TEMPTATION ISLAND, “Kampay!” Sabay-sabay na sigaw ng mga co-workers ni Anna at nilagok ang laman ng buo ang alak na nasa kanilang mga baso. “Anna, why you’re not drinking?” tanong ni Krystal nang mapansing juice lang ang iniinom nito. “Nah, I’m fine with juice,” tugon ni Anna at sumimsim ng juice sa kanyang baso. “That’s not something you should be drinking. This is your celebration, and you should have a good time—” sabay baling sa direksyon nina Bien at Hayacinth na nagtatawanan— “not them!” Hinawakan ni Anna ang kamay ni Krystal. “Krystal, I’m all right. All I’m doing is staying away from alcohol,” tugon ng dalaga. “Why? Are you sick?” nag-aalalang tanong ni Krystal sabay hawak sa noo at pinakiramdaman kung may sakit ito. “I’m not sick, Krystal.” Sabay alis sa kamay ng dalaga sa kanyang noo. “Then why are you avoiding alcohol?” nagtatakang tanong ni Krystal. “Because…” “Because?” “Just that,” mabilis na sagot ni Anna dahilan para mapakunot ng noo si Krystal. Ngumiti si A
NANATILI lamang sa kanyang k’warto si Anna ng buong linggo. Hindi niya gustong lumabas dahil pakiramdam niya mas lalo siyang napapagod kaya wala siyang ibang ginawa kung ‘di ikulong ang kanyang sarili sa k’warto at kumain nang kumain habang nagsusulat. Wala pang isang oras ay muling nakaramdam ng gutom si Anna. “What the—ano bang nangyayari sa akin? Oras-oras na lang ako nakakaramdam ng gutom.” Sabay napairap sa kanyang sarili. “Masyado na ata akong nai-stress kaya nagki-crave lagi ako ng matamis at nagugutom.” Tumayo siya sa kanyang pagkakaupo at pumunta sa kitchen counter para tignan ang takeout list kung ano bang o-orderin niya para kainin. Habang namimili ay nakita niya ‘yong korean spicy chicken na ikinatakam niya at dahil doon ay dali-dali siyang umo-order noon at ng japchae, gimbap at teok. “Done!” masaya niyang saad sabay tingin sa orasan. “All I need is to wait.” Bumalik siya sa kanyang upuan at ipinagpatuloy ang kanyang pagsusulat. At matapos ang tatlumpung minuto ay nar
BINALOT ng samu’t saring emosyon si Anna nang sandaling makabalik siya ng hotel. Hindi niya makolekta ang kanyang sarili matapos ng lahat ng kanyang nalaman—ang hinala niyang hindi niya lubos na inaakalang magiging katotohanan. Hindi niya alam kung paano niya matatanggap ang lahat lalo na at hindi niya alam kung sino ang lalaking iyon. Hindi niya alam kung paano niya magagawang mahanap ang ama ng kanyang pinagbubuntis na ang tanging alam niya lang ay Jax ang pangalan nito. Umiyak nang umiyak si Anna dahil hindi niya alam ang kanyang gagawin sa sitwasyon na kinalalagyan niya ngayon. “What am I going to do?” naguguluhan niyang tanong sa kanyang sarili. Pakiramdam niya ay tuwang-tuwa ang kapalaran na paglaruan ang kanyang buhay dahil sa ang Jax na tumulong at nagpabago sa kanyang buhay noon ay kapangalan ng taong nagpagulo sa kanyang buhay ngayon. “Why is all of this happening to me? What have I done to deserve all of these mishaps in my life?” nanlulumong tanong niya sa kanyang sarili
NAPATAKIP ng bibig si Anna para pigilan ang kanyang paghagalpak dahil sa ka-conyo-han ni Krystal. “Final call for boarding, final call for boarding for the last remaining passengers. The last remaining passengers on Philippine Airlines flight XA829 bound to Kauai. Please board in aircraft through Gate 8. This is your final call for boarding, all board, please.” “Ayan na ang flight mo,” wika ni Krystal. “Paalam na?” “Salamat, Tallie.” Ngumiti si Anna at muling niyakap si Krystal. Hinaplos ni Krystal ang likod ni Anna. “Wala ‘yon.” Inalis ni Anna ang kanyang pagkakayakap kay Krystal at tinignan ito sa mata. “Don’t forget your promise. Don’t tell anyone the real reasonwhy I am really leaving, okay?” “Don’t worry naka-zipper ang bibig ko, Anna,” wika ni Krystal sabay zip ng kanyang bibig. “Ang kailangan mong isipin ay ‘wag mo papabayaan ang sarili mo, okay? At huwag na huwag kakalimutang tumawag sa akin ha?” “Opo.” “Huwag mong kakalimutan ha?” “Opo, Nanay Tallie,” panunuksong sago
