Devyn
"Dev" Napalingon ako ng tawagin ako ni Elena, ang kaibigan kong loka loka nandito na naman.
"Naku maraming papa do'n oh" Turo nito sa mga construction workers.
"Ha? Bakit maraming papa doon? Hinahanap ba nila ang mga anak nila kawawa naman," Malungkot na sabi ko.
"Gaga hindi iyon, mga gwapo ang sinasabi ko. gano'n kasi ang tawag ni baklang Kevin sa mga gwapong PAPA" Tumatawang paliwanag ni Elena.
"Ang gulo naman, hindi ko maintindihan,"
"Ikaw ang magulo Dev, Kung saan-saan kaya napupunta 'yang isip mo, hindi na nga kita ma-rich" Tumatawang sabi ni Elena hindi ko na lamang ito pinansin, at inaayos ko ang mga paninda kong gulay.
"Hello! mga suki, bili na kayo ng gulay ko fresh na fresh" Sigaw ko.
"Hi Dev, pabili ako ng petchay mo" Sabi ni Carlo isa rin sa suki ko.
"Hoy! napaka bastos mo haa!!" Biglang sabi ni Elena kay Carlo napakunot noo ako.
"Anong bastos do'n? Bumibili ako dito" Tumatawang sabi ni Carlo.
"Hah! Akala mo hindi ko alam 'yung sinabi mo ah bastos ka!" Sigaw ulit ni Elena.
"Teka lang Elena, hindi naman siya bastos, bumibili lang naman siya ng petchay ko anong bastos do'n?" Takang sabi ko.
"Nako, palibasa napaka inosente mo, tignan mo oh tumatawa pa itong bugok na'to," Galit na sabi ni Elena hindi ko na lamang ito pinansin.
"Heto ang petchay, salamat" Abot ko dito
"Salamat rin, bibili ulit ako ng petchay mo sa susunod" Ngiting sabi ni Carlo sabay tingin sa palda ko at umalis na.
"Tignan mo napaka bastos talaga kahit kailan, tinignan kapa sa palda manyakis talaga!" galit parin na sabi ni elene.
"Malay mo naman gusto din niya mag palda, baka naiinggit sa palda ko. Pero hindi naman na maganda ito luma na nga eh."
"Hay nako Dev, hindi ko na alam ang gagawin ko saiyo. Siya nga pala magpapasukan, na sabay na tayong mag enroll para Classmate ulit tayo,"
"Hindi ko pa alam kung makakapag enroll ako, itatanong ko pa si Nanay".
"Bakit naman?, libre lang naman ang pagaaral natin nakatapos ka nga ng third year eh" Sabi ni Elena.
"Alam mo namang may sakit si Tonio, kaya kailangan kong magtinda hanggang sa gumaling ito."
"Bakit hindi ka humanap muna ng trabaho pansamantala lang, para makaipon ka at mapagamot mo si Tonio."
"Nako, wala nga akong mahanapan. Meron man maliit lang ang sasahurin, parehas lang sa kinikita ko sa gulayan."
"Si aling Tessa na aalala mo?" Tanong bigla ni Elena.
"Ahh, 'yong palagi natin kinukuhanan ng mangga sa bakuran nila dati" Sabi ko.
"Oo, iyon nga nandito siya ngayon, diba sa maynila siya nagtatrabaho. No'ng nakaraan naka salubong ko siya tinatanong ako, kung gusto ko daw magtrabaho sa Maynila, iyon nga katulong din do'n sa amo ni aling Tessa, napakayaman daw no'n malaki magpasahod, eh iyon nga lang inayawan ko kasi hindi din ako papayagan ni Itay,"
"Kaya ang sabi nito ay, kung may kilala daw ako na gusto magtrabaho sa maynila, pumunta lang daw kay aling Tessa tatlong araw na lang siya dito satin" Ani Elena.
"Naisip din kita, kaso mukang hindi ka din papayag na sa Maynila magtrabaho. lalo na't may sakit si Tonio" Sabi nitong muli.
"Ah gano'n, sayang lang kasi sa Maynila pa, kung dito lang saatin papayag ako".
At nagsimula na ako magtinda hanggang tanghali. kahit papano naman ay kumita ako ngayon dahil ilan lang kaming nagtitinda ng gulay dahil ang iba ay nasalanta ang mga pananim nilang gulay sa nakaraang bagyo.
