Share

Kabanata 15

HINDI ko na mabilang kung ilang ulit ko ng binasa ang kontrata na ibinigay sa akin ni Allen nong nasa teresa pa kami ng kuwarto.

Kagat kagat ko ang pang ibabang labi ko habang nakahiga sa kama at hawak hawak ang papel na ngayon ay medyo nakusot na.

Gusto kong lumabas at puntahan sa kabilang kuwarto si Allen para isauli itong kontrata dahil sa nag aalinlangan pa akong permahan. Ngunit, nahihiya ako dahil ayoko namang bulabugin siya sa pagtulog niya. Malapit ng mag alas dose ng gabi at naisip ko na baka tulog na si Allen.

Nakakahiya kung magising ko pa siya.

At saka, ayokong mag isip siya ng kung ano dahil lang sa magkatapat kami ng kuwarto. Nakakagulat man isipin na sa kanya pala iyong kuwartong napasukan ko nong umaga, hindi ko pa rin siya kayang tanungin kung papaano siya napunta nalang bigla bigla dito sa resort.

Masyado siyang mabilis.

Hindi lang sa mga galaw, pati na din sa pagdesisyon.

"Come on, Thara. Titingnan lang natin," pamimilit ko sa sarili ko.

Hindi ko man maintindihan ku
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status