Chio Ghabila Alcoreza, daughter of the governor, is used to live her life away from her father. Halos kamuhian na ng sariling pamilya dahil sa mga isyung nakadikit na sa pangalan niya. They painted her as a girl who bedded men out of lust. As a skilled baker, her tita sent her to Priacosta to handle Rouseau. It is not her home, she believed. Ang kagustuhan niyang maging abogado ay naglaho dahil sa responsibilidad at buhay na naghihintay sa kanya sa Priacosta. Paano na kaya kung ang inaakalang kalmado at payapang buhay ay aanurin ng mga alon sa dagat sa sandaling makilala niya si Weino Miscreant Zaldego? Will the rebellious and stubborn marchioness of Priacosta tame the arrogant and snobbish young Zaldego? Kakalma kaya ang dagat kasabay ng pagtatago ng araw sa likod ng mga alon? Because when it is Priacosta, she makes the rules. Amiche Series #5
Lihat lebih banyak"You should get yourself a boyfriend. Ilang taon ka na ring naghihintay," si Zeri nang magawi sa bakeshop ni Tita.
Matingkad ang sikat ng araw nung araw na 'yon. Nasa Rouseau ako--- bakeshop ni Tita. Dumaan si Zeri para makita ako dahil madadaanan niya rin naman pauwi ang Rouseau."It's been years, and still counting," I said, almost laughing.Sumama ang tingin niya sa akin saka sumimsim sa juice niya. I cut a small slice on my cake and ate it. Napangisi ako dahil sa mukha ni Zeri na ngayon ay pekeng nakangiti sa akin.That's it! Naiinis na naman siya dahil sa katigasan ng ulo ko. Matagal niya ng pinagpipilitan na maghanap na ako ng nobyo. Sa aming dalawa, mas may pakealam pa siya sa buhay pag-ibig ko kesa sa akin. I just don't think that having no boyfriend should stress me.Wala naman akong nakikitang mali sa pagiging single. Isa pa, mas maganda iyon para mapagtuonan ko ng pansin ang mga bagay na ginagawa ko at gusto ko pang gawin. For me, being in a relationship is like being married on the inside."C'mon, Chio! Ayaw ko namang tumanda kang dalaga!" muling reklamo niya nang 'di mapakali sa naisagot ko kanina."Ako rin naman, Zeri. But do you think it can be a reason for me to rush?" umiling ako. "Kung mamadaliin ko ang pagnonobyo ay pareho kaming mahihirapan sa huli. Hindi pa ako ganoon kahanda para sa bagay na 'yan.""Kailan ka magiging handa aber? Pag nasa trenta ka na?"I smiled. "Why not? Marriage has no age limit, Zeri."Suminghap siya at ‘di kalauna'y nailing. Tuluyan nang nawalan ng pag-asa na ligawan ako tungkol sa usaping iyon. Ibinaba ko ang hawak na tinidor saka pumangalumbaba."If I'm going to ask you, would you like to marry yourself?" tanong ko na nagpatigil sa kanya.Zeri fell into silence. Kalaunan ay bumuntong hininga siya kasabay ng marahang iling. Tinapik ko ang kamay niya upang mag-angat siya ng tingin. I smiled."See? That question got you. Kahit ako ay napapaisip na rin sa tanong na iyan. Hindi pa ako handa, Zeri. I need to value myself first. I need to equip myself before entering a relationship. With this state, I will not be able to handle my man."Sana nga lang ay nakuha ni Zeri ang gusto kong ipunto. I am not rushing love. When it is time, it will surely happen. Alam ko ang punto ni Zeri, pero hindi ko lang magawang sumugal sa ngayon.Pinutol ni Tita ang usapan namin. Pagkalapit sa akin ay yumuko siya para magpantay ang mukha sa lebel ng aking tenga. May ibubulong ata."Can you help at the counter? I have something important to do right now," she whispered before straightening her body.Sandali kong sinulyapan si Zeri. Nakita ko ang pagtango niya kaya muli kong binalingan si Tita."Sure! Tapos na rin naman siguro kaming mag-usap ni Zeri.""Yes, we're done actually," singit ni Zeri saka tumayo na. Hinagip nito ang bag na nasa katabing upuan bago tuluyang nagpaalam sa amin ni Tita.I was left on the spot when Tita rushed herself out of Rouseau. Nagmadali akong pumasok sa staff room para magbihis ng uniporme.Sanay ako sa kalakaran ng Rouseau. Minsan ay ako ang inaatasan ni Tita na tumulong dito lalo na sa mga araw na abala siya sa kaliwa't kanang conference. Sa dami ng pamangkin niya ay ako lang ang nagkaroon ng hilig sa pagbe-bake. Some of my cousins know how to bake but they are not interested about it. Kaya