Nang makauwi ako sa bahay ay naabutan ko si Tonio na hinihika ng ubo.
"Ayos ka lang ba Tonio?" Natatarantang tanong ko.
"Maayos lang ako ate Dev, naglaro po kasi kami ni Ayen sa labas napagod lang po siguro ako."
"Iyan na nga ang sinasabi ko, huwag ka naman magpakapagod dahil hindi pa natin alam ang iyong sakit. Pwede ka maglaro pero 'yung hindi ka mapapagod, nagkakaintindihan ba tayo" Saad ko.
"Opo, ate Dev sorry po."
'"Ayos lang iyon, nasaan pala si Nanay?"
"Kumukuha po ng mga halamang gamot para po saakin".
Totong hindi pa namin alam ang sakit ni Tonio. Nag simula ito tatlong buwan na ang nakakalipas. Palagi na lang itong hinihika ng ubo at matigas ang plema. Hindi naman namin ito madala sa ospital dahil sa kabilang bayan pa iyon, at mamasahe pa kami. Sa pamasahe pa lang ay ubos na ang pera namin, kaya ang ginagawa na lamang ni Nanay ay pinapainom ito ng Oregano.
_______
Devyn
Kinaumagahan ay ako na ang nagluto ng almusal, dahil maaga naman akong nagising.
"Magandang umaga po inay itay, nakapagluto na po ako ng agahan natin".
"Magandang umaga, tawagin mo na si Tonio do'n at nang makakain na tayo" Sabi ni Inay.
Ng papunta pa lamang ako sa kwarto ay rinig ko ang sunod sunod na ubo nito, kaya minadaling kong pumunta.
At ganun na lang ang aking gulat ng makitang sumusuka na ito ng dugo.
"Toniooo" Sigaw ko.
"Inay, Itay si Tonio po" Naiyak na ako dahil sa nangyayari sa kapatid ko. Kalunos-lunos itong tignan dahil napaka payat nito at maraming dugo ang damit.
Isinugod na nga namin si Tonio sa Hospital, mabuti na lang talaga kahit papano ay may ipon ako ito ang ginamit namin pamasahe papuntang Hospital.
Nang makarating na kami sa Ospital ay inasikaso agad si Tonio.
Naghintay kami ng ilang minuto at nalaman nga namin na meron itong tuberculosis. at malala pa ito dahil nagtagal ito ng tatlong buwan, mahaba-habang gamutan ito. ipinaliwanag narin ng Doctor kung bakit ito nagkasakit ng TB. Pati rin kami ay nagpa chineck dahil may posibilidad na mahawa kami at salamat naman sa panginoon na hindi naman kami nahawa.
At ngayon malaki ang problema namin sa pangbayad ng ospital, dahil macoconfine pa dito si Tonio, masyadong malala ang sakit niya kaya ilang buwan pa siyang kailangan manatili dito sa hospital.
Lumingon ako kila Inay at Itay makikita sa mukha nila ang pagaalala at problema, problema para sa gastusin. pero kahit papano ay nagpapasalamat padin kami, dahil nailigtas si Tonio. dahil ang sabi ng Doctor kanina kung tumagal pa ito ng tatlong linggo ay pwedeng ikamatay ito ng aking kapatid.
"Inay, Itay bibili lang po ako ng pagkain," Paalam ko.
"May pera kapa ba diyan anak?"
Tanong ni Itay."Opo, may natitira pa naman pong pera, para pang kain natin."
"Salamat anak" Umiiyak na sabi ni Itay.
* * *
Lumipas ang ilang araw ay patuloy ang paggamot kay Tonio. Ngayon naman halos maiyak na ako sa kalagayan namin dito. wala na kaming pambili ng makakain mabuti na lamang ay nagbaon si Inay ng tinapay.Nang biglang tumunog ang Telepono ko na de-keypad. tumatawag pala si Elena.
"Hello Elena," Umiiyak na sabi ko dito.
"Dev, maayos lang ba kayo diyan? si Tonio kamusta na? maayos na ba siya?"
"Medyo maayos na. pero kailangan ko ng pera ngayon para pambili ng mga gamot ni Tonio. anong gagawin ko wala na kaming kapera-pera dito hindi na nga kami makabili ng pagkain, Elena baka pwede naman maka utang sa mga magulang mo kahit magkano lang, basta makabili lang kami ng gamot ni Tonio" umiiyak na sabi ko.
