Home / Romance / My Married Lover / MML 1 - Off to Vacation

Share

MML 1 - Off to Vacation

last update Last Updated: 2022-11-29 12:41:54

"Lily!" tawag ko sa panganay ni Ate Anne.

"Po?" tanong niya.

"Ito lang ba ang dadalhin mo lahat?"

"Opo, Ate Ina. Sabi ni Mommy, I can buy na lang other clothes sa Boracay, eh," aniya.

"Ah, sige. Puntahan ko lang si Andrei. Aayusin ko rin muna mga gamit niya. Dalhin ko na 'to," patukoy ko sa mga gamit niya.

"Yes, sure. Inaasikaso na pala yata ni Mommy si Andrei," sabi niya.

"Oh? Puntahan ko na lang din para kung sakali."

Tinanguan lang niya ako at pinagpatuloy ang ginagawa sa cellphone niya.

Mamaya pa naman ang flight kaya naman ay medyo hindi naman aligaga ang bahay.

Napagpasiyahan ni Ate Anne na magbakasyon daw dahil hindi niya kinakaya ang mga nangyayari sa kumpaniya niya nitong mga nakaraan na araw dahil na rin sa sobrang hectic kaya ganiyan siguro. Isa pa ay nagtatampo na rin kasi ang mga anak niya dahil wala na itong oras para sa kanila. Madalas kasi kung umuwi siya ay tulog na ang lahat. Sa umaga ang talaga nagkakasama-sama at naghihiwalay rin naman agad kapag aalis na naman lang patungo sa opisina at school.

Sinilip ko ang kwarto ni Andrei at bahagya na ngumiti nang makita si Ate Anne na napatingin din sa gawi ko.

"Tapos ka na magligpit ng mga gamit mo?" tanong niya sa akin.

"Tapos na po. Tapos na rin 'yung kay Lily," sagot ko at pumasok na roon.

"That's great. Aayusin ko lang 'tong mga damit ni Andrei at saka ko naman pagtutuonan 'yung akin," aniya.

"Pwede naman po na ako na lang diyan, Ate Anne. Wala na rin po akong ginagawa," sabi ko.

"Maghanda ka na lang ng merienda para sakto na aalis tayo ay hindi tayo ganoon kagutom," sabi naman niya.

"Ano po ba ang gusto niyo na miryenda?" tanong ko.

"Anything. Mas maganda na rin kung medyo pasosobrahan mo ng unti para makapagbaon na tayo."

"How about pizza, Mommy," pagsingit ni Andrei.

"Do you want pizza?" tanong naman niya sa kaniyang anak.

"Yup," sagot ng kaniyang anak.

"Huwag ka na magluto. Daan na lang tayo sa drive thru mamaya," baling niya sa akin.

"Ah, sige," ani ko at nakiupo sa kama upang tulungan siya sa pagtupi.

"Si Roy?" tanong niya muli.

"Hindi ko pa po nakikita," sagot ko naman.

"Hindi mo siya nakita kahit sa salas?"

"Huling kita ko pa po kasi sa kaniya ay kanina pang umaga, noong humingi siya ng kape."

"Is that so? Pero baka nasa kwarto lang namin," sabi niya at nagkibit-balikat na lang din.

"Baka nga po," sabi ko na lang.

Hindi na rin siya nagsalita pa at tahimik na lang na nagtupi. Tinapos lang namin iyon at saka siya lumabas habang ako naman ay lumabas na rin bitbit ang bag upang maisakay sa van.

Nilagay ko sa likod ang hindi naman na gaanong kakailanganin sa byahe bago ko binalikan ang akin sa maids room upang ilagay na rin sa sasakyan.

Nagkagulatan pa kami ni Roy nang paglabas ko sa pinto ay patungo yata siya ng kusina.

"Ang laki ng mata, ah. Hindi ako multo, tanga," aniya at bahagya pa na pinitik ang noo ko.