“HAHAHA!” Malalakas na halakhak ang bumalot sa buong study room ni Jax nang sandaling iyon. Sunod-sunod na pagtawa na animo’y tuwang-tuwa sa kanyang pagsusulat at kitang-kita iyon ng tatlo niyang kapatid na sina Lax, Tox at Sax. Hindi iyon ang nakasanayang Jax na nakikita nila kung ‘di ang Juan Alexander 8 years ago. Si Juan Alexander na walang ibang ginusto kung ‘di ang magsulat nang magsulat ngunit matapos ang aksidenteng nangyari sa kanila ay nagbago ito. “Kuya, we must take action in his behalf. He’s not going to go insane. He couldn’t be that way,” wika ni Tox na may labis na pag-aalala sa kanyang kapatid habang pinapanood ito sa CCTV. Biglang nanariwa sa alaala ni Lax ang nangyari walong taon na ang nakakaraan. “Where have you been? I keep looking for you everywhere,” nag-aalalang tanong ni Lax nang makita niya si Jax na pabalik ng event hall. “Just somewhere,” maikling sagot ni Jax. Napabuntong-hinga si Lax at saka ginulo ang buhok ni Jax. “Sa susunod ‘wag ka kung saan-saa
ILANG ARAW na ang lumipas simula ng nakarating si Anna sa resort pero wala pa rin siyang nakukuhang balita tungkol kay Jax. Tulad ng pag-alis nito ng araw na iyon ay hindi pa rin ito bumabalik sa resort at wala ring nakakaalam kung kalian ito muling babalik sa resort dahil sanay ito na pabigla-bigla na lang dumarating sa resort para sa surprise checking. Nagpakawala nang isang malalim na buntong-hininga si Anna habang nasa isang cottage at nagpapahinga matapos ang ilang oras niyang pagtitipa ng kanyang nobela sa laptop. “Kailan kaya siya babalik? Babalik pa ba siya rito?” Sunod-sunod na tanong ni Anna sa kanyang sarili habang nakapangalumbabang pinagmamasdan ang malawak na karagatan. “Hay…” buntong-hiningang muli ni Anna at bigla siyang napatingin sa kanyang tiyan. Gumuhit ang maliit na ngiti sa kanyang labi saka hinaplos ang kanyang tiyan. “Just wait, baby. You will meet your daddy soon.” At patuloy na hinimas ang kanyang tiyan. Naagaw naman ang pansin ni Anna nang biglang mag-ri
PASADO ALAS DOSE na ng gabi nang makarinig si Anna ng kakaibang ingay na nagmumula sa may pangpang sa kalagitnaan ng kanyang pagsusulat. “Anong ingay ‘yon?” tanong ni Anna sa kanyang sarili matapos niyang isara ang kanyang laptop at mapatayo sa kanyang kinauupuan. Kinuha niya ang kanyang balabal at ibinalot iyon sa kanyang katawan at saka pumunta sa terasa para silipin kung anong nangyayari sa labas. Nakita niya ang isang private chopper ang lumanding sa may pangpang. “Sino naman ang taong darating ng ganitong oras ng gabi?” nagtatakang tanong ni Anna sa kanyang sarili na patuloy na tinitingnan ang nangyayari sa labas. Sa kabila ng madilim na gabi ay may liwanag ng buwan para maaninag ni Anna ang mga taong bumababa sa private chopper. Hindi niya man lubos na makita kung sino ngunit tatlong lalaki ang bumaba roon kung saan sinalubong ito ng isang babae. Naningkit ang mga mata ng dalaga nang maaninag niya ang babae. “Hindi ba’t si Trisia ‘yon? Anong ginagawa niya doon?” Hindi man n
MABILIS na lumabas si Sax sa k’warto ni Jax matapos niyang mailagay ang gamot sa inumin nito. “Nailagay mo ba?” tanong ni Lax nang makabalik si Tox sa kusina. “Yes, bro.” “Do you think he will notice it that we jabbed his drink?” nag-aalalang tanong ni Lax. “No, he won’t, so take a deep breath and relax, bro. All we have to do now is wait until it knocks him out” wika ni Sax. “Okay.” At napatingin si Lax sa taas habang kinakabahan. “Sorry, Jax. But we have to do it.” *** MATIYAGANG naghintay ang magkakapatid sa sala hanggang sa sumapit ang alas onse ng gabi. “Do you think he’s already dozed off?” tanong ni Lax kay Tox. “I’ll go check it,” wika ni Sax at tumayo sa kanyang pagkakaupo. “Sax,” tawag ni Lax sa kanyang kapatid. “Be careful.” Ngumiti si Sax. “I will.” At saka ito dali-daling umakyat ng hagdan patungo sa k’warto ni Jax. Maingat niyang binuksan ang pinto at nang sandaling makapasok siya ay nakita niya si Jax na mahimbing na natutulog sa mesa nito. Nilapitan niya ito