Share

Chapter 113

SHAINA

Habang nag-uusap kaming dalawa ni Jacob sa daan ay naramdaman ko ang presensiya ng mama ko sa likuran ko. Tahimik lang siya doon. Siguro ay nakikinig siya sa aming dalawa ni Jacob.

"Mahal mo pa ba ako hanggang ngayon?" tanong ni Jacob sa akin.

Huminga muli ako nang malalim bago nagsalita sa kanya. "Oo, Jacob. Mahal pa rin kita hanggang ngayon," sabi ko sa kanya. Hindi naman ako nagsinungaling pa sa kanya. Sinabi ko sa kanya ang totoo dahil 'yon naman talaga ang totoo, eh. Tutulo na ang mga luha ko sa aking mga mata ngunit pinipigilan ko 'yon. Nginitian niya ako pagkasabi ko sa kanya na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Nawala ang kunot ng noo niya sa sinabi kong 'yon.

"Natutuwa akong marinig muli sa 'yo na mahal mo pa rin ako, baby. Mahal pa rin naman kita hanggang ngayon, eh. Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa 'yo kahit iniwan mo ako. Nandito ako sa harapan mo para makita ka at makasamang muli. Wala akong ibang sadya kundi 'yon lang talaga, okay? Masayang-masaya ako
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status