Share

CHAPTER 6

Author: Darkshin0415
last update Last Updated: 2025-08-21 18:48:41

CHAPTER 6

3RD POV

Napatingin si River sa kamay niya nang hawakan ito ni Vanna.

“Hoy! Vanna! Hindi pa tayo tapos! Bumalik ka rito!” Sigaw ng babae, pero hindi ito nakinig dito.

“Akala ko ba matapang ka?” Tanong niya, habang hindi ito tumigil sa paglalakad. Muli rin siyang napatingin sa kamay niya na hawak nito, dahil parang wala itong balak na bitawan ang kamay niya.

“Ayokong makipag-away sa kanya, dahil wala siyang kwentang tao.” Sagot nito, habang pumasok sila sa gate.

“Saan ka pala galing? Bakit bigla ka nalang umalis?” Tanong niya, habang binawi ang kanyang kamay.

“Umuwi lang ako sa bahay.” Balewala na sagot nito sa kanya.

“Sinabi ko sa kanila na hihinto na ako sa pag-aaral.”

“Ano naman ang pumasok sa utak mo? Bakit gusto mong huminto? Gusto mo bang pagtawanan ng lahat, dahil wala kang natapos?”

“Wala akong pakialam, wala rin namang saysay ang buhay ko, walang kahit isang tao na nagmamahal sa akin, mas mabuti pa sigurong maging palaboy nalang ako.” Maktol na wika nito, ka
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Alexis Mapalad Venzon
tanx po sa update. bukas ulet.
goodnovel comment avatar
Ermelyn Surigao
thank you sa update ma'am God bless you always
goodnovel comment avatar
Gretchen Chavez
thank you po update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 6

    CHAPTER 6 3RD POV Napatingin si River sa kamay niya nang hawakan ito ni Vanna. “Hoy! Vanna! Hindi pa tayo tapos! Bumalik ka rito!” Sigaw ng babae, pero hindi ito nakinig dito. “Akala ko ba matapang ka?” Tanong niya, habang hindi ito tumigil sa paglalakad. Muli rin siyang napatingin sa kamay niya na hawak nito, dahil parang wala itong balak na bitawan ang kamay niya. “Ayokong makipag-away sa kanya, dahil wala siyang kwentang tao.” Sagot nito, habang pumasok sila sa gate. “Saan ka pala galing? Bakit bigla ka nalang umalis?” Tanong niya, habang binawi ang kanyang kamay. “Umuwi lang ako sa bahay.” Balewala na sagot nito sa kanya. “Sinabi ko sa kanila na hihinto na ako sa pag-aaral.” “Ano naman ang pumasok sa utak mo? Bakit gusto mong huminto? Gusto mo bang pagtawanan ng lahat, dahil wala kang natapos?” “Wala akong pakialam, wala rin namang saysay ang buhay ko, walang kahit isang tao na nagmamahal sa akin, mas mabuti pa sigurong maging palaboy nalang ako.” Maktol na wika nito, ka

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 5

    CHAPTER 5 3RD POV “Damn it!! Alam mo ba kung magkano ang halaga ng kotse na ‘yan?” Galit na tanong niya rito. “Wala akong pakialam, dapat ko lang naman ‘yang sirain dahil hindi mo ako pasasakayin d’yan.” “’Yon lang?” Tanong niya rito, dahil sa babaw ng rason nito. “Oo.” Balewala na sagot nito, habang tinalikuran sila. “Sir, ano po ang gagawin natin sa kotse mo?” Tanong sa kanya ng kanyang tauhan.” “Itapon mo.” Inis na sagot niya rito. “Hindi mo dapat ginawa ‘yon.” Galit na wika niya, nang makapasok siya sa kanilang silid. “Hindi mo dapat pinapairal ang pagiging bata mo.” Muling wika niya rito. “Hindi na ako bata.” Sagot nito, habang nakatingin sa bintana. “Hindi? Pero tingnan mo ‘yang ugali mo! Daig mo pa ang isang bata!” “Dahil ginalit mo ako!!” Sigaw nito sa kanya. “Simple lang naman ang gusto ko, gusto kung sumakay sa kotse mo, dahil sira ‘yong kotse ko.”“Ikaw din ang sumira nun ‘di ba? Baka nakalimutan mong binangga mo ‘yon sa gate!” “Dahil ayaw akong papasukin ng m

