ko. Kasalukayang nagmamaneho ako pauwi dahil galing ako sa isang flower shop para bilhan ng bulaklak si Diane. Ito ang kauna unang mabibilhan ko siya ng bulaklak sa loob ng tatlong taon na marriage namin. Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang ito naisipan. Deserve na deserve niya ito dahil napakamabuting asawa nito para sa akin. "Si-sir, sir saan po kayo? May babaeng nanggugulo po rito. Sabi niya po, girlfriend niyo daw po siya" Mabilis na tumibok ang puso ko ng marinig ang natatarantang boses ni manang Elsi. Pumasok agad sa isip ko si Diane kaya agad ko binilisan ang pagmamaneho ko ng aking sasakyan. "Si-si Diane? Saan ang ma'am mo??" Takot na takot na tanong ko. Narinig kong bumuntong hininga si manang. "Diosko sir. Nasa loob po sila, kasalukuyang nag-uusap lang naman po pero natatakot ako baka kung anong gawin nong babae kay ma'am." Sagot nito. Agad na ibinaba ko ang cellphone ko at nagfocus sa pagmamaneho ko. Halos paliparin ko na ang sasakyan
Diane's POV Simula ng mag-usap kami ni Sevy nitong nakaraan sa loob ng kwrto ko. Hindi na ulit na sundan pa ito. Mas pabor sa akin iyon para naman hindi ko na makita ng pagmumukha nito. Dahil kapag nakikita ko siya mas lalo ko lang naalala ang lahat ng kasinungalingan at kataksilan na ginawa niya sa akin. "Ma'am, Sino po kayo? Bakit po kayo nakapasok rito" Napatigil ako sa pagtipa sa laptop ko ng marinig ang maingay na comosyon na galing sa ibaba. Weekend ngayon kaya kasalukuyang nasa bahay lang ako at tinatapos ang lahat ng reports na kailangan kong ipasa kay Sevy bukas. "Ilabas mo ang amo! Ano ba Sevy! lumabas ka dyan!" Naalarma ako sa narinig ko kasabay ng mabilis na pagkabog ng dibdib ko. May naiisip na akong tao kung sino ito pero ayoko pang paniwalaan ito. Tumayo ako at naglakad papunta pinto ng kwrto ko saka binuksan ito. Mabilis akong bumaba ng hagdan habang naririnig ko pa rin ang ingay nito. "Ano ba!! let go of me!!!" Ilang hakbang na lang sa hagdan makakarating na a
Sevy's POV Matapos kong suyurin ang ilong at ang napakakinis na mukha ni Diane. Dumako naman ang mga mata ko sa mapupula at nag aakit na mga labi nito. Habang nakatingin ako, nararamdaman kong nag-iinit ang buong katawan ko na sinasabayan ng malakas na pagtibok ng puso ko. Pakiramdam ko, ano mang
Sevy's POV Kinakabahan na pabalik na ako sa loob ng opisina ni Diane. Halos lakad takbo na ang ginagawa ko para lang mabilis na makarating sa loob ng opisina nito. Hindi ko alam kung bakit? pero sobrang pag aalala ang nararamdaman ko ngayon dahil sa pagkauntog nito sa lamesa. Ramdam ko pagkailan
Diane's POV Tahimik na kumakain kami ni Sevy sa pagkain na dala nito. Hindi ko alam kung anong sumanib sa impaktong ito at nagdala ng pagkain sa loob ng opisina ko.Gusto ko sanang tanggihan ang alok nito pero natalo rin ako ng gutom na nararamdaman ko. Mas nanaig ang gutom kaysa sa pride at ego ko
Diane's POV Nagngingitngit ang kalooban na nakaupo ako sa table ko. Hanggang ngayon hindi pa rin mawala wala sa isip ko ang matinding inis ko Kay Sevy habang suot suot ang coat na pinasuot niya sa akin kanina. "Impakto talaga? Teka bakit ko ba siya sinusunod? Sino ba siya? katawan ko to' at wa





![Chasing Mr. Billionaire [SSPG]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)

