Share

Chapter 5

 AIRPORT,

“Sorry, Bien. Gusto man kitang isama pero—”

“No need to feel sorry, Anna,” saad ni Bien at hinawakan sa magkabilang mga balikat ni Anna. “There’s no need to be sorry, Anna. This is also a good thing that happened. I need to finish my book and get started on yours. We can concentrate on our writing while we are separated,” paliwanag ng binata.

Napayuko si Anna na tila nalungkot sa sinabi ni Bien. Iba ang naging dating nito sa kanya na para bang isa siyang malaking distraction para sa binata. Alam niya namang kailangan nang matinding focus sa pagsusulat pero iba lang talaga ang naging dating sa kanya ng rason ni Bien. Pakiramdam niya ay gusto nito na malayo sila sa isa’t isa.

“Anna,” tawag ni Bien sa kanyang atensyon sabay hinawakan sa kanyang baba para iangat ang kanyang mukha para magtagpo ang kanilang mga paningin. “Don’t be depressed and anxious. I just want you to finish your novel while you’re on vacation. This is a once-in-a-lifetime opportunity that should not be given up. This will assist you in creating another masterpiece that will bring you a Nobel Prize award, just as it did the first time you received your first novel award eight years ago. You don’t like it?”

Tinignan ni Anna sa mga mata si Bien at nanatiling tahimik.

“Anna, please keep your emotions in check. Don’t think too much about me because this is a fantastic opportunity. It is all about your success,” nakangiting sabi ni Bien.

Ngumiti na lamang si Anna at tumango bilang tugon sa binata. Niyakap naman siya ni Bien para pagaanin ang loob ng dalaga ngunit ikubli man ng ngiti ng dalaga ang kanyang nararamdaman hindi nito mababago na hindi siya masaya sa nangyayari. May kung anong bigat siyang nararamdaman sa kanyang dibdib. Pilit na ipinagsawalang bahala ni Anna ang kanyang nararamdaman at tinignan ang magandang side ng kanyang pag-alis; maliban sa mag-e-enjoy siya ay tama si Bien na isang malaking oportunidad ang pagkakataong ito para maging daan na makagawa muli siya ng isang obrang maaaring magdala sa kanya ng panibagong tagumpay hanggang sa marating niya ang tuktok ng tagumpay.

“We will be fine,” marahang saad ni Bien.

Nanatiling walang kibo si Anna at hinayaan lang niyang yakapin siya ng binata.

Naramdaman ni Anna ang paghawak ni Hayacinth sa kanyang kamay. “Don’t worry too much, Anna. Just focus lang sa novel mo,” wika ni Hayacinth.

Pinagmasdan ni Anna si Hayacinth na walang ginawa kung ‘di bigyan siya ng ngiti. Akmang magsasalita si Anna nang biglang marinig niya ang pag-page sa mga pasahero na aalis papuntang Kauai.

“Final call for boarding, final call for boarding for the last remaining passengers. The last remaining passengers on Philippine Airlines flight JJ013 bound to Kauai. Please board in aircraft through Gate 3. This is your final call for boarding, all board, please.”

Inalis ni Bien ang kanyang pagkakayakap kay Anna at hinarap ito. “Go, keep going. They’ve calling all the passengers.”

Hindi man mapalagay ay binigyan na lamang ng ngiti ni Anna ang binata kung saan ikinaway ang kamay para magbigay paalam sa dalaga. Tinignan ni Anna si Hayacinth na nasa tabi lang ng binata na kumakaway din sa kanya wala siyang magawa kung ‘di bigyan na lamang ito nang maliit na ngiti bago tuluyang tumalikod at naglakad papunta sa Gate 3 ng NAIA.

“You’re boarding pass, Ma’am?” tanong ng staff at inabot ni Anna ang kanyang boarding pass at passport.

Ibinalik niya ang kanyang tingin sa kanyang boyfriend at co-worker na nakita niyang naglalakad na rin palabas nang nakaakbay ang kanyang boyfriend kay Hayacinth.

Biglang nagsalubong ang mga kilay ni Anna nang sandaling iyon. “Bien?” mahina niyang usal na hindi maunawaan ang kanyang nararamdaman nang sandaling makita niya ang dalawa na ganoon.

Gusto niya sanang balikan ang dalawa para tanungin kung ano ang nangyayari ngunit nilapitan siya ng isang staff.

“Ma’am, here’s your pass. Please proceed to your seat the plane is about to take off,” nakangiting pakiusap sa kanya ng staff.

Gusto niya man na lapitan ang dalawa ay wala na siyang nagawa at naglakad papasok ng eroplano.

“I trust you, Bien.”

***

“ARE YOU LEAVING?” tanong ni Lax, ang nakakatandang kapatid ni Jax.

“Yeah,” maikling tugon ni Jax habang abala sa pag-aayos ng mga papeles sa kanyang suit case.

“Does your resort have a problem?” nag-aalalang tanong ng kapatid.

“Don’t be bothered I can handle this,” saad ni Jax.

“Are you sure—”

“Kuya Leandro, I said, “I can handle this”, mariing sabal ni Jax na humarap kay Lax na may seryosong mga titig.

Nakipagtitigan si Lax at makalipas ang ilang saglit ay nagpakawala na lang ito nang malalim na buntong-hininga.

