Share

Chapter 4

Author: SleepyGrey
last update Last Updated: 2022-06-02 15:00:25

LUMINGON ang binata at nakita niya ang babae sa loob ng café na nakasunod pa rin ng tingin sa kanya. Sumakay siya ng kotse at tumingin sa labas ng kanyang bintana na hanggang ngayon ay nakatanaw pa rin ang dalaga sa kanya kahit na nakasakay na siya sa kotse. Pinagmasdan niya ito hanggang sa nakita niyang hinalikan ito ng lalaking kasama nito.

Inalis niya ang kanyang tingin at humarap sa kanyang driver. “Let’s go,” malamig niyang utos.

Sumunod naman ang driver at sinimulang buhayin ang makina ng kotse. Muli niyang ibinaling ang kanyang tingin sa dalaga at nakita niya ang malawak nitong mga ngiti dahilan para humigpit ang hawak ng binata sa kanyang kape. Ngunit mabilis niya ring ikinalma ang sarili sa pamamagitan nang paghinga nang malalim at sabay inilayo ang kanyang mga tingin dito.

“I think you’re happy now,” malamig nitong saad sa kanyang isipan. “Anna.”

***

“AT HETO NA! Ang couple ng DRB! Bienna!” hiyaw ni Krystal na hype na hype ang energy.

Natigil ang pagtatawanan namin ni Bien dahil sa ginawa ni Krystal.

“Ital, ‘di ka pa ba nagsasawa kaka-intro diyan kina Anna at Bien? One month ka na rito, ‘di ba?” wika ni Hayacinth.

“Cinta! Don’t call me, Ital! It’s so jologs! Call me Krystal or Tallie!” irap na wika ni Krystal kay Hayacinth. “Saka ano bang problema kung palagi ko sila binibigyan ng intro sa pagpasok nila? E, kinikilig pa rin ako sa kanila! Saan ka ba naman nakakita? G na g sila sa relationship goals! Writer si Anna, writer din si Bien. Tignan mo, they are coffee lovers too! Tapos ang sweet pa nila sa isa’t isa? Sinong hindi kikiligin sa kanilang dalawa? Ha?”

“Hoy, Kristala!”

“Cinta naman, ‘e!” pag-aalmang wika ni Krystal. “It’s Krystal not Kristala!” pagtatamang dagdag nito.

“Kristala or Ital or whatsoever, tigilan mo na ‘yang pagpapantasya mo riyan kina Anna at Bien. Hindi lahat ganyan kaya—”

Pinutol ni Krystal ang pagsasalita ni Hayacinth. “Naku, may hindi ka pa ganyan ang lahat na nalalaman! Sabihin mo lang na bitter ka talaga, Cinta!”

“Napaka-isip bata mo talaga, Ital,” saad ni Hayacinth na may kasamang pag-iling.

“At ikaw, napaka-bitter mo!” irap ni Krystal na parang isang bata.

“Alam mo, mag-focus ka na lang sa writer mong si C.L at masyado nang nag-aaburido si Mr. Lee dahil hanggang ngayon hindi niya pa ipinapasa ang manuscript para sa buwan na ito.”

Nanlaki naman ang mata ni Krystal nang marinig niya ang pangalan ni C.L. “Oh gosh! I forgot na pupuntahan ko dapat siya sa bahay niya!” natatarantang bulalas ng dalaga.

“Iyan na nga ba sinasabi ko sa ‘yo. Mag-simp ka pa.”

“Tse! Itong bitterella na ‘to!” At dali-daling kinuha ni Krystal ang kanyang bag. “O, siya mauna na ako! Bye, Cinta! Bye, Bienna!” sigaw na paalam ni Krystal na animo’y si The Flash na tumakbo nang napakabilis.

“Krystal, talaga,” umiiling na wika ni Hayacinth.

Siniko ni Anna si Hayacinth na may ngisi sa labi. “Ikaw naman, Cinta. Hindi ka pa ba nasasanay diyan sa kambal mo?”

Napabuga nang malalim si Hayacinth. “Kambal ko nga pero tignan mo naman ang layo namin sa isa’t isa,” napapasiphayong angal nito.

“Kahit naman ganyan si Krystal, ‘e, mahal na mahal mo naman siya,” nakangiting saad ni Anna.

“Hindi naman sa lahat ng oras pagmamahal ko sa kanya ang papairalin ko. Tumatanda rin tayo, Anna. Hindi habang tumatanda tayo ay ganyan na lang siya,” pagtutuwid na saad ni Hayacinth.

Inakbayan ni Anna si Hayacinth. “Kalmahan mo lang kasi, Cinta. The more na ini-impose mo sa kanya ang maging matured siya mas lalong hindi niya iyon seseryosohin at lalo ka lang ma-pre-pressure.”

