LOGINTitle: The Billionaire’s Surrogate Wife Genre: Billionaire Romance / Contract Marriage / Revenge SYNOPSIS: Isang transaksyon, isang taon, at isang pekeng kasal. Pinasok ni Celine Herrera ang isang surrogacy contract kay Alaric Thorne para lang mailigtas ang kanyang lola. Pero bago pa matapos ang deal, namatay ang kanyang lola at ninakaw ng kanyang madrasta ang lahat ng pera—dahilan para maiwan siyang buntis at walang matuluyan. Walang ibang mapupuntahan, napilitan si Celine na tanggapin ang bagong alok ng bilyonaryo, isang taong marriage contract kapalit ng proteksyon at puhunan para sa kanyang pangarap na architectural firm. Ngunit sa gitna ng kanilang pagpapanggap, isang sabwatan ang magpapalayas sa kanya sa bansa upang protektahan ang kanyang anak. Pagkalipas ng limang taon, maghaharap silang muli. Hindi na bilang isang desperadang "biniling bride," kundi bilang isang world-renowned architect na kailangang suyuin at habulin ng lalaking minsan na siyang binalewala.
View MoreKABANATA 1
Celine Herrera POV
Mahigpit ang hawak ko sa asul na folder na naglalaman ng diploma ko. Sa wakas, Architect Celine Herrera na ako. Habang naglalakad ako palabas ng unibersidad, suot pa rin ang graduation toga, parang gusto kong sumigaw sa tuwa. Limang taon akong nagtiis sa kakarampot na allowance, puyat, at gutom. Ito na ang susi ko para maialis si Lola sa poder ng madrasta kong si Julianna.
“Lola, konting tiis na lang,” bulong ko sa sarili ko habang nakatitig sa certificate ko.
Nagmamadali akong sumakay ng jeep pauwi. Gusto kong sorpresahin si Lola. Gusto kong ipakita sa kanya na hindi nasayang ang paghihirap namin. Pero bago pa ako makababa sa kanto namin, nakatanggap ako ng text mula kay Julianna.
“Umuwi ka agad. Huwag kang dadaan kung saan-saan. May bisita tayo.”
Kumunot ang noo ko. Bihirang magkaroon ng bisita sa bahay na kailangan ko pang harapin. Madalas ay mga kumpare lang ni Julianna ang nandoon para magsugal o uminom. Kinabahan ako. Kilala ko si Julianna; kapag ganito ang tono niya, siguradong may kailangan siya sa akin.
Pagpasok ko sa gate ng maliit naming bahay, napansin ko ang isang itim na luxury sedan na nakaparada sa tapat. Makintab ito, at halatang milyun-milyon ang halaga. Hindi ito sasakyan ng mga tambay na kakilala ni Julianna.
Dahan-dahan akong pumasok sa sala. Bumungad sa akin ang amoy ng alak. Nakaupo si Julianna sa sofa, naka-cross legs, at may hawak na baso ng champagne. Sa harap niya, sa center table, may nakalatag na makapal na dokumento.
“Narito na pala ang bago nating Architect,” sarkastikong bati ni Julianna. Hindi niya man lang ako tinignan nang diretso. Nakatitig lang siya sa alak sa baso niya.
“Sino ang may-ari ng sasakyan sa labas?” diretsong tanong ko. Ibinaba ko ang bag ko at ang diploma ko sa upuan. “Nasaan si Lola?”
“Nasa kwarto niya, natutulog. Huwag kang maingay,” sagot niya sabay turo sa dokumento. “Maupo ka, Celine. May pag-uusapan tayong negosyo.”
“Negosyo? Julianna, katatapos lang ng graduation ko. Pwede bang bukas na lang—”
“Wala ng bukas-bukas, Celine!” bigla siyang sumigaw kaya napatigil ako. Ibinaba niya ang baso sa lamesa nang malakas, sapat para tumalsik ang laman nito. “Nasa foreclosure na ang bahay na ito. Apatnapu’t walong oras na lang ang ibinigay ng bangko bago tayo itapon sa kalsada. Ang tatay mo, namatay na baon sa utang. Akala mo ba ang perang ginamit mo sa tuition mo ay pinulot lang?”