ako lang ang maaasahan sa bagay na ito.Lumabas ako na pilit sinisikop ang aking buhok. Tumunog ang pinto hudyat nang pagpasok ng customer. Dumiretso sila sa counter na tila ba alam na ang i-oorder.Kagat kagat ko ang pantali nang maaninag ko ang nasa harapan. Dalawang lalaki. Ang isa ay nakikipag-usap kay Linda na kasama ko habang ang isa ay nakatingin sa kung saan. Ramdam ko ang pangangalay ng kamay kaya minadali ko itong tapusin."Good morning!" I greeted followed by a smile.Nilingon ako nung isa. Saka ko lang napansin na nasa akin pala ang tingin ng kasama. He was a tall man, looking so stiff when our eyes met. Pasimple kong pinunasan ang mukha sa pag-aakalang may dumi ako roon.My eyes became slits when his gaze remained on me for a couple of seconds. Ngumiti ako sa kanya bago inilipat ang tingin kay Linda na katatapos lang mag-punch ng order."Anong kailangan pa?" tanong ko sa kanya.Pinutol niya ang resibo saka isinilid ito sa supot na inihanda niya. Nang bumaling ay may ngiti ito sa labi."Sticky notes nalang po, Miss."Kaagad akong kumuha ng dalawang piraso ng sticky notes na magkaiba ang kulay. Ginandahan ko ang pagkakasulat sa word of the day na madalas naming ginagawa ni Linda pagkami ang nasa counter.Binasa niya ang nakasulat matapos kong maidikit iyon sa itaas na bahagi ng supot. Then she turned to me, smiling from ear to ear."Naks, love pala ang word of the day ngayon?""Oo, e. The world is in chaos. I think it needs love to assure people that there is still love in the midst of troubles.""Sentimental," sambit niya.Kumindat ako na bahagya niyang ikinatawa. Hinayaan ko siyang iabot sa dalawang customer ang order nila na parehong natigilan. Siguro ay nagtataka sa inaasta namin ni Linda."Thank you!"Pagod ang inabot ko matapos ang kalahating araw na pamamalagi sa Rouseau. Kung hindi lang tumawag ang pinsan ko para papuntahin ako sa Montresor Est University ay tiyak na nandoon parin ako hanggang ngayon.Inayos ko ang suot na maroon blazer na nakapaibabaw sa itim na sando. Kasabay ng paghakbang ko ay ang paghugot ng malalim na hininga. MEU is still the same. Nothing much changed since the last day I visited this.Ang pagiging pasaway ng pinsan ko ang laging rason kung bakit ako napapabisita rito ng wala sa oras. Kung hindi man nam-bully ng kaklase ay dahil sa sunod-sunod na pagliban sa klase. She was a rebel in everyone's eyes. The MEU society painted her a bad image. Ayaw kong isipin nila na kinakampihan ko ang pagiging pasaway ni Vanesa pero naiintindihan ko siya.Growing up without any parent figure is one of the reasons why she acts like this. Maaaring kayang tumino nung iba pero mahirap iyon para sa pinsan. Idagdag pa ang pangungutya sa kanya ng ibang pinsan. Paano niya kakayanin ang hirap kung mismong sa loob ng ginagalawang pamilya niya pa nararamdaman ang mga bagay na dapat walang bata ang nakakaranas?I think she has the reasons. But those were bad reasons for her to consider in deciding.Lumiko ako, didiretso na sana sa office of the dean nang may natanggap akong text. Kinuha ko ang phone mula sa bulsa ng dalang bag para tingnan ito.It was from Vanesa. Huwag na raw akong pumunta dahil wala ang dean ngayon. Magkikita kami sa cafeteria para doon mag-usap.Pumihit ako ng daan patungo sa cafeteria. Maingay at magulong cafeteria ang bumungad sa akin pagkarating ko. Nagkalat ang mga estudyante sa bawat parte ng lugar. Ang iba ay kumakain at ang iba ay nag-uusap lang sa tabi.Nagtipa ako ng mensahe. While waiting for her reply, I decided to sit somewhere. Halos puno na ang lahat ng mesa. Sa may dulo ay may okupadong mesa na isang tao lang ang nakaupo. He is eating. Nakapaikot sa kanya ang mga babaeng kulang nalang ay manginig sa kilig.They are holding their phones. Lowkey hoping to have a picture with him. But the man seems irritated. Magnanakaw ito ng tingin sa mga babae at pailing na mag-iiwas ng tingin. Sa tingin ko ay Senior High students ang mga iyon. Kung ako ang makikiupo ay baka ayos lang. Iniisip ko lang na papayag siya dahil mas matanda ako sa kanya.With the courage I gathered, I walked towards him. Kita ko kung paano ako pinagtinginan nung mga babaeng nakapalibot sa