Share

Chapter1

Author: alyn14
last update Last Updated: 2025-08-13 20:56:51

Hindi na ako nag aksaya ng panahon, tumayo ako at humarap sa kanila. Pinahid ko ang luha kong ayaw tumigil. Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili bago nagsalita sa harap nila. Halos hindi na nga ako nag e-exist eh!!! What for para ayusin ang relasyong ito? Sa kanya na siya....

"Ipapabalik ko na lahat ng mga gamit mo bukas, lahat ng alaala natin buburahin ko na. Let's call it quits, kunin mo na tong sing sing na to at ibigay mo sa haliparot mong babae..." ani ko at binato sa kanya pagka hubad ko sa aking daliri.

"No, let's talk and fix this-" sabi niya pero hindi ko na siya pinatapos pa. Tumakbo akong umalis sa kanyang condo. Nagtitinginan ang mga taong nakakasalubong ko pero hindi ko sila pinansin. Ang sakit sakit ng kanyang ginawa. Paano na ang aming mga pangarap? Hanggang sa ganito na lang ba magtatapos ang lahat ng masasaya naming pinagsamahan. Napakaraming tanong ang bumabagabag sa akin, hindi ko namalayan na nakauwi na pala ako.

Nagtitinginan ang mga taong nadadaanan ko dahil sa hitsura kong to, nagkanda leche leche na ang aking make up dahil sa luha kong ayaw paawat. Iyak ako ng iyak na halos lahat na sila napapatingin sa akin, hindi ko alam kung saan ako nag kulang sa kanya. Aaminin ko, hindi ko naibigay sa kanya ang full time ko dahil inuna ko ang trabaho ko. Alam naman niya noon pa na para din lang sa future namin lahat ng mga ginagawa kong ito.

Nagsumikap ako at nag ipon para tulungan siya sa gagastusin namin para sa nalalapit naming kasal. Ayoko namang iasa lahat sa kanya. Nakapunta na ako sa kanilang bahay ilang beses na. May kaya ang kanyang pamilya pero mababait naman sila sa akin kaya nagtiwala naman ako sa kanyang hinding hindi niya ako lolokohin. Nagsumikap akong makapag aral para walang masabi ang kanyang mga magulang at para maipag malaki niya naman ako. 

Sinunod ko mga payo ng kanyang mga magulang na mag aral muna kami bago magpakasal. Hindi ako umangal sa kanilang lahat kahit na minsan nasasakal na rin ako. Napakarami nilang pinagbabawal lalo na sa aking kasuotan, kesyo hindi daw ako pwedeng mag suot ng napaka ikling damit at kung ano ano pang sinasabi nilang mga bawal. Hindi ako nagreklamo sa kanila sa mga bagay na yun dahil ginagalang ko sila. Halos magmukha na akong manang sa mga kaibigan ko pero ok lang. 

Pinagtatawanan na nga nila ako, patay na patay daw ako sa aking boy friend na lahat ng kanyang mga sinasabi at ng kanyang pamilya'y sinusunod ko which is true naman. Pinagbawalan nila kaming magtabi muna dahil yun daw ang dapat. Sila din ang nagsabi na pagkatapos daw ng kasal saka ko lang daw pwedeng ibigay ang aking sarili sa kanya, yon daw ang pamahiin nila na gusto ko naman dahil kahit hindi nila sabihin yun talaga ang gagawin ko. Umiiyak akong naglalakad papasok sa aking nirentahang apartment ng biglang mag ring ang aking cellphone.

"Hello girl...pwede mo ba akong samahan sa Night Bar, wala akong kasama. Kaylangan kong makipagkita sa aking pinsan, yung kinukwento ko sa inyo lagi ni Cheska. Sige na samahan mo na ako please," deretsong sagot ni Jam. Siya pala ang tumatawag, basta ko na lang kasing sinagot. 

"H- h hello Jam...S- s sige pupunta ako, anong oras ba?" Sagot kong pautal utal dahil sa hindi maampat ampat ang luhang lumalabas sa aking mga mata.

Tamang tama gusto kong uminom para mawala ang sakit na aking nararamdaman. Gusto kong magwala as in, sisinghot singhot ako kaya napansin ni Jam na umiiyak ako.

"Aya, umiiyak ka ba? Your voice trembling...tell me girl, what happen?" Sunod sunod niyang tanong kaya hindi ko napigilan ang aking sarili. Pumalahaw na ako ng iyak, hindi ko siya masagot sagot kaya nataranta ito sa kabilang linya.

"Aya...listen to me...do what I have to tell you to do ok! Now, breath in and breath out," aniya na ginawa ko naman. 

"Now, talk girl...we are here for you, kung ano pa man yan share with us." Sabi pa niya kaya sisinghot singhot akong sumagot sa kanya.

