LOGIN
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD GENERATION
CHAPTER 1 3RD POV Habang na-patingin si Jin sa paligid, ay hindi niya mapigilan na mapangiti, lalo na at perfect na sa kanyang paningin ang lahat. Hinanda na niya ang bulaklak, para ibigay sa babaeng matagal na niyang gusto. ‘Alam kung magugustuhan mo itong ginawa ko ngayon Nova, matagal ko na itong pinag-isipan, at ito na ang tamang panahon, para yayain kang magpakasal.’ “Jin nandito na siya.” Napalingon si Jin sa kaibigan niya, at hinanda niya ang bulaklak na ibibigay rito. “Anong meron?” Tanong sa kanya ni Nova, habang binigay niya rito ang bulaklak na hawak niya. “Nagustuhan mo ba ang ginawa ko?” Tanong niya rito, habang malawak itong napangiti sa kanya. “Oo, ang ganda..” “Salamat Nova, alam mo bang ikaw lang ang babaeng gusto kung makasama sa buong buhay ko.” Agad itong napatingin sa kanya, habang napansin niya na unti-unting nawala ang ngiti nito sa labi. “Hindi mo ba nagustuhan ang sinabi ko?” “Nagustuhan, alam mo naman na mahal na mahal kita Jin.” Sagot nito sa kanya, kaya mabilis niya itong nilapitan at mahigpit na niyakap. “Masaya akong marinig ‘yan Nova.” Wika ni Jin, habang binitawan ito. Dinukot niya naman ang singsing na hinanda niya, para sa dalaga at mabilis siyang lumuhod sa harapan ni Nova. Bakas sa mukha nito ang gulat, dahil sa kanyang ginawa. “Nova Winter, will you marry me?” Tanong niya rito, habang nagsisigawan ang mga taong nasa paligid nila. Malawak din na ngumiti si Jin. Habang nanatili siyang nakaluhod sa harapan ng dalaga, at nakalahad pa rin dito ang singing na hawak niya. “Patawad Jin..” Agad na nawala ang ngiti ni Jin, dahil sa kanyang narinig. Pakiramdam niya ay gumuho ang mundo niya, dahil sa kanyang narinig mula sa dalaga. “Mahal kita, pero hindi kita pwedeng pakasalan Jin.” Wika nito sa kanya, habang mabilis siya itong iniwan. Agad na tumayo si Jin, habang pakiramdam niya ay gumuho ang mundo niya, dahil sa narinig niya mula kay Nova. Ang akala niya, mahal na mahal siya nito at handa siyang pakasalan. “Dude, ayos ka lang ba?” Tanong sa kanya ng kaibigan niya, habang tumingin siya rito at tumango. “Ayos lang ako.” Sagot niya habang iniwan ito. Wala siyang pakialam kung napapahiya siya sa lahat ng tao, dahil ang hindi niya mataggap, ay ang hindi pagpayag ni Nova na pakasalan siya. “Bakit Nova? Bakit mo nagawa ‘yon? Alam kung mahal mo ako? Kaya bakit ayaw mo akong pakasalan?!” Gusto niyang magwala. Pero pinipigilan niya ang sarili niya, naisip ni Jin na tama na ang pagkapahiya na natamo niya kanina. Pinili niyang maglalakad sa daan, para ma-ibsan ang sakit na nararamdaman niya, pakiramdam niya ay hindi na niya kayang mabuhay pa, lalo na at hindi niya kasama si Nova. Ito lang kasi ang babaeng gusto niyang makasama, habambuhay. “Sorry..” Napatingin si Jin, sa singsing na dala niya, habang natapon ito sa daan. Mabilis naman itong kinuha ng babaeng nakabangga niya. “Ito na ‘yong singsing mo. Pasensya kana.” Wika nito sa kanya, habang inabot nito ang singsing. “Pwede mo ba akong pakasalan?” Tanong niya rito, habang tiningnan niya ang dalaga. Nakita niya ang gulat sa mukha nito, dahil sa tanong niya rito. “Seryoso