“Pero—”

Hinawakan ni Bien ang balikat ni Hayacinth dahilan para maibaling ang tingin nito sa binata.

“Tama si Anna, Cinta. Dahan-dahan lang. Maiintindihan din ni Krystal ang gusto mong mangyari para sa kanya,” wika ni Bien at binigyan nang matamis na ngiti si Hayacinth.

Nagkatitigan ang dalawa sa mata sa mata. Lumipas ang ilang saglit ngunit walang nagsalita at patuloy lang sa pagtitinginan ang dalawa. Akmang magsasalita si Anna nang biglang dumating si Mr. Lee.

“Anna, come to my office now,” saad ni Mr. Lee at diretsong naglakad papasok ng opisina nito.

Natauhan ang dalawa at ibinaling ang tingin kay Anna.

“Anna, did you do something? Bakit parang iba ang timpla ni Mr. Lee?” nag-aalalang tanong ni Hayacinth.

Napakunot-noo si Anna. “Hindi ko alam. Wala naman akong ginawang mali,” tugon ng dalaga na may pag-aalala sa kanyang mga mata.

Hinawakan ni Bien ang pisngi ni Anna. “Mas mabuting puntahan mo na si Mr. Lee para malaman mo kung ano ang kailangan niya at para hindi ka na nag-iisip ng kung ano-ano.”

Napatingin si Anna sa opisina ni Mr. Lee.

“Huwag ka mag-alala hindi naman siya galit. Magiging okay din ang lahat,” wika ni Bien sabay haplos sa pisngi ni Anna.

Ngunit hindi mapigilan ni Anna ang kabahan. Naramdaman ng dalaga ang paghawak ni Hayacinth sa kanyang kamay dahilan para mapatingin siya rito.

“Magiging okay din ang lahat, Anna, gaya ng sabi ni Bien,” wika nito habang pinipisil-pisil nang marahan ang kanyang kamay.

Hinalikan naman ni Bien si Anna para alisin ang kaba na nararamdaman nito. “It will be fine.” At binigyan ang dalaga nang panatag na ngiti.

Humugot nang isang malalim na paghinga si Anna at ngumiti. “It will be fine.” pag-uulit ng dalaga.

“Fighting!” wika ng dalawa.

Ngumiti si Anna. “Fighting!” At nagsimulang maglakad papunta sa opisina ni Mr. Lee.

Bawat hakbang ni Anna ay mas lumalakas ang pagkabog ng kanyang dibdib. Hindi niya maikakaila sa kanyang sarili ang kaba na kanyang nararamdaman lalo na at ito ang unang beses na tawagin siya ng kanyang boss. Kilala si Mr. Lee sa pagiging metikoloso sa lahat ng bagay lalong-lalo na pagdating sa mga novela kaya hindi maiwasan na katakutan din siya ng lahat ng mga empleyado. At ngayon hindi niya alam kung bakit bigla na lang siya tinawag ni Mr. Lee sa opisina nito.

Nasa tapat na ng pinto si Anna at hindi pa rin nawawala ang kaba sa kanyang dibdib.

“Shit!” mahina ngunit malutong na mura ni Anna.

Napatingin siya sa kanyang likod kung saan nakatingin pa rin sa kanya sina Bien at Hayacinth.

“Fighting!” walang boses na iningusong wika ng dalawa.

Ipinikit ni Anna ang kanyang mga mata at nagpakawala nang isang malakas na pagbuga bago kumatok.

“Come in!” wika ni Mr. Lee.

Maingat na pumasok si Anna at nakita niya si Mr. Lee na magkadaop ang mga kamay habang nakapatong sa ibabaw nito ang baba nito.

“Anna,” tawag nito sa kanya dahilan para mapatayo lalo si Anna ng tuwid at buong atensyon na nakatingin sa kanyang boss.

“Yes, Sir!” buong tikas niyang tugon sa kabila ng labis na kabang nararamdaman.

“Go to Kauai.”

“Po?” wala sa ulirat niyang tugon na tila hindi naintindihan ang sinabi ng kanyang boss.

“Tama ba ang narinig ko? Kauai ba ang sinabi ni Mr. Lee?” tanong niya sa kanyang sarili na hindi sigurado kung tama ba ang kanyang narinig o ilusyon niya lamang iyon lalo na at dagat na dagat na siya.

Kinuha ni Mr. Lee ang ticket sa drawer nito. “Here’s the ticket. Go to Kauai,” wika nito sabay abot ng ticket kay Anna.

Nanlaki ang mga mata ni Anna nang marinig niyang muli na sinambit ni Mr. Lee ang Kauai.

