LOGINWarning:Mature Content‼️ Baon sa utang ang kanyang mga magulang. Kaya ang pangarap niyang makapagtapos sa kolehiyo ay pinagpaliban nalang muna ni Celle . Si Draken Valentino - isang gwapo at hot billionaire na single dad naghahanap ng magiging yaya sa anak niya na iniwan ng kanyang asawa. Sa isipin na makapag-aral ulit si Celle, sinunggaban niya ang alok ng lalaki na magiging yaya sa anak nito at may malaking pasahod. Sa araw-araw nilang magkasama sa mansyon. Unti-unting nahuhulog ang damdamin niya sa kanyang amo na malaki ang agwat ng estado ng pamumuhay. Ngunit hindi niya kayang balewalain ng malakas na karisma nito na nagpapawala sa sarili niyang katinuan sa tuwing ito ay lumalapit. Ngunit ano na ang gagawin niya dahil bumalik na ang dating asawa ng kanyang amo na hanggang ngayon mahal pa rin nito ang babae. Hanggang saan siya kayang dalhin ng kanyang lihim na pagmamahal sa gwapo niyang amo? Bakit ngayon pa na naisuko na niya ang kanyang pinakaiingatan?
View MoreCelle's POV
" Ang sarap po,sir. Ang sarap po ng ice cream," bulalas ko sa mahinang boses. " You like it, sweetie? Gusto mo pa ba?" tanong niya. Kahit malabo na ang paningin ko dahil sa daming alak na aking nainom. Pero alam kong gwapo itong lalaki sa tabi ko. " Huwag po kayong titigil,sir. Malapit nang matunaw ang ice cream..." Shít! Shít! Tilaok ng manok ang nakapagpagising sa akin. Pinagpawisan ako ng malapot dahil sa panaginip ko. Napangiwi ako sa isipin na kung bakit gano'n na lamang ang laman ng aking panaginip. Shít! Ang weird naman ng panaginip ko may pa ice cream pa si sir ... Pagkatapos kong magdasal sa panibagong buhay na binigay ng Panginoon ay agad na akong bumangon sa kama. Tinungo ko na ang banyo namin upang maligo dahil tutulong ulit ako sa restaurant kanila tita Shiela. Pansamantala lang itong pagtulong-tulong ko, habang hindi pa ako tinawagan ng isa kong kaibigan na kasalukuyan nasa Maynila ngayon.Nagpapahanap kasi ako ng trabaho sa kaibigan ko. Huminto muna ako sa pag-aaral dahil nawalan ng trabaho si tatay at ang masama pa ngayon lubog pa kami sa utang. Lintik na utang talaga, ang landì eh, nanganak nang nanganak. Kasama kasi si tatay sa natanggal na trabahante sa kumpanya nila. Ang aking ina naman ay plain housewife na may kaunti lang pinagkaabalahan ang maliit niyang tindahan. Apat kaming magkapatid ako ang panganay sa edad na twenty-one, si Bryant na nineteen years old, si Brent na seventeen years old at ang aming bunso na si Beatriz na fifteen years old. Oh, diba? Ganyan kalupit ang mga magulang ko. Sunod-sunod lang naman kami.Bira lang nang bira sila mama at papa eh. Hanggang second year college lang ang natapos ko dahil hindi na kaya ng pinansiyal kahit scholar pa ako sa university namin. Tatlong taon na akong nahinto sa pag-aaral pero hindi dahilan iyon para titigil na ako sa aking pangarap. Magtatrabaho ako sa Maynila,mag-ipon tapos mag-aral ulit iyan ang goals ko sa buhay. Dahil bilang panganay, hindi ko man obligasyon na paaralin ko ang mga kapatid ko. Pero likas na sa ating mga pinoy na ang matulungin at handang gawin para sa kanilang pamilya. Kaya saludo ako sa mga OFW's na tiniis ang malayo sa pamilya para sa kinabukasan ng mahal nila sa buhay. " Oy, Celle... nakatulala ka na d'yan. Kanina pa kumukulo iyan pinapakulo mo na tubig." Basag sa akin ni mama Estrellita sa pagkatulala ko. Ganito talaga kapag bagong gising medyo wala ka pa sa ulirat mo. Malakas akong nagpakawala ng buntong-hininga ang lalim na pala ng iniisip ko. " Ay! Sorry po. Medyo inaantok pa kasi ako, ma. Masyadong maaga kasi ang alas kwatro na duty ko ngayon kaysa alas-sais ng umaga na nakasanayan ko." Wika ko kay mama. " Ngayon lang naman daw ito,Celle.Dahil magka-cater kayo