LOGIN"A happy girlfriend is a happy life." Iyan ang isa sa mga motto na pinaniniwalaan ni Alexandra Bautista o mas kilalang Alex. Dahil sa sampung taon niyang relasyon kay James Alexander Lopez, ay naging masaya siya. Ngunit ang sayang naramdaman ay napalitan ng pagdududa. Pinilit niyang unawain at huwag bigyan ng kahulugan ang kanyang mga naririnig sa paligid, at piniling pagkatiwalaang muli ang fiance. Ngunit ang pagdududa ay mas lalong napagtibay nang dumating sa buhay nila ang isang babae. Isang babae na tiyak niyang sisira sa sampung taon niyang masayang relasyon sa fiance na si James. Ano ang dapat niyang gawin? Bibitaw na ba o kakapit pa at muling bigyan ng pagkakataon ang sinisinta? Ano naman ang gagawin niya kapag malaman niyang siya ay nagdadalang tao? Paano haharapin ni Alex ang lahat ng pagsubok na darating sa kanyang buhay? Mahahanap kaya niya ang pagmamahal na deserve niya sa taong kanyang iniirog o sa iba niya mahahanap ang pagmamahal na iyon?
View More‘Pero imposible. Ganun na ba kaliit ang mundo?’ Napuno ng pagtataka ang isipan ni Alex. ‘Hindi… Baka nililito lamang niya si Tita para di na ito magkwento ng patungkol sa amin ni James. Pero mamaya kausapin ko siya tungkol dito.’ sabi ni Alex sa isip.Nagdesisyon siyang lumapit na sa kumpulan. Agad naman siyang nginitian ni Mary Anne nang mapansing papunta ito sa kanilang gawi. “Iha… Nasaan ang tito Anthony mo?” agad niyang tanong ng makalapit na si Alex sa grupo.“Susunod daw po siya.” maiksing sagot ni Alex.Kumunot ang noo ni Mary Anne at nanliit ang kanyang mata na tila ba binabasa nito ang kung ano man ang nangyayari sa kanilang pag-uusap. “Alex, mahal ka ng tito mo na parang kanyang tunay na anak-”Nauulinigan ni Alex ang ibig ipahiwatig ni Mary Anne kaya agad na siyang sumagot. “Opo. Alam ko po iyon. Huwag po kayong mag-alala, maayos ang pag-uusap namin ni Tito.” sagot ni Alex na ikinahinga ng maluwag ng ginang.“Kamusta ka?” pabulong na tanong ni Brandon kay Alex kasabay ng pa
Tila nanigas sa kinatatayuan ang matandang Lopez, halatang nabigla sa tanong ni Alex. Nanginig ang kanyang katawan dahilan upang muntikan na itong matumba. Mabuti na lamang at mabilis si Alex at agad niyang inalalayan si Anthony.“Tito,”Nang makaayos ng tayo si Anthony, agad itong tumingin kay Alex.“Bakit mo naitanong?” tanong ni Anthony.Agad na naalala ni Alex ang paalala sa kanya ni Brandon, na huwag sabihin ang kanyang paghihinala. ‘Bakit di ulit sila magsabi ng totoong nangyari.’ sabi nito sa isip.“Naalala ko po kasi bigla sila mama at papa. Hindi ko maalala ang mga nangyari noon kaya gusto ko sanang tanungin sa inyo.” Ang mga ngiti ng kanyang tiyuhin ay napawi mula nang mabanggit niya ang tungkol sa mga magulang ni Alex.“Ang nangyari sa inyo noon ay isang aksidente. Nang dumating ako sa lugar ng pinangyarihan ng aksidente, bumangga ang kotse niyo sa isang malaking puno. Akala namin noon ay walang makakaligtas sa inyo dahil sa lakas ng pagkakabangga. Ngunit. Niligtas ka ng iy
Kinuha ni Anthony ang isang kamay ni Alex at tinapik ito na tila ba pinapagaan ang kanyang loob. “Kung gayun… binasbasbasan ko ang realasyon niyo. Susuportahan ko kayong dalawa.”Nanlaki ang mga mata ni Alex sa sinabi ng ginoo. Hindi niya lubos maisip na tatanggpin ng Ginoo ng bukal sa puso ang relasyon nila ni Brandon. Dahil sa buong akala niya ay susuportahan nito ang kanyang sariling anak, at ipipilit pa siya nito kahit isa sa mga anak nitong lalaki. Pero hindi iyon nangyari. Sa halip, lantarang nitong sinabi na suportado niya ang relasyon nila.Walang pagsidlan ng tuwa ang nararamdaman ni Alex at tila ba ay nabunutan siya ng malaking tibik sa dibdib. Sa mag-asawa. Si Anthony ang malapit sa kanya kaya… mahalaga para sa kanya ang opinyon at sasabihin nito.Sa kanyang tuwa ay niyakap niya ang matanda. “Maraming salamat po, tito. Akala ko po na katulad ni tita, ay hindi niyo po ako mauunawaan sa desisyon ko.”Kahit magkayakap pa, ay naramdaman ni Alex ang pag-iling ng matanda. “Alam k
“Ano bang maibibigay mo kay Alexandra?” Bakas na sa tono ng ginang ang inis.“Hindi po ako mayaman katulad niyo, pero kaya ko po sa kanya ibigay ang lahat ng nasa akin. Kaya kong magtrabaho para matugunan ang pangangailangan niya. At kahit ang pinakaimposibleng bagay na hihilingin niya sa akin ay gagaan ko ng paraan para makuha iyon, para lamang maging masaya siya.” Tagos sa pusong sagot ni Brandon. Na tila ba ipinararating nito sa dalaga kung gaano niya kamahal si Alex na gagawin niya ang lahat para sa kanya. At tila ipinararating ni Brandon ang totoong kahulugan ng pag-ibig. Iyong kahit hindi mo kayang kunin ang mga bituin, pero para sa taong mahal niya, gagawin niya ang lahat para lamang makuha ang bituin at maiparamdam dito kung gaano niya ito kamahal.Hindi inaasahan ni Alex ang sagot na iyon. Napaawang na lamang ang kanyang mga labi habang tulalang nakatingin kay Brandon. Ramdam niya ang bawat salitang sinasabi ng binata. Kung hindi niya alam napagpapanggap lamang ang lahat ng






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ratings
reviewsMore