Share

MML 14 - Fall

"Morning," bati ni Roy nang kami ay magkasalubong sa salas.

"Afternoon," bati ko naman.

Kita ko ang pagkamot niya sa kaniyang ulo nang matapos tingnan ang relo.

"Afternoon," pag-uulit niya.

Putok na ang araw nang makabalik kami. Nakatulog din ako sa kotse kaya naman ay nang makarating ay umidlip lang ako pero nagising pa rin nang umaga. Siya lang ang tinanghali sa aming dalawa. Gawa na rin siguro nang siya 'yung nagmamaneho buong magdamag.

Mabuti nga at wala rin nangyari sa amin na masama noong pauwi na. Humingi rin siya ng tawad sa nagawa niya kagabi kaya hinayaan ko na lang. Wala naman nangyari na kung ano pa at magiging awkward lang para sa aming dalawa kung iyon pa ay pag-uusapan pa namin.

"Kanina ka pa gising?" tanong niya.

Tumango ako bilang sagot at saka uminom sa baso ng tubig na dala-dala ko.

"Wala ka bang pupuntahan ngayon?" tanong ko. Inaalala na baka ay mayroon at hindi ko siya inabala na gisingin pa.

"Wala," maikling sagot niya bago umupo sa sofa. "Pero bukas may
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status