LOGINMY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD GENERATION
CHAPTER 5 3RD POV “Tungkol sa nangyari..” Mahina na wika ni Jin, habang napatingin sa kanya si Ivanna. “Kalimutan mo na ‘yon, mag-asawa na tayo kaya normal lang na mangyari ‘yon.” Napa-kuyom siya sa kamao niya, dahil sa narinig niya mula kay Ivanna. Balak na kasi niyang makipag-divorce rito at aayusin na sana niya ang relasyon nila ni Nova. “Bilisan mo na, baka ma-late ka, may pasok ka pa ‘di ba?” Tanong nito, habang mabilis siyang tumango rito. “Ayaw mo bang pumasok sa opisina ko?” tanong ni Jin, habang dinadalangin niya na sana ay hindi talaga ito pumasok, ayaw niya kasing makilala ito ng mga tauhan niya, bilang kanyang asawa. “Wala, gusto kung maghanap ng ibang trabaho.” Napatingin siya rito, dahil sa sinabi nito sa kanya. Lihim din siyang napangiti, dahil sa kanyang narinig, dahil pwede niyang puntahan si Nova, at kausapin itong magtrabaho muli sa kanya. Pero kailangan niya munang mawala si Ivanna sa bahay niya, pero hindi niya lang alam, kung paano ito gagawin, lalo na at may nangyari na sa kanila. Gulong-gulo siya kung paano niya sasabihin dito na gusto na niyang makawala sa kasal nila. “Ayaw mo bang kumain?” Tanong nito sa kanya, kaya napatingin siya rito. “Busog pa ako, sa opisina na ako kakain.” Sagot niya habang tumayo. Nang makapasok siya sa kanyang opisina, ay agad siyang napatingin sa tambak na documents na nasa lamesa niya. Hindi kasi siya makapagtrabaho ng maayos, lalo na at gulong-gulo ang kanyang isipan. “Sir, may meeting po kayo mamaya.” Napatingin siya sa kanyang secretary, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Anong oras?” “After lunch po Sir,” sagot nito sa kanya. “Tumawag ba rito si Nova?” tanong niya rito. “Opo Sir..” agad siyang nakaramdam nang tuwa, dahil sa narinig niya mula rito. “Ano ang sinabi niya?” “Tinatanong niya lang po kung nasa’n ka Sir.” “Sinabi mo ba kung nasa’n ako?” Tanong niya habang tumango ito. Napa-kuyom si Jin sa kamao niya, habang hindi niya napigilan na mapamura. “Bakit mo sinabi kung nasa’n ako?” “Sinabi ko lang sa kanya na nasa bahay po kayo ng mga magulang niyo Sir.” Mabilis siyang napatingin dito, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Talaga? ‘Yon ‘yong sinabi mo sa kanya?” tanong niya rito, habang may tuwa siya sa kanyang labi. “Opo Sir..” “Mabuti kung gano’n lumabas kana, at kapag tatawag siyang muli at itatanong niya kung nasa’n ako, sabihin mong nasa bahay lang ako.” Utos niya rito, habang mabilis itong tumango sa kanya. Matapos makalabas ang secretary niya, ay na-patingin siya sa kanyang phone, nang tumunog ito. “Mom,” sambit ni Jin, matapos niyang sagutin ang tawag ng kanyang ina. “Jin, bakit hindi mo pa pinapapasok sa opisina mo ang asawa mo?” Galit na tanong nito sa kabilang linya, kaya napahawak siya sa kanyang noo. “Ayaw niyang pumasok dito, mas gusto niyang pumasok sa iba.” “At hahayaan mo lang? Gusto mo bang pagtawanan ka ng mga taong nakakakilala sa ‘yo, dahil sarili mong asawa ay sa iba mo pinapapasok?” malalim siyang na-pahinga, dahil sa sinabi sa kanya ng kanyang ina, pero wala talaga siyang balak na makasama ito, lalo na at takot siyang malaman ni Nova, na kasama niya sa opisina ang asawa niya. “Balak kung makipag-divorce sa kanya Mommy.” “Nahihibang kana ba?” galit na sigaw nito sa kabilang linya, dahil sa kanyang sinabi. “Alam ko kung bakit gusto mong makipag-hiwalay sa kanya Jin. Binabalaan kita, mas ayos pa sa akin na ‘yang babaeng ‘yan ang maging asawa mo, ‘wag lang ang Nova na ‘yon!” Napa-kuyom siya sa kamao niya, dahil sa narinig niya mula rito. Napa-buntong hininga naman siya, nang patayin ng kanyang ina ang tawag, kaya mabilis niyang binaba ang phone niya, habang napa-hawak sa kanyang noo. “Sir!” Tawag sa kanya ng kanyang secretary, habang kumakatok ito sa p***o. Nang buksan ito ng secretray niya, ay mabilis siyang napatingin dito. “Bakit?” “May naghahanap sa ‘yo Sir, at sinabi niyang kakilala mo raw siya,” napa-kunot muli ang noo ni Jin, dahil sa narinig niya mula rito. “Sino?” “Ivanna raw po ang pangalan