Share

Chapter 43

Napapansin ni Mikaela na ilang araw nang tahimik ang kaniyang asawa at para bang may malalim itong iniisip. Araw nang Linggo noon, pareho silang nasa bahay lang at walang commitment sa labas. Nasa tabi lang naman niya si Blaine, pero pakiramdam niya ay ang layo-layo nito sa kaniya.

"Hon, parang malalim ang iniisip mo, may problema ba?" tanong niya nang makalapit dito.

Bahagyang napakislot si Blaine, hindi niya inaasahan ang biglang pagsulpot na iyon ni Mikaela sa kaniyang harapan. Inangat niya ang ulo at nilingon ito. "Wa-wala naman akong problema. Why are you asking?" balik tanong niya rito.

Umiling si Mikaela. "Wala, napapansin ko lang ilang araw ka nang parang may malalim na iniisip."

Pilit na ngumiti si Blaine, niyakap niya sa bewang si Mikaela, nakatayo kasi ito at siya naman ay nakaupo sa gilid ng kama. Inihilig niya ang ulo sa tiyan nito.

Napangiti naman si Mikaela sa ginawing iyon ng kaniyang asawa. Inimagine niya na buntis siya, malaki na ang tiyan niya at pinakikinggan ni B
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status