Share

CHAPTER 15

Author: Darkshin0415
last update Last Updated: 2025-07-15 15:19:08

CHAPTER 15

3RD POV

“I-ibig mong sabihin sasama ka sa akin?” Gulat na wika ng ginang sa kanya.

“Opo Mommy...” Napakamot siya sa kanyang ulo nang maisip na hindi niya kilala ang pangalan nito.

“Matilda.” Mahinang wika ng ginang, kaya malawak siyang napangiti.

“Mommy Matilda, sasama po ako sa inyo para pakasalan ang anak niyo.” Wika niya, habang bakas sa mukha nito ang gulat.

“Oo, dahil alam ko na alam niyo na hindi totoo ang kasal namin noon ni Ezra, kaya pakasalan ko siya.” Ngiting wika niya rito.

“Hindi pa rin po ba kayo tapos kumain?” Tanong niya habang napatingin sa anak niya na mahimbing pa rin na natutulog sa mga bisig nito.

“H-hindi kana ba galit sa Anak ko?” Tanong nito sa kanya.

“Galit, pero wala akong magawa, kailangan namin siya ng Anak ko.” Sagot niya rito. Napangiti naman sa kanya ang ginang, dahil sa kanyang sinabi.

“Pasensya kana Apple, dahil niloko ka namin noon..” Hinging tawad nito kaya napatingin siya rito.

“Alam mo, hindi naman sana papayag noon si Ezra, n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Grace Bondoc
thank u po sa update sana naman po marami na ung kasunud
goodnovel comment avatar
Jieralyn Nisola
Next po plss
goodnovel comment avatar
Gretchen Chavez
thank you Po update next po ulit plsssd
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 18

    CHAPTER 18 WARNING MATURED CONTEXT!!!SPG3RD POV “Masaya ako para sa ‘yo Anak.” Wika ng kanyang ina, habang niyakap niya ito. Katatapos lang ng kasal nila ni Ezra, at hindi maitago ni Apple ang saya na nararamdaman niya. “Mabuti nalang at kinasal kana.” Tuwang wika sa kanya ng kakambal niyang si Gray. Masama niya naman itong tiningnan, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Kung sa tingin mo, makalusot kayo sa akin, dahil may asawa na ako. Nagkakamal-.”“Baby..” Sambit ni Ezra, habang hinapit nito ang kanyang bewang. Agad naman siyang napangiti at hindi na pinansin ang kanyang kapatid. “Salamat Ezra..” Wika ng kantang ina na si April, kaya napatingin siya rito. “Nang dahil sa ‘yo Anak, nagbago si Apple.” Tuwang wika nito. “Mabuti nalang talaga naisipan ni Lola na ipakasal kayo.” Ngiting wika ni Greeg. “Pero Kuya, mag-ingat ka pa rin kay Ate.” Wika ng kapatid niyang si Reymond, kaya masama niya itong tiningnan. “Bakit siya mag-iingat? Hindi mo ba alam na nagbabago na ako at hindi na

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 17

    CHAPTER 17 3RD POV “M-mahal mo ako?” Napa-irap siya rito, dahil sa tanong nito sa kanya. “Bingi kaba? Hindi mo ba narini-.” Hindi niya na-ituloy ang sasabihin niya nang bigla nalang siyang niyakap ng mahigpit ni Ezra. “Damn Baby.. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon.” Na-pakunot ang noo niya, nang marinig niya ang hikbi nito. “S-sandali lang, umiiyak ka?” Tanong niya, habang kumalas sa pagkakayakap sa kanya ni Ezra. Mabilis naman nitong pinunasan ang kanyang mga mata, habang nagyuko ng mukha. Gusto niya sana na matawa, pero pinigilan niya ang kanyang sarili. “Hindi ko alam na iyakin ka pala.” Wika niya, kaya nag-angat ito ng mukha at tumingin sa kanya. “Sino ba ang hindi maiiyak?” Wika nito sa nahihiya na boses. “Hindi lang ako makapaniwala na ang isang katulad mo, marunong magmahal.” Wika nitong muli, kaya napakunot ang kanyang noo. “Tao rin kaya ako.” Inis na sagot niya rito. “Oo nga, pero ang ibig kung sabihin. Mula noon wala ka namang nobyo. Ni hindi ka nagka-inte