kanya. Paugong na ang tsismis ng iba. Ang paghinto sa harap ng lalaki ang pumigil sa mga salita nila, naghihintay sa magiging reaksyon nung lalaki."Hi," bati ko sabay kaway, nahihiya. "I can see that you are alone. May I share with you?"A collecting gasp can be heard from the crowd. May halong tili at panghuhusga pero isinantabi ko iyon. Mas malakas ang kagustuhan kong makaupo dahil nararamdaman ko na ang pangangalay ng mga paa.Nag-angat ng tingin ang lalaki. My eyes widened a fraction when I noticed that he isn’t a student just like me. Medjo pamilyar din ang kanyang mukha."It's you...?" naguguluhang tanong niya saka ako pinasadahan ng tingin.I take that as a yes. Mabilis akong umupo sa bakanteng upuan sa kanyang harap, bahagyang nakapilig ang ulo at inaanalisa ang kanyang mukha."You're not afraid of me?" his words snapped me!Siya iyong lalaki kanina sa Rouseau. Iyong madalas na nakatitig sa’kin."You can't harm, I can tell," makatotohanang tugon ko.His brows furrowed."You think?""Uhuh...those girls won't admire you if you can."Itinuro ko sa kanya ang gawi ng mga kababaihan. Sinundan niya ito ng tingin, naguguluhan."Nasaan na nga pala ang kasama mo? Naghiwalay ba kayo ng daan?" dagdag ko na nagpabaling sa kanya."Yeah, we did."Ngumiti ako kasabay ng marahang tango. Then the conversation drifted off. It's okay. May pagkakataon akong bawiin ang nawalang lakas.I waited there patiently. Girls from somewhere were giggling over someone. Sigurado akong ang kaharap kong lalaki ang pinanggagalingaNapatayo ako at nahilot ang sentido. I got my phone from my desk and dialled Chio's number. It rang for a moment before I heard her sleepy voice."Weino..."Tumikhim ako, sinusubukang maigi na maitago ang galit sa boses."Did I wake you up?""Yup...But it's okay."Matagal pa bago ako nakasagot."Sorry for waking you up. I know it's late. Go back to sleep and continue your rest. I'll see you tomorrow.""Can we just talk now? Hindi na ako makakatulog," she said in a low voice.Biglang kumalma ang galit sa loob ko. Sa isang mahinang boses ay tila ba tinangay na ng alon ang lahat ng galit na nararamdaman ko ngayon.Chio's voice got my knees weak. Muli akong umupo sa swivel chair at isinandal ang ulo sa likod nito."What do you want us to talk, darling?""How's your day?" tanong niya."It was fine. How about you? You went to the foundation?""It was tiring. I s
I will find her, or I'll die trying.The girl came to visit me through my dreams again. I already lost count how many times did this happened but all I could remember is the great feeling she never failed to make me feel.Is it even possible to fall in love with someone you just met in your dreams? In times when your defense is weak, heart is slowly beating, and unconscious soul that won't even remember the scenes tomorrow morning.It is strange to wake up with eyes looking for someone not there. Strange as how my heart beats for someone I haven't met yet. Homesick for a girl that feels like home.To the girl in my dreams, whoever you are, I will always wait for you."Damn, Weino! You are getting crazier every passing day! How can you find that girl in your dream?!" Richard hissed.I turned to him with no emotion marked on my face. Ilang sandaling nanatili ang tingin ko sa kanya bago tinungga ang alak sa isang bagsakan.His eyes
It was almost an airy whisper. Marahan niya akong dinala paupo sa kanyang hita. I tried to get up but he halted me. Umusog siya saka pinagparte ang mga hita. Nahulog ako sa espasyo sa pagitan nito at kaagad na ikinulong ni Weino. His legs were locking me in between them!Nanindig ang balahibo ko nang tumama ang kanyang daliri sa aking leeg nang sikupin niya ang mga hibla ng aking buhok."Are you hungry?" he asked."No...""Does your head hurt?""No..."He went silent for a moment."What do you want to do?""I want to eat," agap ko."I thought you are not hungry?"I frowned. Umayos ka, Chio!"What exactly do you want to do, darling?" naniniguradong tanong ni Weino.Bumuntong hininga ako."I want to sleep again," tugon ko, hindi sigurado.I can imagine him raising his brow at my remark. Kulang nalang ay tampalin ko ang noo dahil sa sobrang kalutangan ko.
