Share

Kabanata 5

PASULYAP sulyap lang ang ginagawa ko kay Allen at sa mga pinsan niya din kuno na ngayon ay kausap nila Daddy sa inuupuan kanina naming upuan sa harap. Nasa sofa na kami ng opisina. Kasama ko pa rin si Mommy. Nakayuko lang siya at tahimik.

Gusto ko ng umalis at bumalik sa kuwarto ko dahil sa kabang kanina pa ako sinaniban.

Ulit, Sinulyapan ko ang nasa harapan. Nakatayo si Allen at ang dalawang pinsan niya sa gilid ni Tito Fanio. Habang ang isa niya namang pinsan ay nakaupo sa inuupuan ko kaninang upuan.

Agad kong iniwas ang paningin ko ng muntik niya ng hulihin ng mga mata niya ang mata ko. Kanina pa kami panakaw sa isa't isa ng tingin. Kapag nakayuko ako, ramdam ko kaagad ang titig niyang halos baliwin ako sa pag iisip.

"Sa papel nalang para madali. Marami na ang nasakripisyo ng pamangkin ko. Mas okay kung tayo lang ang nakakaalam para hindi na gumawa ng eksena iyong babae." Nakinig lang ako sa pag uusap nila Tito Fanio at Daddy. Napakadami ko pang tanong na gustong itanong kay Daddy sana. Kaso, dumating sila. Ayokong magdrama na nandyan siya. Nakakahiya. Baka may masabi pa akong hindi dapat.

"How about dito nalang sila ikasal sa bahay ninyo, Tito? I mean, hindi pwede sa bahay nila Al. Nandon si Lolo." Nakita kong napatingin si Daddy sa akin. Kinakabahan ko din siya na tiningnan. Iniwas niya kaagad ang paningin niya sa akin at saka tiningnan ang isang pinsan ni Allen na nagsalita. Tiningnan ko rin ang pinsan ni Allen.

Kung ilalarawan, para siyang teacher sa isang university dahil sa uniform niyang suot. Teacher uniform. Medyo mahaba ang kanyang buhok. May bangs din siya na halos matabunan na ang kaliwa niyang mata. Kulay black ang kanyang buhok. As in sobrang itim ng buhok niya. Hindi katulad sa mga pinsan niya na may kaunting kulay pang nakadikit sa ibang bahagi ng buhok nila.

Agad kong hinanap ang mga matang kanina pa pala ako tinititigan. Nakita ko si Allen na nakatayo at seryoso akong pinagmamasdan. Akala ko iiwas agad siya ng tingin, ngunit hindi man lang siya kumurap o ipinunta man lang ang mga mata sa nagsasalita sa harapan.

Nakita kong tiningnan niya din ang kanina ko pa tinitingnan na pinsan niya bago ulit ibinalik ang paningin niya sa akin. Halos magdugo na ang pang ibabang labi ko sa pagkagat nang tumaas ang isang kilay niya.

"So, sa papel nalang? Pero kasi baka magduda ang mga tao. Alam niyo naman si Trisha. She's an actress. Baka gumawa iyon ng kung ano ano." Hindi ko man lang napansin na umalis na pala sila Daddy sa lamesa. Naglalakad na sila papuntang pintuan.

"Thara.." rinig kong tawag sa akin ng sa gilid ko. Pilit ko mang tanggalin ang paningin ko sa kanya. Hindi ko magawa. Hanggang sa nakita ko nalang ulit na tumaas ang gilid ng labi niya bago ibinalik ang paningin sa mga pinsan niya na ngayon ay nag uusap ng kung ano ano.

Nang aasar ba 'to?

Agad akong humarap kay Mommy. Ngunit, hindi ako makatingin sa kanya dahil sa kung anong klaseng tumitig si Allen pa rin ang naiisip ko.

Binabaliw talaga ako ng lalaking 'yon!

