Share

KABANATA 45

Author: Megan Jurado
last update Huling Na-update: 2024-12-07 06:41:48

‘Montenegro?’

Kumunot ang noo ni Alex. ‘Marami naman sigurong Montenegro sa mundong ito. Malabong siya iyon.’

“Gaano ka husay ang itong tinutukoy mo na sa Mr. Montenegro?” tanong niya.

Si Mr. Jurado ay nasa edad kwarenta. May katabaan ngunit palakaibigan naman ito. “Well, sa industriyang ito, kung sinabi niyang siya ang pangalawa, wala nang ibang magsasabing mas higit pa sila kay Mr. Montenegro. Dahil sa trabaho, halimaw ito gumawa. At polido.” Pagmamalaki ni Mr. Jurado.

“Let’s see. Mabubunutan tayo ng tinik kung talaga ngang mahusay siya gaya ng iyong sabi.”

“Bukod pa roon, ay single si Boss namin. Kaya kung may mairerecommend ka Miss Alex, ay ipakilala natin sa kanya.” Ngumiti si Alex.

“Okay. Pero Mr. Jurado, baka naman po ay may girlfriend na iyon o kaya ay secret lover sa kompanya niyo,” pagbibiro ni Alex.

“Naku, malabo, Miss.” sagot ni Mr. Jurado.

“Ang kompanya din namin ay nag-aalok ng posisyon sa kompanya para sa mga asawa ng empleyado.” pagbibiro ni Mr. Jurado.

Naging magaan a
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • My Husband's Hidden Heart   KABANATA 145

    ‘Pero imposible. Ganun na ba kaliit ang mundo?’ Napuno ng pagtataka ang isipan ni Alex. ‘Hindi… Baka nililito lamang niya si Tita para di na ito magkwento ng patungkol sa amin ni James. Pero mamaya kausapin ko siya tungkol dito.’ sabi ni Alex sa isip.Nagdesisyon siyang lumapit na sa kumpulan. Agad naman siyang nginitian ni Mary Anne nang mapansing papunta ito sa kanilang gawi. “Iha… Nasaan ang tito Anthony mo?” agad niyang tanong ng makalapit na si Alex sa grupo.“Susunod daw po siya.” maiksing sagot ni Alex.Kumunot ang noo ni Mary Anne at nanliit ang kanyang mata na tila ba binabasa nito ang kung ano man ang nangyayari sa kanilang pag-uusap. “Alex, mahal ka ng tito mo na parang kanyang tunay na anak-”Nauulinigan ni Alex ang ibig ipahiwatig ni Mary Anne kaya agad na siyang sumagot. “Opo. Alam ko po iyon. Huwag po kayong mag-alala, maayos ang pag-uusap namin ni Tito.” sagot ni Alex na ikinahinga ng maluwag ng ginang.“Kamusta ka?” pabulong na tanong ni Brandon kay Alex kasabay ng pa

  • My Husband's Hidden Heart   KABANATA 144

    Tila nanigas sa kinatatayuan ang matandang Lopez, halatang nabigla sa tanong ni Alex. Nanginig ang kanyang katawan dahilan upang muntikan na itong matumba. Mabuti na lamang at mabilis si Alex at agad niyang inalalayan si Anthony.“Tito,”Nang makaayos ng tayo si Anthony, agad itong tumingin kay Alex.“Bakit mo naitanong?” tanong ni Anthony.Agad na naalala ni Alex ang paalala sa kanya ni Brandon, na huwag sabihin ang kanyang paghihinala. ‘Bakit di ulit sila magsabi ng totoong nangyari.’ sabi nito sa isip.“Naalala ko po kasi bigla sila mama at papa. Hindi ko maalala ang mga nangyari noon kaya gusto ko sanang tanungin sa inyo.” Ang mga ngiti ng kanyang tiyuhin ay napawi mula nang mabanggit niya ang tungkol sa mga magulang ni Alex.“Ang nangyari sa inyo noon ay isang aksidente. Nang dumating ako sa lugar ng pinangyarihan ng aksidente, bumangga ang kotse niyo sa isang malaking puno. Akala namin noon ay walang makakaligtas sa inyo dahil sa lakas ng pagkakabangga. Ngunit. Niligtas ka ng iy