"G- g girl, pwede ko bang sabihin na lang mamaya. Hindi ko kayang sabihin ngayon dito," utal kong paliwanag.

"I will guess...related ba to kay Jake... am I right?...hula niyang sagot sa akin na hindi naman nagkamali. Ever since pa ayaw nila kay Jake, pinapakisamahan lang nila dahil sa akin.

"Gonna tell you later please stop asking," pagsusumamo ko. narinig kong napabuntong hininga siya bago sumagot.

"Ok, if that's what you want...just tell to us later all the details...and by the way, I am so happy for you dahil lalabas ka na diyan sa lungga mo... that's a good news especially to us. Kaylangan mong lumabas para naman maging makabuluhan ang iyong buhay. Kaylangan mo naman ding mag enjoy hindi puro na lang sa boyfriend mo nakalaan ang iyong oras...hellloooowwww...maarte at mahaba niyang paliwanag.

Napangiti ako sa kanyang sinabi at talagang lantaran niya nang pinapahayag sa akin ang kanyang pagka disgusto kay Jake. Sana nakinig na lang pala ako sa kanila dati, hindi sana ako nasasaktan ngayon ng ganito.

"Wait, one more thing, wear something sexy hindi yang puro pang manang ang isinusuot mo at baka mamaya pagkamalan ka nilang yaya namin ni Cheska," pambubuska niya pero hindi ko pinatulan dahil wala ako sa mood ngayon.

"Yah, I know!!! Don't worry magsusuot ako ng sexy para naman hindi kayo mapahiyang dalawa sa akin," sabi ko kaya narinig ko ang kanyang palatak.

"May damit ka ba diyan, baka naman ang sinasabi mong sexy ay yung hanggang tuhod na palda mo at blouse na akala mo si Ma'am Matilda kung umayos," pang aasar niya.

"Che!!!! May damit dito ng kapatid ko na naiwan niya at may dress din na binili pa ni kuya sa ibang bansa noong may conference siya sa Korea last time. Hindi ko lang sinusuot", ani ko.

"Ang sabihin mo, ayaw lang ni Jake na magsuot ka ng ganon, alam mo ba kung bakit ayaw ka niyang mag suot ng mga sexy dahil natatakot siya na baka palitan mo siya," palatak pa niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Mysterious Baby   Chapter139

    Nagsisigawan na kami sa aming upuan ng mga kaibigan ko sa lakas ng impact ng sasakyan. may bumangga kasi sa amin kaya nagpagewang gewang ito. Hindi alam nila Cheska kung saan hahawak na gaya ko. Nagmura ng nagmura itong si Ate Roda at Ate Marie dahil sa nangyari."Dammit....I will kill this shit..." Ika ni ate Roda sa malakas na boses. "Holy shit...What's this kind of driving girl? This is nothing yeah!!!Give them something that they will blow them," sigaw ni Ate Marie kay Ate Roda.Natameme ako sa kanilang mga inaasta, akalain mo yun matanda pa ba ang ganitong style sabi ko sa aking sarili. Kung umasta sila para silang mga kaedad lang namin na mga batikan sa ganitong larangan. Sirugo kaya sila ang binigay nila Steve sa amin dahil kayang kaya nila ang mga ganitong pangyayari at parang wala lang sa mga ito."Sorry naman girl...I'm checking our baby girl at baka kung napano na ito kaya nawalan ako ng concentrasyon. Anyway babawi ako, hold on...yumuko kayong tatlo at pumikit if ever man

  • My Mysterious Baby   Chapter138

    Halos hindi ako makahinga ng paglabas namin ng expressway may mga sasakyan daw na umaaligid sa amin. Titingin sana kami sa labas pero pinagbawalan kami nila Isay, may pinasuot siya sa amin na maskara para daw kahit na may sumita sa amin makita nilang hindi kami yon. Nagpapanic ako lalo na sa tuwing may makita akong hindi kaaya aya sa labas iniisip ko ng may barilan na naman."Kumalma kayong dalawa, isipin niyo na lang mga tinuro namin sa inyo at dapat presence of mind. Huwag mag panic," sabi ni Isay nahalata ata na nagpapanic kami ni Jam.Tumango kaming tat;o at tinakpan ang aming mga tenga para walang marinig. Pumikit ako at inisip ko na lang na matatapos din ito. Iniisip ko sila Steve kung nasaan na ba ang mga ito, bakit hindi man lamang kami matulungan. Nanlulumo na naman ako na at kung ano ano na naman ang pumapasok sa aking isipan na baka kinalimutan na nila kaming magkakaibigan. Sino ka nga ba sa kanya diba sa isip isip ko pero impossible naman na iwanan nila kami sa ganitong si