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 16

    CHAPTER 16 3RD POV “K-kasal?” Hindi makapaniwala na wika ni Ezra sa kanya. “Oo, at hindi ka pwedeng umayaw.” Wika niya habang napasinghap ang ina nito nang ilabas niya ang hawak niyang baril. “Dalawa lang naman ang pagpipilian mo, pakasalan mo ako, o basagin ko ‘yang bung-.”“A-Apple, pwede bang ibaba mo ‘yang baril mo.” Takot na wika sa kanya ng ina ni Ezra. “Pwede niyo naman pag-usapan ng maayos ang kasal niyo, kaya sana itabi mo na ‘yan.” Wika nitong muli, kaya napangiti siya rito. “Madali naman akong kausap Mommy, pero gusto ko pa rin na marinig ang sasabihin ng anak niyo.” Ngiting wika niya. “Pwede bang sa loob na natin ‘yan pag-usapan.” Na-pakunot ang noo niya, dahil sa kanyang narinig. “Sinabi ko na sa ‘yo, ayaw ko nang mamaya gusto ko ngayon.”“Magpapakasal ako sa ‘yo.” Namilog ang kanyang mga mata, dahil sa narinig niya. “Totoo?” Tuwang wika niya, habang malawak na ngumiti.“Kaya itago mo na ‘yan.” Wika nito habang napatingin sa baril na hawak niya. Mabilis niya nama

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 15

    CHAPTER 15 3RD POV “I-ibig mong sabihin sasama ka sa akin?” Gulat na wika ng ginang sa kanya. “Opo Mommy...” Napakamot siya sa kanyang ulo nang maisip na hindi niya kilala ang pangalan nito. “Matilda.” Mahinang wika ng ginang, kaya malawak siyang napangiti. “Mommy Matilda, sasama po ako sa inyo para pakasalan ang anak niyo.” Wika niya, habang bakas sa mukha nito ang gulat. “Oo, dahil alam ko na alam niyo na hindi totoo ang kasal namin noon ni Ezra, kaya pakasalan ko siya.” Ngiting wika niya rito. “Hindi pa rin po ba kayo tapos kumain?” Tanong niya habang napatingin sa anak niya na mahimbing pa rin na natutulog sa mga bisig nito. “H-hindi kana ba galit sa Anak ko?” Tanong nito sa kanya. “Galit, pero wala akong magawa, kailangan namin siya ng Anak ko.” Sagot niya rito. Napangiti naman sa kanya ang ginang, dahil sa kanyang sinabi. “Pasensya kana Apple, dahil niloko ka namin noon..” Hinging tawad nito kaya napatingin siya rito. “Alam mo, hindi naman sana papayag noon si Ezra, n

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 14

    CHAPTER 14 3RD POV Napatingin si Apple sa paligid at napansin na nasa hospital siya. Nawalan siya kanina ng malay, dahil sa sakit ng kanyang t'yan. Mabilis niya naman na kinapa ang kanyang t'yan at napansin na hindi na ito gaano kalaki. “A-ang Anak ko?” Utal na wika niya at akmang tatayo sana. Pero may mga kamay na pumigil sa kanya, kaya nag-angat siya ng kanyang mukha at tumingin dito. “I-ikaw? Nasa’n ang Anak ko?” Tanong niya rito. “Nasa kabilang room lang siya at mamaya, dadalhin na siya rito ng nurse.” Sagot nito sa kanya. “Nawalan ka ng malay kanina habang papunta tayo rito. Ang sabi ng doktor, tinitiis mo lang ang sakit ng t'yan mo at kahit malapit kana manganak binabalewala mo lang.” Wika nito sa kanya. “Kasalanan mo ‘yon.” Na-pakunot ang noo. ito, dahil sa kanyang sinabi. “Bakit ako?” Taka na tanong nito sa kanya. “Dahil pinagtataguan mo ako!” Malakas na sigaw niya, kaya napahawak ito sa noo. “Pwede bang ‘wag kang sumigaw. Alam mong nakakasama sa ‘yo ‘yon.” Wika nit

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 13

    CHAPTER 13 3RD POV “Kung may binabalak ka sa Anak ko, ‘wag mo nang ituloy pa.” Wika niua, kaya gulat na tumingin sa kanya si Ruth. Ayaw niya na mag-paligoy-ligoy pa, kilala niya ito at alam niya ang ugali nito. “Dahil kapag may mangyayari sa magiging anak ko, sisiguraduhin kung dudurugin ko ang buong angkan mo.” Muling wika niya habang napalunok ito ng laway. Ayaw na ayaw niyang danasin ang nangyari sa mga anak ng pinsan niya noon. “Wala akong balak na masama sa anak mo Apple. Gusto ko lang na tulungan ka.” Sagot ni Ruth.“Alam mo kung anong tulong ang gusto ko mula sa ‘yo, ‘yon ay ituro mo sa akin ang kinaroroonan ni Ezra.”“Ilang beses ko bang sabihin sa ‘yo na hindi ko alam kung nasa’n siya. Alam mo bang hiniwalayan niya ako noong umalis ka?” Wika nito, kaya napatingin siya rito. “Mabuti naman at pumayag ka.” Sagot niya habang tinalikuran ito, kahit namimilipit pa siya sa sakit ng kanyang t’yan ay hindi niya ito pinapansin. Ayaw niya lang na si Ruth ang sumama sa kanya. Iniisi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status