Share

Chapter 29

Hindi ako mapakali at ayaw kumalma ng puso ko!  Ano na naman ba to? Sa tuwing masaya kami ni Niko, maya-maya may problemang dumarating.

Bakit hindi siya nagre-reply? Niloloko ba ako ni Niko? I shivered with the thought! Hindi ko ‘yon kakayanin!

Napaigtad ako nang tumunog ang cellphone ko kaya dali-dali kong tinignan sa pag-aakalang si Niko yun. Nalaglag naman ang balikat ko nang makitang hindi pala siya ang nag message sa akin kundi si Jeff.

Jeff: Naka online ka pa. Bakit gising ka pa?

Nag type naman ako agad.

Me: oo.

Jeff: Nakita mo ba?

Me: oo

Jeff: labas ka muna dito. May sasabihin ako.

Lalo lang akong kinabahan sa message ni Jeff! Anong sasabihin niya? May alam ba siya? Hindi na ako mapakali kaya agad na akong bumangon at lumabas sa sala. Nakita ko siyang nakaupo sa sofa at tila may malalim na iniisip.

"Jeff.” Tawag ko sa kanya at agad naman siyang nag angat ng tingin. Nakitaan ko siya ng pag-aalala sa mga mata niya. Hindi ko na talaga maawat ang puso ko sa pagkabog ng malakas!

“Upo ka muna, Jaz.” Sabi nito sa akin kaya agad naman akong tumalima dahil nanlalambot na ang mga tuhod ko sa kaba.

“Jeff, a-anong meron?” Kinakabahan kong tanong sa kanya.

Napabuntong hininga siya ng malalim. Sumeryoso na din ang mukha niya. Bihira ko makita si Jeff nang sobrang seryoso at kapag nagseryoso siya ay totohanan talaga at hindi basta-basta.

"Alam mo bang sa company nila Niko nagtatrabaho si Tito John?" Bahagyang napaawang ang mga labi ko dahil hindi ko ‘yon alam at hindi naman nababanggit sa akin ni Jen. Daddy ni Jen si tito John na tito naman ni Jeff. Magkapatid kasi ang mga daddy nila. Ang alam ko lang ay successful ang daddy niya at may mataas na posisyon sa kumpanyang pinagtatrabahuan niya.

"Hindi ko alam. Hindi nabanggit ni Jen sa akin. Pero anong meron?" Naguguluhan kong tanong dahil hindi ko maintindihan kung bakit niya pa ito kailangang banggitin sa akin ito.

"Makinig kang maige.” Sabi nito sa akin kaya agad na akong nanahimik.

"Nabanggit ba sayo ni Niko na nag birthday ang lolo niya?" Tumango lang ako at atat na akong marinig ang sasabihin niya.

"Actually, hindi lang birthday ng lolo niya ang idinaos nila." Mabagal nitong sinabi.

Parang ayoko nang marinig ang susunod niyang sasabihin. Nanginginig na ang mga kamay ko dahil nararamdaman kong hindi ko maguustuhan ang maririnig ko lalo na dahil sa post ni Gab. Pero nagpatuloy pa din siya nang hindi ako nakaimik.

"Kundi pati ang engagement nila Niko at Gab." Napaawang ang mga labi ko sa sobrang pagkabigla at tila ba tumigil ang mundo ko at gusto ko na lang biglang maglaho na parang bula!

Naramdaman ko na lang na nakalapit na siya sa akin at hinagod ako sa likod at pinapakalma. Napansin niya siguro ang panginginig ko.

"P-paano mo nalama ‘yan?” Mahina kong tanong sa kanya dahil nanuyo din ang lalamunan ko sa sobrang kaba. Para na akong mamamatay!

"Calm down, Jazzy. Pwede namang tumanggi si Niko kung talagang mahal ka niya. Biglaan din kasi ata ‘yon.  Andun kasi si tito John noong party na yun at nabanggit naman niya kay dad nang magkita sila. Alam naman ni dad na boyfriend mo ‘yon kaya nakwento niya kay mommy. Kaya tinanong din sa akin ni mommy dahil nag-aalala siya sa’yo. Nauunawaan mo ba?” Halatang nahirapan pa siya sa pag-i-explain pero na gets ko  naman agad. Kung sa ibang pagkakataon ‘to ay matatawa ako pero hindi ngayon. Sobrang durog na durog ang puso ko ngayon. Hindi ako makapaniwala.