ngayon. Darating daw kasi ang boss ng bagong tayo ng building sa tapat ng restaurant ng tita Sheila mo. Magpapakain yata sa mga tauhan," sagot naman ng aking ina. " Sige po, papasok na ako sa banyo." Tuluyan ko ng paalam bago pumasok sa banyo. Napasigaw pa ako dahil hindi yata tumalab ang init ng tubig na pinapakulo ko. Subrang lamig pa din ng tubig kaya ligong mabilisan lang ang ginawa ko. Saktong alas kwatro'y-medya ng madaling araw ang dating ko sa restaurant ng tiya Sheila ko. Nakita ko na ang mag-asawa na abala na sa paghahanda ng lulutuin at iba pa. " Oh, Celle... mabuti nandito kana, ineng. Pakitulungan na si Grace maggayat-gayat ng mga gulay at sa mga rekado.Magsimula na akong magluto." Bungad sa akin ni tita Sheila. " Opo tita," mabilis kong sagot. Mabilis ko sinuot ang pulang apron at tinulungan na si Grace maghiwa ng mga gulay. " Mabuti hindi ka pa inaantok, Celle. Masyadong maaga pa kasi ang alas-kwatro, noh?" bulong sa akin ni Grace. Natawa nalang din ako, kung alam lang nito na inaantok pa ako. Ganitong oras kasi ang kasarapan ng tulog ko. Pero wala eh, pagbibigyan ko nalang si tita Sheila. Dahil minsan lang naman ito humiling sa akin. Jackpot pa nga kami kung tutuusin dahil pitong putahe ang inorder tapos sikwenta katao pa ang papakainin. Maswerte na din dahil itong maliit na restaurant pa ni tita Shiela ang napili. Sabagay bakit pa sila lalayo kung katapat lang namin ang bagong on-going construction na building. Bukod sa masarap magluto ang tita Lita ko ay malinis at mura pa. " Celle,sabi ni engineer Giovanni dito daw kakain ang boss nila kaya ikaw ang mag-asikaso doon. Malaman tagalog iyon dahil taga-Maynila daw ang may-ari niyan." Wika ni tita Shiela. " Opo tita." Maiksi ko na sagot. " Ibang klase din ang may-ari, noh. Dito pa talaga kakain sa maliit na restaurant. Siguro hindi maarte iyon. Dahil diba, iyong mga mayayaman sa class na restaurant talaga kumakain." Wika ni Grace. Ang bilis nitong maghiwa ng mga gulay at mga rekado. Kaya believe ako dito eh, kahit si tita gustong-gusto si Grace dahil masipag ito at mabilis kumilos bagay sa kanya ang ganitong trabaho. Pero katulad ko, nakahinto din si Grace ng college dahil sa lack of financial. Matanda lang ako dito ng isang taon. Twenty-one na ako at twenty naman ito. Business ad ang kurso nito at Hotel and Restaurant Management naman ang kinuha ko. Dahil namana ko kanila mama at tita Sheila ang hilig magluto at hindi naman sa pagmamayabang kahit si Grace sarap na sarap sa luto ko kapag ako ang pinaluto ni tita sa ibang ulam. " Grace, ayaw mo bang sumama sa akin mag-apply sa Maynila?" tanong ko sa kanya. Nagkibit-balikat lang siya. " Okay na muna ako dito sa kanila tita Shiela, Celle" Sagot nito. " Sabagay makakaipon ka din naman dito dahil libre naman ang pagkain at isa pa sa'yo lang naman ang sahod mo." Wika ko. " Oo nga eh, hindi naman ako napi-pressure na makapag-aral ulit. Dahil wala naman akong kapatid. Si tatay sabi niya kunting tiis nalang daw kami makakabayad din daw kami sa mga pinagkautangan namin," mahaba na wika nito. Regular sa trabaho ang tatay nito na isang collector ng Motor Dealer. Nabaon kasi sa utang sila Grace nang nagkabreast cancer ang nanay nito. " Alam mo ba,Celle, kaya siguro dito napili ng engineer Giovanni na iyon na tayo ang magcater mamaya. Dahil pansin ko panay ang tingin sa'yo. Lihim ka niyang sinulyapan sa tuwing dito sila kakain ng mga kasamahan niya," natatawang wika ni Grace.Celle's POV Nagulat pa ako ng biglang may nagflash sa cellphone ni sir Draken na mismong sa tapat ng mukha ko.Nahiya ako doon dahil nakangiti siya sa akin. " I'm sorry, napindot ko ang camera." Wika niya. Wow ha... mukhang sinadya naman niya akong kinuhaan ng larawan.Sa isip