Share

MML 2 - Avoiding Roy

"Sige po, ako na po ang bahala sa kanila," ani ko.

"Sige, salamat. Babalik din ako agad pero 'wag niyo na ako hintayin. Baka hindi rin kayo matuloy dahil hindi ko alam kung anong oras ang balik ko," sabi ni Ate Anne.

"Alam na po ba ni Roy at mga bata?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi ko pa nasasabi pero ikaw na lang ang magsabi. Mala-late na kasi ako, eh. Sige na. Alis na ako," paalam niya at dire-diretso na umalis.

Sa gulat ay napakurap na lang ako. Sa kawalan din ng magawa ay bumalik na lang ako sa loob.

Mainit pa kaya naman ay pare-pareho kami na nasa loob lang ng cottage rito sa labas.

"Saan ka galing?" Binalingan ko si Roy na siyang nagtanong. "Nakita mo si Anne?" pahabol pa niya na tanong.

"Kaaalis lang?" patanong na sagot ko.

"Kaaalis lang? Saan pumunta?" tanong niya. Salubong ang mga kilay na naghihintay ng sagot.

"May meeting daw," sabi ko naman.

"Meeting saan?"

"Eh, ano bang malay ko kung saan?" tanong ko rin sa kaniya.

"You didn't even ask her?"

"Huwag mo ako ma-english-english diyan," sambit ko at tinalikuran na siya.

Perks of being so close with him? Pwede mo lang barahin kahit amo mo pa siya.

"Ang sabi lang niya ay may importanteng meeting siya tapos huwag na siya hintayin kasi hindi niya alam kung ano'ng oras sila matatapos ng ka-meeting niya," pagsagot ko.

Nagdiretso ako ng lakad patungo sa cottage namin. Sa sobrang lawak na

"Ate Ina, saan may drinks? I'm thirsty na rin eh," si Lily.

"Oh?" Inilibot ko ang tingin sa paligid at nakahinga naman ng maluwag nang may makita na may malapit lang.

"Sige, rito ka na lang. Kuha lang ako," sabi ko. "Andrei, gusto mo juice?" baling ko sa kapatid niya na kanina pa nakatanaw sa swimming pool kaso hindi makalangoy kasi walang kasama.

"Orange juice, Ate Ina," sabi niya.

"Saan ka na naman?" si Roy nang makasalubong ko siya.

"Samahan mo ako. Nagpapakuha ng juice 'yung anak niyo," ani ko.

"Hindi ko sila anak!"

Pinanlakihan ko siya ng mga mata ko at bahagya pa na tumingin sa dalawa. Mabuti na lang kamo at wala sa amin ang atensiyon nila.

"Anong hindi! Tandaan mo asawa mo si Ate Anne!"

"I mean, anak ko sila pero hindi biological," pagtatama pa niya.

"Anak mo pa rin sila," sabi ko at nagpaumuna na.

Hindi ko rin talaga inaasahan ang sagot niya na iyon. I mean, para kasi sa akin...

Nagkibit-balikat na lang ako at tumungo na roon upang kumuha ng juice ng dalawa.

Kalahating araw saka napagpasiyahan na magsiligo na. May lona naman 'yon sa itaas banda sa gawing dulo kaya roon na lang siguro, wala naman tao roon. Isa pa ay walang kasama si Andrei kung doon sa gitna.

Nakatanaw lang ako sa kung nasaan ang dalawang magkapatid. Baka kasi ay magsawa na sila ay walang mag-aasikaso sa kanila.

Tiningnan ko si Roy na tumabi sa akin.

"Hindi ka maliligo?" tanong ko.

"Ikaw?" tanong din niya. "Napakabaho mo na," pagtutuloy niya.

"Nakakatawa 'yon?" tanong ko sa kaniya nang tumawa siya.

"A-ano ba!"

Pilit ko na inayos ang buhok ko na ginulo niya at saka tumayo mula sa pagkakaupo. Maaga yata puputi ang buhok ko sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin at inabot sa akin ang kaniyang kamay na animo'y may hinihingi.

Tinaasan ko lang siya ng kaliwang kilay ko.

"Amo mo pa rin ako, Ina," aniya.

"Oh, ano ba kasi gagawin ko riyan sa kamay mo?" tanong ko.

Ngumuso lang siya at siya na mismo ang naghatak sa akin palapit. Nangunot ang noo ko nang pagsalikupin niya ang mga kamay namin.

