LOGINMY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD GENERATION
CHAPTER 2 3RD POV ‘Ayokong maging isang talunan, kaya gagawin ko ang lahat. Hindi lang ako pagtatawanan ng mga kaibigan ko.’ Kinuha ni Jin ang kanyang phone at tinawagan ang babaeng pinakasalan niya. “Ihanda mo ang sarili mo, dahil gusto kang makilala ng Mommy ko. Susunduin nalang kita sa condo ko bukas.” Wika ni Jin dito, habang mabilis niyang binaba ang phone niya. Nang mapalingon siya sa gilid ay nakita niya ang picture ni Nova, kaya mabilis niya itong kinuha. KINABUKASAN ay maaga siyang pumunta sa condo niya, dahil alam niyang isang mahirap ang babaeng pinakasalan niya. Wala naman siyang pakialam doon. Pero gusto niya lang itong bihisan. Nang makarating siya sa condo niya, ay mabilis siyang pumasok, dahil hindi niya nakita ang babae sa sala, ay mabilis niyang tinungo ang silid at binuksan ito. Malakas naman na napasigaw ang dalaga, habang nakita niya itong walang damit. Hindi mapigilan ni Jin anh napalunok, dahil sa kanyang nakita. “Lumabas ka nga!” Malakas na sigaw nito sa kanya, habang itinakip nito ang kumot sa buong katawan nito. Hindi niya napigilan na mapamura, dahil sa inis na nararamdaman niya, lalo na sa ginawa nitong pagsigaw sa kanya. “Fvck! Bakit ba naninigaw ang pangit na ‘yon? Hindi niya ba ako kilala? Hindi ba niya alam na ako pa rin ang may-ari ng bahay na ‘to?” Pabalik-balik si Jin sa paglalakad, dahil sa inis na nararamdaman niya. Nanh bumukas ang p*nto, ay hindi niya na-pigilan na napalunok, nang makita ang sexy nitong katawan. Pati na rin ang mukha nito. Kung hindi lang sana ito nagsusuot ng malaking salamin, ay iniisip niya na maganda ito. “Bakit ba bigla ka nalang pumasok?” Galit na wika nito sa kanya. Habang napatingin siya rito. “Baka nakalimutan mong ako ang may-ari rito?” “’Wag mong kalimutan na asawa mo na ako, kaya pagmamay-ari ko na rin ang bahay mo.” Irap na wika nito sa kanya, habang umupo ito sa sofa. Hindi naman siya makapaniwala na tumingin dito, dahil ang akala niya ay mabait ito. “Bilisan mo na, dahil hinihintay na tayo ng mga magulang ko.” Wika rito ni Jin, habang na-patingin ito sa kanya. “Anong sasabihin ko kung may itatanong sila sa akin?” malalim siyang napahinga, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Magsinungaling ka nalang, ‘wag mong sabihin sa kanila na basta nalang tayong nagpapakasal, dahil ayokong pagtatawanan nila ako,” sagot niya rito. “Sandali lang, ano pala ang pangalan mo?” tanong niya rito. “Ang akala ko pa naman, wala kang balak na alamin ang pangalan ko.” “Kailangan kung malaman ang pangalan mo, dahil ipakilala kita sa kanila. Balak ko rin na ilipat ka sa bahay ko.” Napatingin ito sa kanya, dahil sa kanyang sinabi. “May sarili kang bahay?” lihim na nailing si Jin dito, dahil nakita niya ang pagkamangha sa mukha nito. “Marami akong bahay, at pwede bang ‘wag mo nang alamin ang buong pagkatao ko, dahil hindi naman ako interesado sa ‘yo, kaya lang kita pinakasalan, dahil kailangan kung maisalba ang sarili ko sa kahihiyan. Pero ‘wag kang mag-alala, dahil hangga’t asawa pa kita, handa kitang bayaran.” Wika ni Jin, habang nauna siyang naglalakad dito. “Bilisan mo na, at mamaya ibibigay ko sa ‘yo ang bayad.” “Ano nga ulit ang pangalan mo?” Tanong niya, habang nilingon ang dalaga. “Ivanna..” Mahina na sambit nito sa kanya, habang muli niya itong tinalikuran. “Jin Harris, gusto kung tandaan mo ang pangalan ko.” Wika niya, habang pinagbuksan ito ng p*nto sa kotse. “Pumasok kana, kailangan ko pang pumasok sa opisina.” Muling wika ni Jin dito, habang inalalayan itong pumasok sa loob ng kotse. Napansin niya naman na napatingin ito sa kanya, kaya malawak siyang napangiti rito. Umikot si si Jin sa kabilang at pumasok sa front seat. “Kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako. Ivanna, nakapagtapos kaba ng pag-aaral?” Tanong niya rito, habang tumango ito sa kanya. “Kung gusto mo ring magtrabaho, pwede ka sa opisina ko, kung gusto mo lang. Pero kaya naman kitang buhayin, baka lang kasi magalit