"Wala din kaming pera ngayon, alam mo naman yan, Dev nasalanta din ang aming mga tanim na gulay kaya hindi kami nakapag tinda, kaya pasensya na talaga."
"Dev bakit hindi mo subukan na mamasukan ng katulong sa sinasabi ni aling Tessa, doon makakaipon ka" Ani nitong muli.
'Tama malaki ang sahod, makakaipon ako at makapag padala kila inay. Ito na lang ang pwede kong gawin kung hindi ako kikilos walang mangyayari' at nagpaalam na kami ni Elena sa isat isat.
Nang hapon naring iyon ay kinausap ko sila itay at inay na luluwas ako ng Maynila. Para makapag trabaho nahirapan man akong kumbinsihin si inay at itay, kalaunan din ay pumayag din sila...
Devyn"Good morning hubby," hinalikan ko ito sa pisngi."Hmm, morning wife." Yumakap ito ng mahigpit saakin."Hubby, tinutusok mo na naman ako eh, baka hindi na ako makapag luto ng almusal." Aniko, at bumangon na patungon sa kuna ng aming mga kambal. "Magandang umaga sa mga baby ko," Isa isa kong silang hinalikan sa noo."Good morning my babies.." Ani Voughn at hinalikan din ang mga ito, sabay yakap sa akin. "Ang sarap na uuwi ako at kayo ang nadadatnan ko, ang sarap sa pakiramdam na buo at masaya tayong pamilya." Nangilid naman ang aking luha. "Tama ka asawa ko, ang saya at ang sarap sa pakiramdam na ikaw ang aking napangasawa at naging ama ng ating mga anak.""Mahal na mahal kita wife.""Mahal na mahal din kita Hubby," Hinalikan ko ito sa labi. "Sige na at baka sa iba pa ito mapunta, maghahanda na ako ng almusal.""Wife,hindi mo naman na kailangan gawin 'yan, nandyan naman si manang." "Gusto ko itong gawin, gusto ko kayong pagsilbihan hubby," ***Habang nagluluto ay biglang ma
Devyn Abala ako sa pagbabake para sa meryenda ng aking mga anak, ng dumating si Manang. "Hija, may naghahanap sa'yo." Anito. "Sino po sila Manang?" "Pumunta kana lang sa Sala at naroro'n sila." Hinubad ko ang apron at naghugas ng kamay. Nakakapagtaka lang na hindi sinabi ni Manang kung sino ang bisita. Gulat ang aking ekspresyon ng makita si Albert, hindi lang iyon dahil kasama nito si Isay. "Albert," Sambit ko. "Devyn, Pasensya kana hindi ako nagpasabi na pupunta kami rito." Agad akong lumapit at pina-upo muli sila. Napatingin ako sa dala-dalang bata ni Isay, isang batang lalaki na nakangiti rin sa akin. "Hi, baby." Bumungisngis ito. "Naparito kami dahil gusto kang maka-usap ni Isay." ani Albert sabay tingin kay Isay. Ngumiti ako kay Albert at tumango. "Manang, pakituro ho kay Albert ang Garden." Kinuha ni Albert ang anak ni Isay, at sumunod kay Manang. Ilang minuto ang lumipas ng magsalita ito. "De-Devyn, Nalaman ko na.. Sa'yo galing ang mga pagkain at gamit, hindi lang i
Isay"Anak ito lang muna ang aking maiiaabot, alam mo namang mahina ang isda at gulay, dahil sa panahon. At ito ang sa itay mo. Pinaabot niya para sa pandagdag ng pambili ng gamot ni Lucas,""Maraming salamat Nay, Tay." kahit hindi ako pinanpansin ni Itay, kalong nito si Lucas.Binilang ko ang perang ibinigay nila Itay at Inay. Malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil narito sila sa aking tabi, dahil kung wala ay walang tutulong sa akin. Wala rin kasi akong trabaho. Kahit kulang pa sa pambili ng isang gamot ni Lucas ang perang ibinigay nila ay napangiti pa rin ako."Bukas, ay dadaanan ko po si Ema," Nakita ko kung paano huminga ng malalim si Inay. Si Ronald kasi ay anim na buwan ng nakakulong dahil sa droga. Sinabi naman ng ina ni Ronald na magbibigay na lang sila kahit kaunting sustento para sa kay Lucas. Ngunit hindi pumayag si Itay, Ayaw kasi ni Itay kay Ronald lalo na at kilala itong Adik sa bayan.Pero kailangan ko silang makausap, para naman ito kay Lucas. Baka ngayon ay pwede
