LOGINMY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXVIIICHAPTER 243RD POV Sa paglipas ng mga taon, ay naging matagumpay si Gabriel sa negosyo niyo. Nakapagtapos na rin siya sa kanyang pag-aaral. “Daddy..” Wika ng Anak niya, habang binuhat niya ito. “Hmmm?” Sagot niya, habang kumalong ito sa kanya. “Bakit wala akong Mommy, tulad ng mga kaklase ko?” agad na natigilan si Gabriel, dahil sa narinig niya mula rito. “Hindi ba sinabi na sa ‘yo ni daddy, na hindi natin siya kailangan?” “Pero Dad, gusto ko rin magkaroon no’n.” Sagot nito sa kanya, kaya malakas niyang hinampas ang lamesa. Nang umiyak ito ay agad niya itong kinalong. “Sinabihan na kita noon pa ‘di ba, ayaw kung banggitin mo ‘yon, dahil alam mong ayaw ko na magkaroon ka ng ina, dahil wala silang kwenta.” Wika ni Gabriel sa anak niyang si Gibson. “Bakit umiiyak ang Apo ko?” Napatingin siya sa kanyang ina, dahil sa tanong nito. Binaba niya naman si Gibson, para maglaro. Nang makalayo ito, ay na-patingin siya sa kanyang ina, dahil nakatingin ito sa
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXVIIICHAPTER 233RD POV “Kumusta ang Anak natin?” tanong ni Conrad sa asawa niya. “Nakatulog na siya, pero alam kung sa paggising niya, ay hahanapin niya na naman si Cierra.. Conrad, ayokong tuluyan na mabaliw ang Anak natin, ayokong mangyari sa kanya ‘yon..” Iyak na wika ni Brenda, habang yumakap sa asawa niya. “Nangako ako sa kanya, na sa paggising niya, ay dadalhin ko sa kanya ang anak niya, pero alam namin na wala siyang anak, at hindi buntis si Cierra.”“’Wag kang mag-alala, inutusan ko na ang mga tauhan natin.” Wika sa kanya ni Conrad, kaya agad siyang napatingin dito. “Inutusan?” Ulit na tanong niya, habang mabilis itong tumango. “A-ano ba ang balak mo?” “Balak kung mag-ampon nalang tayo ng sanggol para sa Anak natin Brenda, alam kung sa oras na may makita siyang bata, ay babalik din siya sa katinuan.” Napatingin si Brenda sa asawa niya, dahil sa sinabi nito.“Hindi ko talaga akalain na gano’n ang mangyari sa kanya, lalo na pagdating sa isang san
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXVIIICHAPTER 223RD POV Nang magising si Gabriel, ay mabilis siyang napatingin sa paligid at nang makita niyang nasa loob siya ng kanyang silid, ay mabilis siyang bumangon. “Mommy!” Malakas na sigaw ni Gabriel, habang tumatakbo sa hagdan. “Nasa’n si Cierra, Mommy?” tanong niya sa kanyang ina. Matapos niya itong lapitan. “A-Anak, pwede bang kalimutan mo nalang si Cierra.” Napa-kunot ang noo ni Gabriel, habang napatingin sa kanyang ina. “Anong kalimutan? Mommy buntis si Cierra, pinagbubuntis niya ang Anak ko!” wika niya sa kanyang ina, pero hindi niya mapigilan na magtaka, nang mapansin niyang balewala lang ito sa kanyang ina. “Naririnig mo ba ako Mommy?” “Tama na Gabriel, at pwede bang itigil mo na ‘yang kahibangan mo, dahil hindi totoo na buntis si Cierra!” Nailing si Gabriel, dahil sa sinabi sa kanya ng kanyang ina. “Totoo ang sinabi ko Mommy, buntis si Cierra, at kaya kung patunayan ‘yo..” Wika niya rito, habang mabilis itong iniwan. “Gabriel!” si
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXVIIICHAPTER 213RD POV "Fvck! Anong kalokohan 'tong ginagawa mo Zariah?" Galit na wika ni Gabriel, habang mabilis na winaksi ang kamay nito. "Kalokohan? Anong kalokohan? Hindi kaba natutuwa na ikakasal na tayo?" Tanong sa kanyani Zariah, habang hindi na niya napigilan pa ang sarili niya na sampalin ito. "Natutuwa? Sa tingin mo ba nakakatuwa 'to?!" "Hindi ba ito ang pangarap mo? Ang maikasal tayo? Dahil mahal mo ako?" Nailing si Gabriel, dahil sa narinig niya mula kay Zariah. "Dahil ba sa kanya?" Tanong ni Zariah, habang mabilis niya itong tiningnan. "Ibang klase ka rin talaga Gabriel, dahil alam mong mas may makuha ka sa kanya, kaya ngayon gusto mo na siya!" Sigaw sa kanya ni Zariah, habang pinagsasampal ang mukha niya. "Tapos kana ba?" Tanong niya rito, habang hinawakan niya ang kamay nito. "Hindi ba wala ka rin namang gusto sa akin?" tanong ni Gabriel, habang bakas sa mukha ni Zariah ang gulat. "Akala mo ba hindi ko alam, na napipilitan ka lang sa