"Mas tanga ka," sabi ko at tinulak siya pagilid.

"Mamaya ka sa'kin!" sigaw pa niya nang magsimula na ako maglakad at iwan siya roon.

"Ate Ina, nailagay po ba sa bag ko 'yung powerbank?" si Lily.

"Oo, nailagay ko 'yon diyan. Tingnan mo na lang," sabi ko habang tinitingnan siya na tinitingnan 'yung bag niya.

"Wala siya rito eh," sabi niya.

"Patingin ako?" sabi ko at hiningi sa kaniya ang bag.

Kasalukuyan na kami na nasa biyahe ngayon. Magkakatabi sila roon sa likod habang kami naman ni Kuya Jugs, ang driver ang siyang magkatabi.

Isa-isa ko pa na tinanggal 'yung mga nandoon at saka ko nakita ang powerbank na hinahanap niya.

Kasabay ng pag-abot ko sa powerbank niya ay siya rin na pagbalik ko sa kaniyang bag.

"Thank you!" sabi niya.

Katulad din ng nasa plano ay dumaan kami sa drive thru upang um-order ng pizza. Pizza lang dapat kaso maraming hiniling ang dalawa kaya naman ay ganoon na lang ang tambak ng pagkain dito.

"Pwede ba magdala ng pagkain sa airplane?" tanong ko.

"No," sagot ni Ate Anne.

"Hala, paano 'to? Ang daming pagkain," sabi ko.

"Kainin niyo lang 'yung kaya niyo and 'yung hindi natin mauubos ay pwede naman na ipadala kay Kuya Jugs," aniya.

Tumango na lang ako. Pwede rin.

Medyo may kalayuan ang airport sa bahay pero hindi naman kami na-late ng dating. Isang-oras pa nga bago ang flight.

Tulog na ang mga bata ngunit napilitan na magsigising nang kailangan na namin na pumasok sa loob.

"Oh, paano Kuya Jugs? Patingnan-tingnan na lang 'yung bahay?" si Ate Anne na kinakausap si Kuya Jugs.

"Opo, Ma'am. Ako na ang bahala."

"Sige, salamat. Ilang araw lang din naman kami roon at uuwi rin kaagad."

Iyon lang at umalis na rin kami roon.

Tahimik na tinulak ko ang cart kung saan nakalagay ang mga bag. Sabi na nga kasi na maleta na lang ay ayaw nila. Kesyo hindi raw madadala kahit saan.

"Aray!"

Inis ko na tiningnan si Roy nang hilain niya ang buhok ko.

"Ako na," sabi niya at sa pagkakataon na ito ay ako naman ang itinulak niya pagilid upang makuha ang cart sa akin.

"Ano'ng nangyayari?" baling sa amin ni Ate Anne.

"Wala naman," sagot ni Roy sa kaniya.

"Tigilan mo na 'yang kaasar-asar mo sa kaniya, Roy. Tatamaan ka talaga sa akin," aniya.

"Wala naman akong ginagawa," nakangusong aniya.

"Ayan kasi," pang-aasar ko sa kaniya.

Inismiran lang niya ako at sumunod na lang sa asawa niya habang ako naman ay nasa gilid lang din niya at sumasabay sa kaniyang mga lakad.

Sa biyahe ay pare-pareho lang naman kami na tahimik. Walang ginawa kung hindi ang matulog ngunit ako ay walang makuha na tulog dahil kay Roy.

Nang dahil sa kumpleto ang tulog niya at hindi siya inaantok ay ako ang ginugulo.

Ilang beses na siya pinagsasabihan ng asawa niya ay hindi pa rin siya matigil. Kung wala lang si Ate Anne ay kanina ko pa siya sinakal sa sobrang inis.

Tuloy ay hikab ako nang hikab nang tuluyan kami na makarating sa Boracay. Hindi na ako natutuwa.

"Antok na si Ina," si Ate Anne bahagya pa na natatawa.