Isay"Isay, gumising ka diyan tignan mo ang anak mo at aalis na ako." Rinig kong saad ni Inay.Inis akong bumangon at masamang tinignan ang batang nasa kuna."Pa-gatasin mo na 'yan, at pupunta na ako sa palengke." Ani Inay at umalis na ito. Pagkalabas nito ay agad akong bumalik sa paghiga at nagtalukbong ng kumot. Ngunit ang makulit na batang ito ay ngumawa ng malakas."Ano ba!" Sigaw ko rito, mas lalo itong umiyak. Nagtalukbong ako ng kumot at hindi ito inintindi. Pero napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang sunod-sunod nitong pag-ubo hanggang sa sumuka ito. Natataranta akong lumapit kay Lucas at binuhat. Do'n ko lang napagtantong nilalagnat pala ito. "Ano bang nangyayari sa'yo." Pinunasan ko ang kaniyang bibig at kumuha ng tubig para painumin ito. Matapos ay inilagay ko siya muli sa kuna para kunin ang planggana at bimpo. Patuloy parin ito sa pag-iyak. Kaya lalo akong natataranta. Nanginginig ko itong pinunasan. Napatitig ako sa kaniyang mukha. No'n tuwing tinitignan ko ang m
Voughn "Hubby," Ungot ni Wife, at yumakap saakin. "Hmmm.." Ungol ko ng may maramdaman sa aking ibabang parte. Agad akong napaupo ng makita ang kamay ni Eunice saaking sandata. "W-Wife...please stop," Pakiusap ko, dahil halos kakatapos lang namin. "I want it again." Nakanguso nitong saad. Nakapamot ako sa noo. Bakit namin kasi ganito pa ang paglilihi ng asawa ko. Pwede namang pagkain. Tumayo na ako, dahil iiyak ito kapag hindi ako pumayag. "I love you Hubby," At hinalikan ang aking pagkalalake. Napatingala ako at mahinang umuungol. "Damn it, feels so good, Uuhhh..," Tinignan ko ito at hinaplos haplos ang kaniyang pisngi, napaka ganda nitong tignan. " Shit wife, take it easy. I don't want to hurt you. Hmmm i love you," Agad naman itong sumunod. Ng malapit na akong labasan ay agad akong sumapa sa kama, at hinalikan ang aking asawa. "Aaahhh.." She moaned as i sucked her n*pples. Hinalikan ko rin ang kaniyang tiyan bago tuluyang pumasok. "Hu-Hubby...," Ilang sandali ng sabay ka
DevynBuong magdamag lang akong nakangiti, hindi mawala ang aking saya, napakasaya ko lang na ikakasal na ako sa lalakeng pinakamamahal ko."Inay," Sambit ko ng makita ko siya sa salamin na nagpapahid ng luha. Inabot ko ang kaniyang kamay. At hinawakan iyon ng mahigpit."Sobrang saya ko para saiyo anak.""Maraming salamat po Inay,""Sa pag-aasawa ay marami pa kayong pagdadaanan, Piliin niyo palagi ang isa't-isa, Alam kong kakayanin niyo 'yon anak, At huwag mawawalan ng tiwala, Kung may problema dapat pag-usapan ng maayos, Mahal na mahal kita anak," Tumayo ako at yumakap kay Inay."Mahal na mahal ko rin po kayo, nila Itay at Bunso,""OMG! Sis, pigilan mo ang luha mo, masisira ang make-up mo," Natawa kami ni Inay ng biglang pumasok ni Ate Deborah."Hello po tita," Ani Ate."Grabe ka sis, Diyosa ang aura, Woaahh paniguradong tutulo laway ni Voughn niyan," Tawa nito."Yieee ayan naaa!" tili ni ate ng makitang bitbit ni ate Lorna ang Wedding gown ko.Tube style ang aking wedding gown na, n