  • My Mysterious Baby   Chapter137

    Nagsuot ako ng isang pants at tshirt lang. Gusto kong comfortable ako pagka nagharap kami ng mama ni Jake para kahit na may aberyang darating makakagalaw agad ako. Tinali ko pataas ang aking buhok at nag suot ng sneakers sa paa. Pababa na ako ng bigla akong tambangan ni Isay at ate Roda. Pinagalitan nila ako sa aking suot."Ano ba naman yang suot mo bess? Magsuot ka ng maayos hindi ganyan," nakataas kilay na sabi ni Jam nasa gilid pala nag aantay."Change...use something formal," ika naman ni Isay. Naiiling naman na nakatingin sa akin si ate Roda kaya nagtataka ako kung ano bang problema sa suot ko."Hindi naman ako aattend ng birthday party or kasal kaya bakit kaylangang formal ang susuutin ko," naguguluhang pahayag ko."Nakasuot ka bess ng parang aattend sa digmaan. Hindi pwede yan at baka sabihin nila na talagang ginawa mo yun na guilty ka ganon," sabat ni Jam dito."Use something na lagi mong sinusuot paglabas," ani Isay."Come and I will be the one to choose," sabi ni Cheska na n

  • My Mysterious Baby   Chapter136

    Sunod sunod na may nahuli kami sa ibat ibang business na pinalalakad naming tatlo. Pinaman manan ko na rin sa aking mga tinayong business at baka may mga traydor din doon. Nagtalaga ako ng kakilala kong body guard ni Mang Kanor sa ibang bansa. May ibat ibang business kasi akong napatayo doon at siya lang ang isa sa mga taong inaasahan ko. Siya ang nagsilbing ama ko dito kaya mahalaga siya sa akin. Inabot kami ng isang Linggo sa pag aayos ng mga problema namin at hinintay din namin ang resulta ng imbistigasyon namin. Kung sino ang taong behind sa kapatid ni Jake Manalo. Ang nagngangalang Morgan, alam na namin ang back ground nito pero ang hindi lang namin malaman laman ay ang grupong kinabibilangan nito. Hindi naman namin siya pwedeng arestuhin dahil wala kaming solid evidence para dito. Nagpasya kaming magkakaibigan na ipaman man ito at alamin kung saan araw araw nagpupunta. Pinag iingat lang namin ang aming mga tauhan dahil mahirap itong kalaban. Sa mga nagdaang araw lalo kong nam

  • My Mysterious Baby   Chapter135

    Napaisip ako at napalatak ng maalala ko ang kaibigan ng aking kapatid si Mr. Alejandro Montero. Bachelor pa yun at maarte daw sa babae. Base sa kwento nila may minahal daw ito pero hindi naman siya minahal. Inagaw daw ng isa nilang kaibigan. Yun ang kwento sa akin nila kuya, lagi kasi siya sa bahay kaya kilala ko. Guwapo at macho din. Bagay sila ng babaeng to kwela ito maarte yun perfect combination."Don't worry I know already. Pagka tapos ng problema nating ito kapag nalutas itong kasong to I promise you Isay blind date ko kayong dalawa. He's hot, makalaglag panty yun bagay na bagay kayong dalawa," nakangiti kong pahayag dito.Siniko ako ni Cheska pero inirapan ko lang ito. Bahala sila sa buhay nila ni Jam kung may maireto sila sa mga assistant nila meron din ako noh! Basta mailigtas lang kami at matapos ang problemang to kakausapin ko si kuya as in sabi ko sa aking isipan.STEVE POV:Gusto kong umuwi na agad dahil sa nalaman kong balita kila Aya. Hindi ako mapakali at maka concentr

  • My Mysterious Baby   Chapter134

    Kinabukasan ginising ako ni Isay at tinawag kaming mag uusap lahat sa study room. May sasabihin daw sila sa aming magkakaibigan. Pagdating namin doon nakita ko ang aking mga kaibigan na antok na atok pa habang nakaupo at naghihintay sa akin. Inumpisahan agad ni Ate Roda ang pag uusap namin pagdating ko. Nagulat ako ng isawalat niya ang mastermind ng mga nangyayari sa aming mga magkakaibigan.Ang kapatid daw ni Jake ang mastermind ng lahat. Siya daw ang may gustong patumbahin ako dahil hindi daw nila matanggap na wala na ang kanilang kapatid. Galit na galit daw ito sa akin, nadamay lang ang dalawa kong kaibigan. Walang araw na hindi daw umiiyak itong nanay ni Jake kaya ang kapatid niya na raw ang gumagawa ng paraan para mahuli ako buhay man o patay."Kaya ba ng kuya niya ang pumatay," tanong ni Jam."Kaya niya, base on my research gawain niya na ito. Hindi lang basta basta ang taong ito. He is ruthless and scary kaya ingat na ingat ang mga jowa ninyo na kahit na malakas sila hindi pa r

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status