Share

Chapter 17.1

Flashback....

Nakakasilaw na liwanag ang unang bumungad kay Amber sa pagmulat ng kanyang mga mata. Kumurap-kurap siya upang makapag-adjust ang kanyang paningin. 

"Nasa'n ako?"  Hindi niya naiwasang maitanong sa sarili nang makita niya ang kulay puting kisame. 

Muli siyang napapikit at inalala ang nangyari. 

Sumagi sa isip niya ang mga kalalakihang nakasuot ng itim na polo, pantalon at cap na nagkalat sa paligid. Lahat sila ay may hawak na mga baril.

"Nasundan nila tayo." Tila naririnig pa niya ang tinig ni Tado at tanda pa niya ang seryosong mukha nito.

Naalala rin niyang mula sa bintana ay  nakita niya ang pagdating ni Warlo Guzman.

Kumabog ng malakas ang puso niya. Aniya sa isip, tuluyan na ba siyang nahuli ni Dark Indigo?

Muli siyang pumikit at pilit inalala ang iba pang nangyari.

Naramdaman niya ang panlalamig ng buo niyang katawan nang maalala niya ang sumunod na nangyari. &nbs

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status