Share

MML 3 - Alone in Mansion

Inayos ko na ang sako na laman ang mga tuyong dahon na naglaglagan sa puno noong narra at mangga sa tabi ng bahay.

Isang araw pa mula nang makabalik kami at hanggang ngayon ay hindi ko na gaanong iniimik pa si Roy kahit na ganoon pa rin ang pakikitungo niya sa akin na para bang walang nangyari na pag-uusap sa pagitan namin.

Nanatili ang pag lapit-lapit niya habang ako naman ay ginagawa ang makakaya na maging civil pa rin sa kaniya.

Hindi na rin naman kami nagtagal doon dahil busy rin naman si Ate Anne sa trabaho niya. Halos hindi namin siya nakasama na magpahinga katulad ng nais niya at ang plano na sinabi niya bago kami umalis.

Salubong ang aking mga kilay habang pinupunasan ang pawis na tumutulo sa aking noo. Minadali ko ang aking sarili na tinapos iyon at saka ako pumasok sa loob. Wala pa akong naluluto na pagkain.

Nagkatinginan pa kami ni Roy nang makapasok ako sa kusina. Hindi ko rin inaasahan na naroon siya.

"Pawis ka," aniya.

"Ah... mainit kasi sa labas," sabi ko at kumuha na lang din ng baso upang uminom ng tubig.

Hinihintay ko na ibaba niya ang bote ng tubig upang makapaglagay ako sa aking baso ngunit siya na rin ang naglagay sa baso ko kaya nagpasalamat na lang din ako.

Patalikod na uminom ako sa baso ko. Muntik pa ako masamid nang maya-maya ay bumungad sa harapan ko ang walang damit na Roy.

Nanlalaki ang mga mata na napatigil ako sa aking pag-inom nang maramdaman ang pagtaas niya sa akin mga buhok at marahan na pagpunas sa leeg ko ng isang tela.

Nang makabawi ay napakurap na lang ako at itinulak siya palayo sa akin.

Nang dahil sa wala ang mag-iina ay nasisiguro ko na mas lumalakas ang loob niya na gawin ang mga ito.

Umalis sila Ate Anne kasama ng dalawa niyang anak na nagtatampo sa kaniya. Aniya ay babawi muna raw siya. Kasama rin dapat si Roy ngunit kinaumagahan ay nakamulatan ko na lang siya sa kusina.

-Flashback-

"Ina, mawawala kami ng ilang araw. Babawi ako sa mga anak ko. Gusto sana kita isama ngunit hindi na rin maaari dahil wala na naman tao rito sa bahay," aniya. "Mag-isa ka na lamang muna rito."

"Sige po, Ate Anne. Iyon naman po talaga trabaho ko at isa pa po ay nakasama naman na ako noong huling bakasyon," sagot ko.

Ngumiti lang siya sa akin. "Uuwi rin kami agad. Tatanggalin ko lang ang tampo ng aking mga anak sa akin."

"Alam naman po natin na mababaw lang din sila kung magtampo," sambit ko.

"I am still hoping that they could forgive me," malungkot na aniya. "And you know, Roy... I'm hoping that he could help me in this one."

"Tutulungan po niya kayo panigurado," sabi ko.

-End of Flashback-

"Come on, Ina. Pawis na pawis ka," si Roy na hinahatak ako palapit sa kaniya.

Ang paguot-suot niya ng salamin niya at pagbabalandra ng kaniyang katawan sa harapan ko ay mas hindi nakatutulong para sa akin.

"A-ako na," sabi ko at kinuha na lang din ang damit niya para ipunas sa akin iyon.

Nakita ko pa ang bahagyang pagngiti niya na naglaho rin naman agad nang marahil ay napansin din ako na tumingin sa kaniya.

"Lalabhan ko na lang 'tong damit. Marumi na rin kasi. Paglalabas na lang kita ng bago," ani ko.

