Share

MML 15 - Guilt

Dumaan ang ilan pang mga araw at ang mag-iina ay hindi pa rin bumabalik. Sa pagdaan nang mga araw na iyon ay wala kaming ginawa ni Roy kung hindi ang maglibang ng aming mga sarili.

Labas doon at labas dito. Kung saan-saan niya ako dinadala.

"Minsan lang ito, Ina. Let me do it for you. Hayaan mo na ako ang magiging kasama mo sa magiging una mo sa lahat, okay?" nakangiting aniya at hinawakan pa ang aking kamay.

Ibinalik niya ang kaniyang tingin sa daan. Umalis na naman kami ng bahay at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Kanina pa kasi kami nag-uusap tungkol sa pagitan namin na dalawa.

Sa mga araw na patuloy niya ako na napapasaya at sa mga gabi na hindi ako nagmintis na tanungin ang sarili ko kung gusto ko na nga ba siya ay iisa lang ang nagiging sagot kung hindi ay ang masaya ako sa tuwing kasama siya. Kumpleto ako kapag kasama siya. Hindi ko alam kung paano nangyari pero isang umaga ay ganito na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status