MasukMY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONBOOK IVCHAPTER 143RD POV “D*mn it!” Malakas na sigaw ni Archer, habang galit itong napatingin sa kanya. Hindi mapigilan ni Marielle na kabahan, dahil sa ginawa niya, kaya mabilis siyang tumakbo palabas sa kusina. “Sige tumakbo ka Marielle!” mas lalo pa siyang nakaramdam ng takot, dahil sa sigaw sa kanya ni Archer. Nang makarating siya sa labas, ay mabilis siyang nagtago sa gilid. Napahawak siya sa kanyang bibig, at tinatakpan ito, para hindi siya makita ni Archer. “Sh!t! muntik ko ng makalimutan, hindi pa naman siya tao!” Napa-kagat siya sa kanyang labi, habang sinilip ang p*nto, dahil hindi niya nakita si Archer. ‘Mukhang hindi niya ako sinundan..’ Malawak siyang napangiti, habang mabilis siyang lumabas sa pinagtataguan niya.“Ang akala ko, r’yan ka matutulog?” Namilog ang kanyang mga mata na na-patingin kay Archer, habang nakatayo ito sa harapan niya.“P-paano ka nakarating d’yan?” taka na wika niya rito.“’Wag mo ng itanong pa, da
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONBOOK IVCHAPTER 133RD POV Halos maghahating gabi na niyang natapos ang paglilinis sa swimming pool. Napa-kuyom din siya sa kanyang kamao, dahil hindi man lang siya pinapa-hinto ni Archer, ang akala pa naman niya, ay nakaramdam na ito ng awa sa kanya, pero mukhang nagkakamali siya, dahil ngayon ay wala man lang itong pakialam sa kanya. Inis siyang pumunta sa kusina at naghanap ng pagkain, pero mas lalo pa siyang nakaramdam ng galit, ng makita niyang walang pagkain sa kusina. Gutom na gutom pa naman sana siya, pero wala siyang magawa, kun’di ang magluto. ‘Nasa’n ba kasi si Manang? Bakit hindi man lang siya nagluto?’ Binuksan niya ang refrigerator, at naghanap ng pwede niyang lutuin. Matapos magluto, ay agad siyang kumain, at kahit hindi masyadong masarap at medyo sunog ang niluluto niya, ay hindi niya ito pinansin, dahil gutom na gutom siya. Napatingin naman siya sa paligid, dahil napansin niya na sobrang tahimik ang buong bahay. Pakiram
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONBOOK IVCHAPTER 123RD POV "Kung gano'n, umalis kana!" Madiin na wika niya kay Archer, habang mabilis niya itong itinulak palabas ng silid. Matapos itong makalabas, ay napahawak siya sa kanyang d*bdib, dahil sa lakas ng tibok ng puso niya, dahil sa sinabi sa kanya ni Archer. 'Ano bang nangyari sa 'yo Marielle? 'Wag mong sabihin na kinikilig ka sa lalaking 'yon? Alam mong hindi mo siya pwedeng mahalin, dahil kaaway mo siya, at ang kailangan mong gawin, ay ang pag-higantihan siya, dahil sa kanyang ginawa!' Napakagat siya sa kanyang kamay, ng muli na namang sumagi sa isip niya ang nangyari. Lalo na sa ginawa niyang pagtakas, at kung paano ito bigla nalang sumusulpot sa harapan niya. Napahawak siya sa kanyang ulo, dahil hanggang ngayon, ay gulong-gulo pa rin siya, dahil kanina pa siya nakaramdam ng antok at pagod, pinili niya muna na humiga at magpahinga. Napatingin din siya sa paligid, at nakitang sobrang lawak ng silid na pinagdalhan sa kan
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONBOOK IVCHAPTER 113RD POV Nang makarating siya sila sa campus, ay na-patingin siya sa paligid. Bakas ang takot sa mukha ni Marielle, dahil ayaw niyang may makakita sa kanya, na lumabas mula sa kotse ni Archer. “Ano pang hinihintay mo?” Tanong nito sa kanya, kaya napatingin siya rito.“Pwede bang mauna na muna akong lumabas, ayoko lang na may ibang makakakita sa atin na magkasama.” “Nahihiya ka?” Inis niya itong tiningnan, dahil sa sagot nito sa kanya.“Sa tingin mo hindi? Ano nalang ang sasabihin nila kapag nakita nila akong kasama ka!” “Kung gano’n lumabas kana.” Wika nito, kaya mabilis siyang lumabas. Mabuti nalang at walang nakakakita sa kanya, na bumaba mula sa kotse ni Archer, dahil kung meron, baka babalik siya sa kotse at uuwi.“Hi!” Kunot-noo na napalingon si Marielle, nang marinig niya ang boses ng isang babae. Tinaasan niya ito ng kanyang kilay, habang bakas sa mukha nito na nahihiya ito. “Ako ba?” Tanong niya, habang tumango
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONBOOK IVCHAPTER 103RD POV Mabilis siyang tumakbo, dahil sa takot na mahuli siya ni Archer, kaya mas lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo niya.“Sige, tumakbo ka pa Marielle! Siguraduhin mo lang na hindi kita mahuhuli, dahil sa oras na mahuli kita, ay malalagot ka sa akin!” Mas lalo pa siyang nakaramdam ng takot, dahil sa kanyang narinig mula kay Archer, at kahit hindi niya alam kung saan patungo ang daan na tinatakbuhan niya, ay wala siyang pakialam, dahil ang iniisip niya lang ay ang makalayo rito. Nang hindi na niya marinig ang boses ni Archer, ay mabilis siyang napalingo. Nang makita niyang hindi na ito nakasunod sa kanya, ay agad siyang huminto. Habol niya naman ang kanyang hininga, dahil kanina pa siya tumatakbo, kaya hingal na hingal siya. Pinunasan niya ang pawis niya sa kanyang noo, habang muling naglalakad. Pero nang mapatingin siya sa unahan, ay may nakita siyang taong naglalakad, kaya mabilis niya itong nilapitan. “Kuya! Pwe
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONBOOK IVCHAPTER 93RD POV Kahit bumalik ang sama ng nararamdaman niya, ay pinilit niya pa ring gawin ang pinapagawa sa kanya ni Archer, at kahit hirap na hirap siya, at para na siyang mahimatay, dahil sa laki ng swimming pool na kanyang lilinisan, ay tiniis niya ito, dahil alam niya na kahit magalit pa siya ng husto kay Archer, ay mas lalo lang siyang pahirapan nito. Hindi niya pa rin akalain na naranasan niya ang lahat ng ito, lalo na at galing siya sa marangyang buhay. Bata pa lang ay binigay na sa kanya ng mga magulang niya ang lahat, at kahit ang pagligo niya, ay may sarili pa siyang yaya, pero ngayon.. Pakiramdam ni Marielle, ay mas mahirap pa siya sa mga katulong niya noon. "Marielle!" Napatingin siya sa kanyang likod, ng marinig niyang may tumawag sa kanya. "Bakit?" Sagot niya rito, habang mabilis niyang pinunasan ang mga luha niya sa kanyang mga mata. "Kumain ka muna!" muli na namang naglandas ang mga luha niya sa kanyang mga mat