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXVIIICHAPTER 203RD POV “Bakit ngayon ka lang?” tanong sa kanya ni Cierra, nang makarating siya sa bahay nito. “Naghahanap pa ako sa pinapabili mo sa aking itlog.” Sagot niya, habang binaba ito. “Bakit hindi mo sinasabi sa akin na itlog pala ang pinapabili mo?” tanong niya rito, habang natawa sa kanya si Cierra. “Ibang itlog ‘yan, akin na nga ‘yang isa.” Utos nito sa kanya, habang kinuha ni Gabriel ang isang itlog at binuksan ito. Pero malakas siyang napasigaw at nagulat nang makita niya ang laman ng itlog.“Fvck! Bakit may sisiw ‘yan?” tanong niya kay Cierra, habang bukas sa mukha ni Gabriel ang takot.“Sinayang mo naman, sino bang nagsabi sa ‘yo na balatan ‘yan?” Inis na wika nito, habang kinuha nito an natapong sisiw at kinain. Gulat at takot na takot si Gabriel na tumingin kay Cierra, dahil sa ginawa nito. “G-gusto mo bang malason ang Anak natin?” takot na wika niya, habang nilapitan si Cierra. “Iluwa mo ‘yon!” “TUmigil ka nga! Hindi ‘to nakakalaso
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXVIIICHAPTER 193RD POV "Magkagulo..." Mahina na wika ni Gabriel, habang tiningnan niya ito. "Baka nakalimutan mong kaya ako nagsakripisyo para sa 'yo, para maligtas ka lang at ang pamilya mo sa kamay nila Zariah!" Sigaw niya, habang gulat itong napatingin sa kanya. "Tapos ngayon, ito 'yong sasabihin mo? Bakit Zariah, kaya mo ba siya? Kaya mo ba sila?!" Malakas na sigaw niya rito, habang hindi ito sumagot. "Hindi mo sila kaya, kaya kung ako sa 'yo manahimik ka nalang." "Gusto mo na ba siya?" tanong sa kanya ni Zariah, habang hindi siya naka-imik. "Dahil kung sasabihin mo sa akin ngayon, na nahuhulog kana sa kanya, ay hindi ako maniniwala sa 'yo Gabriel. Kilala kita, alam kung wala kang ibang gusto kun'di ako lang, at ikaw na rin ang nagsabi 'di ba, nagsakripisyo ka para sa akin, kaya alam kung pera lang nila ang habol mo," hindi siya sumagot dito, dahil ayaw niya ring malaman nito ang pagdadalang tao ni Cierra. Gusto niyang walang ibang maka-alam bukod
BOOK21 CHAPTER 33RD POV “Ang kapal naman ng mukha mo, para sabihin sa akin ‘yan.” Galit na wika niya, habang masama siyang tiningnan ng lalaki. “Jack, kung sino man ang babaeng ‘yan, ‘wag mo na siyang patulan. ‘Wag mong kalimutan na nandito ang lola mo.” Narinig niyang wika ng isang lalaking kas
BOOK21 C26 3RD POV “Akala ko ba ayaw mong magpakasal sa kanya?” Tanong sa kanya ng kapatid niyang si Ellie. “Hindi ko sinabi ‘yon Ate.” Sagot niya rito, habang malawak na ngumiti. Habang nakatitig siya kay Sebastian, na masayang nakipag-usap sa pamilya niya, ay roon niya lang napansin ang tagla
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXI CHAPTER 13RD POV “Eloise!” Tawag sa kanya ng kanyang inang si Catherine. “Bakit Mom?” “Hindi ka pa ba aalis?” Tanong nito, nang makalapit siya rito. “Aalis na po, hinihintay ko lang ang tawag ng secretary ko Mommy.” Sagot niya sa kanyang ina. “Akala ko pa naman hin
BOOK20 C32 3RD POV “Tama na, sabihin mo na sa akin kung nasa’n ka.” “Sasabihin ko lang sa ‘yo, kapag papakasalan mo na ako.” Madiin nitong wika. “Papakasalan nga kita.” Sagot niya, habang napansin niyang bigla itong tumahimik. “T-totoo ba ‘yang sinasabi mo Elijah?” “Totoo ang sinabi ko, papak







