Share

Chapter 294

last update Last Updated: 2025-03-01 13:02:38

294

3RD POV

“Titigan mo nalang ba ‘yan?” Tanong nito sa kanya, kaya masama niya itong tiningnan.

“Bakit? Anong gusto mo? Punitin ko ‘to?” Wika niya rito.

“Hindi ko sinabi na punitin mo. Ang gusto ko, pirmahan mo.”

“Bakit ko naman pi-pirmahan ‘yan? Hindi ako baliw, para magpakasal sa ‘yo!” Sigaw niya rito.

“Madali naman akong kausap. Sige, pumili ka, kung sino sa kanila ang uunahin ko?” Napakunot ang kanyang noo, habang napatingin sa harapan niya. Nakita niya ang malaking monitor, at agad na namilog ang kanyang mga mata, matapos niyang makita ang ate Catherine niya, kasama ang kanyang mga pamangkin.

“Sino kaya ang uunahin ko?” Muling wika nito, kaya agad na tumayo si Dell.

“’Wag mo silang galawin!” Galit na sigaw niya rito.

“Madali akong kausap, basta pirmahan mo ‘yan.” Ngising wika nito sa kanya.

“Mas mabuti pang bulagin mo nalang ulit ako, kaysa magpakasal ako sa ‘yo!”

“Ayoko, nagbago na ang isip ko. Gusto na kitang pakasalan, para mapasa-akin na ang yaman na mapupunta sa ‘y
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
goodnovel comment avatar
Myra Cinco
maganda more pa
goodnovel comment avatar
Jamaira Ali Kusain
more update please
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 19

    CHAPTER 19 3RD POV “I-inuutusan?” Utal na tanong niya rito. ‘Kainis! Bakit ba naging ganito ang isip niya? Akala ko pa naman isip bata talaga siya?’ “Ariel, masyado ka pang bata para d’yan, dapat hindi ganyan ang iniisip mo. Mas unahin mo ang pag-aaral mo.” “Yaya, hindi mo ba alam na nineteen na ako.” Sagot nito sa kanya. “At naisip ko na hindi na ako bata, alam mo bang ganun din ang ginawa ko noon kay Jeff, hinanap ko rin siya.” “Anong hinanap?” “Kasi bigla rin siyang nawala, kaya hinanap ko siya at pinabalik dito, kahit alam ko na may girlfriend na siya.” Napapikit siya sa kanyang mga mata, dahil sa sagot nito sa kanya. “Alam mo bang matanda na ang lalaking nagustuhan mo?” Wika niya, habang taka itong napatingin sa kanya. “Anong matanda Yaya?” “Ang ibig kung sabihin, mas malaki ang edad niya, kaysa sa ‘yo. Parang ka-edad nga lang niya ang mga kuya mo.” Sagot niya, habang napatitig ito sa kanya. “Paano mo ‘yon nalaman Yaya? Kilala mo ba siya?” Natigilan siya, dahil sa tan

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 18

    CHAPTER 18 3RD POV Taka siyang napatingin sa pinamili ni Ariel, dahil halos punuin na nito ang likod ng kotse. “Ano ang gagawin mo r’yan?” Tanong niya, nang makapsok sila sa loob ng kotse. “Ibibigay ko ‘to.” Napa-kunot ang kanyang noo, dahil sa sagot nito sa kanya. “Ibibigay? Kanino mo naman ‘yan ibigay?” “Basta Yaya, baka kasi sabihin mo sa kanya.” Ngiting wika nito sa kanya. Nang makarating sa paaralan ay agad nitong pinababa ni Ariel ang pinamili nito. “Kayo na ang bahala na magbigay r’yan.” Narinig niyang utos nito sa mga tauhan nito. “Sandali nga, para kanino ba ‘yan?” Tanong niya rito. “Sa kapatid ni Edward, Yaya.” Natigilan siya dahil sa sagot nito sa kanya. “A-ano ang ibig mong sabihin?” Gusto kung ibigay sa kanya lahat ‘yan at ang iba naman d’yan ay kay Edward. Ang sabi kasi ng tauhan ko nandito si Edward, Yaya.” Ngiting wika nito sa kanya. Bigla naman siyang kinabahan, dahil sa sinabi nito. Ang akala niya ay hindi ito seryoso sa sinabi nito sa kanya, pero mali pal