"Thara...uhm.. sasabay ka ba sa akin na lumabas? Pupunta kasi akong kuwarto ko para magbihis-"

"I-Ikaw nalang po." Hindi ko alam kung bakit iyon ang sinabi ko kay Mommy. Gusto kong batukan ang sarili ko. Nakita kong nagulat si Mommy sa pagsagot ko ng sobrang bilis. Ngunit, tango at isang makahulugang ngiti niya lang akong tiningnan.

Naguluhan man sa ngiti niyang iyon, pinagmasdan ko nalang siyang naglalakad papuntang pintuan ng opisina.

Nang makalabas na, nakarinig agad ako ng isang malakas na sigaw.

"YEAHHHHHH!!!!!" sigaw ng isang pinsan ni Allen sabay halakhak. May kulay dilaw na buhok itong nakadikit malapit sa kanyang tainga. Hanggang balikat ang haba nito. Ngunit, ang buhok niya, hindi masyadong mahaba. Sobrang puti niya din. Halatang may lahi.

Nakita kong tumayo iyong mukhang teacher na pinsan ni Allen. Naglakad ito papunta kay Allen at saka niya ginalaw galaw ang kamay niya habang nakatingin kay Allen. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin. Kaya sa reaksyon ni Allen nalang ako nakatingin. Nakita kong umiiling na ngumiti sa kanya si Allen. Ibang ngiti iyong ipinakita niya sa pinsan niya. Ibang iba sa pagkakangiti niya sa akin.

"Dude! Congrats!" kita kong pinalibutan nila si Allen. Ginalaw galaw nila ang kamay nila at narinig ko agad ang halakhak ng dalawa niyang pinsan habang nakatingin sa nakangiti niyang mukha.

Sana pala sumama nalang ako kay Mommy, bwisit!

Bakit ba hindi sila nagsasalita? Maririnig naman sila ni Allen, ah. Hindi ba nila alam? Kasi ako alam ko. Mas nauna pa pala akong nakaalam kaysa sa kanila. Baka ngayon lang din nila nalaman na hindi nakakapagsalita si Allen.

Teka, bakit ko ba 'to sinasabi?

"So, swerte agad ako dahil sexy ang mapapangasawa ko?" Agad akong napatingin sa nag uusap na magpipinsan. Ang nagsalita ay 'yong mukhang teacher.

Ikakasal din siya?

"Syempre, nakakainggit ka nga, e. Sana nga ako inuna nila Mama. Madali lang naman akong gawin. Isang potion lang ng kagwapuhan, ayos na," sinabi noong may kulay dilaw na buhok malapit sa tainga. Humalakhak din ang katabi niyang pinsan din nila. May kulay puting buhok sa bangs niyang sakto ang gupit.

"Well...you're right. Maswerte nga ako," sinabi nong mukhang teacher at naglakad na papuntang pintuan.

Nakita kong ginalaw pa nong may kulay puting buhok sa bangs ang kamay niya bago natatawang sumunod sa mukhang teacher. Sumunod rin na natatawa iyong isang pinsan nila na may kulay dilaw malapit sa tainga.

Akala ko susunod rin si Allen sa mga pinsan niya dahil tumalikod rin siya. Ngunit, nong nasa pintuan na siya, siya ang nagsarado ng pinto dahil iniwan itong nakabukas nong isa niyang pinsan bago natatawa siyang tiningnan at saka pa umalis.

Agad kong iniba ang direksyon ng paningin ko ng humarap sa bahaging kinauupuan ko ang nga mata ni Allen. Tumayo ako at saka nakayukong humakbang papuntang pintuan kung saan nakatayo si Allen.

Aalis na ako, hindi na kaya ng nararamdaman ko. Baka maihi pa ako dahil sa kaba. Ayokong pagtawanan niya ako.

Teka, tumatawa ba siya?

Napahinto ako sa paglalakad nang may dalawang pares ng sapatos ang humarang sa mga paa kong hahakbang pa sana.

Napabuga ako ng hangin at saka pinikit ang mga mata. Naiihi na 'ko.

Halos hindi ako makagalaw ng may daliri akong naramdaman na tumatapik sa balikat ko. Naibukas ko na din ang mga mata ko. Kita ko sa gilid ng mga mata ko na kay Allen daliri iyon.