“Kauai nga!” bulalas niya sa kanyang isipan.

Walang mapaglagyan ang tuwa ni Anna nang sandaling iyon. Dagat na dagat na siya at ngayon matutupad na ang gusto niyang gawin ngunit bago pa siya tuluyang kainin nang labis na excitement ay ikinumpas niya ang kanyang sarili at hinarap si Mr. Lee.

“Bakit niyo po sa akin—”

“Your books are doing great so this is your reward. Don’t you like it?”

Natameme si Anna sa kanyang narinig dahilan para hindi nito masagot ang tanong ni Mr. Lee sa kanya.

“Ayaw mo ba, Anna? Kung ayaw mo okay—”

Ngunit hindi pa man natapos ni Mr. Lee ang kanyang sasabihin nang mabilis na kinuha ni Anna ang ticket sa kamay nito.

“Sir, naman ang bilis sumuko. S’yempre po gusto ko,” masayang wika ni Anna habang tinitignan ang ticket na hawak niya.

“Hanggang ngayon ba ay natatakot ka pa rin sa akin, Anna?” tanong ni Mr. Lee matapos isinandal ang likod sa upuan nito.

Tumawa nang may ilang si Anna. “Sir, naman. Sino po ba hindi matatakot sa inyo? Napakametikoloso niyo kaya lahat kami ingat sa bawat kilos dahil baka mapagalitan niyo,” pagtatapat na sagot nito.

Napabuntong-hininga si Mr. Lee. “Anna, we’ve been working together for almost 5 years hindi ka pa rin ba nasasanay?”

“Sir, mabuti na po nag-iingat. Iba pa naman kayo kung magalit.”

Napasapo na lang ng ulo si Mr. Lee sa narinig. “Siya sige. Enjoy your vacation in Kauai. Hope you can bring me a nice novel when you come back,” mahinahong wika nito.

“Maasahan niyo ‘yan, Sir!” masayang tugon ni Anna.

Sumenyas si Mr. Lee na lumabas si Anna.

“Salamat, Sir!” masayang pagpapasalamat ni Anna.

Lumabas nang may malawak na ngiti si Anna sa opisina ni Mr. Lee at dali-daling naglakad papalapit kina Bien at Hayacinth.

“What happened?” tanong ni Bien.

Ipinakita ni Anna ang hawak niyang ticket na may malawak na ngiti sa kanyang labi na halos abot tainga.

“I’m going to Kauai!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Island (The Strict CEO)   Epilogue

    “HOW’S Jax doing? Hope that the talk goes smoothly between him and his dad,” hiling ni Anna na may halong pag-aalala.“Anna…”Naibaling ni Anna ang kanyang pansin sa kanyang ama na tumawag sa kanya dahilan para kaagad siyang lumapit.“Tatay…” mahina niyang sambit sa kanyang ama saka ito niyakap.Matapos ang ilang saglit na yakapan ay pinakawalan niya ito at dahan-dahang sinuring mabuti ang kabuuhan ng ama na nakaupo sa wheel chair. Ilang buwan din na rin ang lumipas nang unang magkita silang muli at masasabi niyang mas bumabagsak ang katawan ng kanyang ama.“Sweetie…” mahinang sambit ng kanyang ama nang abutin ang kanyang pisngi at marahan nitong hinaplos dahilan para makakawala si Anna sa malalim nitong iniisip. “I know what you are thinking.”Hindi nakaimik si Anna dahilan para mapayuko ito ngunit kaagad na pinigilan ito ng ama at ikinulong ang mukha nito sa dalawa nitong mga kamay.“I know you want me and your mom to get along, but you know that it will never happen. Your mom is no

  • My Island (The Strict CEO)   Chapter 88

    LUMIPAS ang mga araw at unti-unti nang nagiging maayos ang lahat para kina Anna at Jax."I'm happy that you are here by my side, Anna," mahina ngunit sinserong saad ni Jax habang nakayakap kay Anna na bahagyang humigpit.Napangiti si Anna sa kanyang narinig. Hindi niya sukat akalain na may pag-asa pa silang dalawa ni Jax na magkaayos at makasama nang sandaling iyon dahil kung babalikan niya ang mga panahong para wala siyang halaga kay Jax ay napakalayo na nito sa kung paano siya tratuhin nito ngayon. Hindi niya maipagkakailang sa bawat aksyon na ginagawa at pinapakita nito ay labis ang tuwa at kilig na kanyang nararamadaman. Tila ba para siyang dalagang bago lamang sa isang relasyon, sobrang tamis at napakaalaga kasi ng binata sa kanya."You don't how happy I'm too," maikling tugon ni Anna na may ngiti sa kanyang labi.Hindi naman magawang hindi matuwa ni Jax sa kanyang narinig at hinarap ang dalaga paharap sa kanya at saka ito niyakap nang mahigpit."I know I can't undo things that h

