Share

Chapter 213

Author: Darkshin0415
last update Last Updated: 2025-01-19 21:05:36

213

3RD POV

“Hindi na naman maipinta ‘yang mukha mo Reymart.” Wika ni Anna sa anak niya, habang nasa hapag na sila ng kainan.

“Pwede ba, hayaan mo nalang ‘yang anak natin. Alam mo naman ang ugali niya.” Wika ni Recca, kaya masama niya itong tiningnan.

“Hindi pwede ‘yang ginagawa niya Recca. Alam mong may asawa na siya.”

“Mommy, ayos lang po ako, wala naman po siyang ginawa na masama sa akin.” Napatingin si Reymart sa kanya, dahil sa kanyang sinabi.

Matapos silang kumain ay agad ng umalis si Reymart. Hindi rin siya nagpaalam kay Diana, at sa kanyang ina lang siya humalik.

Habang naglalakad papunta sa taas upang gamitin ni Reymart, ang kanyang helicopter, ay hinawakan ni Anna ang kamay ni Diana.

“Pagpasensyahan mo na ang anak ko, Hija. Ang totoo, mabait naman ‘yang si Reymart.” Wika niya habang ngumiti lang sa kanya si Diana.

***

“Diana!” Tawag ni Judith, sa kanya, kaya hindi niya maiwasan na magulat.

“Anong ginagawa mo rito?” Taka na tanong niya, hindi niya kasi akalain na maki
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
magpaka martir Ka lng BA Diana kawawa Ka nman dhil LNG SA pagmamahal mo Kay Reymart
goodnovel comment avatar
Dina Villar
next chapter
goodnovel comment avatar
Ermelyn Surigao
huwag Kang magpapatalo Diana sa Judith na Yan ipaglaban mo Ang Sayo na God bless you always ma'am thank you sa update mo
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 5

    CHAPTER 5 3RD POV “Magandang umaga Sir..” Ngiting bati nito sa kanya, matapos siyang makapasok sa kanyang opisina.“Kumusta ang mga anak mo?” Tanong niya rito, habang bakas sa mukha nito anh pagkagulat. “Maayos naman po sila Sir. ‘Yon nga lang, baka pwede ko silang dalhin dito.” Napakunot ang kanyang noo, dahil sa kanyang narinig. “Dalhin? Nagpapatawa kaba? Baka nakalimutan mong opisina ‘to at hindi palaruan.” Galit na wika niya rito, habang nag-yuko ito ng mukha. “Ipaghanda mo ako ng kape.” Utos niya habang umupo siya sa kanyang swivel chair. Binuksan niya naman ang kanyang monitor at tiningnan ang mga files na hindi niya natapos pag-aralan kagabi, dahil sa kanyang kapatid. “Narito na po ang kape niyo Sir.” Wika nito, kaya nag-angat siya ng kanyang mukha at tinitigan ito. “Galit kaba?” Tanong niya habang mabilis itong ngumiti. “Hindi po Sir, hindi niyo ba nakikita na nakangiti ako?” Sagot nito habang nanatili na nakangiti. “Hindi ako nakikipag-biruan sa ‘yo Arya.” Madiin n

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 4

    CHAPTER 4 3RD POV Matapos makipag-libing si Gray, sa asawa ni Daisy, ay pumunta muna siya sa kanyang condo. Naisipan niya na magpahinga, dahil pagod siya. Simula kasi ng lamay nito ay hindi na sila nakapag-pahinga. Lalo na at kailangan nilang samahan ang pinsan nila. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na wala na ito. “Sir.” Napalingon siya kay Arya, habang nasa tabi niya ito. “Ano ‘yan?” Kunot-noo na tanong niya rito. “Tissue. Hindi niyo ba nakikita Sir?” Wika nito, kaya inis niya itong tiningnan. “Alam ko, ang tinatanong ko, kung ano ang gagawin ko niyan?” “Punasan niyo po ‘yong luha niyo.” Sagot nito, kaya hinawakan niya ang kanyang mga mata.“May nakita kabang luha sa akin?” “Wala, pero baka pinipigilan niyo lang umiyak.” Nailing si Gray, dahil sa sinabi sa kanya ni Arya. “Pero kawawa naman po si Ma’am Daisy, bagong kasal pa lang po sila, tapos nawala na agad ang asawa niya.” Wika nito sa malungkot na boses. NANG makarating sila sa condo ay agad siyang puma

