Share

Kabanata XIII

Isa isa kaming pinababa ni Magnus ng kalesa. Nakahandusay sa sahig ang kutsero, hindi ko malaman kung patay na ba ito o pinatulog lang nila. Sinadya kaming paghiwalayin dahil alam nilang mas susunod si Magnus sa kanila, kung hawak nila ako. Napailing nalang ako, kung alam lang nilang hiniling ng lalaking ito na mamatay na ako, masisira ang plano nila.

Ginapos nila ang mga kamay ni Magnus habang ako naman ay mayroong dalawang bantay. "Bakit hindi niyo ako ginapos?" Tanong ko na kinagulat ng mga lalaking dumudukot sa amin lalo na ni Magnus.

Sa lahat ba naman kasi ng kinidnap, ako pa ang naghanap ng gapos. Hindi ko fetish 'yun, nakakapagtaka lang na dalawang bantay ang kasama ko habang tatlo naman ang kay Magnus. Partida, nakagapos pa 'yun pero mas marami pang nakabantay sa kanya.

Pinanlakihan ako ng mata ni Magnus at sinenyasang tumahimik. Tinaasan ko lang siya ng kilay, "Nagtatanong lang naman ako." Sagot ko. <

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status