Namilog ang mga mata ko. Alam kong may mga utang si Papa, pero hindi ko akalaing pati ang bahay ay mawawala na. “Bakit ngayon mo lang sinabi? Makakahanap ako ng trabaho, Julianna. Mag-a-apply ako bukas na bukas din—”
“Kahit mag-apply ka pa sa sampung kumpanya, hindi sasapat ang sahod mo para bayaran ang sampung milyong utang na iniwan ng tatay mo,” putol niya sa akin. “Pero mapalad ka. Dahil sa ganda mo, nakahanap ako ng sulosyon.”
Inabutan niya ako ng isang itim na folder na may nakatatak sa gilid na THORNE GLOBAL HOLDINGS.
Binuksan ko ang folder. Ang unang pahina ay isang kontrata. Binasa ko ang mga nakasulat, at unti-unting nanghina ang mga tuhod ko.
“Surrogacy and Marriage Contract?” mahinang basa ko. Saglit akong natigilan. “Ano ito, Julianna?”
“Isang kasunduan,” sagot niya, kalmado na uli ang boses. “Si Mr. Alaric Thorne ay kailangan niya ng tagapagmana. Pero hindi siya pwedeng mag-asawa ng kahit sino lang dahil sa mga kondisyon ng lolo niya sa kumpanya. Kailangan niya ng asawa sa papel, isang babaeng magdadala ng anak niya, at pagkatapos ng isang taon, matatapos na ang kasunduan.”
“Baliw ka na ba?!” bulyaw ko sa kanya. Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang papel. “Ibinebenta mo ako sa isang lalaking hindi ko naman kilala? Para saan? Para lang mabayaran ang utang niyo?”
“Hindi lang para sa utang, Celine!” tumayo siya at lumapit sa akin. Dinuro niya ako. “Para sa lola mo! Isipin mo, kapag pumirma ka rito, babayaran ni Mr. Thorne ang lahat ng utang natin. Hindi tayo mawawalan ng bahay. Higit sa lahat, ililipat ang lola mo sa pinakamagandang ospital. Bibigyan siya ng sariling nurse at lifetime supply ng gamot. Kapag hindi ka pumirma, sige, lumayas ka. Pero huwag mong isasama ang lola mo dahil wala kang pambili kahit isang tableta ng gamot niya!”
Napatingin ako sa pinto ng kwarto ni Lola. Narinig ko ang mahina at hirap niyang pag-ubo. Alam ko ang katotohanan. Ang maintenance ni Lola ay nagkakahalaga ng libu-libo kada buwan. Nitong mga nakaraang linggo, tinitiis niya na lang ang sakit dahil wala na kaming pambili ng maayos na gamot.
“Bakit ako?” tanong ko. Halos pabulong na lang ang boses ko.
“Dahil ikaw ang gusto nila. Maayos ang background mo, walang boyfriend, at higit sa lahat, malinis ang record mo,” sagot ni Julianna. Inabot niya sa akin ang isang ballpen. “Pumirma ka na, Celine. Isipin mo ang lola mo, saka isang taon lang naman ito. Isang taon na pagpapanggap, kapalit ng buhay ng lola mo.”
Tumingin ako sa diploma ko na nakapatong sa sofa. Kanina lang, pakiramdam ko ay abot-langit ang pag-asa ko. Pero ngayon, pakiramdam ko ay basura lang ang piraso ng papel na iyon sa harap ng sampung milyong utang. Architect ako, oo. Pero sa mundong ito, ang diploma ay walang silbi kung wala kang pera o koneksyon.
