Share

Chapter 17

Mabilisan lang ang pagbibihis na ginawa ni Mikaela, hindi na siya nag-ayos ng todo. Nagpahid lang siya nang liptint sa labi para hindi magmukhang maputla at naglagay ng konting pulbo sa mukha. Na-maximize niya ang kaniyang oras at nagawa niyang makahabol sa inauguration ng hindi nale-late.

Agad niyang hinanap ang kaniyang biyenan, hindi pupwedeng hindi nito makita ang presensiya niya.

Natagpuan niya ito sa pinaka unang upuan malapit sa stage. Agad siyang lumapit dito. "I'm sorry for being late, Mama." Tumabi siya ng upo sa ginang.

Nalukot naman ang mukha ni Claudia nang makita siya. "Kung hindi mo kayang magising nang maaga ay huwag ka nang mangako na sasama. Ang ayoko sa lahat ay iyong pinaghihintay ako. Maiksi lang ang pasensiya ko at hindi ka espesyal na tao para hintayin ko. Kung alam mo ang ibig sabihin ng salitang 'commitment' ay maaga pa lang nakahanda ka na. Hindi pasado sa akin ang ugali mong 'yan, Mikaela. Kahit kailan talaga ay palpak ka, wala ka nang ginawang tama," sermo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status