niya.” Mabilis siyang napatayo sa upuan niya, nang marinig niya ang pangalan na sinasabi sa kanya ng kanyang secretary. “Papasukin mo,” utos niya rito, habang nanatili siyang nakatayo. “Nagdala ako ng pagkain mo.” Wika sa kanya ni Ivanna, habang na-patingin siya sa paper bag na hawak nito. “Kumain kana.” Inis siyang lumapit dito, at mahigpit na hinawakan ang kamay nito. “Bakit mo ba ginagawa sa akin ‘to?” Galit na tanong niya, habang bakas sa mukha nito ang pagtataka na tumingin sa kanya. “Ayaw mo bang dalhan kita ng pagkain?” “Ayoko! Malinaw naman ang usapan natin ‘di ba? Sinabihan na kita na ayaw kung malaman ng mga tauhan ko na asawa kita!” “Hindi ko sinabi sa kanila. Kahit sa secretray mo, ay hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sa atin!” Galit na wika sa kanya ni Ivanna, habang winaksi nito ang kamay niya na nakahawak sa kanyang braso. “Kung ayaw mo sa dala kong pagkain, hindi naman kita pinipilit.” Muling wika nito sa kanya, habang kinuha nito ang dala nito, at mabilis na lumabas. Agad niya naman itong tinawag. Pero hindi siya pinakinggan nito. “D*mn it!!” Inis na inis siyang sumunod dito, pero bigla nalang siyang natigilan nang makita niya ang secretary niya. “Sir, gusto po kayong maka-usap ng daddy niyo.” Wika nito sa kanya, kaya napatingin siya kay Ivanna na pumasok sa loob ng elevator. “Dad..” Sambit ni Jin, habang nilapitan ang kanyang ama. “Nasa’n ang asawa mo?” “Nasa bahay siya Dad..” “Nalaman kung nakapagtapos siya ng pag-aaral, kaya balak kung kunin siya, para magtranaho rito Jin.” Lihim niyang na-ikuyom ang kamao niya, dahil sa narinig miya mula rito. “Ayaw niyang magtrabaho rito Dad.” “At hahayaan mo lang?” Napatingin siya rito, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Gawin mo ang gusto ko Jin.” “Opo Dad.” Sagot niya rito, habang mabilis siyang tumayo. Muli niyang tinungo ang kanyang opisina at kinuha niya ang kanyang phone. Sinubukan niyang tawagan si Ivann. Pero hindi ito sumasagot sa mga tawag niya. “D*mn!” Malakas siyang napamura, habang tumayo siya. Balak na sana itong puntahan. Pero kailangan niya pang dumalo sa meeting niya.MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONBOOK IIICHAPTER 133RD POV Gulong-gulo pa rin si Darius, dahil naging totoo ang sinabi ni Jane. Ang akala niya ay nagbibiro lang ito, pero hindi niya akalain na maging totoo ito. Alam niya na itinakwil na ito ng pamilya niya, kaya imposible na sila ang tumulong sa kanya. Idagdag pa na si Zafira ang fiancee niya sana. Nang tumunog ang kanyang phone, ay mabilis niya itong kinuha. Nakita niyang si Zafira ang tumawag, kaya mabilis niya itong sinagot. “Bakit mo ginawa sa akin ‘to Darius?” tanong nito sa kanya sa kabilang linya, habang narinig niya ang paghikbi nito.“Wala akong alam sa nangyari Zafira. Hindi ko alam kung bakit naging totoo ang sinabi niya..”“Kung gano’n, pwede naman na hindi ka pumayag sa kasal niyo!” “Hindi pwede, dahil nakasalalay rito ang kumpanya namin,” sagot niya rito. “Ano ang ibig mong sabihin Darius?” “’Yon ang sinabi ni Mommy, kaya wala na akong magawa pa Zafira.” Wika niya, habang mabilis na pinatay ang tawag
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONBOOK IIICHAPTER 123RD POV “I-ikaw...” Utal na wika ni Darius, habang nakita niyang papalapit sa kanya si Jane.“Na-miss mo ba ako?” ngiting tanong nito sa kanya. “Wala na tayo sa harapan ng pamilya mo, kaya itigil mo na ‘yang kalokohan mo,” malakas itong napa-halakhak, dahil sa kanyang sinabi. “Itigil?” Ulit na wika nito, habang nailing.“Hindi ako gano’n, pasensya kana..” Napa-kunot ang noo ni Darius na tumingin dito, dahil sa sinabi nito. “Kung sa tingin mo ay nagloloko ako, mali ka, dahil ikakasal talaga tayo.” “Bakit mo ba ginagawa ‘to sa kapatid mo? Bakit kailangan mo siyang saktan?” Nailing ito sa kanya, dahil sa kanyang sinabi. “Kapatid? Narinig mo naman ang sinabi nila sa akin ‘dI ba? Hindi nila ako itinuturing na pamilya..” “Dahil sa ginawa mo..” “Sa tingin mo ba, kaya kung mag nakaw?” ngiting wika ni Jane, habang natigilan siya.“Kung ‘yon ang pinaniniwalaan mo, hahayaan kita. Pero ito lang ang gusto kung malaman mo. Akin