Kinuha ko ang ballpen habang nanginginig ang mga kamay ko. Tinitigan ko ang pangalan ng lalaki sa kontrata. Alaric Thorne. Ni hindi ko alam kung ano ang itsura niya. Malupit ba siya? Matanda? Mapanganib?
“Pagkatapos ba nito, hindi na tayo guguluhin ng bangko?” tanong ko habang nakatitig sa linya kung saan dapat ako pumirma.
“Hinding-hindi na,” paninigurado ni Julianna. “At may allowance ka pa buwan-buwan na sapat para suportahan ang lola mo kahit wala ka rito.”
Huminga ako nang malalim. Ipinikit ko ang mga mata ko at inisip ang mukha ni Lola. Inisip ko ang mga panahong nagtitiis siya sa hirap at sakit para lang makapag-aral ako. Ngayon, ako naman ang kailangang magsakripisyo.
Mabilis kong isinulat ang pangalan ko. Celine Herrera.
Sa bawat guhit ng ballpen, ramdam ko ang pagkawala ng sarili kong kalayaan. Pinirmahan ko ang lahat ng pahina hanggang sa huli. Pagkatapos ay mabilis kong binitawan ang ballpen.
Agad na kinuha ni Julianna ang folder. May malapad na ngiti sa kanyang mga labi—isang ngiti na puno ng tagumpay.
“Mag-impake ka na,” sabi niya habang tinitignan ang pirma ko. “Darating ang susundo sa iyo mamayang alas-otso ng gabi.”
“Mamaya na agad?” gulat kong tanong. “Gusto ko munang magpaalam kay Lola.”
“Huwag na. Baka magising pa siya at gumawa ng eksena. Mas mabuting umalis ka na habang tulog siya,” utos ni Julianna. “Iwan mo na ang toga at diploma mo rito. Hindi mo naman kailangan ‘yan doon.”
Tumalikod ako at pumasok sa kwarto ko. Wala akong ibang nagawa kundi ang mapaupo sa kama. Tumingin ako sa salamin. Ang babaeng nakatingin sa akin ay hindi na ang masayang graduate kanina. Ang babaeng ito ay isa nang pag-aari ng isang bilyonaryo.
Binuksan ko ang luma kong maleta. Kaunti lang ang gamit ko. Habang nagtutupi ako ng mga damit, hindi ko mapigilang isipin kung anong klaseng pagsubok ang naghihintay sa akin sa mansyon ni Alaric Thorne.
Bandang alas-otso, narinig ko ang busina ng sasakyan sa labas. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Julianna na kausap ang isang lalaking naka-suit. Mukhang driver o bodyguard.
“Handa na siya,” sabi ni Julianna sa lalaki. Tumingin siya sa akin. “Galingan mo, Celine. Huwag mong sisirain ang deal.”
Hindi ko siya sinagot. Lumakad ako palabas ng bahay nang hindi man lang nakapagpaalam kay Lola. Mabigat ang bawat hakbang ko. Sumakay ako sa backseat ng luxury sedan. Malamig ang aircon sa loob, pero mas malamig ang pakiramdam sa kalooban ko.