"K-kung ganoon, niloloko lang ako ni Niko? M-may relasyon ba sila? Ha, Jeff?" Maluha-luha kong tanong sa kanya.

"Nakatakda na daw talagang mangyari ‘yon dahil nagkasundo ang lolo ni Niko at lolo ni Gab na ipapakasal sila kapag nasa wastong gulang na sila. At dahil nga naka graduate na sila pareho, ayun na nga." Nakikisimpatya nitong sabi. Hindi na ako nakapag salita pa at hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng mga luha ko.  

"Tahan na. Mag-usap kayo. Nandito lang ako Jaz..tahan na.." Pag-aalo naman niya sa akin at niyakap niya ako habang hinahagod sa likod. Hinayaan niya lang ako na umiyak nang umiyak sa dibdib niya.

Halos hindi ko maimulat ang mga  mata ko kinaumagahan dahil sa pag-iyak at puyat pero naiingayan ako sa katok sa labas kaya napilitan akong bumangon. Wala pa bang gising? Halos katutulog ko lang.

Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita kong nakahiga pa si Jeff at tinakpan niya  ng mga kamay niya ang tenga niya. Napabuntong hininga na lang ako dahil alam kong puyat din ang isang yan at sinamahan niya ako buong magdamag kaya hindi ko rin sya masisi kung hindi niya magawang bumangon.

Nagkukusot pa ako ng mata nang binuksan ko ang pinto. "Good morning ba--" Nagulat ako pagkabukas ko nang bumungad sa akin si Niko! Naputol din ang akma niyang pagbati sa akin nang masilip niya si Jeff na natutulog sa sofa. Pero wala na akong pakialam kahit anong isipin niya dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon sa puso ko.

"Anong ginagawa ng gagong yan dito?" Nakakunot noo pa niyang tanong sa akin! Parang gusto kong matawa! Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at tinulak ko siya palabas. Nagulat siya sa inakto at nakita kong may sakit na dumaan sa mga mata niya. Sumunod naman ako sa kanya sa labas at isinara ang pintuan para hindi kami makaabala.

"Gago? Sino kayang gago?" Galit kong sagot sa kanya. "Ikaw, saan ka natulog? Kay Gab?" Seryosong tanong ko sa kanya pero punong puno ng galit ang tinig ko.

"What?" Tila naguguluhan pa din niyang tanong.

"Anong what ka diyan? Mag de-deny ka pa? Buong gabi kayong magkasama hindi ba? Ni hindi mo nga magawang mag reply sa sobrang busy niyo."

"Wala naman akong natanggap na text mo baby. Tsaka na low batt ako, so-"

"Huwag mo akong ma baby baby, Niko!" Gigil na singhal ko sa kanya.

"Ano bang problema?" Seryoso niyang tanong na tila ba wala pa din siyang kaalam alam sa mga nangyrai. Napakagaling din talaga!

"Sandali lang ha?!" Sabi ko sa kaanya at muli akong bumalik sa loob para kuhanin ang cellphone ko.

"Oh ayan!" Halos ipagduldulan ko sa mukha  niya ang cellphone ko kaya agad niya itong kinuha at tinignan ang ini-screenshot kong post ni Gab.

"Shit!" Mahinang usal niya.

"Oh ano? Magmamaang maangan ka pa, ha? May fiancée ka na pala ha? Magaling! Kinakama mo pa ako pero may pakakasalan ka naman na palang iba!" Umiiyak kong singhal sa kanya. Hindi na ako nakapag pigil pa dahil sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.

"Baby please..makinig ka muna oh." Pakiusap niya sa akin.

"Ano ha? Nagsinungaling ka sakin Niko! Paulit-ulit mo na lang ba akong sasaktan?" Sabi ko sa kanya at timulak ko siya sa dibdib niya pero hinapit niya ako niyakap ng mahigpit.