“Okay fine. If you say so,” pagsang-ayon nito at binigyan nang maliit na ngiti ang kapatid.

Hinawakan ni Jax sa balikat si Lax. “Just focus to Nina, Kuya Leandro, she badly needs you,” wika ng binata at muling napabuntong-hininga si Lax.

Tinapik-tapik ni Jax ang kapatid. “Cheer up! You two will overcome your situation.” At binigyan ang kapatid nang maliit na ngiti.

“Woah! What’s with the atmosphere?” tanong ni Tox na biglang pumasok sa opisina ni Jax kasama ang isa pa nilang kapatid na si Sax.

“What are you two doing here?” tanong ni Lax sa kambal.

“We’re just bored so we’re here to mess with you two,” wika ni Sax na umupo sa swivel chair ni Jax sabay taas ng paa.

“Well, I’m sorry to disappoint you but I’m leaving I have work needed to be done,” wika ni Jax sabay bitbit sa kanyang suitcase.

“Ha? But we just arrived,” protesta ni Tox.

“Like what I just said, I have work,” wika ni Jax at tinapik sa balikat ni Tox.

“What a boomer!” angal ni Sax.

Ngunit hindi na nagsalita si Jax at itinaas lang ang kamay sabay naglakad palabas ng opisina.

“Hey, boomer! Where are you going?” malakas na tanong ni Sax.

“Business!” At tuluyan ng lumabas si Jax ng opisina.

Dire-diretso itong naglakad patungo sa parking lot ng Sy-Tuazon Company na pinapamahalaan nilang apat na magkakapatid at may tatlong uri ng business na umiikot sa hotel business na pinanghahawakan ni Leandro Alexander, bar and nightclub business ng kambal na sina Renato Alexander at Sammuel Alexander, at panghuli ay ang resort business sa pamamahala ni Juan Alexander. Sila ang taguring Blue blood brothers ng Noble Society dahil sa kapwang mga prominenteng tao sa business world ang kanilang mga magulang na sina Alicia Sy at Alexander Tuazon. Gwapo, talino at yaman; tatlong katangian na maglalarawan sa magkakapatid na siyang dahilan para magkandarapa at kabaliwan ang mga ito ng maraming kababaihan.

Nang makarating na si Jax sa parking lot ay nakita niya agad si Pablo, ang kanyang driver na naghihintay sa kanya sa labas ng kanyang BMW iNext.

“Sir,” bati nito sa kanya sabay bukas ng pinto ng sasakyan.

“Diretso na po ba tayo sa airport, Sir, o may gusto pa po kayong daanan?”

“Straight to the airport, Pablo,” maikling tugon ni Jax.

“Okay, Sir.” At sinimulan ng paandarin ni Pablo ang kotse patungo sa airport.

Ipinikit ni Jax ang kanyang mga mata para i-relax ang kanyang sarili ngunit sa tuwing gagawin niya iyon ay nananariwa sa kanyang alaala ang mukha ng babaeng nakita niya sa café shop noong nakaraang araw. Umiling ang binata para alisin sa kanyang isipan ang imahe ng dalaga.

“Fuck!” malutong niyang mura.

Biglang napapreno nang malakas si Pablo at napatingin sa binata dahil sa ginawang pagmumura ni Jax.

“Ano po ‘yon, Sir?” tanong ni Pablo na nababahalang baka may nagawa itong mali kaya napamura si Jax nang biglaan.

“Nothing,” malamig na tugon ni Jax. “Don’t mind me.”

Ngunit hindi magawang alisin ni Pablo ang kanyang mga titig sa binata na tila inaaral ito kung hindi ba talaga ito galit sa kanya.

“It’s not you, Pablo, so stop it! Start the car and go for a drive. I’m going to be late for my flight,” mariing sabi ni Jax.

Napa-ah na lang si Pablo nang malinawan ito. “Okay, Sir!” mabilis na tugon nito at sinimulang paandarin muli ang kotse.

Napasapo ng kanyang noo si Jax sa pagkasiphayo nito at minasahe ang kanyang balingusan (tulay ng kanyang ilong sa pagitan ng kanyang mga mata) para pakalmahin ang kanyang sarili.

“Not again, please.

Ngunit patuloy na nanariwa sa kanyang isipan ang imahe ng dalaga sa café shop na tila ba inaakit siya nito para lalo pa niya itong maalala at isip-isipin pa na animo’y para siyang nagayuma.

“Shit! Stop!” napamura niyang sabi sa malalim niyang paghinga.

Kitang-kita sa kanyang itsura ang hindi halos maipintang mukha niya dahil sa labis na pagkasiphayong kanyang nararamdaman. Kung kaya inayos niya ang kanyang upo at idinilat ang kanyang mga mata at mabilis ibinaling sa labas ng bintana ngunit kahit gano’n ang kanyang ginawa ay nakikita niya ang repleksyon ng dalaga sa salamin.

“Fuck!” mariin niyang mura dahilan para mapatingin sa kanya si Pablo.

Ngunit hindi niya iyon pinansin sa halip ay inis na binuksan ang bintana para mawala sa kanyang paningin ang imahe ng dalaga. Nanuot naman sa kanyang balat ang malamig na ihip ng hangin galing sa labas dahilan para bahagyang makaramdam siya ng kaginhawaan hanggang sa unti-unting kumalma ang kanyang nag-iinit na ulo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status