"May balita na sa pinapahanap mo. Right now, she's with Carl Uy, a businessman, and his company is not that far from yours. Currently, she's a secretary," balita niya. How great it would be. I am much very close to Carl because we are business partner. After hearing that news nakita ko na lang ang sarili ko na pumpupunta sa company ni Carl kahit na wala naman akong gagawin. "Napadalaw ka?" salubong sa akin ni Carl. Except from being a business partner, tinuturing din namin ang isa't-isa bilang magkaibigan and that really help me. "Boring sa company," sabi ko. I was looking for Ina but I don't see her anywhere. I even asked Eduard kung si Ina ba talaga ang nakita niya but he simply answered me that he's a hundred percent sure about it. I was about to go one afternoon when I saw her sa building. Sinubukan ko... Sinubukan ko na hindi siya lapitan at magkunwari na hindi ko alam na nandito siya at hahayaan na lapitan niya ako pero hindi nangyari iyon dahil napakahirap kuhanin ng aten
I was blaming myself after that confrontation between me and Ina. I didn't know that about her. Days and weeks have passed pero hindi ko nagawang pumasok muna. I was bawling my eyes out. I don't know how should I feel after knowing what happened to her. I didn't have any strength to face her but still, I collected myself and had the courage to face her. There's no way that she will get away from me now. And by that, I saw myself waiting for her. I am always in front of Carl's building after running out of excuses to appoint a meeting with him. I have hope that we can still fix all of this but knowing the news that they will be marrying each other soon makes my hope shattered into pieces. I don't know how hopeless I am while in front of Carl. I was bawling my eyes out again while asking for him to give up Ina. I even got down on my knees if that can make him give Ina back to me. I brainwashed him, I made him guilty, I made him feel the worst thing that he could feel just so I could
ROY POV I hugged Ina from her back. "You should've asked me first what I want to eat," nakanguso na bulong ko.Natigilan siya sa pagpiprito ng bacon. "Ayaw mo ba nito?" alanganin na tanong niya. "Ano ba gusto mo?"Nakapikit na hinalikan ko ang gilid ng leeg niya. I can't help but to get addicted to it."Meat," maikling sagot ko. "Your meat down there," pang-iinis ko sa kaniya."Gusto mo?" tanong niya dahilan upang ako naman ang matigilan."Don't tease me like that, Ina," usal ko. Gigil ko na pinugpog ng halik ang balikat niya at saka ibinaon ang aking mukha sa leeg niya.She's in her month of giving birth and she know na hindi ko siya magagalaw kahit na asarin niya ako dahil delikado para sa baby na nasa sinapupunan niya.Natatawa na pinatay niya ang stove at saka inilipat ang mga niluto niya sa pinggan. Nakayakap lang ako sa kaniya hanggang sa maibaba niya sa lamesa ang mga hawak.Nakangiti siya nang balingan niya ako at pinatakan ng halik sa labi ko. Hinayaan ko siya ngunit ako rin
Dear readers,As we reach the final pages of this book, I want to take a moment to express my heartfelt gratitude to each and every one of you for embarking on this journey with Dianna and Roy. Your presence and support have meant the world to me.Together, we've laughed, cried, and experienced the ups and downs of their story. It's been an incredible adventure, and I hope you've found some inspiration, joy, or solace within these pages.Though this may be the end of their tale, it's not goodbye forever. Characters and stories have a way of staying with us, tucked in the corners of our hearts. I encourage you to carry Dianna and Roy's adventures with you, and may their memories continue to inspire your own.Thank you, dear readers, for being a part of this wonderful journey. I look forward to sharing more stories with you in the future.With gratitude and warm regards,Jeadaya_Kiya18