"Baby, makinig ka naman please. Hindi ko siya pakakasalan. Ikaw lang ang mahal ko. Ikaw lang ang pakakasalan ko." Pagsusumamo niya sa akin pero hindi pa din ako maawat sa pag-iyak. Baka sinasabi lang niya ‘yan sa akin. He’s giving me another false hope!

"Bakit ka nagsinungaling sa akin?" Humihikbi kong tanong.

"I did not. Birthday talaga ni lolo pero nabigla ako nang bigla niyang i-announce na engagement daw namin." Napabuntong hininga siya pero hindi pa din niya ako pinakawalan. “Let’s get married, Jaz.” Seryoso nitong bulong sa akin kaya hindi ako nakakilos. Totoo ba ang naririnig ko?

"I know my lolo too well. So, let’s get married now, baby. Please? Because I can’t live without you.” Seryoso siya! Napabitaw ako mula sa pagkakayakap sa kanya at tumingala ako sa kanya. Seryosong seryoso siya. Hinawakan niya ako sa mukha at patuloy siyang nagsalita.

“Judge ang daddy ng kaklase ko. Kaya ako sumama sa kanila kagabi para mag ask ng favor at pumayag siya dahil nasa right age naman na daw tayo." Nabigla ako kaya hindi ako agad nakapag salita! Muli niya akong niyakap at hinagkan sa noo ko.

"P-paano sila mommy?" ‘Yon na lang ang nasabi ko.  Hindi ko rin kakayanin kapag nawalay siya sa akin.

"Don't worry, you will not fail her. Mapapa-aga lang ng kaunti ang pag buo natin ng family." Hindi ko alam pero parang may mainit na humaplos sa puso ko nang sinabi niya ‘yon. Hindi na ako makapag hintay na bumuo ng pamilya kasama siya. Masyado pa kaming bata pero mahal na mahal ko siya at hindi ko kakayanin kung magpapakasal siya sa iba.

Napagpasyahan naming ilihim muna ito maging sa aming mga kaibigan. Ang naging witness namin ay ang kaibigan ni Niko na anak ng judge na nagkasal sa amin at family nila. Hindi ako makapaniwala!  Sa isang iglap lang mag-asawa na kami!

"Congratulations ulit, bro!" Bati ng kaibigan niya.

"Thanks, bro!" Nagpaalam na kami pagkatapos naming magpasalamat.

"I love you so much baby. You just don't know how happy you made me! You are now Mrs. Nikolas Paulo Ventura!" Sabi niya sakin at siniil ako ng halik sa aking mga labi nang makasakay kami ng kotse niya. Napangiti naman ako nang magbitaw kami. Asawa ko na ang gwapong ‘to ngayon.

Napag-usapan namin ni Niko na sa apartment muna ako tutuloy para di makahalata ang mga kaibigan ko. Pero ngayong gabi, sa bahay nila kami matutulog. First night namin bilang mag-asawa!

Pagkapasok namin ng bahay ay isinandal niya ako agad sa pintuan at ikinulong niya ako sa mga braso niya.

"I can't believe you’re my wife now." Namumungay ang matang anas niya at halos pabulong na lang. Hinalikan niya ako na akala mo ay katapusan na ng mundo. Ikinawit ko sa leeg niya ang aking mga braso.

Nagmamadali niyang itinaas ang blouse ko at para siyang sanggol na gutom na gutom habang ang kamay niya ay bumababa paroon. Napaungol ako at tila pa siya lalong ginanahan. Binuhat niya ako at dinala sa kwarto.

Mabilis naming nahubad ang mga saplot namin at muli naming ipinaramdam sa isa't isa ang aming pagmamahalan. Parang napakasarap lalo sa pakiramdam ngayong mag-asawa na kami. Dahil siguro wala nang guilt dahil kasal na kami.

"Baby, isa pa?" Nakahiga kami ngayon at nakayakap siya sa akin habang nakatalikod ako sa kanya. Ang mga kamay niya ay nagsisimula na namang maglikot!

“Niko, naka lima na tayo?!” Tumatawa kong sabi sa kanya dahil parang wala pa din siyang kapaguran! Pero wala na nga akong nagawa nang muli niya akong kubabawan!

Edited: June 22, 2021

Thank you for voting! 🙏❤️

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status