kaba? Ako talaga?” natatawang tanong nito, habang nanatili siyang nakatitig dito. Nakita niyang hindi ito maganda at parang manang ito manamit. Pero wala siyang pakialam, dahil ang mahalaga lang sa kanya, ay maikasal siya. Gusto niyang makalimutan si Nova, at gusto niyang ipakita rito na kaya niyang magpakasal sa iba. “Seryoso ako, pakasalan mo ako..” mahina na wika ni Jin, habang nag-uunahan na sa paglandas ang mga luha niya sa kanyang mga mata. “Kung gusto mo talagang ikasal tayo, sige..” Malawak siyang napangiti, dahil sa sagot nito sa kanya, kaya mabilis niyang nilagay sa daliri ng dalaga ang singsing na hawak nito. Wala rin siyang pakialam sa pangalan nito, dahil wala siyang balak na kilalanin ito. Matapos silang magpakasal, ay binigay niya rito ang susi ng condo niya, gusto niyang dito na muna ito tumira, habang hindi pa tapos ang bahay na pinapagawa niya. Bigla na naman siyang nakaramdam nang lungkot, nang maalala niya si Nova, dahil ito talaga ang gusto niyang makasama sa bahay na ‘yon. “Dude! Saan kaba galing?” tanong sa kanya ng kaibiga niya. “Bakit?” “Anong bakit? Hindi mo ba alam na nag-alala kami sa ‘yo!” napangiti siya rito, dahil sa kanyang narinig. “Bakit naman kayo mag-alala?” “Dahil sa nangyari.” “’Wag niyo nang alalahanin pa ‘yon, dahil hindi ko na hahabulin pa si Nova.” Gulat na napatingin sa kanya, ang mga kaibigan niya, dahil sa kanyang sinabi. “Akala pa naman namin, ay magpapakamatay ka.” Iling na wika ng kaibigan niya sa kanya. “May asawa na ako, kaya hindi ko gagawin ‘yon,” muli silang nagulat, dahil sa kanyang sinabi. “Anong asawa ang pinagsasabi mo? Baka nakalimutan mong hindi pumayag si Nova na pakasalan ka,” malawak na na-pangiti si Jin, dahil sa kanyang sinabi. “Hindi lang si Nova ang babae sa mundo, kaya hindi siya ang pinakasalan ko.” “Kung gano’n, ang ibig mong sabihin may iba ka pang nobya, bukod sa kanya?” hindi siya nakasagot, dahil hindi niya kilala ang babaeng pinakasalan niya kanina. Basta niya nalang itong nakabangga, at niyaya na magpakasal. “Oo..” Sagot ni Jin sa kaibigan niya, dahil ayaw niyang pamahiya, lalo na sa ginawa ni Nova sa kanya, sa harap ng mga kaibigan niya. “Ang daya mo naman. Alam mong magkaibigan tayo, pero itinago mo sa amin ang ibang babae mo.” Napatingala siya rito, habang nailing ito sa kanya. “Baka kasi isumbong niyo ako,” natatawang sagot niya rito. “Jin!” Galit na sigaw sa kanya ng kanyang ina, matapos siyang maka-uwi sa bahay nila. “Ano ‘tong nabalitaan namin?” wika sa kanya ng kanyang ina, matapos itong makalapit sa kanya. “Ang alin Mom?” “Ang sabi ng driver mo nagpakasal kana raw?” “’Wag mong sabihin na pinakasalan mo talaga ang babaeng ‘yon?” Napa-kuyom siya sa kamao niya, dahil sa kanyang narinig mula sa kanyang ina. “Mom, hindi si Nova ang babaeng pinakasalan ko.” Gulat itong napatitig sa kanya, dahil sa kanyang sinabi. “’Wag mo akong gawing tanga Jin! Dahil alam ko kung gaano mo ka mahal na ang babaeng ‘yon!” “Hindi siya ang pinakasalan ko Mommy, dahil hindi siya pumayag na magpakasal kami,” malungkot na wika niya sa kanyang ina. “Kung gano’n ipakilala mo sa akin ang asawa mo.” Madiin na wika sa kanya ng kanyang ina, habang tumango