ko. " Ilang taon ka na ba,Celle?" tanong niya sa akin. " Twenty-one na po ako,sir." "Hmm...ang bata mo pa nga," nakangiti niyang wika. Hindi ko mapigilan, hindi mapataas ang kilay ko. Bata? Twenty-one na ako hindi na ako ganun kabata sa inakala niya. " Sa palagay ko magkasundo kayo ng anak ko. Masabayan mo pa siya,lalo na sa mga trend ngayon. Matanda na kasi si yaya Neri kaya siguro ayaw na din ni Marah sa yaya niya," wika ulit niya pero ngayon ay natatawa na. Mas lalo siyang gumagwapo kapag nakatawa o nakangiti.Ang gaan kasi sa pakiramdam hindi iyong tipong seryoso at masungit. Napalakas din ang tawa ko.Tumigil nga lang siyang nang tumawa ako.Kaya bigla tuloy akong natigilan. Nakatitig na k
Celle's POV Excited na akong ibalita kay Grace ang bago kong trabaho.Magpaalam na din ako kay tita Sheila na aalis na ako sa restaurant nila. Pagkakataon ko na ito na makapag-ipon para makapag-aral ulit ako.Sa gan'on matulungan ko din ang mga kapatid ko. Nakita ko si tita nakaupo sa mesa. Talagang inaantay ako kung anong napag-usapan namin ni sir Draken. "Tita, may sasabihin sana ako..." pabitin kong wika. Nakatingin lang siya sa akin. Naghihintay ng kasunod ko pang sasabihin. " Ano kasi si sir Draken, nangangailangan ng bagong yaya sa anak niya." " Kung malaki naman ang pasahod ni sir Draken sunggaban mo na,Celle," sabad agad nito sa akin. Hindi na ako nito pinatapos sa nais ko pang sasabihin. " Basta mag-ingat ka lalo na sa mga mayayaman.Si sir Draken ay okay lang dahil mabait naman iyon. Pero hindi natin alam ang mga kasamahan n'ya sa bahay nila," habilin nito sa akin. " Opo,tita,mag-iingat po ako do'n. Isang araw nalang po ako dito sa restaurant ninyo." Wika ko.
Celle's POV Baka kakausapin yata ako nito na bawal na magdala o papasok ang ibang tao na hindi construction workers for safety purposes. Pero may permiso kami kay engineer Giovanni. Kung gan'on ang sadya niya bakit hindi si tita Sheila ang kakausapin nito? " Magandang gabi po,sir Draken. Kakausapin n'yo daw po ako?" wika ko sa mahinang boses. Nahihiya kasi ako sa kanya. At isa pa kinabahan ako kung anong sadya nito sa akin. Nilingon ko pa sila Grace at tita Sheila na naghihintay lang din sa counter. Lumingon siya sa akin. Tama nga si Grace,subrang gwapo nga naman nito. Siya iyong mga tipo ng lalaki na mapapanood ko sa mga palabas sa ibang bansa. O iyong mga male lead na sikat ngayon panoorin. " Take a sit, Celle." wika niya. Mabilis naman akong umupo sa harapan niya. Pero nakayuko ako dahil hindi ko kayang tumingin sa kanya. Para siyang may magnet sa mata nito na kaya niya akong hilahin para mawala ako sa aking sariling katinuan. Tumukhim muna ito bago nagsalita uli
Celle's POV " Hay! Ngayon palang kausapin mo na siya. Hanga pa naman ako sa batang iyon. Kahit mapera sila,pinagtiyagaan ka talaga niyang ligawan. Ibig sabihin lang no'n seryoso sa'yo," dagdag pa ni mama. Tumango lang ako. Nakikita ko naman iyon kay Kevin na seryoso talaga siya sa akin. Pero ayaw ko naman sagutin siya dahil lang sa awa.He deserves better than me. Nagpaalam na si mama na mauna na siya sa akin. Mabilis ko naman inubos ang gatas ko. Napangiti ako ng maalala ko na naman ang tinginan namin ni sir Draken kagabi.Bigla tuloy pumintig ang puso Pati pa yata tinggíl ko pumitik din. NAPANGITI na ako nang matanaw ko na ang restaurant nina tita Sheila. Alas-sais palang ng umaga marami-rami na ang nag-aalmusal kaya mabilis na akong pumasok. " Oh, Celle...pakihatid muna ito doon sa matandang babae na naka-uniform," agad na wika ni tita ng tuluyan na akong pumasok sa loob. Nagkapwesto na si Grace sa cashier. Ningitian ako ng pinsan ko, mukhang blooming ah... " Magandang






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews