Share

Chapter 36

Pagkagising ko kinaumagahan ay halos hindi ko maimulat ang mga mata ko sa sobrang pagkamugto nito. Kaagad kong kinuha ang cellphone ko dahil umaasa akong magpapaliwanag si Niko..na wala lang ‘yon at nagkakamali lang ako ng iniisip. Na wala naman talagang dahilan para umiyak ako.

Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko sa pag-iyak nang wala man lang kahit isang message akong natanggap mula sa kanya. Ilang araw at gabi kong nilabanan ang sarili ko sa  pag-iisip na  baka kung ano nang nangyari sa kanya pero mukhang okay na okay naman siya.

Lalo lang akong naiyak nang maalalang may buhay sa loob ng sinapupunan ko at ni hindi man lang alam ni Niko ‘to. Umagang umaga ay pag-iyak ang inatupag ko!

Kahit wala akong kagana gana ay pinilit ko pa din ang sarili kong bumangon at kailangan kong magpunta sa OB ngayon. Napahawak ako sa aking tiyan at nagawa ko pa ding ngumiti. Magiging maayos din ang lahat baby ko.

"Ate Jaz? May poging naghihintay sa’yo sa baba!" Sigaw ni Andrew at kumakatok na sa pintuan ng kwarto ko.

"Oo, nandiyan na!” Hindi ko alam kung paano ko itatago ang mga mata ko kay tita at Andrew dahil halata talaga ang pamumugto nito kaya nagsuot ako ng sunglass.  

Nagmadali naman ako sa pagbaba dahil nakakahiyang paghintayin si doc Ethan. Nagkusa na nga siyang samahan ako tapos paghihintayin ko pa siya.

“Hey, careful.” Sabi nito sa akin at nakita niya ako sa mabilis kong pagbaba sa hagdan! Buti na lang pala at pinapasok siya ni Andrew.

"H-Hi doc!" Bati ko naman sa kanya nang makalapit ako.  

Pinilit ko munang iwaksi sa isipan ko ang nagpapabigat sa dibdib ko dahil nakakahiya naman kay doc at naka-oo na ako sa kanya.

"Kapag wala sa duty, pwede bang Ethan na lang?" Nakangiti nitong sabi sa akin.

“Ha? Sigurado ka ba doc?” Natawa naman ‘to at kunwari akong sinimangutan dahil nabanggit ko pa din ang ‘doc’. Nakakahiya naman kasing makipag usap ng  casual sa kanya lalo na kapag sa pangalan niya ko siya tatawagin.

"Ayos ate ah! Naka shades ka ngayon kahit nasa loob pa ng bahay!" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Andrew! Nakakahiya din at pinansin pa talaga niya ang pagsusuot ng sunglass!

"Hmm mainit sa labas eh.” Pagpapalusot ko na lang at agad ko nang iniba ang usapan. “Uhm doc, pinsan ko nga pala, si Andrew. Drew, si doc Ethan nga pala.” Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa at masaya naman silang nagbatian. Mukhang nakapag-usap na din sila kanina.

"Andrew, may pupuntahan lang kami ng ate mo ha?" Paalam ni doc kay Andrew. Nabanggit ko kasi sa kanya na wala pang nakakaalam na buntis ako kaya naging maingat din siya.

"Sige po, doc pogi! Nga pala, di ka pa kumakain ate Jaz." 

"Busog pa ako eh. Si tita?"

“Sa market ate. Kumain ka ha?” Nakahinga ako nang maluwag at market day pala ni tita ngayon. Sigurado akong mapapansin ‘non na may problema ako kapag nakita niya ako ngayon. Gusto ko munang maging maayos kami ni Niko bago ako magsabi sa kanya.

“Careful.” Paala nito sa akin habang inaalalayan niya akong makasakay ng kotse.

Parang kaamoy niya si Niko! Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko at napapikit ako habang nilalanghap ko ang amoy niya. Napatikhim naman siya kaya bigla tuloy akong napalayo sa kanya sa hiya! Nakakahiya dahil para akong bampirang kakagatin siya sa leeg sa itsura ko! Ah, Jaz!

"S-sorry! Nagustuhan ko lang ‘yong..’yong pabango mo.” Nauutal kong paliwanang sa kanya. Naku, baka kung anong isipin niya sa akin.

"Baka ako mapaglihian mo niyan." Nakangiti niyang sabi sa akin bago siya umikot at sumakay na din ng kotse.

“What do you wanna eat?” Sabi nito nang nasa kalagitnaan kami ng daan.

"Ha? Hindi na kasi hindi pa talaga ako gutom." Sabi ko naman dahil sobra sobra na ang hiyang narararamdaman ko ngayon sa kanya.  

"Can I also call you, Jaz? Mahaba kasi ang Jazmin?"

"Oo naman." Nakangiti kong sagot sa kanya.

