Mikaela's POV
Magkahawak kamay kaming naglalakad ni Blaine papasok sa loob ng ospital. Narito kami ngayon para sa aming monthly check up. Si Dra. Garces ay ang gynecologist na tumitingin sa amin ni Blaine. Isa siyang fertility specialist at siya ang nagmo-monitor ng fertility status naming mag-asawa.Dumaan na kami sa maraming test. Nakaka-pressure na rin sa part namin ni Blaine, minamadali kasi kaming magka-anak ng mga taong nakapaligid sa amin. Gustong-gusto kong magka-anak, kaya lang ay hindi ko naman ipinipilit na dumating kaagad. Kapag hinihintay mo kasi ay lalo namang hindi dumarating. Para sa akin ay may tamang panahon para sa lahat ng bagay.Siyam na test ang dapat sana ay isasagawa sa amin, ngunit inuna muna ang tatlo at iyon ang hihintayin namin na resulta. Pinababalik kami ng aming doktor after two days."Paano po, doc, aalis na kami," paalam ni Blaine kay Dra. Garces, nakipagkamay pa siya rito."Okay. Baka makalimutan ninyo ang schedule ng pagbalik ninyo rito kaya ire-remind ko na lang kayo thru email. Importante kasing kaharap ko kayo mismo habang binabasa ang magiging resulta ng mga test sa inyo nang sa ganu'n ay maipaliwanag ko rin ng maayos.""Sige po, doc asahan ninyong darating kami." Ako na ang sumagot para sa aming mag-asawa."Thank you, doc."Tumango si Dra. Garces sabay ngiti at lumabas na kami nang silid nito.Kampante naman ako na walang magiging problema sa mga test na isinagawa sa amin ni Blaine, kaya hindi ko na masyadong inisip iyon.Matapos ang check-up namin ay kumain muna kami sa restaurant bago maghiwalay. May importanteng bagay pa kasing aasikasuhin si Blaine sa munisipyo, ako naman ay may seminar na pupuntahan, na naka-schedule ngayong 2pm. Ang seminar na iyon ay para sa mga kababaihan. Ako ang isa sa mga napili na magsalita at magbigay ng inspirational at encouraging speech para sa kanila."Take good care of yourself okay? Sandali lang naman ang lalakarin ko, magkita na lang tayo sa mansion before dinner," bilin sa akin ni Blaine."Okay. Ikaw rin, mag-iingat ka," sabi ko naman.Tumango siya at kinabig ako para yakapin. Hinalikan niya ako sa noo at pagkatapos ay sa aking mga labi naman."I'll miss you dearly. I wish I could have more time to spend with you." May panghihinayang sa mukha ni Blaine. Kung wala lang kaming parehong lakad ngayong araw ay gusto sana naming umuwi muna sa resthouse ng mga Montreal, para makapagpahinga ng magkasama kahit dalawang araw lang, kaya lang ay napakahirap isingit sa schedule ni Blaine ang magbakasyon."Ayos lang, sige na, umalis ka na baka mahuli ka pa sa lakad mo." Tumango si Blaine, pinisil pa muna niya ang palad ko bago tuluyang bumaba at lumipat ng sasakyan. Nakabuntot ang mga bodyguard niya sa kaniya at pinagbuksan pa siya ng pinto. Pagkapasok niya ay ibinaba agad niya ang bintana ng sasakyan at kumaway sa akin, kaya naman ginaya ko ang ginawa niya, may pinindot akong buton at kusa ng bumaba ang salamin bintana ng kotse na gamit ko. Gumanti ako ng kaway sa kaniya. Bago maghiwalay ng tatahaking daan ang mga sasakyan namin ay nagsabi pa siya sa akin ng 'I love you'. Hindi ko narinig ngunit naintindihan ko naman sa pamamagitan ng pagbuka ng kaniyang bibig. Kaya nginitian ko siya at saka tumango._Pagdating ko sa venue ng seminar ay binati