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 3

    CHAPTER 33RD POV “Sino ang babaeng ‘yon?” Tanong niya sa isang manager. “Siya po si Arya Martin, Mr. Johnson.” Sagot nito sa kanya. “Bakit mo tinatanong?” Taas kilay na tanong ng kapatid niya. “Gusto ko siyang gawing assistant.” Sagot niya rito na kina-kunot ng noo nito. “Ayaw mo na ba sa secretary mo?” Tanong nito sa kanya. “Hindi ko sinabi na gagawin ko siyang secretary. Ang sabi ko personal assistant.” Sagot niya rito. Pero bigla nalang siyang binatukan ni Apple, kaya napahawak siya sa kanyang ulo. NANG matapos pumunta si Apple, sa kabilang building ay agad na siyang nagpa-alam dito na babalik na sa kanyang opisina. Marami pa siyang gagawin at hinihintay niya ang babaeng nakita kanina. “Ako pa talaga ang hinahamon niya.” Galit niyang wika, dahil hindi niya pa rin matanggap na nakalabas ito ng kulungan. “Sir, nasa labas na po si Miss. Martin.” Wika ng kanyang secretary, sa telepono. “Papasukin mo.” Utos niya rito. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto kaya nag-angat siya

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 2

    CHAPTER 2 3RD POV “Ano ng balita?” Tanong niya sa kanyang tauhan, nang masagot niya ang kanyang phone. “Nalaman ko na po, Boss. Kung saan nakatira ang babaeng ‘yon.” Sagot nito sa kanya. “Kung ganun, tumawag kana ng pulis at ipahuli mo ang babaeng ‘yon.” Utos niya rito. “Gusto kung hindi na makakalabas ang babaeng ‘yon.” Muling wika at agad na pinutol ang linya. Matapos niya itong maka-usap ay umupo siya sa kanyang upuan at muling tiningnan ang mga document na pinadala ng kapatid niyang si Apple. Kailangan niya itong unahin, dahil alam niya na magagalit ito kapag hindi niya agad ito maibalik sa kanya. Nang sumapit ang tanghalian ay naisipan niyang lumabas para kumain. “Sa'n ka pupunta?” Tanong sa kanya ng kakambal niya.“Kakain, sasama kaba?” Sagot niya rito. “Hindi pero sakto at nandito ka, ikaw na muna ang pumunta para kausapin ang isang business partner ko.” Wika ni Greeg, kaya napakunot ang noo niya. “Teka lang, bakit ako?” Taka na wika niya rito. “Lalabas ka, isa pa.

  • My Mysterious Wife   MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XI CHAPTER 1

    MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XI 3RD POV CHAPTER 1 “Anak, hindi kaba sasama sa amin?” Tanong ng kanyang inang si April. “Hindi muna Mom, pakisabi nalang kay Daisy.” Sagot niya rito. “Ikaw talaga, mas inuuna mo pa ‘yang trabaho mo.” “Mom, wala naman akong mapapala kung pupunta ako ro’n.” “Anong wala? Alam mong naroon ang lahat ng pamilya natin.”“Mommy, please. Ayoko pong makipagtalo sa bagay na ‘yan, kaya mauna na ako.” Wika niya at humalik sa pisngi nito. “Noon pa man ay hindi na talaga mahilig dumalo si Gray sa mga pagtitipon na ginaganap ng pamilya nila. Mas gusto niya pa na mag-focus sa opisina. “Aalis ka?” Tanong ng kakambal niyang si Greeg. “Oo, bakit?” Sagot niya rito. “May pinapagawa na naman ba sa ‘yo si Apple?” Tanong nito, habang umiling siya rito. “May kailangan lang akong gagawin sa opisina.” Sagot niya rito. “Ayaw mong pumunta sa bahay ni Tito Reymart?” “Hindi alam mo na hindi ako mahilig dumalo sa pagtitipon na ‘yan.” Sagot niya habang pumasok sa kanyang kotse.

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 39

    CHAPTER 393RD POV “G-gusto mo na ba ako?” Utal na tanong nito sa kanya. Habang pinunasan niya ang kanyang mga luha at masama itong tiningnan. “Bakit mo pa tinatanong ha? Hindi pa ba halata?” Galit na sigaw niya, kaya dali-dali siya nitong binuhat at hinalikan sa labi. “Damn.. Panaginip lang ba ito?” Tanong nito, habang hinampas niya ito sa braso. “Hindi ako katulad mo, manloloko.” Inis na wika niya, habang napangiti ito. “Patawad Mahal ko, ginawa ko lang naman ‘yon, dahil sa labis na pagmamahal na nararamdaman ko sa ‘yo.” Hinging tawad nito sa kanya. “Kalimutan na natin ‘yon, ang mahalaga nagmamahalan tayo.” Ngiting wika niya rito, habang muli siyang hinalikan ni June. “Nakarami kana. Ibaba mo na nga ako.” Irap na wika niya rito. “Inaway mo na naman ako.” Wika nito sa nagtatampo na boses. “Tse! Manahimik ka, dahil kailangan mo pa akong pakasalan muli.” Wika niya habang ngumiti ito. “Ayaw mo ba sa kasal natin noon?” “Ayoko nun.” Parang bata na wika niya rito. “Kahit saang