Aatras na sana ako nang asta niya na ipupulupot ang kamay ko sa leeg niya ngunit ganoon na lang din ang matunog na pag-aray ko nang tumama ang hita ko sa tuhod niya nang pilit niya na nilagay sa ulo niya ang aking mga kamay.

"Masahein mo ulo ko. Kanina pa sumasakit," utos pa niya.

"Sandali!" sabi ko nang hilain niya ako muli.

Tiningnan ko ang hita ko na nabugbog yata dahil sa lakas ng pagkakabangga noon sa tuhod niya. Nabugbog pa yata.

"Tito!" tawag ni Andrei. Sabay pa kami na napatingin ni Roy sa kaniya. "Come here! Let's swim!" sigaw niya.

"Susunod ako! Masakit pa ulo ni Tito," sagot naman ni Roy. Hindi man lang binalingan ang mga bata.

Tinaasan lang niya ako ng kaliwang kilay niya.

Palihim ako na umirap at saka hinawakan ang ulo niya upang masahein iyon.

Dumaan ang mga oras hanggang sa magtanghali. Umawas na rin sila sa tubig ngunit bumabad pa rin nang kalahating araw.

Sa nagdaan na mga oras na iyon ay hindi na namin nakasama pa ang ina nitong mga bata at sa nagdaan din na mga oras na iyon ay pansin ko ang mas pagiging malapit ni Roy sa akin.

Ayaw ko man bigyan ng kahulugan ang mga ginagawa niya ngunit sumosobra na siya. Hindi ko alam kung nanlalandi na ba siya o sadyang nasobrahan lang sa pagiging malambing.

"Ahon na kayo riyan. Hapon na," ani ko habang bitbit ang tuwalya nila at ibigay iyon sa kanila.

"More pa, Ate Ina," si Andrei.

"Hindi na pwede. Tama na 'yon. Baka magkaubo at sipon na kayo niyan. Kanina pa kayo nakababad. Wala na rin araw, oh."

"Tama ang Ate Ina niyo. Umahon na kaying dalawa riyan," pagsingit ni Roy at bahagyang kinuha ang isang tuwalya sa aking mga kamay.

Hindi ko na lang siya pinansin pa at agad na lumapit kay Lily nang umahon na rin siya.

"May ibang araw pa naman. Pwede pa tayo bumalik rito," pampalubag ko na lang dahil pareho silang nakanguso na magkapatid.

Simula nang malaman nila na hindi rin pala nila makakasama ang ina nila ay parang nawala na rin sila sa mood ngunit gayunpaman ay hindi pa rin ako dinamay sa pagtatampo nila.

Sa huli tuloy ay umakyat na lang kami sa unit. Hindi rin naman sila tumagal dahil nakatulog din dahil sa sobrang pagod.

Dahan-dahan ko na sinarado ang pinto ng kwarto nila at saka ako lumabas. Nagkasalubong pa ang mga mata namin ni Roy na siyang ngayon na nakaupo sa sofa habang pinaparaanan ng kaniyang daliri ang ibabang labi.

Umiwas na ako roon bago pa man siya makapagsalita ngunit ganoon na lang din ang pagtigil ko nang tawagin niya ako.

Tahimik ako na nagbuntonghininga at saka binalingan siya.

Ikiniling niya ang kaniyang ulo sa kabilang banda bago tumayo at nakapamulsa na lumapit sa akin habang ako naman ay napaatras na lang.

Ang hirap sa part ko na isipin na baka nanlalandi na siya. Ayaw ko sa parte na baka tama ako. Ayos na ako sa pagiging-assuming kung iyon man ang labas ng mga kinikilos ko kaysa patuloy na ganito.

Kumunot lang ang noo niya sa akin at muling lumapit sa akin nang umatras ako muli. Aatras pa sana ako nang hawakan na niya ang dalawang braso ko.

"May gagawin pa kasi ako. May ipag-uutos ka ba?" tanong ko.

Nang dumausdos pababa sa aking mga kamay ang kaniyang mga kamay ay tuluyan na ako nagpumilit na umatras.

"Ano... may gagawin pa kasi ako kung wala ka iuutos mauuna na ako," sabi ko.

"Ano'ng gagawin mo?" tanong naman niya.

Nangangapa ng isasagot na nag-iwas ako ng tingin.

"'yung mga gamit ko kasi nakakala-"

"Naroon ang mga gamit mo," aniya at tinuro ang sofa. "Maayos naman lahat," dagdag niya.