agad ako ng mga tao na naroon at gumanti naman ako ng pagbati sa kanila.Nakasanayan ko na ang tumayo at magsalita sa harapan ng maraming tao, kaya naman simpleng bagay na lang sa akin ang ganitong klase ng okasyon. Sa dami na ng napuntahan kong seminar ay natutuwa ako dahil ang mga taong nakakasalamuha ko ay laging masaya at masarap kausap.Nang mag-umpisa na akong magsalita ang lahat ng atensiyon ng mga tao ay nasa akin, nakakatuwang isipin na nakikinig sila sa akin at interesado sila sa mga sinasabi ko.Ang pinaghandaan kong speech mula pa kagabi ay nai-deliver ko naman ng maayos. Matapos ang speech ko ay nagpaalam na ako sa mga taong in-charge sa seminar na iyon at nagmamadaling umalis. Nagpahatid ako diresto sa mansion.Nagbihis lang ako sandali at nagtungo na sa kusina para tumulong sa paghahanda ng hapunan. Nadatnan ko si Mama Claudia na punong abala sa pagluluto. Uuwi si Papa Gustavo ngayon para sumalo sa amin sa hapunan, kaya naman sinigurado ng biyenan kong babae na siya mismo ang magluluto ng mga pagkain na kakainin ng kaniyang asawa."Ano'ng tinutunganga mo diyan? Kunin mo ang sandok at haluin mo 'to baka masunog," utos sa akin ni Mama nang makita niya akong nakatingin lang sa kaniya. Namamangha kasi ako sa tuwing nakikita ko siya sa kusina. Maliksi ang mga kilos niya at ang mga kamay niya ay napakabilis lalo na sa paghihiwa ng mga gulay.Nagmamadaling sinunod ko ang utos ni Mama. Ang totoo ay hindi ako magaling magluto na kagaya niya, mga simpleng pagkain lang ang kaya kong lutuin. Si Mama Claudia ay isang sikat na international chef bago pa siya nakilala ni Papa Gustavo, kaya hindi puwede sa kaniya ang aanga-anga sa kusina.Huminga muna ako ng malalim bago kinuha ang sandok, alam kong masisigawan na naman ako kaya hinanda ko na ang aking sarili."Hindi gan'yan ang tamang paghalo! Paghawak pa lang ng sandok ay mali na!"Nagulat ako at halos mapalundag nang malakas ng tapikin ni Mama Claudia ang kamay ko. Mabuti na lang at mabilis ako, nagawa kong maiiwas ang kamay ko upang hindi ito dumikit sa gilid ng kawali dahil siguradong malalapnos ang balat ko sa paso."Sorry po, Mama!" paumanhin ko."Ang lakas-lakas ng loob mo na mag-asawa, hindi ka naman marunong magluto! Ano ang ipapakain mo sa anak ko? Kaya hindi ko magawang payagan na bumukod kayo dahil alam na alam ko na ang mangyayari. Kawawa lang ang anak ko sa'yo. Hindi ko inalagaan at pinalaki ng maayos ang anak ko para gutumin mo lang." Nag-umpisa na siyang magsermon sa akin.Sa dami nang masasakit na salita na nasabi sa akin si Mama Claudia simula pa noong magnobyo pa lang kami ni Blaine ay parang na-immune na ako. Masakit pa rin naman kung iisipin kaya lang ay hindi ko na masyadong dini-dibdib.Wala talagang araw na hindi ako sinisermunan ni Mama. Kapag nasa mansion ako ay ang liit-liit nang tingin ko sa sarili ko. Hindi ko nga alam kung ano ang iniisip sa akin ng mga kasambahay namin na nakakarinig at nakakasaksi kung paano ako tratuhin ni Mama?Sinikap kong pagbutihin ang lahat nang ginagawa ko ngunit wala naman nakikitang tama sa akin si Mama. Ni minsan ay hindi niya ako nagawang purihin sa mga achievements ko. Tanggap ko na, hanggang dito na lang talaga ang relasyon namin, kahit ano'ng gawin ko para maging mabuting tao sa harapan