si Mommy, kapag nalaman niyang wala kang ginagawa.” “Sige papasok ako sa opisina mo.” Mabilis siyang napalingon dito, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Salamat, pero ayoko sana na may nakakaalam na ikaw ang asawa ko, ayokong mailang ang mga tauhan ko sa ‘yo.” “Walang problema,” mas lumawak pa ang ngiti ni Jin, dahil sa narinig niya mula kay Ivanna. Madali lang kasi itong kausap, at panay sunod lang ito sa kanya. NANG makarating sila sa bahay ng mga magulang niya, ay agad silang sinalubong ng kanyang ina. “Jin!” Tawag nito sa kanya, kaya napatingin siya rito. “Mom, ito pala ang asawa ko si Ivanna.” Pakilala niya sa dalaga, habang napatingin ang kanyang ina kay Ivanna. “Taga saan kaba?” tanong nito sa dalaga. “Probinsya po ang bahay namin Ma’am,” sagot nito habang napa-kunot ang noo ng kanyang ina. “Probinsyana ka pala? Saan mo naman siya napulot Jin?” “Mom, mabait naman ang asawa ko, kaya pwede bang hayaan mo na muna kami.” Wika niya rito, habang hinalikan ito sa pisngi. Hinawakan siya ng kanyang ina, at lumayo ng konti sa dalaga. “Kaya mo ba siya pinakasalan, dahil sa ginawa sa ‘yo ni Nova?” tanong nito sa kanya. “Pwede bang ‘wag na natin siyang pag-usapan pa Mommy.” “Paanong ‘Wag pag-usapan, alam mo bang wala rin akong gusto sa babaeng ‘yan! Tingnan mo naman ang itsura niya Jin!” problemado na wika sa kanya, ng kanyang ina. Habang malawak siyang napangiti rito. “Ano bang gusto mo? Gusto mo bang si Nova nalang ang pakakasalan ko?” Inis siyang tiningnan ng kanyang ina, habang muli siyang napangiti. “Mas mabuti pa kung ang babaeng ‘yan nalang.” Wika nito, habang iniwan siya. “Ikaw na ang bahala sa asawa mo, tama na nakita ko na siya, ibalik mo na siya sa lugar kung sa’n siya nanggaling.” Wika ng kanyang ina. Habang tinalikuran siya nito. Mabilis niya namang binalikan si Ivanna, at pilit na ngumiti rito. “Biglang sumama ang pakiramdam ni Mommy, kaya dadalhin na muna kita sa magiging bahay natin.” Wika niya kay Ivanna, habang hinawakan niya ang kamay nito.MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONBOOK IIICHAPTER 123RD POV “I-ikaw...” Utal na wika ni Darius, habang nakita niyang papalapit sa kanya si Jane.“Na-miss mo ba ako?” ngiting tanong nito sa kanya. “Wala na tayo sa harapan ng pamilya mo, kaya itigil mo na ‘yang kalokohan mo,” malakas itong napa-halakhak, dahil sa kanyang sinabi. “Itigil?” Ulit na wika nito, habang nailing.“Hindi ako gano’n, pasensya kana..” Napa-kunot ang noo ni Darius na tumingin dito, dahil sa sinabi nito. “Kung sa tingin mo ay nagloloko ako, mali ka, dahil ikakasal talaga tayo.” “Bakit mo ba ginagawa ‘to sa kapatid mo? Bakit kailangan mo siyang saktan?” Nailing ito sa kanya, dahil sa kanyang sinabi. “Kapatid? Narinig mo naman ang sinabi nila sa akin ‘dI ba? Hindi nila ako itinuturing na pamilya..” “Dahil sa ginawa mo..” “Sa tingin mo ba, kaya kung mag nakaw?” ngiting wika ni Jane, habang natigilan siya.“Kung ‘yon ang pinaniniwalaan mo, hahayaan kita. Pero ito lang ang gusto kung malaman mo. Akin
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONBOOK IIICHAPTER 113RD POV "Jane!" Malakas na sigaw ni Zafira, at akmang sasampalin sana si Jane, pero mabilis na hinawakan ni Jane ang kamay nito. "Ano ba ang nangyayari rito Alvin? Sino ba ang babaeng 'to? At bakit ginugulo niya ang pagtitipon na 'to para sa apo ko?" Galit na tanong ng ina ni Alvin."Lola, ako lang naman ang anak ni Daddy sa labas, ang anak na itinakwil niya, dahil ayaw niyo sa akin.." ngiting sagot ni Jane, habang hindi na maipinta ang mukha nito. "Tama na Jane! Itigil mo na 'to." Galit na wika ni Alvin, habang napalingon ito sa kanya. "Bakit hindi ba totoo?" sagot nito, habang malawak na napangiti. "Bakit ito ang ginanti mo sa akin Jane? Pagkatapos ng lahat ng ginawa namin, ito ang ipapalit mo?" malakas itong napa-halakhak, dahil sa kanyang sinabi."Alin do'n? Ang palayasin at saktan ako? O ang pagbibintang sa akin na magnanakaw ako?" Wika nito, habang napatingin ito kay Solene, kaya mabilis na nag-iwas nang tingin