"Jaz, you need to eat for your little one. Drive thru na lang tayo.” Sabi nito at wala na nga akong nagawa kaya kahit wala akong ganang kumain ay pinilit ko ang sarili ko dahil dalawa na kaming kumakain ngayon.

"Pwede rin ba akong sumama sa loob, Jaz?" Tanong sa akin ni doc Ethan dahil i-u-ultrasound ako ng mommy niya para mas accurate kung ilang weeks na nga ba si baby. Halos hindi ko kasi maalala ang last period ko.

“Hmm? Oo naman doc.”

“Ethan.” Pagtatama naman nito sa akin. Hindi pa din talaga ako komportableng tawagin siya sa pangalan lang niya. Nangingiti at napapailing na lang ang mommy niya sa aming dalawa.

Inalalayan niya pa ako hanggang sa paghiga sa ultrasound examination table. Hindi ko napigilang mapabuntong hininga. Ganito din kaya si Niko kapag nandito siya ngayon? Excited din kaya siyang marinig ang heartbeat ng baby namin? Nalungkot ako sa isipin ‘yan pero kaagad itong napawi nang marinig ko na ang hearbeat ng baby ko!

Hindi ko namalayang malaya na palang umaagos ang luha ko sa aking pisngi kung hindi pa pinunasan ni Ethan. Napaluha ako dahil sa tuwa. Hindi pa din ako halos makapaniwala na magkaka baby na kami.

"Hmm the baby is already 12 weeks and 4 days, Jazmin! How come, di mo na notice?" Nagtatakang tanong sa akin ng mommy ni Ethan.

"Normal na po kasi sa akin ang missed period kaya hindi ko na din naisip, doc. Akala ko nga po ay mahihirapan akong magbuntis kaya hindi ko po talaga in-expect.”

"No morning sickness?"

"Actually, sa gabi po ako naduduwal doc kaya akala ko ay may problem lang sa mata ko."

"Nahihilo?"

"Yes, mom. Hinimatay siya kahapon and that's when we discovered na she's pregnant." Singit ni Ethan na nakikinig pala dahil busy siyang nagkakalkal ng mga magazines ng mommy niya sa maliit na couch.

"I see.." Tumatangong sabi ni doc at nagbigay siya ng lab requests para ma assess lahat saka niya daw ako reresetahan ng mga vitamins.

Sinamahan naman ako ni Ethan sa laboratory at wagas kung makakaalalay sa akin kaya halos mamilipit sa kilig ang mga med tech na naka duty.

“Ang pogi naman ng daddy.” Humagikhik pang sabi ng isa.

Hindi na lang ako umimik kahit na nagpagkamalang siya ang ama ng ipinagbubuntis ko. Nakakahiya kay Ethan! Pero nagulat ako nang malingunan ko siyang nakangiti at tila mas nagustuhan pa ‘to.

"See you next month, Jazmin! Don't hesitate to call me kapag may problem." Sabi ni doc nang matapos kami.

Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil wala namang problema maliban na lang sa medyo mababa nga ang hemoglobin ko kaya kailangan ko na talagang mag take ng mga vitamins at gatas.

"Thank you so much po doc!"

"Bye, mom! Hatid ko lang si Jaz." Paalam na din ni Ethan sa mommy niya.

Mabuti na lang at mabait ang mommy ni Ethan at tila balewala naman dito ang pagsama sa akin ng anak niya. Napangiti ako at sandali kong nakalimutan ang problema dahil sobrang gaan sa pakiramdam ng first prenatal checkup ko.

"I’m glad the baby's healthy, Jaz. Don't stress yourself too much.” Nakangiti niyang sabi sa akin nang makalabas kami sa clinic ng mommy niya.

Pero maya-maya ay napabuntong hininga siya kaya napatingin ako sa kanya.

“Jaz, I know you cried a lot last night because your eyes are puffy. If you need someone to talk to, I’m just here." Ngumiti siya ng tipid at marahan niyang pinisil ang pisngi ko. Parang si Niko! Tumango na lang ako at pilit na iwinaglit si Niko sa isipan ko.

Nag lunch na din kami sa katabing mall ng clinic ng mommy niya pagkatapos at inihatid na niya ako sa bahay para makapagpahinga na daw ako. Ako nga ang nahihiya sa kanya dahil imbes na natutulog siya ngayon at nagpapahinga ay sinamahan pa niya ako.

Nagpasalamat ako sa kanya pagkadating namin ng  bahay at inaya ko pa siyang pumasok pero tumanggi na siya at ako daw ang iniisip niya. Napangiti na lang ako dahil napaka maalalahanin niya. Maswerte ang makakabingwit sa pihikang puso ni doc Ethan.