niya, at kahit ano'ng gawin ko para i-please siya ay inilalayo naman niya ang loob sa akin. Wala nang patutunguhan kung ipipilit ko pa ang sarili ko.Naghahanap ako ng kalinga ng isang ina pero hindi ko makita iyon kay Mama Claudia. Sinukuan ko na ang pangarap ko na isang araw ay magugustuhan niya rin ako. Isang himala na lang siguro ang makakagawa ng ganu'n.Basta ang importante sa akin ay ang relasyon namin ni Blaine, nagkakaintindihan kami at nagmamahalan. At the end of the day, kami lang naman ang magkakampi hanggang sa huli."Are you ready?" Tumango si Mikaela at pagkatapos ay nakangiting tinapunan ng tingin ang asawa.Magkahawak kamay silang sumakay sa speed boat na maghahatid sa kanila sa Isla Amelia.Habang nasa bangka ay nakayakap si Mikaela sa bewang ng kaniyang asawa at nakahilig ang ulo sa balikat nito. Hindi nawawala ang ngiti niya sa labi. Ito ang unang pagkakataon na makakasama niya ng matagal ang asawa, walong araw sila sa isla kaya naman hindi na siya makapaghintay sa mga maari pa nilang gawin sa kanilang bakasyon.Halos isang oras ang kanilang biniyahe bago dumaong ang speed boat sa gilid ng dagat. Bumaba ang kaniyang asawa at agad din siyang inalalayan nito na makababa.Ngumiti si Mikaela. "Thank you, honey," malambing na sabi niya.Gumanti ng ngiti ang kaniyang asawa. Hinawakan nito ang isang kamay niya at bahagyang pinisil. Magkahawak kamay silang naglakad, tanaw nila ang mataas na gate ng villa. Nakasunod sa kanila ang mga tauhan sa isla, bitbit ang kanilang mga bagahe."Ang dami na palan
"Lately napapansin ko na masyadong kang pagod sa trabaho. It's about time na mag-relax ka naman. How about a vacation sa Isla Amelia?" Mabilis na nabaling ang tingin ni Mikaela sa asawang si Blaine. Bukod sa Isla De Montreal, ang Isla Amelia ay pag-aari rin ng kanilang pamilya, ipinangalan ang islang iyon sa kanilang Lola Amelia. Mala-paraiso ang lugar na iyon at kung papipiliin siya ay mas gugustuhin niya na manirahan na lamang sa isla na iyon habang buhay. Bukod kasi sa tahimik at malayo sa polusyon, ay sagana pa ang lugar sa masusustansiyang pagkain. Simpleng pamumuhay, ngunit masaya at mapayapa."Ha! Talaga? Kailan tayo pupunta sa isla?" excited na tanong niya."Ikaw kung kailan mo gusto. Ako nakahanda na, nakapag-file na ako ng leave. Ikaw baka may mga trabaho ka pang gagawin.""Pwede ko naman ibilin kay Menchie ang mga trabaho ko. Gusto kong magbakasyon na kasama ka." Halata ang labis na saya sa kaniyang mga mata.Napangiti si Blaine. "Ayusin mo muna ang mga dapat mong ayusin sa
Napapansin ni Mikaela na ilang araw nang tahimik ang kaniyang asawa at para bang may malalim itong iniisip. Araw nang Linggo noon, pareho silang nasa bahay lang at walang commitment sa labas. Nasa tabi lang naman niya si Blaine, pero pakiramdam niya ay ang layo-layo nito sa kaniya."Hon, parang malalim ang iniisip mo, may problema ba?" tanong niya nang makalapit dito. Bahagyang napakislot si Blaine, hindi niya inaasahan ang biglang pagsulpot na iyon ni Mikaela sa kaniyang harapan. Inangat niya ang ulo at nilingon ito. "Wa-wala naman akong problema. Why are you asking?" balik tanong niya rito.Umiling si Mikaela. "Wala, napapansin ko lang ilang araw ka nang parang may malalim na iniisip."Pilit na ngumiti si Blaine, niyakap niya sa bewang si Mikaela, nakatayo kasi ito at siya naman ay nakaupo sa gilid ng kama. Inihilig niya ang ulo sa tiyan nito.Napangiti naman si Mikaela sa ginawing iyon ng kaniyang asawa. Inimagine niya na buntis siya, malaki na ang tiyan niya at pinakikinggan ni B
