로그인MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONCHAPTER 673RD POV Hindi muna bumalik si Jin sa bahay ni Ivanna, dahil kailangan niya munang pagtuunan ang kumpanya niya, lalo na at tambak na naman ang mga gagawin niya, kailangan niya ring malaman kung sino talaga ang babaeng pinakasalan ng kuya niya, at kung bakit kailangan pa nitong magpanggap bilang si Ivanna. “Sir gusto po raw kayong maka-usap ni Ma’am Nova,” wika sa kanya ng secretary niya, kaya agad na napa-kunot ang noo niya. “Bakit?” tanong niya rito. “Hindi ko po alam Sir,” sagot nito. “Busy ako, kaya ayoko muna siyang makausap, nakita mo rin na marami pa akong gagawin. Isa pa, may pupuntahan pa ako pagkatapos ko rito, kaya ‘wag ka munang tumanggap ng bisita.” Wika niya sa secretary niya, habang mabilis itong tumango sa kanya, at tinalikuran siya. Muli niya naman itinuon ang kanyang atensyon sa mga documents na nasa harapan niya. Hindi na napansin ni Jin ang oras, dahil nasa trabaho lang ang atensyon niya, alam niya na ilang
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONCHAPTER 663RD POV Habang nasa loob si Jin sa servant quarter, ay hindi niya na-pigilan ang sarili niya na suntukin ang pader, dahil sa galit na nararamdaman niya sa kanyang sarili. Habang iniisip niya kasi ang mga kagaguhan na ginawa niya noon kay Ivanna, ay lalo lamang siyang nagagalit. Lalo na sa lahat ng masasakit na sinasabi niya rito. Gusto niyang bumawi, gusto niyang itama ang lahat. Pero hindi niya alam kung paano, ayaw na rin niyang ituloy ang balak niya na agawin ito sa kuya niya, dahil sa oras na gawin niya ito, alam niyang mas lalo lamang magalit sa kanya si Ivanna. Nang marinig ni Jin, ang tunog ng phone niya, ay agad niya itong sinagot. “Jin, anak nasa’n kaba? Bakit hindi kana umuwi sa bahay?” tanong sa kanya ng kanyang ina. “Gusto ka sana naming pumunta rito, dahil nandito sa bahay ang kuya mo, pati na rin ang asawa niya,” agad na kumunot ang noo ni Jin, dahil sa narinig niya mula sa kanyang ina. “A-anong nand’yan?” taka
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONCHAPTER 653RD POV Sa paglipas ng mga araw, ay hindi pa rin nakikita ni Jin, ang kapatid niya na bumisita sa mga bata pati na rin sa bahay ni Ivanna. Napapansin niya na ang mga magulang lang ni Ivanna ang pumupunta sa bahay. Nagtataka rin siya, kung bakit minsan lang pinapalabas ang mga bata, kaya hindi niya mapigilan na maawa sa kanila. "Gusto n'yo bang maglaro?" Tanong niya sa mga bata, kaya na-patingin sila sa kanya. Nakita niya kanina na umalis si Ivanna, kaya naglakas loob siyang lapitan sila. "Gusto namin labas.." wika ng isang bata sa kanya. "Hindi pwede.." Napalingon si Jin at nakita ang yaya ng bata. "Bakit hindi niyo sila pinapayagan na lumabas?" tanong niya sa yaya ng bata. "Pinagbabawal ni Ma'am Ivanna, dahil bigla nalang silang tatakas. Ilang beses na rin silang nawala.""Dapat kasi kapag lumabas sila, binabantayan niyong mabuti, dahil kayo naman ang yaya ng mga bata." Galit na wika ni Jin, kaya bakas ang pagtataka sa mukh
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONCHAPTER 643RD POV Hindi napigilan ni Jin ang magtaka, nang mapansin niyang ibang daan ang dinadaanan nila. Muli rin siyang nakaramdam nang kaba sa dibdib niya, dahil iniisip niyang alam na ni Ivanna ang totoo niyang pagkatao, kaya agad niyang hinanda ang sarili niya, dahil hindi siya pwedeng mapatay ng mga tauhan ni Ivanna, lalo na at gusto pa niyang makasama ang mga anak niya. Tahimik lang siyang nagmamasid at hindi rin siya nagpapahalata na kinakabahan siya. Nang mapansin niyang huminto ang kotse, ay agad siyang napatingin sa labas. Agad ding napa-kunot ang noo ni Jin, nang mapansin niya na hindi siya dinala ni Ivanna sa bahay nila ng kapatid niya. “Bumaba na po kayo Manong Pepe, nandito na po tayo sa bahay.” Taka siyang na-patingin kay Ivanna, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Ito ang bahay mo?” Taka na tanong niya rito, habang mabilis itong tumango sa kanya. “Hali po kayo, pasok po kayo.” Wika nito, habang na-patingin siya sa apat na
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONCHAPTER 633RD POV Habang narinig ni Jin ang pag-dadaldal ng kanyang ina, ay hindi niya napigilan na mapa-kuyom sa kamao niya, ngayon niya lang naintindihan ang lahat, na mas mahal nila ang kuya niya sa kanya. “Tama na Mommy, ayoko nang marinig pa ang mga kasinungalingan niyo, dahil may katibayan na ako na may anak ako kay Ivanna.” Wika niya rito, habang mabilis na pinatay ang tawag. Muli siyang napa-kuyom sa kamao niya, dahil sa galit na kanyang nararamdaman. ‘Bakit ba pagdating kay Kuya, ay ayos lang sa inyo? Bakit sa akin?’ Matapos siyang nagpahinga, ay pumunta na muna si Jin sa opisina niya, gusto niya pa ring pagtuunan ng pansin ang kanyang negosyo, lalo na at alam niyang walang tutulong sa kanya, kun’di ang sarili niya lang. Gusto niya rin na sa oras na malaman ng mga Wang ang tungkol sa pagkatao niya, at sa mga bat, ay hindi siya mamaliitin ng mga ito. “Jin.” Kunot-noo siyang napalingon at nakita si Nova, hindi niya rin maintindi
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONCHAPTER 623RD POV “Hindi ba hinahanap mo ako?” sagot nito sa kanya. “Ngayong nandito na ako, hindi mo na ako kailangan pang hanapin pa Jin.” Madiin na wika sa kanya ni Ivanna, habang nilapitan siya nito. “Alam mo bang hinahayaan na kita, kasama ang Nova na ‘yon, pero hindi ka pa rin tumigil at patuloy ka pa ring nanggugulo!” Galit na wika nito sa kanya, habang napa-kuyom ang kamao niya. “Paano ako titigil Ivanna, anak ko ang tinatago mo sa akin!” “Anak mo?” Iling na wika nito sa kanya. “’Wag ka nang magsinungaling pa Ivanna, dahil alam ko na ang totoo, ako ang tunay nilang ama, kaya kung ayaw mo ng gulo, at kung gusto mong titigilan ko na kayo ni Kuya, ibalik mo sa akin ang mga anak namin ni Nova..” Napatingin sa kanya si Ivanna, habang napangiti ito. “Anak niyo ni Nova?” natatawang wika nito sa kanya, habang napa-kunot ang kanyang noo. “Oo, at ‘wag ka nang magsinungaling pa sa akin Ivanna, dahil alam ko na ang totoo!” Napatingin si