"Ah," sabi ko na lang at kunwari na lang na natawa.

"Malapit lang naman ang resort dito. 'wag kayo mag-alala. Kahit magdamag pa kayo magpahinga. Iyon naman ang purpose kung bakit tayo nandito," sabi niya.

Tumango na lang ako sa kaniya. Pati lalumunan ko ay natutuyo na.

Gabi na nang makarating kami kaya naman ay tanging ilaw lang sa gilid ng mga kalsada ang nagbibigay ng ilaw sa dinaraanan namin.

Hindi rin nakatatakot sa labas dahil may mga tao kahit papano.

Tumulong na ako sa pagbitbit ng mga bag na dala nang makarating kami. Namangha pa ako sa ganda noong loob.

Kuryoso rin ako kung magkano ang bayad ni Ate Anne dahil bukod sa malawak 'yung nakuha namin na unit ay sobrang ganda naman talaga.

"Kain muna tayo," aya niya nang sakto naman na umupo na ako.

Natawa siya nang makita kami ng mga anak niya na animo'y mga pagod na pagod sa biyahe.

"Balak ko sana mag-barbecue kaso mukhang ayaw niyo na bumaba," natatawang aniya.

"Deads na, Mommy," si Lily.

"Magpaakyat na lang tayo ng pagkain dito," si Ate Anne na siyang tinanguan ng bawat isa lalo na ng bunso niyang anak.

"Dalawa lang ang room na nandito," ani ni Ate Anne maya-maya.

Nagtinginan pa kami na animo'y binibilang ang bawat-isa.

"Dito na lang po ako sa sofa," sabi ko nang makita na apat na sila.

"Sige," pagpayag ni Ate Anne. "Lily, magtabi na lang kayo ni Andrei," pagkausap niya sa kaniyang anak.

Inismiran ko lang si Roy nang nang-aasar na naman lang niya ako na tiningnan.

Nagpaalam na ako na ipapasok muna sa loob 'yung mga bag at paglabas ko rin naman ay sakto na dumating na 'yung pagkain kaya diretso kain kami.

Hindi na rin kami nagkaroon pa ng pagkakataon na mag-usap dahil pare-pareho na rin na pagod. Nagsipasok na sila sa mga silid nila habang ako naman ay rito at naiwan sofa.

Kasalukuyan na inaayos ko ang sapin ko nang mapaupo ako dahil sa pagbato ng kung ano sa akin.

Kailan ka ba titigil?

Inirapan ko lang si Roy at kinuha ang kumot na siyang ibinato niya sa akin bago iyon inayos sa sofa.

"Matutulog ka na?" tanong niya.

"Tingin mo?" sarkastikong tanong ko.

"Ito naman," natatawang aniya at umupo pa sa sofa!

"Alis nga riyan!" pagpapaalis ko sa kaniya.

"Sige, isusumbong kita kay Anne!" pananakot niya nang asta ko na ihahampas sa kaniya ang kumot na binato niya sa akin kanina.

"Alis na kasi. Maaga pa bukas," sabi ko.

"Ayaw ko nga," aniya.

Mariin ko na kinagat ang ibabang labi ko. Nagtitimpi na huwag siya murahin baka mawalan na ako tuluyan ng trabaho.

Ni hindi ko alam kung bakit sa dinami-rami ng lalaki sa mundo ay ito pa ang siyang pinakasalan ni Ate Anne.

Isang limang-taong gulang mag-isip, immature, makulit, at higit sa lahat ay sobrang bata sa kaniya!

Hinila ko siya patayo roon pero dahil nagmatigas siya ay hindi ko rin siya nagawang paalisin.

"Roy," nagbabanta na talaga na tawag ko sa pangalan niya.

Ganoon na lang ang pagkapikon ko nang ngisian lang niya ako. Mas lalong nang-aasar.

"Tulog ka na. Ang lawak-lawak," sabi pa niya habang nakatingin.