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONBOOK IIICHAPTER 113RD POV "Jane!" Malakas na sigaw ni Zafira, at akmang sasampalin sana si Jane, pero mabilis na hinawakan ni Jane ang kamay nito. "Ano ba ang nangyayari rito Alvin? Sino ba ang babaeng 'to? At bakit ginugulo niya ang pagtitipon na 'to para sa apo ko?" Galit na tanong ng ina ni Alvin."Lola, ako lang naman ang anak ni Daddy sa labas, ang anak na itinakwil niya, dahil ayaw niyo sa akin.." ngiting sagot ni Jane, habang hindi na maipinta ang mukha nito. "Tama na Jane! Itigil mo na 'to." Galit na wika ni Alvin, habang napalingon ito sa kanya. "Bakit hindi ba totoo?" sagot nito, habang malawak na napangiti. "Bakit ito ang ginanti mo sa akin Jane? Pagkatapos ng lahat ng ginawa namin, ito ang ipapalit mo?" malakas itong napa-halakhak, dahil sa kanyang sinabi."Alin do'n? Ang palayasin at saktan ako? O ang pagbibintang sa akin na magnanakaw ako?" Wika nito, habang napatingin ito kay Solene, kaya mabilis na nag-iwas nang tingin
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONBOOK IIICHAPTER 103RD POV “Bakit mo ginawa ‘yon?” tanong ni Solene sa asawa niyang si Alvin, habang pilit na tinago ang tuwa na nararamdaman niya, dahil natupad na ang gusto niya, ang mapalayas sa pamamahay nila si Jane. “Hindi na tama ang ginagawa niya, at alam mo bang sobra akong nagsisi, dahil sa ginawa kung pagkupkop sa kanya, wala siyang kwenta.. Ang akala ko iba siya sa kanyang ina. Pero mukhang nakuha niya ang ugali nito, kaya dapat lang na palayasin ko siya at kalimutan ko bilang anak ko,” malawak siyang napangiti, dahil sa kanyang narinig mula rito.“Pero paano kung magnakaw na naman siya? At kung makulong siya?” Napalingon si Alvin sa kanya, dahil sa kanyang sinabi.“Mas mabuti ng makulong siya, para hindi na niya madagdagan pa ang kahihiyan na ginawa niya sa pamilya natin.” “Dad! Nakuha mo ba sa kanya ang ninakaw niya?” “Nakuha na ng katulong natin Zafira. Nakuha niya ito sa basement.” Wika ni Solene, habang na-patingin si A
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONBOOK IIICHAPTER 93RD POV "Gusto kung humingi sa 'yo ng tawad.." Wika ni Alvin, habang hinawakan niya ang kamay ni Jane. "Alam kung hindi ko dapat ginawa sa 'yo 'yon anak, pero alam mo bang hindi maganda ang ginawa mo?" muling wika niya, habang hindi umimik si Jane. "Alam ko na nagtatampo ka sa akin, dahil sa pananakit na ginawa ko, hindi ko lang na-pigilan ang sarili ko, dahil hindi maganda ang ginawa mo. Ikaw na nga 'tong may nagawang kasalanan, tapos hindi mo pa ginalang ang mommy mo." Napatingin ito sa kanya, habang bumitaw ito sa pagkakahawak niya. "Kilala mo ba talaga siya?" napa-kunot ang noo ni Alvin, dahil sa kanyang sinabi. "Jane.." "Bakit hindi mo man lang inalam ang totoo Dad?" iyak na wika nito sa kanya, habang hindi niya mapigilan na makaramdam ng awa rito. "Anak, naiintindihan kita, alam ko na ayaw mo talagang aminin ang maling nagawa mo, pero ikaw ang tinuturo ng staff na 'yon." "At ang bilis mong naniwala." "Tama n
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONBOOK IIICHAPTER 83RD POV “Bilisan mo nang pumunta rito, dahil dinala na siya ng mga pulis,” kunwari iyak na wika niya rito. Matapos niyang kausapin si Alvin, ay malawak siyang napangiti. Lalo na at alam niyang galit na galit ito.“Tingnan lang natin kung matutuwa pa sa ‘yo ang ama mo Jane, at tingnan ko lang kung hindi ka niya palayasin sa bahay namin..” “Solene!” Mabilis niyang nilapitan si Alvin. Nang makita niya ito. “Ano ang nangyari?” tanong nito sa kanya sa nag-alala na boses. “Ang anak mo, nagnakaw siya rito. Sinabi ko naman sana na kahit ano ang gusto niya ay sabihin sa akin, dahil bibilhan ko siya. Pero nagnakaw pa rin siya Alvin..” “Bakit niya ba ginawa ‘yon? Bakit kailangan niyang magnakaw? At bakit kailangan niya tayong ipahiya?” galit na wika nito, habang lihim siyang napangiti rito. “Sinabihan ko naman siya na lahat ng gusto niya bibilhin ko, ipapaturo ko lang sa kanya, pero wala talaga, ayaw niya. Mas gusto niyang mag