siya rito, at tinalikuran ito. Nang makapasok si Jin sa silid niya, ay hindi na niya na-pigilan ang sarili niya na suntukin ang kanyang kama, dahil sa sakit na nararamdaman niya. Kanina niya pa pinipigilan ang sarili niya, dahil ayaw niya lang makita ng mga kaibigan niya na nasasaktan siya, dahil sa ginawa sa kanya ni Nova.MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONBOOK IIICHAPTER 123RD POV “I-ikaw...” Utal na wika ni Darius, habang nakita niyang papalapit sa kanya si Jane.“Na-miss mo ba ako?” ngiting tanong nito sa kanya. “Wala na tayo sa harapan ng pamilya mo, kaya itigil mo na ‘yang kalokohan mo,” malakas itong napa-halakhak, dahil sa kanyang sinabi. “Itigil?” Ulit na wika nito, habang nailing.“Hindi ako gano’n, pasensya kana..” Napa-kunot ang noo ni Darius na tumingin dito, dahil sa sinabi nito. “Kung sa tingin mo ay nagloloko ako, mali ka, dahil ikakasal talaga tayo.” “Bakit mo ba ginagawa ‘to sa kapatid mo? Bakit kailangan mo siyang saktan?” Nailing ito sa kanya, dahil sa kanyang sinabi. “Kapatid? Narinig mo naman ang sinabi nila sa akin ‘dI ba? Hindi nila ako itinuturing na pamilya..” “Dahil sa ginawa mo..” “Sa tingin mo ba, kaya kung mag nakaw?” ngiting wika ni Jane, habang natigilan siya.“Kung ‘yon ang pinaniniwalaan mo, hahayaan kita. Pero ito lang ang gusto kung malaman mo. Akin
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONBOOK IIICHAPTER 113RD POV "Jane!" Malakas na sigaw ni Zafira, at akmang sasampalin sana si Jane, pero mabilis na hinawakan ni Jane ang kamay nito. "Ano ba ang nangyayari rito Alvin? Sino ba ang babaeng 'to? At bakit ginugulo niya ang pagtitipon na 'to para sa apo ko?" Galit na tanong ng ina ni Alvin."Lola, ako lang naman ang anak ni Daddy sa labas, ang anak na itinakwil niya, dahil ayaw niyo sa akin.." ngiting sagot ni Jane, habang hindi na maipinta ang mukha nito. "Tama na Jane! Itigil mo na 'to." Galit na wika ni Alvin, habang napalingon ito sa kanya. "Bakit hindi ba totoo?" sagot nito, habang malawak na napangiti. "Bakit ito ang ginanti mo sa akin Jane? Pagkatapos ng lahat ng ginawa namin, ito ang ipapalit mo?" malakas itong napa-halakhak, dahil sa kanyang sinabi."Alin do'n? Ang palayasin at saktan ako? O ang pagbibintang sa akin na magnanakaw ako?" Wika nito, habang napatingin ito kay Solene, kaya mabilis na nag-iwas nang tingin
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONBOOK IIICHAPTER 103RD POV “Bakit mo ginawa ‘yon?” tanong ni Solene sa asawa niyang si Alvin, habang pilit na tinago ang tuwa na nararamdaman niya, dahil natupad na ang gusto niya, ang mapalayas sa pamamahay nila si Jane. “Hindi na tama ang ginagawa niya, at alam mo bang sobra akong nagsisi, dahil sa ginawa kung pagkupkop sa kanya, wala siyang kwenta.. Ang akala ko iba siya sa kanyang ina. Pero mukhang nakuha niya ang ugali nito, kaya dapat lang na palayasin ko siya at kalimutan ko bilang anak ko,” malawak siyang napangiti, dahil sa kanyang narinig mula rito.“Pero paano kung magnakaw na naman siya? At kung makulong siya?” Napalingon si Alvin sa kanya, dahil sa kanyang sinabi.“Mas mabuti ng makulong siya, para hindi na niya madagdagan pa ang kahihiyan na ginawa niya sa pamilya natin.” “Dad! Nakuha mo ba sa kanya ang ninakaw niya?” “Nakuha na ng katulong natin Zafira. Nakuha niya ito sa basement.” Wika ni Solene, habang na-patingin si A