Umurong pa siya sa dulo na para bang sinasabi na humiga na ako at matulog habang naroon siya.

"Bumalik ka na sa kwarto niyo," pagpupumilit ko.

"Ayaw ko pa nga. Desisyon ka masiyado, ah."

"Ayaw mo?" tanong ko na siya naman na inilingan niya habang pinagku-krus ang dalawang braso.

Walang sabi-sabi na malakas kong hinugot ang sinapin ko sa sofa na naging dahilan upang mahulog siya sa baba.

Mabilis din naman siya tumayo mula sa pagkakaupo roon hawak-hawak ang kaniyang puwitan. Nanlalaki pa ang mga mata, marahil sa gulat.

Ano ka ngayon.

Mabilis ako na humiga sa sofa at saka patalikod na nahiga matapos siya ngitian ng pang-asar.

Punong-puno na ako sa ugali niya. Mas masahol pa siya sa bunsong anak ni Ate Anne! Mas makulit pa sa makulit.

"Aray!" singhap ko nang may malakas na pumalo sa puwitan ko.

Nagugulat na muli ako bumaling sa gawi niya. Nakataas na ang dalawang kilay niya habang nakatingin sa akin.

"Ano ba!" pabulong na sambit ko.

"Fair enough," sabi niya at tumalikod na. "By the way nice ass," dinig ko pa na bulong niya.

Awang ang mga labi na sinundan ko siya ng tingin na tiningnan siya na tumungo na pabalik sa silid nila.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Married Lover   Readers Section

    Dear readers,As we reach the final pages of this book, I want to take a moment to express my heartfelt gratitude to each and every one of you for embarking on this journey with Dianna and Roy. Your presence and support have meant the world to me.Together, we've laughed, cried, and experienced the ups and downs of their story. It's been an incredible adventure, and I hope you've found some inspiration, joy, or solace within these pages.Though this may be the end of their tale, it's not goodbye forever. Characters and stories have a way of staying with us, tucked in the corners of our hearts. I encourage you to carry Dianna and Roy's adventures with you, and may their memories continue to inspire your own.Thank you, dear readers, for being a part of this wonderful journey. I look forward to sharing more stories with you in the future.With gratitude and warm regards,Jeadaya_Kiya18

  • My Married Lover   SPECIAL CHAPTER

    ROY POV I hugged Ina from her back. "You should've asked me first what I want to eat," nakanguso na bulong ko.Natigilan siya sa pagpiprito ng bacon. "Ayaw mo ba nito?" alanganin na tanong niya. "Ano ba gusto mo?"Nakapikit na hinalikan ko ang gilid ng leeg niya. I can't help but to get addicted to it."Meat," maikling sagot ko. "Your meat down there," pang-iinis ko sa kaniya."Gusto mo?" tanong niya dahilan upang ako naman ang matigilan."Don't tease me like that, Ina," usal ko. Gigil ko na pinugpog ng halik ang balikat niya at saka ibinaon ang aking mukha sa leeg niya.She's in her month of giving birth and she know na hindi ko siya magagalaw kahit na asarin niya ako dahil delikado para sa baby na nasa sinapupunan niya.Natatawa na pinatay niya ang stove at saka inilipat ang mga niluto niya sa pinggan. Nakayakap lang ako sa kaniya hanggang sa maibaba niya sa lamesa ang mga hawak.Nakangiti siya nang balingan niya ako at pinatakan ng halik sa labi ko. Hinayaan ko siya ngunit ako rin

