Share

Kabanata 4

"A-ANTHARA? Anak?" rinig kong tawag sa akin ni Mommy sa labas ng kuwarto ko. Ilang oras na akong nagkukulong dito. Natatakot akong lumabas. Wala na din sina Stephen at mga kaibigan niya. Nong pinaalis sila ni Daddy, dumating na din ang mga pulis para tingnan ang mga nagyayari.

"Mag usap tayo, please?" kanina pa si Mommy sa labas. Ngunit, hindi ko man lang siya sinagot o pinapasok man lang. Gusto kong mapag isa. Napakaraming tanong ang gusto kong masagot ng sarili ko.

Bakit ang bilis? Bakit ang bilis kong sumunod sa mga sinasabi niya? Bakit...bakit naiisip ko pa rin kung ano ang nararamdaman niya ngayon samantalang alam ko naman na mali iyong gagawin niya sa akin simula nong pumasok kami sa kuwarto ko? Bakit hindi ko man lang siya itinulak o sinigawan man lang?

Kakakilala palang namin, e! Bakit ganito agad?

"Anthara, please! Kausapin mo si Mommy..." wala pa akong sapat na lakas para tumayo. Wala pa akong ganang makipag usap sa kung sino. Kahit na kila Mommy.

Ipinikit ko ang mga mata ko. Nagbabakasakaling mawala kahit saglit ang mga iniisip ko. Pinilit ko ang sarili ko na matulog. Nagtagumpay naman ako. Ang huling narinig ko lang ay ang pagmamakaawa ulit ni Mommy na papasukin ko siya sa loob ng kuwarto ko.

Nagising ako dahil sa kaunting init na naramdaman ko banda sa may pisngi ko. Iminulat ko ang mga mata ko. Nakita kong bukas ng kaunti ang bintana ko sa harap. Gusto kong tumayo pero parang nakakapagod.

Napatingin ako sa cellphone kong nasa gilid ko lang nang may nagtext roon. Hindi lang text. Kundi napakaramingtext, at tawag. Hindi ko pala napatay 'to.

Kinuha ko ang cellphone ko at saka tiningnan ang mga mensaheng ipinadala ng halos lahat mga kakilala ko.

Stephen:

Sorry at nahuli kami kahapon. Ayos ka lang ba? Kung alam ko lang na gagawin niya iyon, edi sana sinapak ko na ang atay niya.

Agad akong napangiti nang mabasa ang unang mensahe ni Stephen. Kahit na may pagkabading iyon, sweet at maalalahanin pa rin naman iyon. Lalo na sa mga pinsan naming babae.

Mommy:

Let's talk anak, please. :-(

Alam kong nag aalala na sila sa akin. Na baka may gawin akong ikakapahamak ko. Kaso, hindi ko pa talaga gustong magpakita.

Luis:

Are you okay? Sinabi sa akin ni King ang nangyari. Sino kasama mo ngayon?

Nang mabasa ang ikatlong mensahe, Ilang segundo muna akong napatunganga habang hawak ang cellphone ko. Hindi ako makapagreak.

Si Luis?

"Anak? Gising ka ba?" agad kong nabitawan ang cellphone ko nang makarinig ng katok sa labas ng kuwarto ko. Si Mommy.

"O-Opo..." napatingin ulit ako sa cellphone kong nahulog sa kama.

No way! Nakabalik na ba siya?!

"Anak..." napabaling ako sa nakasarado kong pintuan. Umupo ako sa kama. Inayos ko muna ang buhok ko at saka tiningnan sa salamin ang mukha ko kung maayos lang ba.

Napabuga agad ako ng hangin nang makita ang pagod kong mukha. Inilagay ko pabalik ang maliit na salamin sa lamesa na nasa gilid ko. Umupo ako sa gilid ng kama. Tumayo ako ng dahan dahan para buksan na ang pinto ng kuwarto ko.

Hindi ko pa sila gustong makausap. Ngunit, gusto kong siguraduhin kung nakabalik na ba ang kaibigan ko.