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONBOOK IIICHAPTER 93RD POV "Gusto kung humingi sa 'yo ng tawad.." Wika ni Alvin, habang hinawakan niya ang kamay ni Jane. "Alam kung hindi ko dapat ginawa sa 'yo 'yon anak, pero alam mo bang hindi maganda ang ginawa mo?" muling wika niya, habang hindi umimik si Jane. "Alam ko na nagtatampo ka sa akin, dahil sa pananakit na ginawa ko, hindi ko lang na-pigilan ang sarili ko, dahil hindi maganda ang ginawa mo. Ikaw na nga 'tong may nagawang kasalanan, tapos hindi mo pa ginalang ang mommy mo." Napatingin ito sa kanya, habang bumitaw ito sa pagkakahawak niya. "Kilala mo ba talaga siya?" napa-kunot ang noo ni Alvin, dahil sa kanyang sinabi. "Jane.." "Bakit hindi mo man lang inalam ang totoo Dad?" iyak na wika nito sa kanya, habang hindi niya mapigilan na makaramdam ng awa rito. "Anak, naiintindihan kita, alam ko na ayaw mo talagang aminin ang maling nagawa mo, pero ikaw ang tinuturo ng staff na 'yon." "At ang bilis mong naniwala." "Tama n
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONBOOK IIICHAPTER 83RD POV “Bilisan mo nang pumunta rito, dahil dinala na siya ng mga pulis,” kunwari iyak na wika niya rito. Matapos niyang kausapin si Alvin, ay malawak siyang napangiti. Lalo na at alam niyang galit na galit ito.“Tingnan lang natin kung matutuwa pa sa ‘yo ang ama mo Jane, at tingnan ko lang kung hindi ka niya palayasin sa bahay namin..” “Solene!” Mabilis niyang nilapitan si Alvin. Nang makita niya ito. “Ano ang nangyari?” tanong nito sa kanya sa nag-alala na boses. “Ang anak mo, nagnakaw siya rito. Sinabi ko naman sana na kahit ano ang gusto niya ay sabihin sa akin, dahil bibilhan ko siya. Pero nagnakaw pa rin siya Alvin..” “Bakit niya ba ginawa ‘yon? Bakit kailangan niyang magnakaw? At bakit kailangan niya tayong ipahiya?” galit na wika nito, habang lihim siyang napangiti rito. “Sinabihan ko naman siya na lahat ng gusto niya bibilhin ko, ipapaturo ko lang sa kanya, pero wala talaga, ayaw niya. Mas gusto niyang mag
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONBOOK IIICHAPTER 73RD POV "Zafira.." ngiting sambit ni Solene sa anak niya, matapos maka-alis si Alvin. "Mommy, bakit?" "Gusto ko sana na sumama ka sa akin." "Saan?" "Balak kung mamasyal." "Mommy, hindi ako pwede, dahil may usapan kami ngayon ni Darius." Napatingin siya rito, dahil sa sinabi nito sa kanya. "Usapan?" "Opo Mommy, ang sabi niya ipapasyal niya ako sa kanila," ngiting wika nito, habang hindi niya mapigilan na matuwa. "Mabuti pala kung gano'n, ano pa ang hinihintay mo. Ayusin mo na ang sarili mo.""Mommy, 'wag kang mag-alala, dahil kahit ano pa raw ang isusuot ko, ay gandang-ganda pa rin siya sa akin.." "Ganyan dapat Zafira, kailangan na mahulog talaga sa 'yo ang fiancee mo, para hindi na siya titingin pa sa iba.""'Wag kang mag-alala Mommy, dahil lahat gagawin ko, para sa kanya.""Alam mo bang ganyang din ang ginawa ko noon sa daddy mo?" Napatingin ito sa kanya, dahil sa kanyang sinabi. "Ano ang ibig mong sabihin Momm