Mabilis lumipas ang dalawang linggo pero ni ha, ni ho ay wala akong narinig mula kay Niko. Araw-araw akong tumatawag sa kanya kahit mag mukha na akong tanga pero hindi siya sumasagot. Dalawang linggo na ding wala akong ganang mabuhay at wala akong ginawa kundi magpanggap na maayos lang sa harapan ng ibang tao. At ibinubuhos ko na lang ang lahat ng sama ng loob ko kapag nasa kwarto ako. Kung wala lang akong trabaho, hinding hindi na ako lalabas.

Muli akong sumubok na tawagan siya sa mobile number niya pero hindi na ito makontak kaya bumilis na naman sa pagtibok ang puso ko! Natatakot ako. Kaagad ko ding tinignan ang social media accounts niya pero deactivated na lahat!

“Niko? Bakit mo ‘to ginagawa sa akin ha?” Hindi ko na naman maawat ang sarili ko sa pag-iyak!

Hindi na ako nakakatulog ng maayos. Hindi na din ako makakain kaya malaki ang ipinayat ko pero wala akong pakialam dahil wala na akong ganang mabuhay!

"Jaz? Buksan mo ‘tong pinto." Marahang kumakatok si tita Jelai. Ayoko sanang buksan pero hindi niya ako tingilan kaya kahit nanginginig ay tumayo ako para buksan ang pintuan.

Alam kong napapansin na nila ang pananamlay ko pero nagpapasalamat ako dahil nirespeto nila ang pananahimik ko. Hindi pa kasi ako handang magsabi sa kanila dahil umaasa pa din ako na tatawagan ako ni Niko at magpapaliwanag siya. At gusto ko din sana na maliban kay Ethan, ay siya muna ang makaalam na buntis ako. Not until today..dahil wala ng silbi ang lahat dahil hindi ko siya makontak pa. Tama nga siguro ang mommy niya. Pinagsawaan na niya ako.

Pagkabukas ko pa lang ng pinto ay agad na akong niyakap ni Tita ng mahigpit kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na lalo pang bumunghalit ng iyak. Ang bigat bigat na ng dibdib ko at parang hindi ko na kaya. Nanginginig na din ang buong katawan ko.

"Ano bang nangyayari sayo, anak? Nag-aalala na kami ni Andrew pati na din pati ang mommy mo dahil hindi mo daw sinasagot ang mga tawag niya."  Marahang niyang tanong sa akin nang makaupo kami sa kama at nang medyo kumalma ako.

Sumisinghot singhot lang ako gawa ng matinding pag-iyak kaya hindi ako nakasagot agad.

"Halos hindi ka na kumakain. Tignan mo nga at nangangayayat ka na at ang putla mo na, anak." Nag-aalalang sabi ni tita.

"Tita.. hindi na nagpaparamdam si Niko. Three weeks na!" Putol-putol kong sabi kay tita habang humihikbi ako at kahit halos hindi na ako makahinga ay naikwento ko pa ‘yong nakita ko noong tinawagan ko siya.

"Shhh tahan na.. Hintayin lang natin baka may problema lang ha? Gusto mo bang tanungin ko ang family niya?" Marahang tanong ni tita pero para akong nanigas at hindi ko napigilan ang paghulagpos ng galit sa puso ko.

"Ayoko tita! Tama na. Pagod na pagod na akong umintindi. Pati anak ko napapabayaan ko na dahil sa kanya." Umiiyak kong sabi kay tita kaya natigilan siya.

"Anak? Buntis ka?" Gulat na gulat niya ding tanong sa akin kaya tumango ako.

"Opo tita! Sasabihin ko sana sa kanya pero hindi na siya nagpaparamdam at deactivated na ang mga social media accounts niya pati mobile number niya! Tita, ano bang nagawa ko? Bakit ganito?” Hysterical na ako at hindi ko na maawat pa ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay sasabog na ako.

"Wala pala siyang kwentang lalaki eh! Gago siya!" Galit na sabi ni  Andrew dahil nasa pintuan pala siya at nakikinig.

"Tahan na anak. Shhh.. makakasama sa apo ko ‘yan. Tama na ha? Nandito lang kami.." Pang-aalo sa akin ni tita pero hindi na din niya napigilang mapaiyak.

Umiyak lang ako ng umiyak nang matigilan ako dahil sa paninigas ng puson ko! “T-tita, naninigas ang puson ko! Ang baby ko, tita!” Napasigaw na ako at nagpanic.

"Andrew, magtawag ka ng taxi! Bilis!" Nagpapanic na din na sabi ni tita at mabilis na tumalima si Andrew.

Ngayon lang ako nakadama ng ganitong klase ng takot! Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyayaring masama sa anak ko! Anong klase akong ina? Naging makasarili ako at hindi ko man lang inisip ang baby ko.  Diyos ko, iligtas Mo po ang anak ko..

Hold on, anak. Promise, hindi na iiyak si mommy. Please..

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status