"Hindi na. Mainit din naman," sabi niya.

Napaatras pa ako nang tunghayan niya ako hanggang sa makita ko hawak niya na baso ng tubig. Itinaas pa niya iyon na para bang sinasabi na kinuha lang niya iyon.

Hindi ko na lang siya pinansin at lumabas na roon upang kuhanan na siya ng damit.

Kasalukuyan ako na nasa loob ng closet nila nang marinig ko ang pagsarado ng pinto. Agad ko na tiningnan si Roy na siyang nagsarado roon.

Kinuha ko na lang ang kung ano na nahawakan ko at saka tahimik na lumapit sa kaniya bago ibinigay iyon. Wala rin akong imik na lumapit sa pinto ng closet nila palabas ngunit iniharang na niya roon ang braso niya bago pa ako makalabas.

"Hanggang kailan mo ako iiwasan?" tanong niya.

Kinagat ko ang aking ibabang labi. Pinipigilan ang sarili na magsalita.

Malakas siya na nagbuntong-hininga. "Ina," tawag niya sa akin. "It's been what? Days? Week?"

"Wala naman po akong sasabihin," sabi ko.

"Tapos ngayon nagsasabi ka pa ng po?" naiinsulto siya na tumawa.

"Mawalang galang na pero kailangan ko na rin kasi mag-asikaso ng pagkain."

"No. Hindi ka lalabas dito hangga't hindi mo ako pinapansin."

"Pinapansin naman kita," ani ko.

"Oo nga pero hindi na katulad dati."

Sa pagkakataon na iyon ay naibaling ko sa kaniya ang buo kong atensiyon.

"Ano ba ang gusto mo?" tanong ko.

"Simple lang. Kausapin mo ako katulad ng dati. Sakyan mo nga trip ko. Aalagaan mo ako at higit sa lahat huwag mo ako iwasan na para bang hindi mo ako kilala," sagot niya.

"Unang-una ay kinakausap kita. Pangalawa, ay inaalagaan ko kayong lahat. Pangatlo, ay hindi kita iniiwasan na para bang hindi kita kilala at pang-apat sinasakyan ko pa rin naman ang mga trip m—"

"No, you are not!" aniya. "You didn't even look at me kung hindi pa ako ang unang lalapit sa 'yo. Hindi ka na rin naiinis sa ginagawa ko. Hindi ka na nagagalit!"

Awang ang labi na nakatingin ako sa kaniya habang kunot na kunot ang noo.

"Hindi ba dapat matuwa ka kasi hindi na ako nagagalit?"

"I wish that I would, Ina. But, no! I told you, gusto ko ang atensiyon mo. Gusto ko napapansin mo ako. Pansinin mo ako katulad ng pagpansin mo sa akin noon. Magalit ka sa akin hangga't gusto mo!"

"Ano ba nangyayari sa 'yo?" naguguluhan na talaga na tanong ko.

"Kung sasabihin ko ba na gusto kita ay sapat na rason na ba iyon para magkaganito ako?"

Naitikom ko na lang muli ang aking mga labi nang marinig iyon. Kung kanina ay nagulat ako, ngayon naman ay hindi na mapaglagyan ang gulat na nadarama ko.

Sapilitan ako na tumawa. "Sana hindi na maulit pa sa ibang babae ang biro mo na iyan dahil sadyang napakapangit pakinggan lalo na kung may asawa ka," sabi ko.

"Hindi ako nagbibiro," seryosong aniya.

"Ano ka ba, Roy," nahuhugot-hugot na ang tawa ko para pagaanin ang hangin. "Pagagalitan ka ng asawa mo dahil sa pagbibiro mo ng ganiyan."

Hindi pa naman ako magaling makisabay kapag usapang ganito dahil mabilis ako na mauto.

"Seryoso ako, Ina. Matagal ko na ito pinag-isipan at gabi-gabi ko na rin na tinanong ang sarili ko kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Ito na 'yon. Malinaw na lahat."