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 38

    CHAPTER 38 3RD POV Napakunot ang noo ni Daisy, habang napatingin kay June, na naglalakad. Nakayuko kasi ito at parang takot tumingin sa mga tao, na nakasalubong nito, kahit pa nasa loob ito ng sarili nitong kumpanya. “June!” Malakas na sigaw niya, kaya bakas sa mukha nito ang pagkagulat nang lingunin siya nito. “Bakit ka sumigaw?” Tanong nito, nang makalapit ito sa kanya. “Basta mo nalang akong iniwan, kaya sinigawan kita. Ang bilis mo kasing maglakad, kaya hindi kita mahabol.” Ngiting wika niya rito. Lihim naman na natutuwa si Daisy, dahil kita niya sa itsura nito ang pagkapahiya. “Sino bang babae ang pupuntahan mo?” Malakas na wika niya, habang gulat itong napatingin sa paligid. “Pwede ba Daisy.” Saway nito sa kanya. “Daisy? Bakit biglang nagbago ang tawag mo sa akin?” Wika niya, sa malambing na boses at niyakap ito. “A-ano ba? Bitawan mo ako nakakahiya.” Wika nito, pero mahigpit niya pa rin itong niyakap. Napag-alaman ni Daisy, na ito ang ayaw niya. Ang tingnan ng mga tao

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 37

    CHAPTER 37 3RD POV Napatingin si Daisy, sa paligid. Kung saan ang opisina ni June. Nalaman niya na pumasok na ito. “Nasa loob ba si June?” Tanong niya sa babaeng nakatayo sa harap ng pinto. May sarili itong mesa at monitor, kaya sa tingin niya ay ito ang secretary ni June. Pero napakunot ang kanyang noo nang napansin ang isang butas na katulad sa silid na pinag-kulungan nito sa kanya noon. “Nasa loob po si Sir Ma'am, kung ano po ang kailangan niyo sa kanya, isulat niyo nalang po rito.” Magalang na wika nito, habang inabutan siya ng papel. “Ano? Isusulat ko?” Gulat na wika niya habang tumango ito sa kanya. “Ayokong magsulat. Ang gusto ko papasukin mo ako sa opisina niya.” Galit na wika niya, habang napansin ang pagtataka sa mukha nito. “Hindi niyo po ba alam, na hindi po siya tumatanggap ng bisita? Kahit nga po ako na secretary niya ay hindi ko pa po siya nakikita.” Wika nito, kaya napakunot ang kanyang noo. “Wala akong pakialam kung hindi mo pa siya nakikita, at wala rin akong

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 36

    CHAPTER 36 3RD POV “Ahh! Daisy..” Wika nito habang biglang natumba. Hindi naman siya kumibo at masama lang itong tiningnan. “Hindi mo ba ako tutulungan?” Wika nitong muli. “Tumayo ka!” Galit na sigaw niya rito.“Anong tumayo? Alam mong hindi ako makakatayo, dahil sa mga paa ko.” “Sinungaling!!” Muling sigaw niya at nilapitan ito. “Ang kapal ng mukha mo, para lukuhin ako!” Galit na wika niya at malakas itong sinampal. “Ilang beses ko nang nakita na tumayo ka, kaya hindi mo na ako maloloko pa!” Iyak na wika ni Daisy, at mabilis itong iniwan. “Hindi kita niloko!” Sigaw nito, kaya natigilan siya. Nilingon niya ito at nakita itong tumayo. “Simula nang mangyari ang aksidente ay wala na talaga akong balak na tumayo pa. Pero bigla ka nalang dumating!” Napakunot lalo ang kanyang noo, dahil sa narinig niya. “Ikaw ang nagpumilit na pakasalan ako! Hindi ako ang nagmamakaawa sa ‘yo, dahil tinuruan ko na ang sarili ko na kalimutan ka! Tapos ngayon... Ngayon ako ang sisihin mo Daisy?”“Per

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status