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONBOOK IIICHAPTER 103RD POV “Bakit mo ginawa ‘yon?” tanong ni Solene sa asawa niyang si Alvin, habang pilit na tinago ang tuwa na nararamdaman niya, dahil natupad na ang gusto niya, ang mapalayas sa pamamahay nila si Jane. “Hindi na tama ang ginagawa niya, at alam mo bang sobra akong nagsisi, dahil sa ginawa kung pagkupkop sa kanya, wala siyang kwenta.. Ang akala ko iba siya sa kanyang ina. Pero mukhang nakuha niya ang ugali nito, kaya dapat lang na palayasin ko siya at kalimutan ko bilang anak ko,” malawak siyang napangiti, dahil sa kanyang narinig mula rito.“Pero paano kung magnakaw na naman siya? At kung makulong siya?” Napalingon si Alvin sa kanya, dahil sa kanyang sinabi.“Mas mabuti ng makulong siya, para hindi na niya madagdagan pa ang kahihiyan na ginawa niya sa pamilya natin.” “Dad! Nakuha mo ba sa kanya ang ninakaw niya?” “Nakuha na ng katulong natin Zafira. Nakuha niya ito sa basement.” Wika ni Solene, habang na-patingin si A
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONBOOK IIICHAPTER 93RD POV "Gusto kung humingi sa 'yo ng tawad.." Wika ni Alvin, habang hinawakan niya ang kamay ni Jane. "Alam kung hindi ko dapat ginawa sa 'yo 'yon anak, pero alam mo bang hindi maganda ang ginawa mo?" muling wika niya, habang hindi umimik si Jane. "Alam ko na nagtatampo ka sa akin, dahil sa pananakit na ginawa ko, hindi ko lang na-pigilan ang sarili ko, dahil hindi maganda ang ginawa mo. Ikaw na nga 'tong may nagawang kasalanan, tapos hindi mo pa ginalang ang mommy mo." Napatingin ito sa kanya, habang bumitaw ito sa pagkakahawak niya. "Kilala mo ba talaga siya?" napa-kunot ang noo ni Alvin, dahil sa kanyang sinabi. "Jane.." "Bakit hindi mo man lang inalam ang totoo Dad?" iyak na wika nito sa kanya, habang hindi niya mapigilan na makaramdam ng awa rito. "Anak, naiintindihan kita, alam ko na ayaw mo talagang aminin ang maling nagawa mo, pero ikaw ang tinuturo ng staff na 'yon." "At ang bilis mong naniwala." "Tama n
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONBOOK IIICHAPTER 83RD POV “Bilisan mo nang pumunta rito, dahil dinala na siya ng mga pulis,” kunwari iyak na wika niya rito. Matapos niyang kausapin si Alvin, ay malawak siyang napangiti. Lalo na at alam niyang galit na galit ito.“Tingnan lang natin kung matutuwa pa sa ‘yo ang ama mo Jane, at tingnan ko lang kung hindi ka niya palayasin sa bahay namin..” “Solene!” Mabilis niyang nilapitan si Alvin. Nang makita niya ito. “Ano ang nangyari?” tanong nito sa kanya sa nag-alala na boses. “Ang anak mo, nagnakaw siya rito. Sinabi ko naman sana na kahit ano ang gusto niya ay sabihin sa akin, dahil bibilhan ko siya. Pero nagnakaw pa rin siya Alvin..” “Bakit niya ba ginawa ‘yon? Bakit kailangan niyang magnakaw? At bakit kailangan niya tayong ipahiya?” galit na wika nito, habang lihim siyang napangiti rito. “Sinabihan ko naman siya na lahat ng gusto niya bibilhin ko, ipapaturo ko lang sa kanya, pero wala talaga, ayaw niya. Mas gusto niyang mag
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONBOOK IIICHAPTER 73RD POV "Zafira.." ngiting sambit ni Solene sa anak niya, matapos maka-alis si Alvin. "Mommy, bakit?" "Gusto ko sana na sumama ka sa akin." "Saan?" "Balak kung mamasyal." "Mommy, hindi ako pwede, dahil may usapan kami ngayon ni Darius." Napatingin siya rito, dahil sa sinabi nito sa kanya. "Usapan?" "Opo Mommy, ang sabi niya ipapasyal niya ako sa kanila," ngiting wika nito, habang hindi niya mapigilan na matuwa. "Mabuti pala kung gano'n, ano pa ang hinihintay mo. Ayusin mo na ang sarili mo.""Mommy, 'wag kang mag-alala, dahil kahit ano pa raw ang isusuot ko, ay gandang-ganda pa rin siya sa akin.." "Ganyan dapat Zafira, kailangan na mahulog talaga sa 'yo ang fiancee mo, para hindi na siya titingin pa sa iba.""'Wag kang mag-alala Mommy, dahil lahat gagawin ko, para sa kanya.""Alam mo bang ganyang din ang ginawa ko noon sa daddy mo?" Napatingin ito sa kanya, dahil sa kanyang sinabi. "Ano ang ibig mong sabihin Momm