"T-Thara...Anak...Uhm, kamusta ang pakiramdam mo?" iyan agad ang ibinungad na tanong sa akin ni Mommy nang mabuksan ko ang pintuan.

Pinilit kong ngumiti ngunit hindi pa kaya ng nararamdaman ko. Baka kasi kapag pinilit ko pa ang sarili ko, lalandas na naman ang mga luha kong walang tigil sa pagbagsak kahapon.

Gusto ko na sanang magtanong, ngunit nakita kong napatingin si Mommy sa pisngi ko. Nabigla ako ng may nabuong luha sa gilid ng mata niya.

"I-I'm sorry, Anak..." bulong niya habang nakatingin sa mukha ko. Naguguluhan kong siyang tiningnan.

Umiling iling siya. Hinaplos niya ang pisngi ko gamit ang dalawa niyang kamay.

"P-Patawarin mo si Mommy mo..." niyakap ako ni Mommy. Narinig ko na din ang hagulgol niya sa balikat ko habang nakayakap siya sa akin.

Agad ko siyang niyakap pabalik. Gusto ko siyang tanungin kung bakit siya nagsosorry. Ngunit, parang hindi ito ang tamang oras.

"Anthara.." napabaling ako sa gilid ko ng may magsalita roon. Nakita ko si Daddy na naglalakad papalapit sa amin ni Mommy.

Nakita kong natigil si Mommy sa paghikbi. Tiningnan niya si Daddy. Nakita kong napayuko agad siya at napatingin sa akin.

"In my office. May pag uusapan tayo." Kay Daddy agad napunta ang tingin ko. Seryoso ang kanyang mukha ngunit parang hindi siya makatingin sa akin.

Tiningnan niya si Mommy. "Come on." Napalunok agad ako ng marinig ang malamig niyang boses. Nakita kong tumango si Mommy at may kung anong emosyon na tumingin sa akin.

Hinawakan niya ang kamay ko. Nag umpisa siyang maglakad ng tumalikod na si Daddy. Sumunod nalang din ako sa kanila.

Nang nasa harapan na ng opisina, binuksan iyon ni Daddy ng walang alinlangan. Pumasok kami sa loob. Napunta kaagad ang atensyon ko kay Mommy ng magsalita siya.

"A-Ano'ng pag uusapan natin?" tanong ni Mommy nang makaupo na si Daddy sa kanyang swevil chair. Umupo din kami sa dalawang upuan na nasa harapan ng malapad na lamesa niya.

"Tungkol sa...nangyari kahapon." Nakinig lang ako sa mga pinag uusapan nila.

"Hindi pa siya maayos." Nilingon ko si Mommy. Nakayuko siya.

"Then, let's wait kung kailan maayos na siya para-"

"Para ano, Ed? Para makuha mo ang gusto mo?! Sa tingin mo ba tatanggapin ng anak natin ang mga pinanggagagawa ninyo!" napakunot kaagad ang noo ko. "God! Just tell her the truth, Ed!" Agad akong napatingin kay Mommy nang medyo tumaas ang kanyang boses. Nakita kong napatingin din siya sa akin. Iniwas niya kaagad ang paningin niya.

Tiningnan niya ulit si Daddy. "Kapag may nangyaring masama sa anak natin, hinding hindi kita papatawarin!" tumayo si Mommy at naiiyak na tiningnan si Daddy.

"A-Ano'ng totoo?" tanong ko, hindi na makapagpigil na magtanong. Napabuga ng hangin si Daddy. Tumayo siya at naglakad papalapit kay Mommy bago ako tiningnan.

"It's just an act. Walang kasalanan si Allen."

Naguguluhan kong tiningnan si Daddy.

"What act?" tanong ko. Nakatunganga akong humarap kay Mommy. Nakita ko siyang naiiyak na umiwas ng tingin sa akin.