"Nauuhaw kasi ako. Iinom lang," palusot ko muli.

"Naroon ang kusina at wala riyan," aniya.

Gusto ko na lang hampasin ang sarili ko nang saka ko lang napansin iyon.

"Gusto ko kasi 'yung juice sa may resort, oo iyon nga," sabi ko at bahagya pa na nakahinga na para bang nailigtas na ako noon.

"Okay?" patanong na aniya.

"Una na ako," sabi ko at mabilis na tumalikod bago dire-diretso na umalis doon.

Napapanguso na naglakad ako sa resort. Medyo dumidilim na rin pala.

Naglakad-lakad na lang ako. Hanggang ngayon ay wala pa rin si Ate Anne at hinding-hindi rin ako babalik sa unit kapag wala pa siya.

Umupo ako sa harap ng counter at saka tiningnan ang pool na nasa harapan ko lang.

"Kuya, pahingi po ng orange juice," paghingi ko.

May mga tao rin dito sa labas ngunit iilan lang dahil halos yata lahat ay nasa loob ng bar na hindi kalayuan dito.

"Ma'am, ito na po."

Nginitian ko lang siya nang maiikot ko na ang upuan upang mapaharap sa counter.

Kinuha ko ang baso at saka ininom. Hindi naman ako inuuhaw pero dahil sa letseng Roy ay napapainom na lang ako.

"Masarap?"

Halos mabulunan ako nang marinig ang boses niya. Napapaubo na ibinaba ko ang baso at tumalikod doon upang hindi maging bastos.

"Ayos ka lang?" tanong pa niya!

Kahit halatang hindi ay tumango na lang ako at itinaas nag kanan na kamay na animo'y nanunumpa.

"A-ayos la—lang," sabi ko habang patuloy pa rin sa pag-ubo.

Mabilis na ako na tumayo mula sa pagkakaupo nang tapikin niya ng bahagya ang aking likuran.

"Saan ka na naman?" tanong niya. Bakas na rin ang inis sa kaniyang boses.

"Balik na ako sa itaas," paalam ko.

"What?" natatawang aniya kahit halatang inis na talaga.

Tumango lang ako at nagmabilis na maglakad papalayo roon. Iniwan na ang juice ko ngunit ganoon na lang din ang siyang pagtigil ko nang hatakin niya ako pabalik.

"Sandali nga..." aniya. "Iniiwsan mo ba ako?"

"Ha?" maang na tanong ko. "Hindi! Bakit naman kita iiwasan?" nasabi ko na lang nang titigan lang niya ako sa aking mga mata.

"Then, bakit sa tuwing lalapit ako ay umaalis ka? Kanina ka pa. Gusto ko na lang isipin na may malala akong karamdaman kaya kung makaiwas ka ay ganoon na lamang," sabi niya.

"Ano ba pinagsasasabi mo, Roy?" natatawa kunwari na tanong ko.

"Kanina sa itaas. Ang sabi mo aayusin mo ang mga gamit mo na ayos lang naman tapos gusto kita kausapin ay sabi mo kukuha ka ng juice rito sa ibaba kahit na hindi ko naman sinabi na sige, kumuha ka. Tapos ngayon na nandito ako sa ibaba ay aalis ka na naman? Tapatin mo nga ako, iniiwasan mo ba ako? May nagawa na naman ba ako?"

"H-hindi ah!" mabilis na sagot ko. "Wala, wala kang nagawa," na tama.

"Ina..." nagbabanta na aniya.

"A-ano kasi... baka magising na 'yung dalawa."

"Stop with the shit! Wala pang isang oras na narito ka sa ibaba at hindi tayo parehong tanga para isipin na baka nagising na sila," sabi niya.

Napapalunok na tiningnan ko ang mga tao na medyo napapatingin sa aming dalawa.

"Maraming nakatingin, Roy," halos pabulong na lang na sambit ko.

"Mas rarami pa kung hindi mo sasabihin kung ano ang problema nating dalawa," sabi lang niya.

"Ano ka ba!" sabi ko at padarag na tanggalin ang pagkakahawak niya sa akin.

Halos tumakbo na ako palayo roon. Noon pa man ay hindi ko ginusto ang atensyon ng maraming tao.

Lakad lang ako nang lakad hanggang sa mapunta ako sa isang madilim na bahagi na naging dahilan ng aking pagtigil.