"Pero mali 'yan, Roy. Sobrang mali," sabi ko nang makabawi matapos sandaling matigilan upang absorbahin ang kaniyang sinabi.

"Alam ko!"

"Kaya kung totoo man iyan ay itigil mo na," pagpapatuloy ko.

"Hindi ko pwedeng basta na lang sabihin sa akin na itigil ko na ito. You can't just dictate what your heart wants, Ina," aniya.

"Pwes diktahan mo. Maayos ako nagtatrabaho rito at ayaw ko mawalan ng trabaho nang dahil lang diyan sa... sa pagkagusto na sinasabi mo. Isa pa ay may asawa ka kaya marapat lamang na hindi ka na nagkakagusto pa sa iba."

"Nasubukan ko na, Ina. Sinubukan ko na pero hindi ko kaya! Ano pa ang gusto mong gawin ko? Wala na. Nahulog na ako. Alam ko na may asawa na ako at alam ko rin na mali pero ano nga ang magagawa ko!" halos pasigaw niya na pakikipagtalo sa akin.

"Hindi ko alam. Bakit ba ako ang tinatanong mo? Problema mo 'yan at hindi akin kaya resolbahin mo 'yan at bumalik ka kay Ate Anne. Huwag mo na bigyan ng pangalawang trauma ang tao. Alam naman nating dalawa na... aware tayo kung ano ang nangyari sa past relationship niya."

"Hindi mo naiintindihan. Hindi iyon ganoon kadali, Ina. Hindi naman ganoon kadali na sabihin na diktahan ko ang nilalaman ng puso ko at bumalik na lang sa asawa ko. Wala na akong nararamdaman sa kaniya. Hindi ko na siya maha—"

"Balikan mo kung bakit mo siya pinakasalan. Balikan mo 'yung mga panahon kung bakit kayo humantong sa kasalan at hindi 'yung dahil lang sa hindi mo na mahal 'yung tao ay hahanap ka ng magugustuha—"

"Hindi ako naghanap ng magugustuhan, Ina. Nagising na lang ako ng gusto na kita at nagising na lang din ako nang wala na ang pagmamahal ko kay Anne!"

"Pero hindi rin naman ibig-sabihin noon at hahayaan mo na lang na wala na 'yon dahil kung matino ka na partner ay hindi mo hahayaan na ganoon na lang basta. Iiwan mo ang isa at sasabihin mo ang pagkagusto mo sa isang tao. Sana naisip mo rin kung ano ang mararamdaman ni Ate Anne kung sakali na malaman niya itong mga pinaggagawa mo."

"Fine, mali na ako! Tanggap ko 'yung pagkakamali ko bilang isang lalaki na may asawa na pero kasi, Ina... I don't think na mawawala agad ang pagkagusto sa isang tao," aniya.

"Kung hindi mo kaya na gawin agad katulad ng sinasabi mo ay gawin ko sa paraan kung paano mawawala iyan. Gawin mo base sa kung saan mo tingin sigurado ka na mawawala 'yang pagkakagusto na nararamdaman mo na iyan."

"At saka hindi mo ba naisip na... Sa akin ka pa nagsabi ng ganiyan gayon na alam ko na may asawa ka. Ano'ng gusto mo? Maging kabit ako? Kahit tumanda na lang ako na matanda pero hinding-hindi ko ako kakabit sa may asawa na. Iniisip ko pa lang na nagagawa mo ito ngayon kay Ate Anne at hindi malabong magagawa mo rin ito sa ibang babae."

Napailing na lang ako sa disappointment na nararamdaman ko para sa kaniya. Hindi ko inakala na may ganito siyang side.

Dahan-dahan niya na naibaba ang kaniyang braso na nakaharang sa pinto na naging dahilan upang makakuha ako ng tyansa na makalabas at maiwan na siya roon sa loob.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status