"T-Teka nga. Ano'ng act? A-At, si Allen?" agad na napalitan ang naguguluhan kong ekspresyon ng inis. Tumayo ako at tiningnan ang reaksyon ni Mommy. May hinala akong may hindi sila sinasabi sa akin.

Nakita kong napayuko si Mommy at napayakap sa dibdib ni Daddy. Rinig ko ang hikbi niya roon.

Si Allen.

"S-Si Allen? Walang kasalanan? B-Bakit, Dad? Bakit walang kasalanan si Allen!"

Tiningnan ko si Daddy nang nagmamakaawa. Ngunit, ganoon din ang ginawa niya. Iniwas niya rin ang paningin niya sa akin.

"Ayaw niyang maikasal kay Trisha. Fanio said, Allen knows what Trisha's going to do kapag naikasal na sila." Naguguluhan ko pa rin na tiningnan si Daddy ng magsalita siya.

Sino si Trisha? Anong kasal?

"Kasal? Si Allen? Si Allen ikakasal?" may tabang sa tanong ko, inaamin ko 'yon.

Ilang segundo pa bago ko narinig ang sagot ni Daddy.

"Yes." Bagsak ang balikat akong napayuko. "Pero ayaw niyang maikasal sa babaeng pera lang ang habol sa kanya at sa pamilya niya. That's why Fanio and I decided na tulungan siya." Napatingin ako kay Daddy.

"B-Bakit tumutulog si Tito Fanio? Alam din ni Tito Fanio?" tanong ko. Yumuko ako ng kaunti para pahiran ang bumagsak kong luha.

Hindi ko pa rin naiintindihan kung bakit ginawa iyon ni Allen. Dahilan bang manggamit siya ng ibang babae para lang hindi maikasal sa Trishang 'yon!

"That's why pinapunta ko kayo dit-" naputol ang sasabihin ni Daddy ng makarinig kami ng katok sa labas ng opisina.

Nakita kong tiningnan muna ako ni Daddy bago binitawan si Mommy sa pagkakayakap. Naglakad siya papalapit sa pintuan. Habang ako, hindi mapakali.

"You're here." Sabay kaming napalingon ni Mommy sa pintuan ng magsalita si Daddy.

Halos hindi ako makagalaw ng makita kung sino sino ang nasa labas ng pinto. Nakatayo roon ang isang matangkad na lalaking dahilan ng pag iyak ko kahapon.

Allen.

May mga kasama siyang kasing edad niya lang at matatangkad din. May nakita pa akong humabol sa kanila. Si Tito Fanio.

"Nandito siya." Lumingon sa akin si Daddy. Ngunit, hindi siya ang tinitingnan ng mga mata ko.

Napalunok ako ng inumpisahan na niyang ihakbang ang mga paa niya papasok.

Lumingon ako kay Mommy. Nakita kong nakatingin siya sa akin. Napakabilis ng kurap ko, dahil na rin siguro sa nararamdaman kong kaba.

Ibinalik ko ang tingin sa naglalakad. Nang magkasalubong ang kulay abo niyang mga mata at ang mga mata ko, hindi ako makapagsalita. Parang hindi ako makahinga ng maayos. Ramdam kong medyo tumataas at bumababa ang dibdib ko dahil sa kaba.

"A-Allen..Ijo..." rinig kong tawag ni Mommy. Napalunok ako. May sasabihin ba siya?

Nakita kong tumigil sa paghakbang si Allen. Sa akin pa din ang mga mata niya. Halos mawala ang lahat ng dugo ko sa mukha nang tumaas ang gilid ng labi niya bago humarap kay Mommy. Iginalaw niya ang mga kamay niya at saka ako ulit sinulyapan.

Gusto kong sapakin ang sarili ko para ipaalala ang ginawa niyang pambabastos sa akin kahapon.

Ngunit, bakit parang may nararamdaman pa rin akong kakaiba sa sarili ko dahil lang sa ngumiti siya? Baliw na ba ako? Or, baka naman may mali na sa utak ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status