Malawak ang pool na nasa harapan ko. Mukhang Malinis ngunit hindi ko rin masabi dahil sa madilim din at kakaunting ilaw lang din ang siyang mayroon dito.

Katulad ng sa kabila ay may mga cottages din ngunit ang pinagkaiba ay mukhang inabandona na itong part na ito.

Tatalikod na sana ako roon upang bumalik ngunit maroon si Roy at nakasunod lamang pala sa akin. Malayo pa ay kita ko na ang mga mata niya na animo'y galit pa sa galit.

Nilingon ko kung saan pwede dumaan ngunit wala na bukod sa dinaanan ko.

Kagat ang ibabang labi na nagmabilis ako na dumiretso sa may bakante na cottage roon.

"Ina!" dinig ko na tawag pa niya sa pangalan ko.

"Alam ko na narito ka lang. Lumabas ka na. Delikado rito at baka may mga ahas," aniya.

Kahit normal na boses ay naririnig dahil na rin sa walang kaingay-ingay rito.

Nanatili ako na tahimik habang nakatago sa likod nitong cottage. Kumpyansa na hindi niya ako makikita rito.

"Ina!" tawag niya muli ngunit sa mga oras na ito ay malapit na ang kaniyang boses.

Binalak ko pa na lumipat sana ngunit ganoon na lang din ang pagsinghap ko nang makatapak ng plastic na naging dahilan upang may ingay na magawa.

Inis sa sarili na tumayo na lang ako at tiningnan sa harapan ko si Roy.

"Ngayon mo sabihin na hindi mo ako iniiwasan," sabi niya at lumapit sa akin.

Muli ako umatras papalayo sa kaniya na siya naman naging dahilan kung bakit tumigil siya sa paghakbang papalapit sa akin.

Tiningnan ko siya na nakapamulsa lang sa harapan ko. Mukhang hinihintay pa ako na magsalita.

"So?" tanong niya nang hindi talaga ako nagsalita. "Ano'ng nagawa ko?"

"Ayan!" matapang na sagot ko at tinuro siya. Nandito na rin naman.

Naguguluhan lang niya ako na tiningnan. "What do you mean, ayan?" tanong din niya.

"Ang mga kilos mo nitong mga nakaraang araw ay hindi ko maiwasan na pagdudahan. Hindi ko maiwasan na bigyan ng kahulugan dahil iba na 'yung nararamdaman ko sa nga ginagawa mo. Alam naman namin na malambing ka lang talaga ngunit sumobra naman yata ngayon," pagtutuloy ko.

"Ni minsan ay hindi ko nakita na ginawa mo kay Ate Anne ang mga iyon. Hindi ka naman ganoon dati ngunit bakit ngayon ay parang iba?"

"Paanong iba?" tanong niya. Mukhang wala pakialam sa sinasabi ko.

"Grabe na 'yung pang-iinis mo sa akin. Masiyado kang malapit at halos parang ayaw mo na ako na malayo sa tabi mo. Gusto mo ay pagsilbihan kita minu-minut—"

"Dahil iyon naman talaga ang gusto ko," pagpuputol niya sa akin.

"Pero hindi lang ikaw ang dapat na pagsilbihan ko. Hindi lang ikaw ang amo ko," sabi ko.

"I want your attention, Ina. Your full attention," sabi niya na naging dahilan upang mangunot ang aking noo.

"I want you to take care of me all the tim—"

"Pero hindi naman iyon kasama sa trabaho ko. Asawa mo ang mag-aalaga sa iyo at hindi ak—"

"At sinabi ko rin na ikaw ang gusto ko na mag-alaga sa akin."

Napamaang na lang ako habang nakatingin sa kaniya. Hindi makapaniwala sa kaniya.

"At bakit ko naman gagawin 'yon? Dahil lang sa gusto mo? Nagpapatawa ka ba? Oo, alam ko na katulong ako sa inyo pero hindi ko obligasyon na alagaan ka. Ang naalala ko na kasama sa gawain ko ay ang alagaan ang mga bata. Mga bata," pag-uulit ko pa.

"Pasensiya na kung ang dating ay walang respeto ngunit ang nais ko lang naman ay maisip mo na may asawa ka rin na siyang dapat mag-aalaga sa iyo katulad ng ninanais mo."

Nakita ko pa ang pagngisi niya bago ko siya tuluyan na iniwan doon. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin ngunit hindi ko na siya nilingon pa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status