Napakahirap para kay Blaine ang desisyon na iyon, ang kausapin ang kaniyang kakambal at kumbinsihin ito na pumayag sa gusto niya. Desperado na siya, dumating na siya sa punto na kailangan na niyang gawin ang lahat kahit na hindi nararapat, ito lang ang tanging naisip niya na sasagot sa problema niya. Hindi siya sigurado, hindi pa niya naikunsulta ito sa doktor at hindi kasama sa plano niya na gawin iyon. Naisip niyang kung ang kakambal niya ang makakabuntis sa kaniyang asawa, dahil sa iisa lang ang dugong nanalantay sa kanila at halos wala silang pinagkaiba sa itsura, ay hindi mag-iisip ng kung ano si Mikaela. Walang magiging pagdududa itong mararamdaman, at kung sakaling makabuo sila, kahit ipa-DNA test pa ang bata ay malaki pa rin ang probabilidad at mataas ang porsiyento na lalabas na kadugo niya ito. Kailangan lang ay ibayong pag-iingat na walang makakaalam na buhay pa ang kakambal niya. Isa ito sa maraming sikretong kaniyang itinatago sa asawa niya at sa pamilya."Sir, tama po ba
Gabi na nang makarating si Fiero sa dati niyang tinitirahan, matapos ang ilang oras na biyahe sa himpapawid. Hindi pa naman ganuon katagal siyang nawala sa bansa ngunit nanibago na siya sa oras.Dahil gabi na ay hindi na umuwi sa kaniyang tirahan si Maureen. Apat naman ang kwarto sa bahay na iyon. Siguradong bukas nang maaga ay kakailanganin siya ni Blaine, kaya mas minabuti na lang din niya na doon matulog para nasa malapit lang siya. Sa edad na thirty five ay wala pang sariling pamilya si Maureen, naninirahan itong mag-isa sa townhouse na naipundar niya, ang pamilya kasi niya ay sa malayong probinsiya nakatira. Kaya wala siyang pangamba kahit na saan siya pumunta o matulog dahil wala namang naghihintay sa kaniyang pag-uwi."Matutulog na ako, Fiero," paalam nito sa binata."Sige Ma'am dito muna ako sa labas, hindi pa ako inaantok," ani Fiero."Sige." Umakyat na ito ng hagdan patungo sa second floor kung saan naroon ang mga silid.Maalinsangan ang panahon, bukod sa time difference ay
Hindi maipaliwanag ni Fiero ang nadarama, ayaw niyang umalis pero nakahanda na ang lahat para sa paglisan niya ng bansa. Sinamahan siya ni Maureen, hanggang sa America, sinigurado nito na magiging maayos at komportable siya sa bago niyang tirahan. Isang apartment iyon na tama lang ang sukat, hindi ganu'n kalaki ngunit maganda naman at pulido."Sa Monday ay magsisimula na ang klase mo. Bago ako umuwi ay mamili muna tayo nang lahat ng kakailanganin mo sa school," sabi ni Maureen. Kasalukuyan itong nagluluto sa kusina at siya naman ay pinapanuod lang ang ginagawa nito."Kailan ka aalis?" tanong niya."Sa makalawa pa, bakit?"Bumuntong hininga nang malalim ang binata."Kaya ko bang mabuhay ng mag-isa rito? Lahat sa lugar na ito ay estranghero para sa akin at wala pa akong kakilala," nangangambang pahayag niya.Ngumiti si Maureen at pagkatapos ay tinapik siya sa balikat. "Kaya mo 'yan, matalino ka, mabilis kang matuto at maka-adapt sa mga bagay-bagay. Marami tayong kababayan dito, imposibl