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 4

    CHAPTER 4 3RD POV “H-hindi isang matanda ang asawa niya?” Wika nito, kaya lalong napa-kunot ang noo nito. “Alex, ano pang ginagawa mo? Paalis mo na ang taong ‘yan!” Galit na wika ng lalaki. “Kung may dapat mang umalis dito, kaya ‘yon.” Inis na wika niya, dahil kanina pa siya napipikon sa lalaki. “H-hindi mo naman siya kailangan na paalisin Mr. Johnson, maganda ang pagpapatakbo niya sa pabrikang ‘to.” “Maganda?” Ulit na tanong niya, kaya natigilan ito. “Alina ng magandang sinasabi mo? Ang mga bulok na gamit na ‘yan? Ang mga tauhan na nabibilang nalang? Tapos alam mo ba ang ginawa ng taong ‘yan? Binaboy niya lang naman ang pabrika.” Galit na wika niya rito. “Ngayon sabihin mo sa akin, kung tama bang manatili pa siya rito?” Muling tanong niya.“Hoy! Hindi mo ba talaga nakilala si Alex?!” Sigaw ng lalaki sa kanya.“Wala akong pakialam kung sino siya.” Sagot niya. “Gawin n’yo na ang inuutos ko!” Sigaw niya sa kanyang mga tauhan. Habang napatingin sa isang lalaki. “Lumapit ka rito

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 3

    CHAPTER 33RD POV “Nineteen?” Gulat na wika niya. “Oo, pero ‘wag kang mag-alala Hijo, mabait si Clarissa at sigurado akong aalagaan ka niya.” Ngiting wika nito sa kanya. Nang lumabas ito ay muli niyang itinuon ang kanyang atensyon sa pagbabasa ng mga files. Nalaman niya rin palubog na ang kumpanya nila, kaya kailangan niyang gumawa ng paraan para masagip ito. Kinuha niya ang kanyang phone at tinawagan ang secretary niya, gusto niyang gumawa ito ng proposal, para sa mga investor. “Ihanda mo ang kotse.” Utos niya sa kanyang tauhan, matapos niyang kausapin ang kanyang secretary. “Kailangan nating puntahan ang pabrika, para makita ko kung ako ang sitwasyon nila ro'n at kung bakit kailangan nilang ipasara iyon.” Wika niya sa kanyang tauhan. Habang binabaybay ang daan patungo sa pabrika ay nada-anan niya ang isang paaralan. “D'yan po nag-aaral si Ma'am Vanna.” Wika ng kanyang tauhan, kaya napakunot ang kanyang noo. “Vanna?” Kunot-noo na wika niya rito. “Opo Sir, nakalimutan mo ba

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 2

    CHAPTER 2 3RD POV “Fvck! Sino ba siya sa akala niya!!” Inis na sigaw niya. “Tayo na po Sir.” Wika sa kanya ng kanyang tauhan habang binuksan nito ang pinto ng kotse. Habang nasa loob na siya, ay hindi pa rin siya makapaniwala, sa ipinakitang ugali ng babae sa kanya kanina. “Diretso na tayo sa bahay na sinabi ni Lola.” Utos niya sa kanyang tauhan. Nang makarating sila ay na-patingin siya sa paligid may mga katulong din na sumalubong sa kanya.“Isara niyo ‘yong gate at ‘wag n'yong papasukin ang sino mang gustong pumasok.” Utos niya sa guard, kaya napatingin sa kanya ang tauhan niya. “Sir, ang pagkakaalam ko po, pupunta ngayon ang asawa n'yo at dadalhin ang mga gamit niya.” Wika nito sa kanya. “Wala akong pakialam.” Balewala na sagot niya at mabilis na pumasok sa loob ng bahay. “Ito na po ang mga kakailanganin niyo Sir, para bukas.” Wika ng isang katulong, habang nilapag ang ilang folder sa lamesa. Kinuha niya ang isa nito at tiningnan. Pero agad na kumunot ang noo niya nang ma

  • My Mysterious Wife   MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XVII C1

    MY MYSTERIOUS WIFE XVII CHAPTER 13RD POV “Dad, bakit niyo naman ako ipapakasal sa taong hindi ko gusto? Hindi ko nga rin kilala ang babaeng gusto ninyong pakasalan ko.” Galit na wika ni River sa kanyang ama. “Hindi ko kagustuhan ‘yon, ang lola mo ang may gustong ipakasal ka.” “Dad, ‘wag niyo naman gawin sa akin ang ginawa nila kay Greeg.” Napahinga ng malalim ang kanyang ama, dahil sa kanyang sinabi. “Alam mong wala kaming magagawa kapag ang lola mo na mag-desisyon.” “Pero hindi maganda ang desisyon niya, na basta nalang ako ipakasal.” “Tama na River. Sinabi ko na sa ‘yo ang dahilan hindi ba?” Wika ng kanyang ama. “Bakit kasi hindi nalang si Ryker?” Tanong niya rito.“Hindi ako ang nagdesisyon, kaya sumunod ka nalang.” Wika sa kanya ng kanyang ama at iniwan siya. “Anak..” Sambit ng kanyang inang si Diana. “Mommy, ayoko pang maikasal.” Wika niya rito. “Hindi tayo pwedeng sumuway sa gusto ng ‘yong lola Anak.” “Pero Mommy,” “Anak, bakit hindi mo nalang muna kilalanin ang ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status