May inilahad siya sa aking papel. Ngunit, hindi ko man lang iyon kinuha. Gusto ko ng umihi.

Hindi niya na siguro napigilan ang paghihintay na kuhain ko iyon, dahil kinuha niya ang kamay ko at saka inilagay ang papel roon. Ilang beses pa akong napasinghap.

Hinarap ko siya at kinakabahan na tiningnan. Seryoso ang kanyang mukha ngunit may saya akong nababasa sa mga mata niya.

Iginalaw niya ang mga kamay niya at tipid na ngumiti. Ngunit, hindi ko man lang siya maintindihan. Nakatingin lang ako sa kanya na para bang isang estatwa.

Nakita kong napabuga siya ng hangin at saka ako makahulugan na tiningnan. Agad kong iniwas ang paningin ko ng tumaas ang gilid ng labi niya.

Ayan na naman siya, oh.

Naramdaman kong may itinuro siya sa kanyang daliri. Ngunit, hindi na yata makapagpigil ang puson ko. Naiihi na talaga ako.

Naglakad ako ng mabilis papuntang pintuan ng hindi siya nililingon. Halos hindi na ako makahinga dahil sa sumusunod pa rin siya sa akin at pilit akong pinapaharap.

Nang bubuksan ko sana ang pintuan papalabas ng opisina, naramdaman ko kaagad ang lamig ng kamay niya sa bewang ko. Iniharap niya ako sa kanya. Hindi ako makatingin sa kanya at pilit ko siyang itinutulak.

Ang sakit na ng puson ko!

"A-Ano ba...Binatawan mo n-nga ako!" bulong lang dapat iyon ngunit parang napalakas ata dahilan para tinigil niya ang pagpaharap sa akin.

Tiningnan ko siya ng may pagsisisi. Bulong lang dapat iyon, e!

Nakita kong napayuko siya at ilang segundo pa bago ulit ako hinarap. May hindi ako mabasang emosyon sa mga mata niya. Parang pilit niyang hindi iyon ipakita sa akin sa hindi ko malamang dahilan.

Iginalaw niya ang kamay niya sa kanan at saka itinuro ang labi niya. Agad akong napalunok.

Ano'ng bang ibig niyang sabihin?

Ilang ulit niyang itinuro ang labi niya. Nang, hindi pa rin ako gumagalaw sa ibig niyang gawin ko, doon siya napabuga ng hangin. Tiningnan niya ako at saka umiwas ng tingin. Napakamot siya sa kanyang noo.

Napalunok ako at medyo iginalaw ang hita dahil gusto ko na talagang umihi. Nang tingnan niya ako muli, halos mabaliw ako kakasigaw sa isip ko dahil sa tumingin siya sa hita ko at saka ako tiningnan bago dahan dahan na tumaas ang gilid ng labi.

Nakita kong napatingin siya sa pintuan na nasa gilid namin. Nabigla ako nang binuksan niya iyon. Ibinalik niya kaagad ang paningin niya. Nakita kong nandoon pa rin ang kurba sa kanyang labi.

"U-Uhmm...a-ano...aalis na 'ko." Iniwas ko ang paningin ko sa kanya at humarap sa pintuang bukas. Lumabas ako ng opisina ng tumatakbo.

May kaunting basa na akong nararamdaman, bwisit na Allen 'yon!

Nang makabalik sa kuwarto, agad akong pumunta sa sarili kong CR. Ginawa ko ang dapat kong gawin roon at saka lumabas na sumisinghap.

Pumunta ako sa malapad kong kama. Humiga ako roon. Napatingin agad ako sa kisame ng kuwarto ko.

"Bakit hindi ko man lang siya masigawan o maipakita sa kanya na galit ako sa ginawa niya? Mali 'yong ginawa niya sa akin, di ba? Bakit?" tanong ko. Tipid akong ngumiti.

Kahit ako hindi ko rin alam kung paano iyan sasagutin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status