  • My Husband's Hidden Heart   KABANATA 143

    Kinuha ni Anthony ang isang kamay ni Alex at tinapik ito na tila ba pinapagaan ang kanyang loob. “Kung gayun… binasbasbasan ko ang realasyon niyo. Susuportahan ko kayong dalawa.”Nanlaki ang mga mata ni Alex sa sinabi ng ginoo. Hindi niya lubos maisip na tatanggpin ng Ginoo ng bukal sa puso ang relasyon nila ni Brandon. Dahil sa buong akala niya ay susuportahan nito ang kanyang sariling anak, at ipipilit pa siya nito kahit isa sa mga anak nitong lalaki. Pero hindi iyon nangyari. Sa halip, lantarang nitong sinabi na suportado niya ang relasyon nila.Walang pagsidlan ng tuwa ang nararamdaman ni Alex at tila ba ay nabunutan siya ng malaking tibik sa dibdib. Sa mag-asawa. Si Anthony ang malapit sa kanya kaya… mahalaga para sa kanya ang opinyon at sasabihin nito.Sa kanyang tuwa ay niyakap niya ang matanda. “Maraming salamat po, tito. Akala ko po na katulad ni tita, ay hindi niyo po ako mauunawaan sa desisyon ko.”Kahit magkayakap pa, ay naramdaman ni Alex ang pag-iling ng matanda. “Alam k

  • My Husband's Hidden Heart   KABANATA 142

    “Ano bang maibibigay mo kay Alexandra?” Bakas na sa tono ng ginang ang inis.“Hindi po ako mayaman katulad niyo, pero kaya ko po sa kanya ibigay ang lahat ng nasa akin. Kaya kong magtrabaho para matugunan ang pangangailangan niya. At kahit ang pinakaimposibleng bagay na hihilingin niya sa akin ay gagaan ko ng paraan para makuha iyon, para lamang maging masaya siya.” Tagos sa pusong sagot ni Brandon. Na tila ba ipinararating nito sa dalaga kung gaano niya kamahal si Alex na gagawin niya ang lahat para sa kanya. At tila ipinararating ni Brandon ang totoong kahulugan ng pag-ibig. Iyong kahit hindi mo kayang kunin ang mga bituin, pero para sa taong mahal niya, gagawin niya ang lahat para lamang makuha ang bituin at maiparamdam dito kung gaano niya ito kamahal.Hindi inaasahan ni Alex ang sagot na iyon. Napaawang na lamang ang kanyang mga labi habang tulalang nakatingin kay Brandon. Ramdam niya ang bawat salitang sinasabi ng binata. Kung hindi niya alam napagpapanggap lamang ang lahat ng

  • My Husband's Hidden Heart   KABANATA 141

    “Sige. Pero bago iyan… Kami muna ang magtatanong.” Sabi ni Anthony.“Kayo-”“Magkaibigan kayo, hindi ba?” Pagputol ni Mary Anne sa sasabihin ni Anthony.“Oo nga po pala. Kilala niyo naman na po si Brandon Montenegro. Nobyo ko po.” Lakas loob na pagpapakilala ni Alex sa kanyang kasama.Walang bakas ng pagkagulat sa mga mukha nila. Alam ni Alex na walang balitang hindi malalaman ng mag asawang Lopez.“Maligayang kaarawan po muli, Chairman. Ito nga po pala munting regalo ko, sana ay magustuhan mo.” Inilabas ni Brandon ang isang maliit na parihabang karton na nakabalot sa isang kulay asul na pangregalo. Binuksan iyon ni Anthony at namangha nang makitang isa iyong limited edition na customized pen na may nakaukit na pangalan niya. Ang panulat na iyon ay nabibili lamang sa ibang bansa at inaabot ng isang buwan ang pag-oorder noon. Maging si Alex ay napasinghap sa regalong binigay ng lalaki. Dahil alam niya na may kamahalan ang panulat na iyon. Kalaunan ay kunot-noo niyang tiningnan ang nag

  • My Husband's Hidden Heart   KABANATA 140

    Matapos ang nakakakabang biyahe, nakarating na din sa wakas sina Brandon at Alex sa hotel kung saan pinagdiriwang ang kaarawan ni Anthony Lopez, ama ni James. Nang makita naman ng mga guwardiya mula sa bukana ng hotel si Alex, ay agad siya nitong pinapasok. Ibingay naman ni Brandon ang susi ng kontse sa vallet at nagpasalamat dito, bago sinundan si Alex papasok sa loob ng hotel. Huminto si Alex sa isang malaking pintuan at hinintay si Brandon na papalapit sa kanya. Huminga muna nang malalim si Alex bago tuluyang itulak ang malaking pinto na papasok sa isang ballroom. Sa kanilang pagpasok, nakuha nila agad ang atensyon ng mga bisita, na animo’y sila ang mga artistang inaabangang dumating sa salo-salo.“Hindi ba siya ang fiance ni James? Bakit ibang lalaki ang kaniyang kasama?” Nanlalaki ang mga matang nakatingin ang iba pa ay hindi paiwasang suminghap ng mapansin ang nakalingkis na kamay ni Alex sa braso ng matipunong lalaki na kanyang kasabay sa pagpasok.“Nobyo niya kaya ang katabi

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status