Nagugulat na napaharap ako sa aking likuran habang naghuhugas ng mga plato nang may yumakap sa aking baywang mula roon. "Roy!" gulat pa na sambit ko ngunit kalaunan ay huminahon din. Tinawanan lang niya ako at tinanggal na ang pagkakapulupot ng kaniyang mga braso sa aking baywang. Nitong mga nakaraan na araw ay ganito na siya kung umasta sa paligid ko lalo na kung wala ang kaniyang asawa ay nasanay na ang din ako. Si Ate Anne na siyang pinagkakautangan ko ng loob dahil kung hindi dahil sa kaniya ay baka hanggang ngayon ay nasa bahay ampunan pa rin ako. Nang dahil na rin sa edad namin na hindi nagkakalayo at sobra naman talaga ang effort na ginagawa nang mapunta siya rito sa bahay nila Ate Anne ay naging ganito na kami ka-close. Ika nga ni Ate Anne ay ituring ko na lang sila na parang pamilya lalo na ang bago niyang asawa at iyon nga ay si Roy. Na kahit ituring ko na lang na kuya ko katulad ng nais niya na ituring ko sa kaniya bilang nakakatandang kapatid sa akin. Mabait si Roy. M
"Lily!" tawag ko sa panganay ni Ate Anne. "Po?" tanong niya. "Ito lang ba ang dadalhin mo lahat?" "Opo, Ate Ina. Sabi ni Mommy, I can buy na lang other clothes sa Boracay, eh," aniya. "Ah, sige. Puntahan ko lang si Andrei. Aayusin ko rin muna mga gamit niya. Dalhin ko na 'to," patukoy ko sa mga gamit niya. "Yes, sure. Inaasikaso na pala yata ni Mommy si Andrei," sabi niya. "Oh? Puntahan ko na lang din para kung sakali." Tinanguan lang niya ako at pinagpatuloy ang ginagawa sa cellphone niya. Mamaya pa naman ang flight kaya naman ay medyo hindi naman aligaga ang bahay. Napagpasiyahan ni Ate Anne na magbakasyon daw dahil hindi niya kinakaya ang mga nangyayari sa kumpaniya niya nitong mga nakaraan na araw dahil na rin sa sobrang hectic kaya ganiyan siguro. Isa pa ay nagtatampo na rin kasi ang mga anak niya dahil wala na itong oras para sa kanila. Madalas kasi kung umuwi siya ay tulog na ang lahat. Sa umaga ang talaga nagkakasama-sama at naghihiwalay rin naman agad kapag aalis na
"Sige po, ako na po ang bahala sa kanila," ani ko."Sige, salamat. Babalik din ako agad pero 'wag niyo na ako hintayin. Baka hindi rin kayo matuloy dahil hindi ko alam kung anong oras ang balik ko," sabi ni Ate Anne."Alam na po ba ni Roy at mga bata?" tanong ko sa kaniya."Hindi ko pa nasasabi pero ikaw na lang ang magsabi. Mala-late na kasi ako, eh. Sige na. Alis na ako," paalam niya at dire-diretso na umalis.Sa gulat ay napakurap na lang ako. Sa kawalan din ng magawa ay bumalik na lang ako sa loob.Mainit pa kaya naman ay pare-pareho kami na nasa loob lang ng cottage rito sa labas."Saan ka galing?" Binalingan ko si Roy na siyang nagtanong. "Nakita mo si Anne?" pahabol pa niya na tanong."Kaaalis lang?" patanong na sagot ko."Kaaalis lang? Saan pumunta?" tanong niya. Salubong ang mga kilay na naghihintay ng sagot."May meeting daw," sabi ko naman."Meeting saan?""Eh, ano bang malay ko kung saan?" tanong ko rin sa kaniya."You didn't even ask her?""Huwag mo ako ma-english-english
Inayos ko na ang sako na laman ang mga tuyong dahon na naglaglagan sa puno noong narra at mangga sa tabi ng bahay.Isang araw pa mula nang makabalik kami at hanggang ngayon ay hindi ko na gaanong iniimik pa si Roy kahit na ganoon pa rin ang pakikitungo niya sa akin na para bang walang nangyari na pag-uusap sa pagitan namin.Nanatili ang pag lapit-lapit niya habang ako naman ay ginagawa ang makakaya na maging civil pa rin sa kaniya.Hindi na rin naman kami nagtagal doon dahil busy rin naman si Ate Anne sa trabaho niya. Halos hindi namin siya nakasama na magpahinga katulad ng nais niya at ang plano na sinabi niya bago kami umalis.Salubong ang aking mga kilay habang pinupunasan ang pawis na tumutulo sa aking noo. Minadali ko ang aking sarili na tinapos iyon at saka ako pumasok sa loob. Wala pa akong naluluto na pagkain.Nagkatinginan pa kami ni Roy nang makapasok ako sa kusina. Hindi ko rin inaasahan na naroon siya."Pawis ka," aniya."Ah... mainit kasi sa labas," sabi ko at kumuha na la