Chapter 46Celine’s POVHabang nakahiga kami ni Alaric sa malambot na kama, tahimik niyang nilalaro ang mga daliri ko na para bang ayaw niya iyong bitawan kahit isang segundo. Nakapatong ang ulo ko sa dibdib niya habang pinakikinggan ko ang mahinahon niyang paghinga. Sa unang pagkakataon matapos ang napakaraming taon ng pagdurusa at pagkakahiwalay, pakiramdam ko ay ligtas ako.Tahimik ang paligid. Tanging tunog lamang ng mahinang hangin mula sa balkonaheng bahagyang nakabukas ang maririnig. Ngunit sa kabila ng katahimikan, puno ng plano ang mga isip namin.“Kapag bumalik ka sa bansa, siguradong magkakagulo,” mahinang sabi ni Alaric habang hinahagod ang likod ng kamay ko. “Hindi ko alam kung paano kita poprotektahan.”Ngumiti ako at tinaas ang mukha ko para tingnan siya.“Kaya nga kailangan nating magplano nang maayos,” sagot ko. “Walang dapat makaalam na nagkabalikan na tayo.”Agad siyang napakunot-noo.“What? Magpapanggap na naman tayo?” reklamo niya habang napapailing. “Honey, para
Chapter 45Celine’s POV“Ha? Your child?” halos pasigaw kong tanong kay Alaric habang nanginginig ang buo kong katawan.Pakiramdam ko ay biglang tumigil ang mundo ko.Ang dibdib ko’y parang pinipiga nang napakahigpit habang paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko ang mga sinabi niya.Anak niya?Ngayon niya lang sasabihin iyon?Pagkatapos ng lahat?Pagkatapos kong umalis na wasak na wasak ang puso habang karga-karga ko ang batang itinakwil niya?Hindi ako makahinga. Hindi ko alam kung magagalit ako, iiyak, o hahampasin ko siya sa sobrang sakit na muling bumalik sa alaala ko.Sa pagkakatanda ko, malinaw niyang itinanggi si Brent matapos akong manganak. Hindi niya ako pinakinggan noon. Mas pinaniwalaan niya ang mga taong nakapaligid sa kanya kaysa sa akin na asawa niya.Kaya tumakas ako.Kaya pinili kong mawala.Kasi kung hindi, baka mapahamak ang anak ko sa mga taong gustong burahin ang existence nito.At ngayon… ngayon sasabihin niyang anak niya rin si Brent?Napatawa ako nang mapait h
Chapter 44Celine's POVNapakarami kong meeting na inattend-an buong araw. Sunod-sunod na presentasyon, revisions, at usapan tungkol sa napakalaking high-rise project na itatayo sa Hudson. Pagod na pagod na ako—pisikal, emosyonal, at mental. Pakiramdam ko ay nauupos na kandila ang buong pagkatao ko, pero wala akong choice kundi magpatuloy.Kaya kahit gabi na ay bumalik pa rin ako sa opisina. Kailangan ko pang kunin ang ilang dokumento at ayusin ang mga detalye bago isumite kinabukasan.Pagbukas pa lamang ng elevator sa floor ng opisina ko ay agad kong natanaw si Monica. Nakakunot ang noo niya habang hawak ang telepono.“Celine, I was trying to reach you,” sabi niya habang mabilis na lumalapit sa akin.Bahagya akong napapikit at napahawak sa sentido ko.“Yeah, I forgot to charge my phone. But why? What’s the problem?”“Well… I don’t think there is a problem,” sagot niya, pero halatang nag-aalinlangan.Tumigil siya sandali bago muling nagsalita.“But someone from Manila is waiting for y
Chapter 43Celine’s POVPinagmamasdan ko si Brent habang mahimbing itong natutulog sa kama niya. Bahagyang nakaawang ang labi niya habang yakap ang paborito niyang unan. May munting ngiti pa sa kanyang mukha. Parang may napakagandang panaginip siyang pinapanood sa kanyang isipan.Napabuntong-hininga ako habang marahang hinahaplos ang buhok niya.Napakasaya siya nitong mga nakaraang araw. Halos hindi mapakali sa kakangiti. Masigla siyang gumising, excited na pumasok sa school, at kung minsan ay nahuhuli ko pa siyang nakatulala habang nakangiti mag-isa.Dapat ay ikatuwa ko iyon bilang ina.Pero bakit ganito?Bakit parang may bumibigat sa dibdib ko habang nakikita ko siyang masaya?Parang may kung anong hindi ko maipaliwanag na takot na unti-unting gumagapang sa puso ko.Pagkahalik ko sa noo niya ay marahan akong tumayo mula sa gilid ng kama. Napadako ang tingin ko sa kanyang backpack na nakapatong sa study table.Naalala ko ang mabilis niyang pagsilid kanina ng kung ano roon nang dumati






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews