Tila nanigas sa kinatatayuan ang matandang Lopez, halatang nabigla sa tanong ni Alex. Nanginig ang kanyang katawan dahilan upang muntikan na itong matumba. Mabuti na lamang at mabilis si Alex at agad niyang inalalayan si Anthony.“Tito,”Nang makaayos ng tayo si Anthony, agad itong tumingin kay Alex.“Bakit mo naitanong?” tanong ni Anthony.Agad na naalala ni Alex ang paalala sa kanya ni Brandon, na huwag sabihin ang kanyang paghihinala. ‘Bakit di ulit sila magsabi ng totoong nangyari.’ sabi nito sa isip.“Naalala ko po kasi bigla sila mama at papa. Hindi ko maalala ang mga nangyari noon kaya gusto ko sanang tanungin sa inyo.” Ang mga ngiti ng kanyang tiyuhin ay napawi mula nang mabanggit niya ang tungkol sa mga magulang ni Alex.“Ang nangyari sa inyo noon ay isang aksidente. Nang dumating ako sa lugar ng pinangyarihan ng aksidente, bumangga ang kotse niyo sa isang malaking puno. Akala namin noon ay walang makakaligtas sa inyo dahil sa lakas ng pagkakabangga. Ngunit. Niligtas ka ng iy
Kinuha ni Anthony ang isang kamay ni Alex at tinapik ito na tila ba pinapagaan ang kanyang loob. “Kung gayun… binasbasbasan ko ang realasyon niyo. Susuportahan ko kayong dalawa.”Nanlaki ang mga mata ni Alex sa sinabi ng ginoo. Hindi niya lubos maisip na tatanggpin ng Ginoo ng bukal sa puso ang relasyon nila ni Brandon. Dahil sa buong akala niya ay susuportahan nito ang kanyang sariling anak, at ipipilit pa siya nito kahit isa sa mga anak nitong lalaki. Pero hindi iyon nangyari. Sa halip, lantarang nitong sinabi na suportado niya ang relasyon nila.Walang pagsidlan ng tuwa ang nararamdaman ni Alex at tila ba ay nabunutan siya ng malaking tibik sa dibdib. Sa mag-asawa. Si Anthony ang malapit sa kanya kaya… mahalaga para sa kanya ang opinyon at sasabihin nito.Sa kanyang tuwa ay niyakap niya ang matanda. “Maraming salamat po, tito. Akala ko po na katulad ni tita, ay hindi niyo po ako mauunawaan sa desisyon ko.”Kahit magkayakap pa, ay naramdaman ni Alex ang pag-iling ng matanda. “Alam k
“Ano bang maibibigay mo kay Alexandra?” Bakas na sa tono ng ginang ang inis.“Hindi po ako mayaman katulad niyo, pero kaya ko po sa kanya ibigay ang lahat ng nasa akin. Kaya kong magtrabaho para matugunan ang pangangailangan niya. At kahit ang pinakaimposibleng bagay na hihilingin niya sa akin ay gagaan ko ng paraan para makuha iyon, para lamang maging masaya siya.” Tagos sa pusong sagot ni Brandon. Na tila ba ipinararating nito sa dalaga kung gaano niya kamahal si Alex na gagawin niya ang lahat para sa kanya. At tila ipinararating ni Brandon ang totoong kahulugan ng pag-ibig. Iyong kahit hindi mo kayang kunin ang mga bituin, pero para sa taong mahal niya, gagawin niya ang lahat para lamang makuha ang bituin at maiparamdam dito kung gaano niya ito kamahal.Hindi inaasahan ni Alex ang sagot na iyon. Napaawang na lamang ang kanyang mga labi habang tulalang nakatingin kay Brandon. Ramdam niya ang bawat salitang sinasabi ng binata. Kung hindi niya alam napagpapanggap lamang ang lahat ng
“Sige. Pero bago iyan… Kami muna ang magtatanong.” Sabi ni Anthony.“Kayo-”“Magkaibigan kayo, hindi ba?” Pagputol ni Mary Anne sa sasabihin ni Anthony.“Oo nga po pala. Kilala niyo naman na po si Brandon Montenegro. Nobyo ko po.” Lakas loob na pagpapakilala ni Alex sa kanyang kasama.Walang bakas ng pagkagulat sa mga mukha nila. Alam ni Alex na walang balitang hindi malalaman ng mag asawang Lopez.“Maligayang kaarawan po muli, Chairman. Ito nga po pala munting regalo ko, sana ay magustuhan mo.” Inilabas ni Brandon ang isang maliit na parihabang karton na nakabalot sa isang kulay asul na pangregalo. Binuksan iyon ni Anthony at namangha nang makitang isa iyong limited edition na customized pen na may nakaukit na pangalan niya. Ang panulat na iyon ay nabibili lamang sa ibang bansa at inaabot ng isang buwan ang pag-oorder noon. Maging si Alex ay napasinghap sa regalong binigay ng lalaki. Dahil alam niya na may kamahalan ang panulat na iyon. Kalaunan ay kunot-noo niyang tiningnan ang nag
Matapos ang nakakakabang biyahe, nakarating na din sa wakas sina Brandon at Alex sa hotel kung saan pinagdiriwang ang kaarawan ni Anthony Lopez, ama ni James. Nang makita naman ng mga guwardiya mula sa bukana ng hotel si Alex, ay agad siya nitong pinapasok. Ibingay naman ni Brandon ang susi ng kontse sa vallet at nagpasalamat dito, bago sinundan si Alex papasok sa loob ng hotel. Huminto si Alex sa isang malaking pintuan at hinintay si Brandon na papalapit sa kanya. Huminga muna nang malalim si Alex bago tuluyang itulak ang malaking pinto na papasok sa isang ballroom. Sa kanilang pagpasok, nakuha nila agad ang atensyon ng mga bisita, na animo’y sila ang mga artistang inaabangang dumating sa salo-salo.“Hindi ba siya ang fiance ni James? Bakit ibang lalaki ang kaniyang kasama?” Nanlalaki ang mga matang nakatingin ang iba pa ay hindi paiwasang suminghap ng mapansin ang nakalingkis na kamay ni Alex sa braso ng matipunong lalaki na kanyang kasabay sa pagpasok.“Nobyo niya kaya ang katabi
Ilang minuto silang tahimik dalawa habang binabaybay ang daanan patungo sa kanilang patutunguhan. At dahil sa dilim ng paligid, hindi namalayan ni Brandon ang tumatawid na aso sa kalsada. Kaya naman sa gulat nito, ay ikinabig niya ang manibela sa kabilang linya, dahilan upang makasalubong nila ang isang malaking trak na papalapit sa kanila.“Ahhh!!!” Sigaw ni Alex na agad nagpikit ng mata sa takot na sila ay mababangga. Ang kabang naramdaman ni Alex ay halos humiwalay ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan.Ngunit kalmado lamang ang nagmamanehong si Brandon, na agad iniliko ang minamanehong sasakyan pabalik sa dating linya. Agad na itinabi ni Brandon ang kotse at nilingon ang nakapikit at mahigpit na nakakapit sa kanyang seatbelt na si Alex.“Alex… Okay ka lang ba?” Nag-aalalang tanong nito.Doon lamang napagtanto ni Alex na sila ay ligtas at hindi napahamak sa kalsada. Nakahinga siya ng maluwag at agad na tinanggal ang suot na seat belt upang mayakap si Brandon. Naramdaman na lamang