  • My Island (The Strict CEO)   Chapter 87

    BIGLANG napangisi si Alexander habang nakaupo na nataong nakita ni Lax.“What are you planning, dad?” seryosong tanong ni Lax dahilan para maibaling ng matanda ang kanyang atensyon sa panganay na anak.“What are you saying, Lax?” pabalik na tanong nito na nagmamang-maangan sa tanong ng anak nito.Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ni Lax sa naging tugon ng kanyang ama. “Why are you doing this?”Hindi umimik ang matandang lalaki at nakipagtitigan lang kay Lax ngunit matapos ang ilang saglit ay napailing ito at tumawa nang mahina.Napahugot naman nang tahimik na paghinga si Lax na napapikit ng mata na agad namang idinilat at nakita ang ngiti sa mukha ng kanyang ama.“I don’t understand you, Dad. Why are you doing this? Why are you turning Jax into a monster? Why do you want him to hate you? Why are you subjecting him to so much trauma? Why are you doing this, Dad? I don’t really understand you at all.” Sunod-sunod na tanong ni Lax na labis na naguguluhan at hindi maunawaan kung ano ba

  • My Island (The Strict CEO)   Chapter 86

    "WHERE is she?" bungad na tanong ni Jax nang sandaling makapasok siya ng kabahayan habol ang hininga at labis na nag-aalala"We don’t have any news as of now, but authorities are searching for the kidnappers location," sagot ni Lax."Fuck! I thought everything will be okay since Viv has been already put in her place," mariing saad ni Jax na napakuyom ng kanyang kamay. "But why this is happening? Who the hell doing this-"Hindi nagawang matapos ni Jax ang kanyang sasabihin nang mapansin ang pagkagulat sa mga mukha ng kanyang mga kapatid. Bahagya itong napakunot ng noo."Dad, what are you doing here?" mahinang usal ni Lax nang makita ang kanilang amaTila naman nanigas ang katawan ni Jax nang marinig ang inusal ng kapatid.Dad?Ngunit sa kabila ng kanvang pagkabigla ay sinubukan niyang igalaw ang kanyang sarili. Gusto niyang makatiyak kung talagang naroon ang lalaking kanyang kinamumuhian. Sa bawat segundo ng kanyang pagkilos ay kasabay noon ang malakas na pagkabog ng kanyang puso. Hind

  • My Island (The Strict CEO)   Chapter 85

    MATAPOS sabihin iyon ni Anna ay tinalikuran niya si Bien ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay may sinabing muli ang binata.“Why? Why don’t you give me another chance? Is it because of that monster?” malakas na sigaw nito. “What makes us different that you keep forgiving and giving him chances over and over again? Why? Is it because you love being tortured by—”Hindi nagawang matapos ni Bien ang kanyang sasabihin nang isang malakas na sampal muli ang dumampi sa pisngi nito.“How dare you talk to him in that way?” galit na sigaw ni Anna. “How dare you judge him based on what you've heard when you don't know anything about him?”Napapalatak si Bien sa labis na pagkadismaya. “Why would knowing him change the fact that he hurt you? You're defending the wrong man, Anna!”“Enough, Bien! I've had enough of your bullshit! It's none of your business if I choose to stay and love the man you've been judging. I'm content with what I have right now, so stop trying to bargain with me because I wo

  • My Island (The Strict CEO)   Chapter 84

    UNTI-UNTI ng nagiging maayos ang lahat sa buhay nina Anna at Jax. Pumayag na rin si Jax na mag-undergo siya ng rehabilitation para sa kanyang PTSD, hindi man naging madali ang nagging proseso ngunit pilit na kinakaya ni Jax hindi lamang para sa kanyang sarili kung ‘di para na rin sa kanyang pamilya.“I'm pleased to see that you're making excellent progress in your rehabilitation, Mr. Tuazon,” wika ni Dr. Castro.Napayuko si Jax at gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. “Well, thanks to the person who’s been always supportive, caring and continuing loving me without boundaries. She is the one pushed me to face my fears with courage and I’m so blessed that she’s the one by my side.”Hindi umimik si Dr. Castro at pinagmasdan lamang ang binata at hindi nito maitatanggi na malaki na rin ang pinagbago nito maging ang pananaw nito sa mga bagay-bagay at natutuwa siya para dito.“That’s good to hear, Mr. Tuazon.” Ngunit gusto pa rin ng doctor kung hanggang saan limitasyon nito sa kasaluyang si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status