Wala na akong oras para mag-reply pa. Nagsimula na akong mataranta kaya paulit ulit kong kinalabit si Calin.He turned to me. Magpapaalam na sana ako nang bigla niya akong abutan ng bote ng alak."Calm down. Para kang naiihi riyan!" he said as a chuckled came to follow his words.Nagkatinginan kami ni Jaeous. Bumakas sa mukha niya ang pagtataka nang makitang hindi na ako mapakali. Nahulog ang tingin niya sa phone ko nang makitang umilaw ito."Hinahanap ka na?" he asked."O-oo..."Tipid siyang tumango. Binalingan niya si Calin at sinubukan itong kausapin. But Calin looks like he is a bit tipsy. Tawa lang siya nang tawa at mukhang hindi naiintindihan ang sinasabi ni Jaeous."Sino?" tanong ni Calin saka ako binalingan."Uuwi na---" natigil ako nang mag-ring ang phone.Sasagutin ko na sana ito nang bigla itong hablutin ni Calin."Galit ka sa kanya, diba? Then enjoy the night! Party!" sigaw
Iniliko ko ang sasakyan sa pinakadulo ng parking lot. Handa na akong iparada ito nang biglang mag-vibrate ang phone. Itinuloy ko ang pagmamaneho hanggang sa naiparada ko ito ng maayos.I unclasped my seatbelt and bent to reach my bag. Tamad kong kinuha ang phone at nangunot ang noo nang lumabas ang pangalan ni Weino sa screen.I received six messages from him. Ang iba ay kagabi lang natanggap pero hindi ko pa nababasa.Weino:Rest if you're not able to handle the anger anymore. Magpapahinga rin ako pero bukas aayusin na natin 'to. I don't want to leave you so we will talk when our mind is calm.Weino:I love you, in case you forgot because we're in this mess. Rest assured, I love you.Weino:Eat your meal.Weino:Let's talk, Chio. I'll be home to see you in my house tonight. Wait me there.Weino:Don't leave my house. Do you want something? I'll buy it for you.Weino:Something importan
I'm back at it again. After a long fight, everything eventually fell into its place. From Isla Ardor to Priacosta, peace is here with me.Pagkauwi ko ng Priacosta ay unang nakipagkita si Tita. I agreed immediately since it's been a while since the last time I saw her. Makikibalita na rin ako tungkol sa nangyari kay Auntie Lurie.Medjo matao ang lugar na pinagkitaan namin. I was actually expecting for her to meet me in Rouseau. Kaya ganun nalang ang pagtataka ko nang inaya niya ako sa isang coffee shop malapit sa DAFC."How are you, Tita?" ako na ang nagkusang basagin ang katahimikan sa pagitan namin.Maybe it is time to give myself a closure. Sa lahat ng bagay na iniwan kong walang kasiguraduhan at para na rin sa mga tanong na hindi pa rin nasasagot hanggang ngayon."I'm fine, Chio. Ikaw? Kumusta ka?"I smiled."I'm doing great..."Ngumiti siya sa bago sumimsim sa kanyang kape. Uminom na rin ako para kahit papaano ay maib
Komen