  • My Married Lover   ROY POV - 3

    I was blaming myself after that confrontation between me and Ina. I didn't know that about her. Days and weeks have passed pero hindi ko nagawang pumasok muna. I was bawling my eyes out. I don't know how should I feel after knowing what happened to her. I didn't have any strength to face her but still, I collected myself and had the courage to face her. There's no way that she will get away from me now. And by that, I saw myself waiting for her. I am always in front of Carl's building after running out of excuses to appoint a meeting with him. I have hope that we can still fix all of this but knowing the news that they will be marrying each other soon makes my hope shattered into pieces. I don't know how hopeless I am while in front of Carl. I was bawling my eyes out again while asking for him to give up Ina. I even got down on my knees if that can make him give Ina back to me. I brainwashed him, I made him guilty, I made him feel the worst thing that he could feel just so I could

  • My Married Lover   ROY POV - 2

    "May balita na sa pinapahanap mo. Right now, she's with Carl Uy, a businessman, and his company is not that far from yours. Currently, she's a secretary," balita niya. How great it would be. I am much very close to Carl because we are business partner. After hearing that news nakita ko na lang ang sarili ko na pumpupunta sa company ni Carl kahit na wala naman akong gagawin. "Napadalaw ka?" salubong sa akin ni Carl. Except from being a business partner, tinuturing din namin ang isa't-isa bilang magkaibigan and that really help me. "Boring sa company," sabi ko. I was looking for Ina but I don't see her anywhere. I even asked Eduard kung si Ina ba talaga ang nakita niya but he simply answered me that he's a hundred percent sure about it. I was about to go one afternoon when I saw her sa building. Sinubukan ko... Sinubukan ko na hindi siya lapitan at magkunwari na hindi ko alam na nandito siya at hahayaan na lapitan niya ako pero hindi nangyari iyon dahil napakahirap kuhanin ng aten

  • My Married Lover   ROY POV - 1

    Tahimik ko na pinagmasdan si Anne na abala sa ginagawa niya. "Hindi mo ba talaga ako papansinin?" pag-aagaw ko sa atensiyon niya. Busy siya at wala ng time sa amin ng mga anak niya, especially sa akin. "Roy, come on. I told you not now. I am doing a lot of things right now and I can't afford to lose even a second. Understand me, please." Nagbuntonghininga ako at saka ibinagsak ang katawan sa higaan. We have been like that for three consecutive months now. I missed her so damn much. I miss being with her. "Anne, I am done with this. Para akong isang bagay na kapag ayaw mo ay ayaw mo. Saka mo lang makikita na nandito ako kapag gusto mo magpainit ng katawan. Iyon lang ba ang purpose ko?" hindi maiwasan na tanong ko sa kaniya. Binalingan niya ako. "What?" natatawang aniya. "Roy, I said I am busy! Ano bang sinasabi mo?" "Bakit, hindi ba totoo?" tanong ko. "Lalapitan mo lang ako kapag gusto mo magpainit ng katawan." "Stop being petty! Let me finish all of this and I promise to be wi

  • My Married Lover   MML 84 - End

    Tahimik ako na nakatanaw sa kabukiran nang yakapin ako ni Roy mula sa likod.Tipid ako na napangiti at saka itinagilid ang ulo ko upang bigyan siya ng espasiyo sa kabilang balikat ko."Anong iniisip mo?" tanong niya.Bahagya ako na nagbuntonghininga. "Sumagi sa isip ko si Lily at Andrei," pag-amin ko.Kahit na sobrang saya ko dahil nasa kulungan na si Ate Anne at alam ko hindi na niya kami magagalaw pa ay hindi ko rin maiwasan na isipin kung ano na ang mangyayari sa magkapatid.Iniisip ko kung gaganti ba sila sa akin at dapat hindi ako maging panatag na mamuhay ng payapa o kaawaan ko dapat silang dalawa dahil inilayo ko ang ina nila sa kanila."They are both grown-ups," aniya.Umiling ako. "Not really. Lily is still on his early twenties and Andrei is still teenager. Hindi pa nila kayang tumayo sa sarili nila—""Lily is more mature than ever. I know she can handle herself and his brother.""Paano kung sila naman ang gumanti sa ginawa natin sa ina nila?" hindi maiwasan na tanong ko.Na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status