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 17

    CHAPTER 17 3RD POV “P-paano mo siya nakilala?” Taka na tanong niya rito. “Noong una, natakot ako sa kanya Yaya, pero noong naalala ko ang ginawa niya, ang bawat hali-.” “Tama na.” Wika niya, habang taka itong napatingin sa kanya. “Dapat mong kalimutan ang nangyari, dahil bunga lang ‘yon ng kalasingan.” Muling wika niya rito. “Hindi kaba natatakot sa taong ‘yon? Hindi mo siya kilala.” “Yaya, naalala ko siya. Siya ‘yong lalaking nag-bigay sa akin ng pagkain doon sa airport.” “Basta, kalimutan mo ang taong yon, hindi siya karapat-dapat sa ‘yo.” “Hindi pwede Yaya, kailangan ko siyang hanapin.” “Ariel, pwede bang makinig ka sa akin, gusto mo bang mawala ako?” Muling napa-kunot ang kanyang noo, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Ano ang ibig mong sabihin Yaya?” “Kapag ipagpipilitan mong hanapin ang taong ‘yon, posible na magalit sa akin ang lola mo. Dahil isipin niyang hindi kita nagabayan ng maayos.” Wika niya, habang napansin niyang natigilan ito. “Kaya sana, makinig ka sa akin,

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 16

    CHAPTER 16 3RD POV “Yaya, phone mo ba ang tumutunog?” Tanong sa kanya ni Ariel, kaya napatingin siya sa kanyang phone. Hindi niya kasi napansin na tumunog ito, dahil ang atensyon niya ay naroon lamang kay Ariel. Bigla naman siyang kinabahan nang makitang si Katya ang tumawag. Hindi niya kasi napansin na iba ang phone na nakuha niya kanina. “Dito ka muna, sasagutin ko lang ang Nanay ko.” Pagsisinungaling niya rito. Tumango naman ito kaya agad siyang lumayo kay Ariel. Napatingin muna siya sa paligid, bago niya sinagot ang tawag ni Katya. “Bakit ka tumawag? Anong kailangan mo?” Tanong niya, matapos niyang sagutin ang tawag nito. “Gusto ko lang humingi ng tawad sa ‘yo Edward. Maniwala ka, hindi ko talaga alam na ganun ang plano ng Daddy ko.” Wika nito, habang na-pahinga siya nang malalim. Habang naisip ang sinabi sa kanya ni Ariel. “Ayos lang ‘yon, kalimutan mo na ‘yon.” Sagot niya rito. “Kung ganun, ayos na tayo?” Natigilan siya, dahil sa tanong nito sa kanya. “Anong ibig mong s

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 15

    CHAPTER 15 3RD POV “Yaya..” Iyak nitong sambit nang makita siya. Yayakapin na sana siya ni Ariel, pero mabilis siyang umiwas dito. Bakas naman sa mukha nito ang pagtataka, habang napatingin ito sa kanya. “Galit kaba sa akin Yaya? Ayaw mo na ba sa akin, bilang alaga mo?” Hikbing tanong nito sa kanya, habang hindi niya alam kung ano ang isasagot dito. Gulong-gulo kasi ang kanyang isipan at natatakot siyang hawakan si Ariel, dahil sa naalala niya ang kagaguhan na ginawa niya rito. “Hindi ako galit sa ‘yo..” Sagot niya habang hindi napigilan na mapaluha. ‘Kun’di galit ako sa sarili ko Ariel.’ Ito ang gusto niyang sabihin sa dalaga, pero nauunahan siya sa takot, dahil sa oras na malaman nito ang totoo. Alam niyang hindi siya mapapatawad ni Ariel. “Gusto mo na rin bang umalis katulad ng iba?” Wika nito, habang pinunasan nito ang mga luha. Hindi niya naman napigilan ang sarili niya na lapitan si Ariel at siya na mismo ang nagpunas sa mga luha nito. “Patawad Ariel..” Hinging tawad niy

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 14

    CHAPTER 14 WARNING MATURED CONTEXT!!!SPG3RD POV “Pwede bang umupo ka lang!” Inis na wika sa kanya ni Ivan. “Magbabanyo ako.” Sagot niya rito. “’Wag mo na akong samahan, dahil kaya ko.” Muling wika niya at pasuray-suray na tingungo ang banyo. Kahit medyo nanlalabo ang kanyang paningin dahil sa kanyang ininom ay inayos niya pa rin ang kanyang paglalakad, dahil ayaw niyang maihi sa kanyang pantalon. “Ayos ka lang?” Tanong sa kanya ng isang babae, nang bigla nalang siyang natumba. Napa-kunot naman ang kanyang noo, dahil parang kilala niya ang boses nito.“Saan kaba pupunta?” Narinig niyang tanong nito sa kanya. Nang makakita siya ng isang pinto ay agad niya itong tinuro sa babae. “Tulungan mo akong pumunta ro’n.” Sagot niya rito, kaya tinulungan siya nitong tumayo at dinala sa tinuro niyang silid. Nang makapasok sila ay hindi niya sinadya na muling matumba at nadaganan niya ang babae. “A-ang bigat niyo po Kuya..” Narinig niyang wika sa kanya ng babae, kaya napa-kunot ang kanyan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status